*Christine POV* Ang dilim.... Ang lamig... Nasan ako?... Tanong ko sa sarili habang sinusubukang gumalaw. Pero laking pagtataka ko ng hindi ko maramdaman maski ang katawan ko. Na para bang ang gaan gaan niyon kaya hindi ko na rin maramdaman ang bigat ko. Ang tahimik din ng lugar at wala rin akong marinig kahit pa ang paghinga ko. Payapang payapa din ang pakiramdam ko at para talaga akong lumututang sa kung saang hindi ko nakikita. Gustuhin ko mang idilat ang mga mata ko, parang ayaw naman ng katawan ko. At parang kontento na ko sa ganitong kalagayan. Walang sakit... walang paghihirap... walang problema... at walang inaalala. Paano nga ba ko napunta sa lugar to? Isip isip ko, pero hindi ko maalala kung anong nangyari sa akin bago ako magising sa madilim na lugar na to. Bigla ak

