*Christine POV* "Ang tagal naman nila. Anong tingin mo Sallie? Ano na kayang nangyayari sa loob?" Nagaalalang tanong ko habang sinusulyapan ang pinto at inaabangang bumukas iyon. Hindi na nga rin ako mapakali sa upuan ko sa halos tatlong oras na paghihintay namin sa loob ng Conference Room sa tabi ng Opisina ni Headmaster. Nagbuntong hininga naman si Sallie at bumaling sa akin. "Malay ko. Wala pa naman tayong naririnig na kung anong pagsabog diba? So.... baka naman naging maganda ang paguusap nila." sabi pa niya. Pero ng balingan ko siya, taliwas naman sa sinasabi niya ang itsura ng mukha niya. Bakas ba bakas dun ang kaba at matinding pagaalala. At halatang halata na hindi rin siya naniniwala sa sinabi niya kanina. Ng tingnan ko rin sila Teresa, Joie at Jeanine, parehong pareho lang

