Callboy 5

3058 Words
Anak Ng Callboy II  Chapter 5 "Relax lang tayo mga bakla! Relax lang! Jusko!" natatarantang sabi ni Amir.  Nanginginig ang kamay ni Amir na nakahawak sa manubela ng kanyang kotse dahil sinabihan niya ang mga kaibigan niya na kotse na lang niya ang gamitin nila papunta sa Malawi Compound. Nalaman nila na pinasunod ng demonyong ama ni Hayes ang bahay ni Eduardo sa Malawi Compound.  Agad na nangilabot si Amir sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Hayes. Sinabihan niya ang mga kaibigan niya na agad na silang pumunta sa Malawi Compound.  "Amir! Ano pang hinihintay mo dyan? Start mo na ang kotse mo!" inis na sabi Nixon.  Nasa backseat ng kotse si Nixon kasama si Carlos. Naiinis siya kay Amir dahil sinasabi nito na kailangan na nila magmadali na pumunta sa Malawi Compound. Pero heto ang ginagawa nito nakatulala na parang tanga. Nagprisinta pa naman ito na gamitin ang kotse nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito ini-start ang kotse nito.  Napatingin si Nixon kay Carlos dahil hiawakan siya nito sa kanang balikat niya. Sinabihan siya nito na huminahon siya dahil wala naman magagawa ang init ng ulo nito sa sitwasyon nila ngayon.  "Amir, gusto mo ako na lang ang mag-drive?" mahinahon na sabi ni Carlos.  Nakita ni Carlos na napatingin sa kanya si Amir at tumango ito. Agad naman siyang lumabas ng kotse at pumunta sa driver seat. Ngayon ay nakaupo na siya sa driver seat samantalang si Amir naman ay pumunta sa may backseat kasama si Nixon.  Agad na ini-start ni Carlos ang kotse at nagsimula na siyang mag-drive. Medyo mabilis ang takbo niya ngunit sinisigurado niyang nag-iingat siya. Mabilisan niyang tinignan si Hayes na nakatulala sa kawalan. Napatingin siya kay Nixon sa rear view mirror ng kotse.  Sobra nagulat si Carlos ng sabihin sa kanila ni Hayes na pinasunog ng ama nito ang bahay ni Eduardo Arizabal sa Malawi Compound. Kilala niya si Mr. Hidalgo Balmores at ang pamilya nito. Masasabi niyang isa si Hidalgo Balmores na maimpluwensyang sa bayan ng Santiago. Alam niyang kaya nitong gawin ang lahat ng nanaisin nitong gawin.  Pero hindi naman akalain ni Carlos na kayang gumawa ng isang masamang bagay si Mr. Balmores? Kaya pala nitong pumatay ng tao? Napapailing na lang siya sa ginawa ng ama nj Hayes.  "Hayes, malapit na tayo," mahinahon na sabi ni Carlos.  "S-sana buhay sila E-eduardo," pag-aalalang sabi ni Hayes.  Kahit na pinapakita ni Hayes na mahinahon siya ay sa loob-loob niya ay sobrang nag-aalala siya kina Eduardo. Hindi siya makapaniwala na magagawa ng kanyang ama na sunugin ang bahay ni Eduardo.  Napatanong si Hayes sa kanyang sarili kung bakit pa nitong pinakialaman pa ng kanyang ama si Eduardo? Sobrang tagal na nga nila hindi nagkikita. Nabalitaan lang naman niya ang sitwasyon ni Eduardo kay Doc. Boris na uncle ni Nixon.  Hindi na nga kumilos para hanapin ni Hayes si Eduardo dahil binalaan na siya noon ng kanyang ama. Kapag daw sinubukan niya hanapin si Eduardo ay sinigurado nitong may mangyayaring masama rito.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "D-daddy bakit niyo ko pinatawag?" pag-aalalang tanong ni Hayes.  Nakaupo si Hayes sa isang black wing chair habang nakatingin siya sa kanyang ama na nakaupo sa isang office chair. Nandito siya ngayon sa kumpanya ng kanyang ama na Balmores Group of Company. Nasa opisina siya ng kanyang ama.  