Di siya makakilos sa sobrang sakit na lumukob sa kanyang kaibutoran, tila sinaksak siya ng maraming kutsilyo sa katawan. Parang nauupos siyang napaupo. Walang sinuman ang nagtangkang magsalita. Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni Thunder. "Travis, wag mo naman to gawin kay Loraine." Sabi ng Mommy nito na tila nakabawi na sa pagkabigla sa mga nangyari. Kagaya niya ay tila nasaktan ito sa naging pasya ng lalaki. "That's my condition, I want her out of my life. Then magpapa opera ako." Sabi nito na nag iwas ng tingin sa kanya. "Nabibigla kalang-" sabi niya na pilit hinahamig ang sarili, kahit na tila gumuho na ang mundo niya. Ramdam niya na penal na ang desisyon nito na mawala siya sa buhay dito. Pero sa puso niya ay nandun ang pagnanais na umasa parin. Umasang di ito seryuso sa sinabi n

