CHAPTER SIX
TUMAYO si Jared at ipinaghila siya ng upuan. Inaasahan niyang ngingitian siya nito pero hindi man lang siya nito nakuhang tingnan. Nang makaupo siya ay tahimik na bumalik ito sa pagkakaupo. Ano na naman kaya ang problema nito?
Sinalinan ng red wine ni Jared ang isang baso wine glass at iniisod palapit sa kanya. Inilagay nito sa ang isang braso sa sandalan ng silya niya at bahagyang tumagilid.
"Hi," sa wakas ay sabi nito.
Hindi niya napigilan ang matawa sa biglang pagbabago ng mood nito.
"Hi, Red. You look dashing tonight."
"I look tired I know."
Hinawakan niya ang mukha nito.
"Galing ka ba sa opisina?"
"No. Binisita ko ang isang factory namin at nakipag-usap sa mga trabahador doon. They got to address their concerns with regards to their salary and workplace. Mukhang magiging busy ako next week."
"Ayos lang 'yan." Hinalikan niya ang sulok ng mga labi nito. "Hindi ko alam na pupuntahan mo 'ko ngayon."
Hinawakan ni Jared ang isang kamay niya at hinalikan ang kanyang palad.
"I need you tonight, Sonja."
Pabiro niyang iniikot ang mga mata niya.
"Sana sinabi mo nang nakapaghanda ako."
"Alam mong hindi 'yan problema."
Ganoon si Jared. Every weekend he would call her or he would just show wherever she was to ask her to spend time with him. At wala silang label sa relasyon na meron sila sa lagay na iyon.
"Who was that man?" pag-iiba nito.
"Si Mr. Mallari, boyfriend ni Ate Amanda, 'yong sinabihan mo na gusto mo akong makausap." Kinuha niya ang wine at ininom iyon. "Bakit mo natanong?"
"Wala naman. Bukod sa nagseselos ako sa atensiyong ibinibigay mo sa kanya."
Marahan niyang sinundot ang pisngi ni Jared. Hindi yata niya inaasahan ang pagbanggit nito sa salitang 'selos'. Hindi naman 'yon applicable sa kanilang dalawa, 'di ba?
"Mas gusto ko ang lasa ng mga halik mo kaysa sa wine na 'to, Red." Itinaas niya ang kanyang baso. "Cheers?"
"Cheers."
"WHAT do you want for dinner?"
Sasagot na sana si Sonja pero nauwi iyon sa hagikhik nang hulihin siya ni Jared sa kanyang likuran at hinalikan ang kanyang leeg. Napatakip siya sa kanyang bibig. Tahimik na ang sala ng condo ni Jared nang makarating sila.
Kumawala siya rito at pabiro itong hinampas sa balikat.
"Nagiging clingy ka na yata lately," nakapaningkit na sabi niya rito.
"Really?" Hinapit siya ni Jared sa baywang at naglakad na sila sa direksiyon ng kitchen. "What if I'll have you for dinner instead?"
"Hindi ka ba makapaghintay?"
Akmang hahalikan siya ni Jared nang mapabaling ang mukha nito sa mesa. Nanlaki rin ang mga mata ni Sonja nang makitang nandoon na si Jamie at kumakain ng pizza nang mag-isa.
Nakasalubong na naman ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanila.
"Jamie, bakit gising ka pa?" tanong ni Jared.
"Dad, it's weekend. You said I can stay up late. Besides, nagutom ako, e."
"Si Manang Nadia ba ang nag-order ng pizza para sa'yo?"
"Ako lang."
"Hi, Jamie," bati naman si Sonja rito.
"Hello, Miss Sonja. Would you like some pizza? Malaki ang in-order ko. Hindi ko 'to mauubos."
"Thank you. Hindi ako tatanggi." Kinalabit niya si Jared. "Ito ang gusto kong kainin para sa dinner."
"Okay. Sabi mo, e."
SONJA'S toes curled as she pressed her body against Jared. Naramdaman niya ang pagbaon ng kanyang mga kuko sa likuran nito. She rocked her hips hard to meet his thrusts.
"Red... omigosh, Red..." she cried, unable to contain her moans.
Nararamdaman niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kanyang leeg. She can't help it anymore. She's about to come.
"Come for me, Sonja," he whispered huskily.
"I-I'm coming..." tugon niya sa pagitan ng pagkaliyo.
And with a groan, Jared came inside her, meeting her c****x with his hot seed. Napaliyad siya nang husto, jerking her legs in the process. Sa mga sumunod na sandali ay pinuno ng mga paghabol nila ng hininga ang silid nito.
Ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong posisyon bago kumilos si Jared sa ibabaw niya at nahiga sa kanyang tabi. Kinabig siya nito at pinahilig sa dibdib nito. Sonja planted a soft kiss on his chest.
He made her night again.
"Red," tawag niya rito.
"Hmm?" Sinuklay nito ang buhok niya at kinintalan ng halik ang kanyang noo.
Tiningnan niya ito. "Hanggang kailan tayo ganito?"
Tiningnan din siya ni Jared na para bang nawiwerduhan ito sa tanong niya.
"Ano'ng klaseng tanong 'yan, Sonja? Hindi ka na ba... I mean, ayaw mo na ba—what do you actually mean?"
"Hindi ko sinasabing ayaw ko na. Gusto ko lang maging realistic. Wala akong balak maging bedwarmer mo habang-buhay."
"Bedwarmer?" hindi makapaniwalang ulit ni Jared.
"Oo, bedwarmer," mapakla ang tawang tugon niya. "Hindi mo lang ako basta one-night stand, 'di ba? Kahit hindi mo sabihin, parang gano'n nga ako sa'yo—bedwarmer mo. Hindi naman sa may reklamo ako ro'n. I also agreed to this."
"Is there someone else?"
Nakita niya ang pagdilim ng anyo nito.
"There is no one else," she said. "But I can't promise you there won't be someone else. Kaya hangga't maaga pa, sinasabi ko na. Paano kung ma-in love ako sa iba? Mas mabuting ma-in love ako sa iba kaysa ma-in love sa'yo, 'di ba?"
"Why are we talking about love all of a sudden?"
"We are talking about me, Jared," giit naman niya. "Mangyayari at mangyayari rin naman 'yon, 'di ba? Kapag na-in love na 'ko, we have to end this. Basta lalayo ako."
"How did you know you can't fall in love with me?" sa halip ay tanong nito.
"Because you're still in love with your wife. At kahit hindi mo sabihin, alam kong wala ring posibilidad na ma-in love ka sa 'kin." She bit her lower lip.
Hindi naman nakapagsalita si Jared. He looked like he was caught off-guard. Nagpanggap siyang naghihikab.
"Good night, Jared." Tinalikuran ito ni Sonja. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang kanina pa niya naninikip na dibdib.
Mabigat nga ang dibdib niya. Hindi niya alam kung kailan siya nagsimulang makaramdam niyon pero huli na. Hindi mahirap malaman na hanggang ngayon, mahal pa rin ni Jared ang asawa nito.
Gusto niyang pagsisihan na binuksan pa niya ang usapang iyon dahil nasaktan lang siya. Hindi naman niya sinasadya. Kung alam lang sana niyang mangyayari iyon, pinigilan na lang sana niya ang sariling ma-in love dito. At kahit mahirap, she took the risk.
Sinabi lang niya iyon hindi dahil gusto niyang bigyan ng taning ang ugnayan nila. Sinabi niya iyon dahil gusto niyang mapaisip si Jared at ma-realize nito na kahit papaano, may halaga rin siya rito bukod sa pagiging parausan.
"KIMBERLY!"
Napabalikwas ng bangon si Jared. Nang ma-realize niyang isa na naman iyong masamang panaginip ay napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya makapaniwalang mapapanaginipan niya ulit iyon matapos ang ilang buwan. Iyon na ang pinakamatagal na panahong hindi siya dinadalaw ng bangungot na iyon.
Alam niyang dahil iyon kay Sonja. Nakalimot siya nang dahil dito. Habang kasama niya ito ay nakakalimutan niya ang masaklap na pangyayaring iyon sa nakaraan. Ngayon lang ulit lalo na nang mabanggit ni Sonja na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Kimberly.
When Kimberly died, tinanggap na niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya magiging masaya.
Natauhan si Jared nang hawakan ni Sonja ang kanyang mukha at hinuli ang kanyang mga mata. Nagising din pala ito. He realized he was panting and his heart was racing.
"Okay lang 'yan," bulong nito at hinalikan ang kanyang noo.
Wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanya pero nag-aalala pa rin ito sa kanya. Ano bang ginawa niya at ibinigay ng tadhana sa kanya ang babaeng kagaya nito? She was one of a kind. She was very different from her deceased wife.
"It was just a dream, Red." Dahan-dahan siya nitong pinahiga. "I am here. I am not going anywhere." Pumaimbabaw ito sa kanya at hinalikan ang mga labi niya. She bit his lip, urging him to kiss her back.
And Jared did. How could he resist her when she had the softest lips he ever kissed? He almost forgot how Kim's lips taste like. Sonja succeeded on calming him down.
Nang sinabi nitong balak nitong tapusin ang ugnayan nila kapag nahulog ang loob nito sa iba, merong naghimagsik sa kalooban niya. Hindi niya kayang makitang may kasamang iba si Sonja. Hindi niya maintindihan.
Isinara na niya ang puso niya sa pag-ibig limang taon na ang nakararaan. Wala siyang karapatang mahalin at magmahal ng iba. Kaya nga hindi siya nagawang mahalin ni Kimberly at kinamuhian pa sa loob ng halos apat na taong pagsasama nila bilang mag-asawa. Masama siyang tao.
At natatakot siyang malaman iyon ni Sonja dahil sigurado siyang hindi siya nito matatanggap. Hindi rin siya nito magagawang mahalin. Ngayon lang uli siya natakot nang ganoon.
Sonja slid down and positioned herself between his thighs. She touched him and caressed him. It didn't take long for his manhood to be awakened. Jared groaned as his navel ached in pleasure and his breathing increased.
As if to tease him, Sonja rubbed his shaft against her delicate entrance. Jared groaned when her own wetness met his. Itinukod niya ang kanyang mga siko sa kama para mas makita ito. And slowly, Sonja took him inside her.
Rocking her hips, Sonja lowered her body so their lips could meet for another glorious kiss.
"Ako na lang ang isipin mo," sabi nito sa pagitan ng paghalik.
Jared felt her sincerity. Something hit him inside. And again, it scared him. Paano kung dumating ang araw na mawawala ito sa kanya?
"Sonja..."
"I'm here, Jared."
Ikukontento na lang muna siguro niya ang sarili niya doon.
MAAGANG nagising si Sonja. Hindi na niya inistorbo pa ang tulog ni Jared at nagsuot na lang ng damit at pumunta sa banyo. Itinatali na niya ang kanyang buhok nang mapadaan siya sa sala. Napatingin na naman siya sa wedding picture ni Jared.
Last night, he woke up calling out her name. Hindi niya alam kung bakit parang binabangungot si Jared kagabi habang tinatawag ito, pero lalo lang napatanunayan ni Sonja na hindi pa nga nito nakakalimutan ang Kimberly na 'yon. Ano kaya ang nangyari sa kanila noon at nagkahiwalay ang mga ito?
Kung ano man ang dahilan, walang karapatan ang Kimberly na iyon na bigyan ng bangungot si Jared dahil sa paghihiwalay ng mga ito. He was a wonderful person.
Kaya ka nga na-in love, 'di ba? bulong ng boses na iyon sa isipan niya.
"Good morning, Manang Nadia," bati niya sa kasambahay nang datnan niya ito sa kusina.
Nakita niya ang nakasalang na kanin sa kawali.
"Good morning, Ma'am. Ang aga n'yo namang magising."
"Huwag n'yo na ho akong tawaging 'Ma'am'. Naiilang po ako," natawang sabi niya. Nakita rin niya ang mga itlog, sibuyas, at kamatis sa mesa. "Tulungan ko na po kayo."
"Sige po, Ma'am. Hindi ako tatanggi." Hinarap nito ang nilulutong sinangag.
"'Sonja' na lang ho ang itawag n'yo sa 'kin." Ipinagpatuloy niya ang paghiwa ng kamatis.
"Pasensiya na po. Nakalimutan ko," natawa namang sabi ni Manang Nadia. "Alam mo, Sonja, natutuwa ako na makita kita rito," sabi pa nito.
"Talaga po?" Lumapad yata ang tainga niya sa narinig.
"Matagal na akong nagtatrabaho para kay Jared pero ngayon ko lang siya nakitang nagbigay-atensiyon sa isang babae. Lalaki pa rin talaga ang amo kong 'yon."
Nang humagikhik si Manang Nadia ay nakitawa na rin siya. Kung alam lang nitong hindi naman talaga siya girlfriend ni Jared.
"Masaya ako na hindi na lang siya puro trabaho. Kung minsan kasi, sa sobrang busy niya, hindi na siya nakaka-attend sa school activities ni Jamie."
"Nasaan ho ba ang asawa ni Jared? Ang alam ko kasi, hiwalay na sila."
Nilingon siya ni Manang Nadia. Takang-taka ito.
"Hindi mo ba alam?"
"Hindi po. Kasi hindi naman namin 'yon napag-uusapan ni Jared."
"May limang taon nang patay si Ma'am Kimberly."
Natigilan siya sa narinig.
"T-talaga ho?"
"Oo. Wala pang muwang si Jamie noon kaya halos wala rin siyang maalala sa mommy niya bukod sa mukha nito."
"Bakit ho siya namatay?"
"Ah, e... hanggang doon lang ang alam ko, e. Nang pumasok kasi ako bilang katulong kay Jared, nailibing na ang asawa niya."
Author's Note: Late at sabaw ang update. Busy sa editor duties ang inyong lingkod. Votes, comments, and shares... they're very much appreciated. Thank you! Hehehe.