Maingat ang mga hakbang nang makita niya ang mga kaanak nila, ang mga Ogags at ang kanyang mga in laws. Katabi ng asawa ang babaeng sinasabi ng kanyang mga pamangkin. Tila gusto niyang mag teleport ngayon at takasan ang lahat ng mga nangyayari. "Parang gusto kung tumakas ngayon." Sabi niya habang nakatingin sa masayang mukha ng asawa na kausap na ng babae. "Gusto mo ba na tawagin ko siya?" Nananantiya na tanong ng kakambal niya sa kanya. "Sige palapitin mo siya dito." Sabi niya na nagkubli sa likod ng pader. Di niya napigilan ang mga luha na pumatak sa mga mata niya. Napahawak siya sa kanyang sinapupunan. Dama niya ang pait ng kanyang sitwasyon ngayon. "Baby!" Nakangiting bulalas ng lalaki na ang sarap hambalusin ngayon. Akmang lalapit ito sa kanya pero mabilis niyang itinaas ang kama

