*Jared's POV* "Christine!" Sigaw ko ng makita kong tumalon ang isang anino sa likod ni Tin. Gusto ko sana siyang bigyan ng babala, pero mukhang huli na ko dahil nagawa ng tumama ng anino sa likod nya at patumbahin siya sa lupa. Parang huminto rin ang puso ko ng makitang padapa siyang bumagsak habang nanatili parin na nasa likod niya ang isang anino at nakadagan sa kanya. Kasabay ng panlalamig ng katawan ko ang pagliwanag ni Yuri ng mabitawan siya ni Tin. Mabilis siyang nagbago ng anyo at sinubukang tulungan si Christine. Pero sa dami ng nakapaligid sa kanyang mga kalaban, ni hindi niya nagawang lapitan ang vessel niya. Kahit pa galit na galit na niyang pibagkakagat ang ibang nakaharang sa kanya. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko kasabay ng pagsigaw sa pangalan ng Spirit ko. "Ead

