NAPAAWANG ang bibig ni Mira sa narinig. Si Carlo naman ay tumaas ang kilay. “I know the Antigua brothers especially Railey and Raiden. So, you’re married to the least popular among the Antigua brothers?” nailing na sambit ni Carlo. “Kilala mo siya?” magkasabay na tanong nina Kaye at Mira. Nagkatinginan tuloy silang magkaibigan. “Not really. Hindi ko siya kilala personally. But two years ago, I heard a story that a businessman from Luzon named Raizer Antigua is planning to put up a beach resort here in Davao City. Hindi lang yata natuloy kasi nagkaproblema doon sa property na pagtatayuan ng resort mismo,” kuwento ni Carlo. “Oh! Akala ko naman kilala mo siya talaga. Pero sikat ang Antigua Resorts dito sa Pilipinas at kahit sa mga foreigner. World class resort kasi ang negosyo ng asawa m

