Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant pagtapos ng tatlong oras na byahe. At sa lahat pa ng panahon, bakit ngayong araw pa na-lowbatt ang cellphone ko? Hindi ko alam tuloy kung paano ko ililigtas ang sarili ko sa lalaking ito na hindi ko naman kilala kung nagkataon na masama ang binabalak niya sa akin.
"Alam kong gutom ka. Kumain muna tayo at may dalawang oras pa na byahe pagtapos ng stop over na 'to."
Binati siya ng crew at ni-lead kami sa kung saan kami uupo.
"What if... What if umuwi na ko?" Pagbubukas ko ng usapan nang makuha na ng crew ang order namin.
"You have taken advantage of me and didn't want to return the favor?" Sa paningin ko pa nga'y tinaasan niya ako ng kilay.
Nakakainis naman itong makakonsensya. But at least, I know he needs me. And I am sure he won't harm me.
"Sorry. Sige, sige tutulungan na kita. Pero pagtapos ng mahalagang meeting mo, iuwi mo rin ako ha?"
"Akala ko ba gusto mong magtago at gusto mong lumayo?"
"Ha? Kailan ko sinabi 'yon? Wala akong natatandaang sinabi ko 'yon sayo."
"Hindi mo sinabi sa'kin pero basang-basa ko sa mukha mo kanina. Pero ngayon nag-aalangan ka na? Handa ka na bang harapin ang mapait na naghihintay sa'yo pag umuwi ka? Kaya mo na ba siyang harapin?"
Natahimik ako. Tama naman siya. Ayoko talagang umuwi. Gusto kong magtago. Gusto kong tumakbo ng malayo. Gusto kong iwan lahat at kalimutan kung sino ako.
At teka nga, harapin siya? Talaga bang may kung sino na siyang naisip na akala mo naman ay binuksan ko na ang usaping 'yon sa kaniya.
"Pwede kitang tulungan. 6 months contract of being my wife? How does it sound?"
Nanlaki ang mga mata ko. Bubulyawan ko na sana siya nang namalayan kong binababa na ang pagkain namin sa mesa.
Kitang-kita ko ang pigil niyang mga tawa at tinago lamang iyon sa mga ngiti.
"Siraulo ka ba? Anong wife wife ang pinagsasabi mo? Wala naman ito sa usapan kanina. Ang sabi mo, I'll just save you from embarrassment."
"Correct. I am 40 and single. That is the embarrassment I want you to save me from."
"Sana sinabi mo agad kanina. Edi sana nagpatubos nalang ako sa presinto."
"Too late for that my wife."
"Hoy! Hindi ako pumapayag."
"Too late my beautiful wife."
Tumawa siya nang mahina.
Akala naman niya kikiligin ako at magbabago ang isip ko sa pag sabi niyang 'beautiful wife'. E sanay na sanay ako masabihang maganda.
"I won't touch you like a husband and wife do unless you allow me and provoke me to do so."
Nagtagis ang mga bagang ko. He really knows how to to take advantage of the situations. He really knows how to play.
At anong akala niya, gano'n-ganon lang ang lahat. No way.
"I am engaged." Sa wakas ay napakawalan ko. Yes, ikakasal ako sa lalaking gustong-gusto ko, matagal na.
Mukhang hindi siya nagulat.
"Really? You don't look like a happy bride-to-be."
Saglit akong hindi nakasagot.
"I am more than happy to be married to the man I long for many years."
"I doubt it. What you just have said didn't convince me. It more sounds like you are convincing yourself that you will be happy to be with him..."
Hindi na naman ako nakapag-rebutt agad. Para niya akong sinampal sa sinabi niya. At ang nakakainis ay nagawa niya pang ngumisi sabay lantak ng pagkaing nasa harap niya.
"Too bad for me... Ikakasal ka na pala sa iba tapos aangkinin kitang asawa bukas ng umaga... This is really bad."
Mukhang may pang-aasar pa rin sa tono ng pananalita niya. He sarcastically said that in front of my face.
"Yeah, right. Hindi natin pwedeng ipalabas sa kung sino mang ka-meeting mo— gosh! Ano'ng sabi mo? Bukas ng umaga?!"
