Natatakot siyang may tumawag sa kanya kaya naka mute ang kanyang cellphone. Block na di si Zion sa kanyang contacts. 'I'm back!' Yun ang chat mula sa kakambal niya. Chat na di niya alam kung paano sasagutin na di naiiyak. Parang nakahanap siya ng kakampi sa katauhan nito. Nanatili siyang nagtotong its sa kanyang cellphone, alam niyang namamayat na siya. Nakikita naman niya ang sarili niya sa salamin. Alam niyang lalo siyang di babalikan ni Travis dahil sa hitsura niya. Payat siya na maumbok na ang tiyan. Hangga't maari ay pinipilit niyang kumain ng masustansyang pagkain. Inuutosan niya ang tagalinis ng kalsada na ipamalengke siya. Mabuti at iniwan ni Travis ang cash nito nung huling punta nila. Kaya kahit di sila magkita ng ATM machine ay magiging maayos ang lahat di siya magugutom.

