Halata ang pag iwas ng tingin ng mga kaharap nila ng banggitin ang Mayor Gino. Palaisipan tuloy sa kanya kung ano ang rason kung bakit ganun nalang ang takot na nakalarawan sa mga mata ng mga ito. Umalis din ang mga ito agad. "Wala kaming relasyon ni Gino, kaya di niya ako property." Angal ng kanyang kakambal. Sino ba ang aangal kung kakarating palang ng opportunity ay mukhang mapupurnada na agad. "Tss mas malaking opportunity pa naghihintay sayo pag si Gino ang nag bigay sayo. Kukunin kitang mukha ng Farfone mobile. Ako bahala sayo." Sabi ni Zion. "Sure yan?" Duda na baling ng kakambal niya sa lalaki. "Oo nga, America. Kung ang Lop ang Lopez shipping line naman ang pag uusapan ay world wide ang operation ng mga barko ng mga ito. Written Logistics, cargos and cruise ships doon mas ki

