*Christine POV* "Earth Users! Any idea for the festival?" Tanong sa amin ni Caleb. Muli, nabalot ng katahimikan ang lugar. At nagkunwaring abala ang karamihan sa iibang bagay. Wala ni isa ang gustong sumalubong sa tingin ni Caleb at lahat kami kung hindi nakayuko, kung ano anong kinakalikot. "Yes?" Nabuhayang sabi ni Caleb at nakapagpangat ng ulo ko sa gawi niya. Pagkatapos ay nakita kong may isang kamay na nakataas sa ere sa harapan ng hanay naming mga Lumiere. Sa wakas, may naglakas loob na rin na magsuggest ng gagawin namin. Akala ko wala na talagang pagasa eh. Hindi tumayo ang babaeng nagtaas ng kamay. Pero nagsalita parin naman siya. "I suggest na..... cafe ang gawin natin." Nahihiya pang sabi niya. Ngumiti si Caleb sa kanya. At narinig ko ang kinikilig at pinipigil na tawa n

