*Sean's POV* "So ang sinasabi nyo...... Wala tayong magagawa para makuha sila mula sa Chasm?" Di makapaniwalang tanong ko kela Headmaster. Nasa Auditorium parin kami kasama ng lahat ng Warrior na tinipon nila Headmaster nung nagbukas ang huling portal. Narito din ang mga magulang nila Joie at ang lahat ng pamunuan ng Academy. Maging ang tatlong natitira naming Sources at kaming lima nila Yael, Kaeden, Jared at Marvin ay naririto pa rin kahit ilang oras na ang lumipas mula ng magsimula kaming magpulong. At sa ikinainis ko, sa dinami dami ng suggestion naming mga naririto, parating may nahahanap na mali sa mga iyon. Tumingin sa akin si HeadMaster at sinagot ang tanong ko. "Hindi sa wala.... Pero mahihirapan tayong gawin." "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng Ama ni Christine. Imbes na

