Panay ang iyak niya sa ambulansya, although nagawa naman niyang tawagan si Thunder. Bahala na itong magsabi sa mga magulang at kaibigan ng mga ito. Na text na naman niya ang daddy ni Travis. "Tama na ang iyak Ma'am. Magiging maayos din si Sir." Sabi ng kasambahay na inaalo siya. "Bakit kasi di ako nakinig sa instinct ko kanina ng yakapin niya ako. I felt so strange na ganun siya. Humahangos na dumating sina Jhai at Warren. Mukhang nasa malapit lang ang mga ito ng makarating sa mga ito ang nangyari. "Nasaan na si Travis?" Si Jhai. "Kumusta na siya?" Si Travis. Halos panabay ang pagsasalita ng dalawa di niya alam kung sino uunahin ng sagot sa dalawa pero mas pinili niyang sabay na sagutin. "Nasa loob pa ng emergency room, mula ng dumating kami at ipasok siya diyan ay wala pang doctor

