Callboy 4

4460 Words
Anak Ng Callboy II Chapter 4 "Dude bat ang init ng ulo mo?" kunot noo tanong ni Zenon. Nandito sila ngayon sa headquarters nila. Niyaya sila ni Gunner na mag-inuman. Kasama nila si Rainer at Pierce.  Pagdating pa lang nila sa lugar ay nakita niyang marami ng mga bote ng beer sa coffee table sa may garden area. Kung saan nakita nila si Gunner na nanlilisik ang mga mata nito nakatingin sa iniinum nitong bote ng beer. Agad nilang nalaman na may problema nga ito.  "Si Jagger, ba?" biglang tanong ni Pierce.  "Tangin* hindi! Basta inom lang lang kayo dyan," seryosong sabi ni Gunner.  Nanginginig sa galit si Gunner dahil sa nangyari kanina sa party. Hindi niya akalain na sasama si Raddix kay Calum. Hindi man lang nito inalala ang mararamdaman niya?  Naisip ni Gunner na baka mas malaki ang ibinibigay na pera ni Calum? Marami mga tanong ang mga naiisip niya kung bakit walang pagdadalawang isip na sumama si Raddix sa kanyang pinsan.  Iniisip rin ni Gunner na nakipagtalik pala ang guwapong callboy kay Jagger. Kaya pala nakita niya ito sa mismong headquarters ng Black Tiger Gang noong pumunta sila roon.  Naiisip si Gunner na isipin na marami na nakatikim kay Raddix. Nagagalit siya na hindi lang siya ang kumakant*t sa masikip nitong butas. Galit na galit siya kay Raddix kung bakit isa itong callboy!  Napapatanong si Gunner sa kanyang isipan kung bakit masyado siyang apektado na maraming na nakatalik si Raddix? Naitanong niya sa kanyang sarili kung apektado lang ba talaga siya o nasasaktan siya sa mga nalaman niya kay Raddix?  Nasasaktan si Gunner dahil mas pinili ni Raddix si Calum kaysa sa kanya. Nasasaktan siya na mas gusto ng guwapong callboy na makipagtalik kay Calum kaysa sa kanya. Nasasaktan siyang malaman na nakipagtalik ito kay Jagger. Ang isa niyang mortal na kaaaway niya. Nasasaktan siyang isipin na kinakant*t ng ibang lalaki si Raddix.  Hindi namalayan ni Gunner na tumutulo na pala ang luha niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya ngayon. Agad niyang pinunasan sa kanyang kamay ang luha niya. Pero tuloy-tuloy pa rin ang pagluha niya. Tumayo agad sa pagkakaupo si Gunner at naglakad siya papunta sa swimming pool. Walang pagdadalawang isip na ibinagsak niya ang kanyang sarili sa tubig ng swimming pool.  "Dude! Gunner!" pag-aalalang sigaw ni Zenon. "Dude!" sigaw ni Pierce.  "Gunner!" gulat na sabi ni Rainer.  Agad na nagsitayuan sila Rainer, Zenon at Pierce para puntahan at lumusong sa swimming pool. Nag-aalala ang tatlo kay Gunner dahil masyadong mabigat ang pinagdaraanan nito ngayon.  Alam nilang malihim si Gunner kaya kahit papaano ay kinakausap at natatanong sila sa problema nito ngayon. Nanahimik lang silang tatlo ng makita nila kanina na bigla na lang lumuha si Gunner. Doon pa lang ay alam na nilang mabigat ang dinadala nito.  "What the f*ck dude?!" gulat na sabi ni Pierce. Iniahon ni Pierce ang kanyang kaibigan na si Gunner mula sa swimming pool. Tinulungan siya nila Rainer at Zenon. Sobrang gulat na gulat siya ng bigla na lang nitong ibinagsak ang katawan nito sa swimming pool. Alam niyang marami na itong nainom at alam niyang lasing na ito.  Hindi nagdalawang isip si Pierce na lumusong sa swimminh pool para iahon si Gunner. Talaga sinadya pa nitong ilubog ang sarili sa tubig kaya agad niya itong sumisid sa ilalim ng swimming pool.  "Magpapakamatay ka ba dude? Tangin*!" pag-aalalang tanong ni Zenon.  Hingal na hingal si Zenon sa paglusong niya sa swimming pool. Sobra siyang nag-alala sa kanyang kaibigan na si Gunner. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng dinadala nito. Ilang beses na nakita ni Zenon na umiyak si Gunner. Kapag umiyak na ang kanyang kaibigan ay ibig sabihin nito ay punong-puno na ito. Sobra na itong nasasaktan sa nararamdaman nitonh problema.  "Gunner, pinakaba mo kami," sabi ni Rainer.  Napapailing na lang si Rainer na nakatingin sa gang leader nila. Nakahiga si Gunner sa gilid ng swimming pool at nakangisi itong nakatingin sa kalangitan. Hindi niya akalain na bigla na lang itong ibabagsak ang katawan nito sa swimming pool.  Ito ang unang beses ni Rainer na nakipag-inuman sa tatlo. Nagulat nga siya ng bigla siyang makatanggap ng tawag kay Gunner. Sinabihan siya nitong pumunta sa headquarters. Akala niya may problema kaya pinapapunta siya nito ngayon.  Wala pagdadalawang isip si Rainer na pumunta sa headquarters. Nakasabayan pa niya sa pagpunta sila Pierce at Zenon. Akala niya ay maraming tao na sa loob ng headquarters. Iyon pala ay silang apat lang ang tao ngayon.  Umalalay na lang si Rainer sa likuran ni Gunner. Binuhat nila Pierce at Zenon ang lasing na lasing na gang leader ng Blue Flynns Gang.  "Mga g-gag* kayo! Anong akala ninyo sa akin! Magpapakamatay? Tangin*!" ngising sabi ni Gunner.  Nagpumiglas si Gunner sa pagkakabuhat sa kanya nila Pierce at Zenon. Kaya niya ang kanyang sarili na maglakad. Alam niyang lasing siya ngunit kaya pa niya ang kanyang sarili.  Hindi nga alam ni Gunner kung ilang oras na ba siya umiinom ng beer? Alam lang niya na nakarami na siya ng inom ng beer. Napaupo siya sa upuan malapit sa pool side kung saan sila nag-iinuman.  Kukuha sana si Gunner ng isa pang bote ng beer ngunit agad siyang pinigilan ng kanyang kaibigan na si Pierce. Sinabihan siya nito na lasing na raw siya at tama na. Magsasalita sana siya ng biglang maagaw ang pansin niya sa pagtunog ng isang cellphone sa ibabaw ng isang upuan. Nakita niyang nagmamadali si Rainer na sagutin ang cellphone nito.  "Hello?" _ sabi ni Rainer. Buti na lang talaga hindi nakalagay ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Kundi ay basa at sira na ito ngayon dahil sa paglusong niya sa swimming pool.  Agad na sinagot ni Rainer ang tumatawag sa kanya. Dahil si Benz na kasintahan niya ang tumatawag sa kanya.  "Nasusunog ang unang bahagi ng Malawi Compound!" _ Benz. "Ano?!" _ Rainer.  "Tangina! Paulit-ulit? Nasusunog ang unang bahagi ng Malawi Compound!" _ Benz.  "Unang bahagi? Ibig sabihin nasusunog din ajg bahay nila Raddix?" _ Rainer.  "Oo! Gusto ko lang ibalita sa'yo iyon. Tinignan ko lang kung mag-aalala ka sa akin?" _ Benz "Tangin*! Nagawa mo pa talaga magbiro! Sige punta ako dyan!" sabi ni Rainer. Agad niya pinatay ang tawag ng kanyang kasintahan.  "Sino ang tumawag? Anong nasusunog? Nasusunog ang bahay ni Raddix?" pag-aalalang tanong ni Gunner.  Parang biglang nawala ang kalasingan ni Gunner sa kanyang narinig na sinabi ni Rainer.  Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at nilapitan niya si Rainer.  "Ah? O-oo! Nasusunog ang unang bahagi ng Malawi Compound!" sabi ni Rainer.  