Nagulat na lang si Hayes ng biglang pinatawag siya ng kanyang ama ngayon. Kakatapos lang ng kanyang klase at naghihintay na lang siya ng jeepney pauwi sa kanilang bahay. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sila Amir, Carlos at Nixon.  Bigla na lang may humintong dalawang itim na mamahaling kotse sa tapat nila. Akala ni Hayes ay kung sino ang bababa? Nagulat at kinabahan siya ng biglang bumukas ang pintuan ng isang kotse at lumabas ang isang matangkad at malaking katawan. Nakasuot ito ng black na america na para bang leader ng isang mataas na gang.  Agad na nakilala ni Hayes ang lalaking bumaba sa kotse. Nakita niyang papalapit ang lalaki sa kinaroroonan nilang magkakaibigan. Kinabahan at nag-alala siya ng nasa harapan na niya ang lalaki.  "A-anong k-kailangan mo Antonio?" kinakabahan na pagtatanong ni Hayes.  Kilala nga ni Hayes ang lalaking nasa harapan niya. Walang iba kundi si Antonio ang kanang kamay ng kanyang ama na si Hidalgo Balmores. 'Di niya maiwasan na mapalunok habang nakatingin siya sa mga mata ni Antonio na seryosong nakatingin sa kanya.  Bigla naramdaman ni Hayes na may sumisiko sa kanyang tagiliran at napatingin siya rito para alamin kung sino ang sumisiko sa kanya. Napakunot noo na lang siya ng makita niya si Amir na nakatulalang nakatingin kay Antonio.  "Bakla, sino iyan?" ngiting tanong ni Amir.  Nakatulala pa rin si Amir na nakatingin sa lalaking maskuladong nasa harapan nila. Gusto niyang malaman kung kakilala ba ni Hayes ang lalaking nasa harapan nila?  Napaaray na lang si Amir dahil siniko siya ni Hayes sa kanyang tagiliran? Kunot noo siyang napatingin kay Hayes at nakita niyang pinaglalakihan siya ng mata nito.  "Amir, kanang kamay siya ni daddy," tugon ni Hayes.  Agad na binalik ni Hayes ang tingin niya kay Antonio na seryoso pa rin nakatingin sa kanya. Naiinis siya sa kanyang kaibigan na si Amir dahil tinawag siya nitong bakla sa harapan ni Antonio. Wala naman alam ito na bakla siya.  Umaasa si Hayes na sana baliwalain ni Antonio ang sinabi ni Amir sa kanya. At sana ay hindi iyon makarating sa ama niya.  "Sumama ka sa akin dahil pinapatawag ka ng daddy mo," seryosong sabi ni Antonio.  "Ah? B-bakit?" pag-aalalang tanong ni Hayes.  Sobrang kinabahan si Hayes sa sinabi sa kanya ni Antonio. Napalunok na lang siya ng laway dahil sa sobrang kaba at pag-aalala. Bihira lang kasi siyang patawag ng kanyang ama. Kung ipqpatawag man siya ay dalawa lang ang dahilan. Una ay kakamustahin siya at ang ikalawang rason ay pagsasabihan siya nito sa mga ginagawa niyang ayaw ng kanyang ama.  Nagsisimula na pagpawisan si Hayes dahil iniisip niya kung ano ba ang kailangan ng kanyang ama sa kanya? Impossibleng kakamustahin siya nito dahil wala naman itong dapat na kamustahin sa kanya? Nakausap na niya ito noong nakaraang buwan at kinamusta na siya nito.  "Hindi ko alam? Sumama ka na lang sa akin ngayon para malaman mo kung ano ang gusto ng ama mo sa'yo," seryosong tugon ni Antonio.  Hindi naman alam ni Antonio kung ano ang gustong sabihin ni Mr. Balmores sa anak nito sa labas na si Hayes Dacua. Basta lang niya sinusunod ang pinag-uutos nito sa kanya.  Naisip ni Antonio na may kinalaman ang kanyang ginawa noong nakaraang dalawang linggo. Pinag-utos ni Mr. Balmores sa kanya na manmanan ang bawat galaw ni Hayes. Sa makalipas ng isang linggo ay meron siyang nalaman tungkol sa pagkatao ni Hayes.  