Nagising siyang tila may umiiyak sa gilid niya. Nung una akala niya ay nananaginip lang siya pero ng magsalita na ang umiiyak na yon ay natigilan siya. "Di ko alam kung paano niya nakayanan ang lahat nay, alam ko mahirap ang pinagdaanan ko. Pero iba ang sakit ng sa kanya e." Dinig niyang sabi ng Ate Lira niya. Garalgal ang boses nito. "Bakit kasi di marunong magsabi sa atin, pamilya naman niya tayo. Di niya kasalanan na iniwan siya, di naman namin siya huhusgahan kahit na anong gawin niya." Sabi naman ng Nanay niya. "Alam nyo naman na ganyan na yan dati pa, si Lezzette at ang diary niya lang ang kausap niya palagi." Si Ate Lira niya. "Di ko lang maiwasang di magtampo, nanay niya ako e. Kung may makakaintindi man sa kanyang nararamdaman ngayon ay walang iba kundi ako. Dahil ako ang ina,