Naasar na naman ako sa kung paano siya mahinang tumawa.
"I'll keep you as my hostage tonight. We will meet my family tomorrow."
"You can't do that! You can't simply decide and tell me that. You have to ask me first."
"I did give you chance a while ago, but you didn't open your eyes, remember?"
"I was trapped a while ago kaya hindi ako dumilat... I wanted to make sure na hindi niya ako makita kanina."
"Too late. You are my hostage now."
"Hahanapin ako. Hindi mo kasi ako kilala."
Nagtaas lang siya ng kilay pagtapos ay sinundan ng pagkunot ng noo.
"Have you asked who the hell I was?"
Tama. Hindi ko nga siya kilala. At sino ba siya? Kung maka tanong siya akala mo kung sinong importante. Isa ba siya sa mga importanteng tao sa Pilipinas? Seriously?
"Gregory Kahli. You're free to search it."
Hindi pamilyar ang pangalan niya. Hindi ko talaga siya kilala.
Napasinghap ako nang lumabas nga sa Ogle ang pangalan niya. Gregory Kahli, the richest bachelor in town. A dashing gentleman. F*ck. Hindi ko na mabilang ang business partnership and corporation na kinabibilangan niya sa sobrang dami. Malawak ang connection niya at namamayagpag siya sa business industry.
"Now, you have to choose. My mom didn't name me Gregory for nothing."
"Kahit na. Sabi ko na sayo engage na nga ako. You have to find someone else."
Pagpupumilit ko.
Hindi ko gustong bigyan siya ng impresyon na nagbago ang isip ko dahil lang isa siyang business tycoon at kaya niya nga akong bilhin at ang angkan ko sa kayamanan niya.
"Then break the engagement."
"Are you serious?" Hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko dahil sino ba namang gaganahang kumain sa mga rebelasyong nalalaman ko ngayon?
"I can't do that..."
"Why?"
"Obvious ba... Gusto ko iyong lalaking ipapakasal sa 'kin."
"Gusto ka ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Kasi kanina pa niya ako sinosopla ng ganito.
"H-hindi..."
"Then I have your answer. I'll let you sign the contract once we arrive at my mansion."
"T-teka. Hindi nga ako pumapayag."
"Let me save you again... If he is not into you, then you literally got my attention. I think you're manageable. I think, I wanna spend the rest of 6 months with you."
Our eyes met and he is hell serious! Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin sa akin at hindi rin ako ang unang mag-iiwas ng tingin.
"You're perfect for this job. Just give me 6 months. After 6 months, if you want to get divorce, no questions ask, I'll respect it."
"Pero hindi na ako pwedeng bumalik 6 months earlier after that. Hindi ko na makukuha ang lalaking ipapakasal sa 'kin. He could be married to someone else... At... At... At wala na akong magagawa para habulin pa 'yon. I have all the advantages now, cause we are tied to our parent's agreement."
"I didn't date anyone before. I never get to be interested to anyone. Women's existence is nothing but a liability to me. But I am ready to settle down for long 6 months with you... Try me."
" I just can't bite the bullet now and I don't think I would bite the bullet of being your signed wife for 6 months."
"Would you like to extend it?"
"Hell no. That is not what I mean."
Mahina na naman siyang tumawa na akala mo ay pinaglalaruan ako.
"I just don't get you. You have all the advantages if you can see. I won't gain anything but my parent's happiness and peace of mind knowing that I finally settled down."
"Then hire someone else. Madali lang naman 'yon sa'yo."
"That's the problem. How will you ever repay me of saving you? And we have agreed upon this 4 hours ago."
"Sorry, pero hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang bitawan."
"Did he ever hold tight on you?"
"Ikaw na ang nag sabi, you will not gain anything from me and this is all on my favor... So I am not getting why did you have to ask for me and force me to this? You still have several hours to look for one. Please don't waste your time forcing me to sign a contract with you."
I pause for a moment and he didnt say anything. He is waiting for me. At hindi nakikisama ang mga mata ko at hindi bibilang ng sampu ay tutulo ang luha sa mga ito.
"Yes, I want to run real far and hide and forget who I am and wish he'll find me... but I know he won't... I was trapped with you now because of him. I... I... I... I f*****g saw him with his ex-girlfriend. I am not sure. I saw his smiling face. I could see from a far that he is really happy to be with her... And it hurts... Tama ka. Kailanman, hindi niya ako nakita. Hindi niya ako nagustuhan... That I am just a business to him. That I am just an item to boost his power and connection. That our marriage is something favorable to both side but no string attached. Pero... Pero baka pag nasa isang bubong at isang kama na kami, baka magbago 'di ba? Baka matutunan niya din na kilalanin ako."
"What if he didn't?"
Hindi ako nakasagot. Iyong thought na ikakasal ako sa lalaking nagugustuhan ko ay sobrang saya isipin. Pero ikawawasak ko talaga pag hindi niya ako natutunang mahalin kahit sa akin siya uuwi gabi-gabi.
Ang sakit isipin na hindi niya ako kailanman nagustuhan. He looked at me as if I am an item that he needs to display for connection and power. Ganito kaming mga babae dinisenyo sa pamamahay namin. Ang mga ate ko ay pinakasal sa mga lalaking negosyante na hindi nila gusto. I am the next in line. Halos lumundag ang puso ko noong sinabing ikakasal ako kay Teo Arcangel. Ang lalaking High school pa lang ako ay tunay ko ng hinahangaan. Dahil sino ba namang hindi nagkakagusto kay Teo, he is the fantasy of most of the young ladies back in the day.
"I want you to open your mind and reconsider. I don't what you to over think. But I guess you need it now. What if during those nights that you believe he will be staying with you, he chose to sneak out and be with the woman he longed for, his ex-girlfriend. What are you gonna do about that? I mean, it would be pathetic if you will wait for him whenever he is drunk to sleep with you. And I can't take that. I'm better off without him if I were you. If it is something about business as why your parents came up with the idea of you getting tied to him, you know exactly where I stand and what I do. I'll make you powerful. Tutal, nandito na rin naman tayo. I'm not sure why I'm helping you out again."
"Grabe, ang sakit-sakit naman. Para mo naman akong sinaksak." Komento ko sa mga possibilities na sinabi niya.
I wiped my tears at saka sinimulang kainin ang pagkaing nasa harap ko. Para yata akong mababaliw kung hindi ako uuwian ni Teo. At baka ikamatay ko pag nalaman ko kung saan siya magpapalipas ng gabi. Parang hindi ko kakayanin. Ang kaso lang, gustong-gusto ko siya. Gustong-gusto ko si Teo.
Tinapos ko muna ang pagkaing nasa harap bago balikan si Gregory at ang mga salitang sinabi niya.
"Hindi rin ako sigurado kung it would be worth it, ang magpakasal sa lalaking gustong-gusto ko. Parang ang selfish naman kasi di ba, lalo na at alam kong hindi naman niya ako gusto. Baka 'yong idea na itatali siya sa akin ay katumbas ng pag patay ko sa kaniya, baka lalo niya akong hindi magustuhan... Pero paano ko naman matu-twist ang fate namin kung magiging signed wife mo ako ng 6 months? It would literally mean, mapapalayo ako sa kaniya and I would be staying with you. Hindi ba't para mo rin akong pinatay no'n, or sabihin nating commatose lang ng 6 months."
I'm not sure bakit tumawa siya sa narinig niya sa akin.
"You're funny. You really are. Naisip mo talaga yang analogy na 'yan?"
"Bakit, perfect naman ng example ko ha. Tsaka, what if ma-in love ka sakin, baka hindi mo na ko pakawalan."
Tumawa na naman siya nang malakas buti nalang at malayo-layo ang pwesto ng ibang customer sa amin at hindi naiistorbo sa tawa niya.
"You're kidding. I can live without a woman. Women are just pain in the ass. I just want my parents to stop meddling with my life and stop mentioning getting a wife whenever we have gatherings. Masakit na ang tenga ko sa paulit-ulit na topic. I want something new to my ears."
"That's good to know."
"Wait, are you saying na pumapayag ka na?