Magpapaalam na sana si Rainer na aalis na siya dahil gusto niyang puntahan si Benz. Nag-aalala siya na baka pati ang bahay nito ay matupok ng amoy. Naiinis pa nga ito kay Benz dahil parang baliwala lang na nasusunog ang compound.  "Putangin*!" sabi ni Gunner.  Agad na tumakbo si Gunner papalabas sa headquarters nila. Hindi niya pinansin ang pagtawag nila Zenon, Pierce at Rainer sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay makarating siya sa Malawi Compound. Alam ni Gunner na magkasama si Calum at Raddix kanina. Nag-aalala siya na baka nakauwi na si Raddix sa bahay nito. Nag-aalala siya sa kapakanan ng guwapong callboy.   l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l  "Bat ang sarap mo daddy!" ngising sabi ni Jamison.  Kakatapos lang ng mainit na pagtatalik nila Jamison at Doc. Boris. Muli ay hindi na naman nakasama ang kanyang kasintahan na si Pierce. Masyado itomg abala sa pag-aaral kaya hindi na niya ito nakikita. Pero madalas pa rin silang nag-uusap sa cellphone.  Sobrang pagod na pagod at masakit ang kanyang katawan pero sobrang saya niya dahil natikman na naman niya ang maskuladong doktor. Nakahiga siya ngayon sa maskuladong dibdib ng doktor habang nilalaro niya sa kanyang kanang kamay semi erect nitong b*rat.  "Masarap? Anong lasa? Hahaha! Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Doc. Boris Valbuena.  Inaya ni Boris si Jamison na kumain dahil nakaramdam siya ng gutom. Tumayo silang dalawa sa pagkakahiga. At pumunta sila sa may dining area ng bahay niya.  Napangisi si Doc. Boria Valbuena dahil hindi na sila nakarating sa kuwarto niya. Sa may sala na sila nagtalik ni Jamison. Lahat yata ng sulok ng bahay niya ay nagtalik na silang dalawa. Daig pa nga nila ang mag-asawa kung magtalik sila ng madalas.  Nanghihinayang lang si Doc. Boria dahil hindi nakakasama sa kanila ang kasintahan ni Jamison na si Pierce. Miss na niya ang masikip na butas nito. Miss na niya ang makipaglaplapan kay Pierce. Lalo niyang na-miss kung paano nito chup*in ang kanyang malaking b*rat. "Hindi ka pa ba busog sa t***d na pinagsaluhan natin?" birong sabi ni Jamison.  Sumunod si Jamison kay Doc. Boris sa may dining area. Kitang-kita niya ang matambok at mabuhok na puwetan nito. Hindi niya napigilan na mapakagat siya sa ibabang labi niya habang nakatingin siya sa matambok na puwetan ng maskuladong doktor. "Sira! Mabubusog ka ba sa tam*d? Buti na lang may niluto akong menudo kanina. Tara kain na tayo. Para sa next round may lakas tayo," ngiting sabi ni Doc. Boris.  Ininit na muna ni Doc. Boris sa microwave ang menudo na nasa canister. Para naman kahit papaano ay masarap ang kain nilang dalawa ni Jamison.  "Doc. Boris, hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa'yo noon," ngising sabi ni Jamison.  Nilapitan ni Jamison ang maskuladong doktor na nakaharap sa microwave. Agad niyang sinunggaban ng masuyong halik si Doc. Boris.  Sarap na sarap talaga siyang makipaglaplapan sa maskuladong doktor.  "Paano ko ba naman sasagutin ang tanong mo kung nakikipaglaplapan ka sa akin. Hahaha!" natatawang sabi ni Doc. Boris.  Inilabas na ni Doc. Boris ang menudo na nasa microwave oven. Inaya na niya si Jamison na umupo sa dining table para makakain na silang dalawa.  Hindi na sila nag-abala pang magbihis dahil silang dalawa lang naman ni Jamison ang nasa loob ng bahay niya. Tinanong niya ang guwapong lalaking nasa harapan niya kung ano ba ang tanong nito sa kanya?  "May pamilya o anak ka ba Doc. Boris?" seryosong tanong ni Jamison.  Alam ni Jamison na personal ang tanong niya kay Doc. Boris. Pero gusto niyang malaman ang background nito. Hindi niya ugali na nakikialam sa personal na buhay ng mga naging customer niya.  Biniro pa nga ni Jamison na kant*t asawa kasi ang ginagawa ni Doc. Boris sa kanya kaya naitanong nito kung maay asawa o anak na ito?  "May anak ako pero hindi ko alam kung saan na siya ngayon," ngiting sabi ni Doc. Boris.  Habang kumakain si Doc. Boris kasama si Jamison ay ikinuwento nito ang buhay niya bilang isang binatang ama. Nakabuntis si Doc. Boris noong 24 years old siya. Isang babaeng nakilala lang niya sa bar. One night stand lang iyon ngunit nakabuo siya. Sinabi ng babae sa kanya na siya pa lang daw ang nakapasok sa puk* nito na walang suot na condom.  Pero nagduda agad si Doc. Boris. Alam niyang pokpok ang babae. Alam niya ang klase ng trabaho nito. Kaya nanigurado na muna siya bago niya panagutan ang babaeng nakatalik niya.  Sinabihan ni Doc. Boris ang babae na kailangan na muna nitong isilang ang batang dinadala nito bago niya akuin. Plano niyang ipa DNA test ang bata.  Lumipas ang buwan hanggang maipanganak ng babaeng nakatalik ni Doc. Boris ang malusog na sanggol lalaki. Agad niyang pina DNA test ang sanggol. Natuwa siya dahil kumpirmadong sa kanya nga ang batang pinagbuntis ng babae.  Kinausap ni Doc. Boris ang babae sinabi nito na aalagaan niya ang anak nila pero hindi siya magpapakasal sa babae. Hindi niya kayang matalo siya sa isang relasyon na hindi siya masaya.  Sumang-ayon naman ang babae kay Doc. Boris. Ngunit nakiusap ang babae sa kanya na hihintayin nito ang kanilang anak na mag-isang taong gulang bago ito umalis. At humingi rin siya ng malaking halagang pera kapalit ng paglayo nito.  Mabilis na lumipas ang araw, naging buwan at hanggang lumipas ang isang taon. Kaarawan noon ng kanyang anak na lalaki. Malaking selebrasyon ang inihanda niya dahil sa unang anak niya ito. Nagsimula na ang party at sa kalagitnaan ng party ay kinausap siya ng babae.  Sinabi ng babae kay Doc. Boris na kukunin na nito ang perang ipinangako niya. Wala naman siyang pagdadalawang isip na ibinigay ang pera sa babae. Cash ang ibinigay niya. Tandang-tanda niya na karga-karga nito ang kanyang anak na lalaki. Nagpaalam ito na pasususuhin na muna nito ang kanilang anak.  Kaya naman na iniwan ni Doc. Boris ang babae at anak niyang lalaki sa isang kuwarto. Buong resort ang kinuha niya para sa birthday party ng kanyang anak. Kampante at wala siyang inisip na baka itakas ng babae ang anak nila.  Habang abala sa pakikipagkuwentuhan si Doc. Boris sa mga kaibigan niyang doktor. Biglang itinanong ng kanyang isang kaibigan na doktor kung nasaan na ang anak nito? Gusto raw nito makita ang anak niya.  Nagpaalam na muna si Doc. Boris sa kanyang mga kaibigan at pinuntahan niya ang babae at anak niya sa kuwarto. Ngunit laking gulat niya ng wala siyang nadatnan sa loob ng kuwarto. Hinanap niya ang babae sa buong resort at napagtanto niya na itinakas nito ang kanyang anak.  "Pang teleserye pala ang buhay mo Doc. Boris," ngising sabi ni Jamison.  "Sinabi mo pa. Ilang taon ko silang hinanap pero hanggang ngayon ay hindi ko pa sila nakikita. As of now may lead naman na ang private imbestigator ko," ngiting sabi ni Doc. Boris.  "Good luck daddy!" ngising sabi ni Jamison. Napahinto na lang sa pagkain si Jamison dahil biglang niyang narinig na tumunog ang kanyang cellphone. Nagpaalam na muna siya kay Doc. Boris para kunin ang kanyang cellphone na nasa sala.  Sa paglalakad ni Jamison papunta sa sala ay tinignan niya kung sino ang tumatawag. Napakunot noo siya ng makitang si Dyosa ang tumatawag sa kanya.  "Hello?" _ Jamison.  "Jusko! N-na-susunog ang b-bahay ni Eduardo! Jamison, punta ka rito sa Malawi Compound! Jusko!" _ Dyosa.  Nanlaki ang mga ni Jamison sa kanyang narinig na sinabi ni Dyosa. Napaiglad na lang siya ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya.  "May problema ba?" tanong ni Doc. Boris.  "Nasusunog ang bahay ng kuya ko," pag-aalalang sabi ni Jamison.  l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l  "Bakla! Ano? Tatanga ka na lang ba dyan? Pinapapunta mo pa kami kung 'di ka naman pala iinom," kunot noo sabi ni Amir.  Nakatanggap ng tawag si Amir mula sa kanyang kaibigan na si Hayes. Akala niya kung ano na ang nangyari dahil bigla siya nitong pinapapunta sa bahay nito. Sinabi pa nito sa kanya na pati sila Carlos at Nixon ay pupunta ang mga ito sa bahay nito.  Kaya naman hindi na nag-inarte pa si Amir at agad-agad na pumunta ito sa bahay ng kanyang kaibigan na si Hayes.  Sobrang bihira lang naman umuwi si Amir sa Pilipinas pati na rin sila Carlos at Nixon. Kung uuwian siya ay hindi naman makakauwi ang dalawang kaibigan niya na sila Nixon at Carlos. Kung 'iyong dalawa naman ang nakakauwi sa Pinas, siya naman ang hindi nakakauwi.  Sasamantalahin ni Amir ang pagkakataon para maka-bonding niya ang kanyang mga kaibigan. Ngunit hetong si Hayes naman ay nakatulala sa kawalan samantalang silang tatlo naman na Carlo at Nixon ay abala sa pag-iinuman at pagkikipagkuwentuhan sa isa't-isa.  "May iniisip lang ako," matamlay na sabi ni Hayes.  "Ano naman iniisip mo bakla? Wag mong sasabihin na pupunta ka ngayon sa party ng ama mong hilaw?" tuksong tanong ni Amir.  Napangisi si Amir ng mapatingin sa kanya ang kanyang kaibigan na si Hayes. Alam niya ang kuwento ng buhay ng kanyang kaibigan. Inaasar nga niya ito dahil pangteleserye ang buhay nito.  "Ayos na ba kayo ng ama mo Hayes?" takang tanong ni Carlos.  "Dapat mag-celebrate talaga tayo! Dahil okey na kayo ng ama mo!" masayang sabi ni Nixon.  "Mga sira! Hindi kami okey ng ama ko. Tsaka anong bang pinagsasabi ni Amir na party?" kunot noo tanong ni Hayes.  Matagal na hindi nakikipag-ayos si Hayes sa kanyang ama dahil sa maraming dahilan. Isa na roon ang ayaw niyang masaktan ulit ang kanyang ina. Ayaw niyang muli makitang umiyak ang ina niya dahil sa kanyang ama.  Hindi na mabilang sa kamay ni Hayes kung ilan na beses niyang nakitang umiiyak ang kanyang ina. Minsan kapag umuuwi siya sa paaralan ay nakikita niyang umiiyak ang kanyang ina dahil nakaaway na naman nito ang kanyang ama.  Kapag nakikita ni Hayes na umiiyak ang kanyang ina ay sobra siyang nasasaktan. Nasabi niya sa kanyang sarili na kahit siya na lang ang masaktan wag lang ang kanyang ina.  