Nalaman ni Antonio na isa pa lang binabae ang anak sa labas ni Mr. Hidalgo Balmores. At ang nasa harapan niya ngayon na kasama ni Hayes ay mga binabae pero lalaki pa rin ang mga kilos puwera kay Amir na nasa kanang bahagi ni Hayes.  Gumawa ng background check si Antonio sa mga malalapit na kaibigan ni Hayes. Utos iyon ng ama nitong si Mr. Balmores. Mga binabae ngunit kilos mga lalaki. Ganun din si Hayes. Masasabi niyang naghihinayang siya kay Hayes dahil sa sobrang guwapo nito ngunit binabae naman ito.  Sa isang linggong pagmamanman ni Antonio kay Hayes ay marami siyang nalaman tungkol sa guwapong binatang nasa harapan niya. Hindi ito mahilig masyadong nagsasama sa mga kaibigan nito sa mga bar. Mas gusto pa nitong manatili sa bahay kasama ang ina nito. Mahilig ito sa mga bulaklak at tsokolate. Mga matatamis na pagkain ang hilig ni Hayes.  At ang malaking rebelasyon na nalaman ni Antonio ay binabae si Hayes. At may kinikita itong isang lalaki na nagngangalang Eduardo Arizabal isang itong callboy. Nireto ng mga kaibigan ni Hayes si Eduardo rito. At sa napapansin niya ay mukhang napapamahal na si Hayes kay Eduardo?  "P-pakisabi na lang kay d-daddy na hindi ako makakasama ngayon. D-dahil kailangan kong umuwi s-sa bahay," kinakabahan na sabi ni Hayes.  Natatakot at kinabahan si Hayes dahil hindi niya talaga alam kung ano ba ang pakay sa kanya ng kanyang daddy? Mas nanaisin pa niyang umuwi kaysa makita ang kanyang ama. Kanina pa siya nag-iisip kung ano ba ang nagawa niyang hindi nagustuhan ng kanyang ama? Iniisip din niya kung ano naman ang kakamustahin nito sa kanya?  Kung kakamustahin lang naman ng ama ni Hayes ang pag-aaral niya ay puwede naman itong tumawag sa kanya. Labis-labis na ang pag-aalala at kabang nararamdaman niya ngayon.  "Alam mo naman na hindi maari ang gusto mo Hayes. Sumama ka na sa ayaw at sa gusto mo. Tara na kailangan na natin umalis dahil kanina ka pa hinihintay ng ama mo," maawtoridad na sabi ni Antonio.  Napangisi na lang si Antonio dahil nakita na niyang humakbang na pasulong si Hayes papunta sa isang itim na kotse. Sinabihan niya itong hindi ito roon sasakay kundi sa kanyang kotseng sinasakyan. Pinagbuksan pa niya ito ng pintuan. Bago pa ito sumakay ay nagpaalam ito sa tatlo nitong kaibigan.  Mabilis na pumunta si Antonio sa driver seat at agad niyang ini-start ang kotse niya. Nagsimula na siyang mag-drive papunta sa Balmores Building kung saan nandoon si Mr. Hidalgo Balmores na ama ni Hayes na naghihintay sa pagdating nila.  Habang nasa biyahe sila Hayes at Antonio ay sobrang tahimik sa loob ng kotseng sinasakyan ng dalawa. Naririnig lang nila ang buga ng aircon ng kotse. Nakatingin lang si Hayes sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang mga lugar na dinadaanan nila. Kahit tahimik at kalmado lang siya ay sa loob-loob niya ay kinakabahan at nag-aalala siya.  Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa harapan ng Balmores Building. Mabilis na lumabas si Antonio sa kotse at pumunta siya sa passenger seat para buksan ang pintuan ng kotse. Napangisi siya ng magpasalamat si Hayes sa kanya.  Sabay na pumasok sila Hayes at Antonio sa loob ng building ng Balmores Building. Sa paglalakad nila papunta sa elevator ay maraming napapatingin sa kanilang dalawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga empleyado ng Balmores Group of Company ay kay anak sa labas si Mr. Hidalgo Balmores at walang iba kundi ang kasama ni Antonio na si Hayes Dacua.  