WDD84

2228 Words

Loraine pov Parang ayaw niyang pumayag na maiwan sa bahay ng mga magulang niya. Tiyak kasing pagagalitan siya ng nanay niya. Lalo at fresh na fresh pa ang kanyang ginawang pagtakas. Pero wala naman siyang choice, naiintindihan naman niya ang punto ng kanyang asawa. Di naman talaga pwedeng maiwan siya sa bahay na tanging mga kasambahay lang ang kasama. "Saan ka natunton ng asawa mo?" Bungad ng Ate Lira niya. Nakasunod sa kanya ang Nanay at Tatay nila. "Umuwe ako kagabi sa bahay." Sabi niya. Tumawa naman ang kanyang ate at ang kanyang kakambal. "Wow ha, lalayas layas ka tapos uuwe ka agad. Dapat pinaghirapan mo munang maghanap ang asawa mo." Sabi pa ng kakambal niya. "Di naman ako naglayas a, nakitulog lang ako kila Mimi." Sabi niya na kumuha ng apple sa ref at mabilis na kinagat. "Ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD