*Sean's POV* Mabilis kong inakyat ang hagdan ng Administrator's building papunta sa pinakamataas na palapag nito. Hindi ko pinansin ang mga nadadaanan kong estudyante o kaibigan na bumabati sa akin at patuloy lang sa mabilis na pagakyat. Ng makarating ako sa six floor ay agad kong nakita sila Marvin, Kaeden, Yael at Jared sa harap ng opisina ni Headmaster. Agad nila kong napansin at seryosong bumaling sa akin. Pagkatapos ay tumango sa akin si Kaeden at nagpatiuna na siyang naglakad papunta sa ikalawang pinto sa gilid at binuksan iyon. Agad agad siyang pumasok habang sumunod naman kaming apat sa kanya. Umakyat ulit kami ng hagdan sa loob nun at nakarating sa harap ng isang malaking pintuan. Hindi kami tumigil sa paglalakad para kumatok, bagkus ay nagpatuloy kami at itinulak nalang pa