High school si Hayes ng malaman niyang may ibang pamilya ang kanyang ama. Ang mas nagulat siya ng malaman niyang pangalawang pamilya lang pala sila. Buong buhay niya ay akala niya ay sila lang ang pamilya ng kanyang ama.  Naisip noon ni Hayes na kaya pala palaging wala at bihira lang umuwi ang kanyang ama ay dahil sa pagtratrabaho nito sa ibang bansa. Iyon pala ay umuuwi ito sa tunay na pamilya nito. Nalaman ni Hayes ang buong katotoohanan sa kanyang ina. Ang ina niya mismo ang nagsabi na kabit ito at pangalawang pamilya lang sila. Galit agad ang naramdaman niya sa kanyang nalaman. Galit sa kanyang ama dahil niloko nito ang kanyang ina. At lalo siyang nagalit dahil anal siya sa labas.  Naapektuhan ang pag-aaral ni Hayes sa nalaman nito. Ngunit nagsumikap siya sa kanyang sarili. Ayaw niyang umasa sa mga perang pinapadala ng kanyang ama buwan-buwan.  Minsan na inaway ni Hayes ang kanyang ama. Sinabi niya sa kanyang ama na "hindi siya aasa sa perang pibapadala nito buwan-buwan". Ayaw niyang mangyari na isang araw ay wala na binibigay na sustenso ang kanyang ama sa kanila. Kaya nagsusumikap talaga siya para mabuhay niya ang kanyang sarili pati na rin ang kanyang ina.  Ngayon ay masasabi at maipagmamalaki ni Hayes na sabihin na hindi siya umasa sa perang pinapadala ng kanyang ama buwan-buwan. Nakatapos siya ng pag-aaral dahil nag-part time job siya. Kahit sobrang hirap na maging estudyante sa umaga sa gabi naman ay isa siyang barista sa gabi. Nakaraos siya sa araw-araw na puyat at pagod na pinagdaanan niya.  "Party? Hindi ka kasi nagso-social media. Balitang-balita sa bawat sulok ng bayan ng Isidro na nagdaos ng pagdiriwang ang pamilyang Balmores para sa paglipat ng mga ito sa Inarez Subdivision," ngiting sabi ni Amir.  "Wala naman ako pakialam doon," inis na sabi ni Hayes.  Wala naman talaga pakialam si Hayes sa mga pinagdiriwang ng pamilya ng kanyang ama. Kahit na kaarawan nito ay hindi siya pumupunta kahit na nakikiusap na ang kanyang ama na pumunta siya.  Minsan na inimbita si Hayes ng kanyang ama sa family dinner ng mga ito. Ipinakilala na rin ng kanyang ama sa tunay na pamilya nito. Hindi naman siya nabigo sa kanyang inaasahan. Galit na galit ang legal wife ng ama niya. Muntikan na nga siya nitong pagsasampalin at sabunutan. Buti na lang talaga agad siya nakaiwas nun.  Hindi kumibo si Hayes sa mga masasakit na salitang natanggap niya kay Cory Balmores na legal wifi ni Hidalgo Balmorea na ama niya. Pero nagpintig ang tenga niya ng sabihan ni Cory Balmores na malandi ang kanyang ina. Sa pagkakataon na iyon ay nakapagsalita siya ng hindi maganda legal na asawa ng kanyang ama.  Hindi na nagulat si Hayes ng bigla siyang pagalitan at masampal ng kanyang ama sa harapan ng tunay na pamilya nito. Lalo siyang nagalit sa kanyang ama sa ginawa nitong pamamahiya sa kanya.  Mas lalo nagalit si Hayes ng pakialaman nito ang pakikipagrelasyon niya kay Eduardo. Hindi niya alam kung paano nakarating sa kanyang ama na may karelasyon siyang kapwa lalaki. Nabigla na lang siya ng kausapin siya nito tungkol sa relasyon niya kay Eduardo. Gusto nitong tigilan daw niya ang baklaan niya dahil hindi siya nito matatanggap na anak kung ipagpapatuloy niya ang kabaklaan niya.  "'Di ba sinabi mo sa amin dati na gusto ng ama mo na palitan ang apelyido na ginagamit mo. Gusto nitong Balmores ang gamitin mo at hindi Dacua," sabi ni Nixon.  Alam ni Nixob kung anong hirap ni Hayes para makapunta ito sa kinalulugaran nito ngayon. Kilala niya si Hayes bilang masipag na estudyante at mabait na kaibigan.  "Hindi ko tinanggao iyon Nixon. Para saan pa? Aanhin ko ang apelyido na Balmores? Hindi ko naman makakain iyon. Hahaha!" dinaan na lang ni Hayes sa biro ang usapan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hayes. Humingi ito ng isang bote ng beer sa kanyang kaibigan na si Amir.  Tumayo si Hayes sa kinauupuan niya. Sa kinatatayuan ng kanyang bahay ay makikita ang kabuuan ng bayan ng Isidro. Sa pagsusumikap niya ay nakapagtayo siya ng simpleng bahay. Hindi ito tulad ng mga kapitbahay niya na sobrang lalako ng bahay ng mga ito. Simpleng bahay lang ang gusto niya. Isang bahay na matatawag niyang tahanan. Umalis na siya sa boarding house na tinutuluyan niya na ibinigay ng West View University management.  "Teka nga muna Hayes. Ano pala ang iniisip mo kanina? Parang ang lalim ng iniisip mo?" usisa ni Carlos.  "Hmm… Iniisip ko na kukunin ko sila Eduardo at ang dalawa nitong anak," ngiting sabi ni Hayes.  Nanatiling nakatingin si Hayes sa malawak na tanawin ng Bayan ng Isidro. Sobrang presko at malamig ang simoy ng hangin sa kanyang kinatatayuan.  Matagal na iniisip ni Hayes na kukupkupin niya ang pamilya ni Eduardo. Hindi na rin naman iba sa kanya si Eduardo. Minahal niya ito noon at hanggang ngayon ay si Eduardo pa rin ang nasa puso niya. Hindi niya maiwasan na maawa sa kalagayan nito ngayon.  Gusto malaman ni Hayes kung ano ang totoong nangyari kay Eduardo? Kung sino ang gumawa nito kay Eduardo? Gusto rin niya malaman kung ano ang rason kung bakit na nabugbog ng ganun si Eduardo?  Marami katanungan si Hayes na gusto niyang masagot tungkol sa nangyari kay Eduardo. Gusto niyang makita muli si Raddix. Sigurado siyang isa itong napakaguwapong binata dahil noon pa man na bata ito ay guwapo na ito. Ngayon pa kayang binata na ito. Hindi siya nagkakamali ay 18 years old na ito ngayon taon.  "Fairy god mother ikaw ba 'yan? Nakakaloka ka Hayes!" maarteng sabi ni Amir.  "Ibig mo bang sabihin Hayes, ay kukupkupin mo ang pamilya ni Eduardo?" usisang tanong ni Nixon.  Nakita ni Nixon na napatanggo si Hayes sa ka yang katanungan. Ibig sabihin nito ay kukupkupin nito ang pamilya ni Eduardo. Hindi naman siya masyado nagulat dahil simula't sapol ay alam na nito na mahal na mahal nito si Eduardo. Sabi ng nila first love never dies.  "Wag ka sana magagalit Hayes, sa sasabihin ko sa'yo," pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Carlos.  Napatingin kay Carlos sila Amir at Nixon. Nakakunot noo nakatingin ito sa kanya ngayon. Pati si Hayes ay napalingon sa kanya. Napangisi siya dahil ubos na ang hawal nitong bote ng beer. Humingi pa nga ito ng isa pang bote ng beer.  "Ano iyon Carlos?" kunot noo tanong ni Hayes.  "Kung kukupkupin mo sila Eduardo ay ibig sabihin ay ikaw ang mag-aalala sa kanya? Tsaka kailangan mong papag-aralin ang dalawa nitong anak," sabi ni Carlos.  Nakaramdam si Carlos ng mahinang kurot sa kamyang kaliwang tagiliran na may kakagawan ay si Nixon. Isang makahulugang tingin ang nakita niya sa kanyang kaibigan na si Nixon. Alam niyang hindi nito magustuha  ang kanyang sinabi.  "Oo Carlos. Simula pumunta tayo sa Malawi Compound ay iniisip ko ang bagay na 'yan. Ano bang silbi ng scholaship program ng mga Unibersity? Alam kong matatalino ang mga anak ni Eduardo," ngiting sabi ni Hayes.  "Fairy god mother? Kabog naman ang naisip mo Hayes. Hmm… Go! Support kita dyan sa idea mo. Pero Hayes, paano kapag nalaman ng ama mo ang binabalak mo? Kilala mo nan siguro ang ama mo," sabi ni Amir.  "Wala akong pakialam sa ama ko. Masyado itong makasarili pati siya ay pinapakialam nito ang takbo ng buhay ko," inis na sabi ni Hayes.  Naputol ang pakikipag-usap ni Hayes sa kanyang mga kaibigan ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa.  Napakunot noo napatingin si Hayes sa screen ng kanyang cellphone. Nakita niya ang kanyang ama ang tumatawag sa'yo. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ito o hindi. Hinayaan na lang niya itong tumawag nang tumawag hanggang makatanggap siya ng text mula sa kanyang ama.  "Hindi ka talaga hihinto sa kabaliwan mo kay Eduardo?" _ text message ni Hidalgo Balmores na ama ni Hayes Dacua.  Napakunot noo na lang si Hayes sa kanyang binasang mensahe ng kanyang ama. Agad niyang hinanap ang number ng kanyang ama at tinawagan niya ito ngayong gabi. Hindi nagtagal ay sinagot ng kanyang ama ang kanyang tawag.  "Hello?" _ Hayes "Matigas talaga ang ulo mo Hayes! Matagal ko na sinabi sa'yo na tigilan mo 'yang si Eduardo na iyan! Iibig ka na lang sa callboy pa! At sa kapwa mo pang lalaki!" _ Hidalgo Balmores.  "Ano bang pinagsasabi mo?" _ Hayes.  "Nakarating sa akin na pinuntahan mo sa Malawi Compound ang gag*ng callboy na iyan!" _ Hidalgo Balmores.  "A-ano bang pinagsasabi mo? Puwese ba daddy wag ka na makialam sa buhay ko. Malaki na ako," _ Hayes.  "Wag ka na magmaangan pa dyang Hayes. Kilala mo ako at alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Simula ngayon ay hindi mo na makikita si Eduardo!" _ Hidalgo Balmores.  Parang nagsitayuan lahat ng balahibo ni Hayea dahil sa sinabi ng kanyang ama. Alam niya ang sinasabi nito sa kanya. Alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. Sobra siyang natakot at nag-alala sa sinabi ng kanyang ama.  "Wala ka bang naamoy na nasusunog? Hahahaha!" _ Hidalgo Balmores.  Bigla na lang napatayo si Hayes sa kanyang kinauupuan at napatingin siya sa magandang tanawin ng bayan ng Isidro. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang Malawi Compound. Nanlaki ang mga mata ni Hayes ng makitang may umuusok na parang masusunog sa maliit na bahagi ng Malawi Compound. "D-daddy a-ano ang ginawa mo?" pag-aalalang tanong ni Hayes.  "Hahaha! Masyadong matigas ang ulo mo Hayes! Pinasunod ko ang bahay ni Eduard Arizabal! Hahaha!" _ Hidalgo.  Bigla na lang nanghina si Hayes sa narinig na sinabi ng kanyang ama. Agad niyang naramdaman ang paghawak sa balikat niya ng kanyang mga kaibigan. Nabitawan na lang niya ang hawal niyang cellphone habang nakatitig siya sa nasusunog na bahagi ng Malawi Compound.  "Hayes, anong nangyari sa'yo?" pag-aalalang tanong ni Nixon.  "Bakla anong drama iyan?" usisang tanong ni Amir.  "Ayos ka lang ba Hayes?" kunot noo tanong ni Carlos.  "P-pinasunog ni daddy ang bahay nila Eduardo," nanghihinang sabi ni Hayes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD