*Christine POV* "Ui... kakain ka ba o ano? Kanina mo pa tinitingnan lang yang pagkain mo ah." Untag sa akin ni Tyrone. Walang gana ko siyang binalingan at tiningnan lang. Kasama ko siya, si Simon at sila Sallie sa Cafeteria ng Lumiere at kumakain ng agahan. Halos apat na araw na mula ng madischarge ako sa clinic. At imbes na sa Nacht, sa Lumiere ako pinadiretso. Ayon kasi kay Sir Adam, napawalang bisa na ang arrangement namin bilang Hunter at Prey pagkatapos ng mga nangyari sa gubat. Kaya naman balik na kami sa sarili naming House. At balik na rin sa dating routine ang pangaraw araw naming gawain. Ilang araw din kaming nagstay sa Clinic bago pinayagang makabalik sa Lumiere. Sinigurado kasi muna ng mga Healer na maibalik ang dating lakas ng mga katawan namin kahit papaano bago sumabak

