*Kaeden's POV* "Andito na sila." Sabi ni Marvin sa akin. Lumampas ang tingin niya sa balikat ko at tiningnan ang nangyayari sa likuran ko. Nakita ko rin ng umangat ang labi niya at naaaliw na pinanood ang nangyayari. Pumihit naman ako para makita ang sinasabi niya. At gaya ni Marvin, hindi ko mapigilang mangiti sa nakita ko. Tuluyan akong humarap sa mga papalapit na estudyante at humalukipkip habang hinihintay silang makalapit sa amin. Naramdaman ko namang tinapik ni Marvin ang balikat ko. "Hay naku, Kaeden. Ang dami mong pauso. Pwede namang yayain mo nalang sya." Natatawa pang bulong niya. I turned to him and smirked. "And what? Gayahin ang ginawa mo kay Teresa? Tsk.. Nah.... Ayokong masabihang nanggagaya. May originality naman ako." Marahan siyang natawa sa sinabi ko at napailing.

