“FRIENDSHIP, welcome to your room!” masiglang saad ni Mira nang buksan nito ang pintuan ng guest room. “Wow! Nice room!” masayang sambit ni Kaye nang sumilip sa loob ng kuwarto. “Halika, pasok tayo,” yaya ni Mira at nauna na itong pumasok sa loob. Pumasok na rin si Kaye. Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto. Maluwang ang kuwarto at kompleto sa gamit – queen size bed, split-type aircon, built-in closet, seating area, TV set, side table na may night lamp, study table, at sariling banyo. Cream ang pintura ng dingding at may malalaking sliding window na natatakpan ng floor-length na kurtina. Carpeted ang buong sahig. Mukhang mas mapera ang napangasawa ni Mira kumpara kay Raizer. Simpleng wood parquet lang ang flooring sa buong bahay kasama na ang master bedroom doon sa tinirhan n