Hindi naman pinapansin ni Hayes ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang naglabas pasok dito sa malaking building na ito na pagmamay-ari ng kanyang ama. Nagpapasalamat siya dahil silang dalawa lang ni Antonio ang nasa loob ng elevator.  "Alam kong hindi ka komportable na may kasamang ibang tao sa elevator," biglang sabi ni Antonio.  Alam ni Antonio na hindi komportable si Hayes kapag may kasama itong empleyado sa loob ng elevator. Mas gusto nitong mag-isa o kaya ay kasama siya nito. Kahit na hindi sila nag-uusap o hindi sila malapit sa isa't-isa ay ramdam niyang medyo komportable ito sa kanya. Si Antonio lagi ang sumusundo kay Hayes tuwing pinapatawag ito ni Mr. Balmores.  Nakarating na sila sa 10th floor kung saan nandito sa floor na ito ang malaking opisina ni Mr. Hidalgo Balmores. Napatingin si Hayes sa paligid ng 10th floor. Pansin niyang mga busy na naman ang mga empleyado ng kanyang ama. Napalunok na lang siya ng laway dahil nahihiya talaga siyang pumupunta rito.  "Tara na Hayes, siguradong kanina ka pa hinihintay ng iyong ama," maawtoridad na sabi ni Antonio.  "S-sige," tugon ni Hayes.  Bawat hakbang ni Hayes papunta sa opisina ng kanyang ama ay parang pabigat nang pabigat ang kanyang mga paa. Lalo rin bumibilis ang t***k ng puso niya at nagsisimula ng pagpawisan ang kanyang mga kamay.  Nakatingin si Hayes ngayon sa isang itim na pintuan kung saan sa likod ng pintuan na ito ay nandoon ang kanyang ama. Nandito na siya sa harapan ng opisina ng kanyang ama. Nakita niyang kumatok si Antonio ng tatlong beses sa pintuan ng opisina ng ama niya.  Pagkatapos ay binuksan ni Antonio ang pintuan at pumasok na si Hayes. Agad na naramdaman ni Hayes ang lamig ng aircon. Naamoy din niya ang familiar na pabango na pabango ng kanyang ama.  Nakita ni Hayes ang isang matangkad at matipunong lalaking nakatalikod at nakatingin sa window glass ng building. Napalunok siya dahil ama niya iyon. Napaiglad na lang siya ng bigla nitong banggitin ang kanyang pangalan. Maawtoridad ang boses nito kaya naman hindi niya mapigilan na mapalunok na naman siya ng laway sa sobrang kaba.  Nakita ni Hayes na humarap ang kanyang ama at nakangiti itong nakatingin sa kanya. Hindi niya maitatanggi na ama niya ang lalaking kasama niya ngayon sa kuwarto na ito. Dahil hawig na hawig niya ito. Sa tangkad, sa mga mata at sa tangos ng ilong nito ay kuhang-kuha niya ang itsura ng kanyang ama. May mga naririnig siyang pinagbiyak daw sila ng bunga ng ama niya.  "Hayes, ano pang ginagawa mo dyan? Hindi ka ba lalapit sa akin at yayakapin?" ngiting sabi ni Hidalgo Bamores.  Kanina pa naghihintay si Hidalgo sa pagdating ng kanyang panganay na anak. Kahit anak lang niya ito sa labas ay mahalaga ito sa kanya. Kaya naman lahat ay gagawin niya para maprotekhanan niya ito. Balang araw ay ipapamana ni Hidalgo ang lahat-lahat ng mga kayamanan niya sa kanyang anak na si Hayes. Nakikita niya ang kanyang sarili kay Hayes na matalino at madiskarte sa buhay. Hindi ito umaasa sa kanya kahit na anong pilit nitong bigyan ng pera para makatulong ito sa pag-aaral nito ay hindi nito tinatanggap.  Nakita ni Hidalgo na papalapit sa kanya ang kanyang anak at binati siya nito. At isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito. Sobrang mahal na mahal niya si Hayes dahil ito ang unang anak niya. Pinaupo niya ito at kinamusta niya ang pag-aaral nito?  "O-okay naman daddy. Iyon lang ba ang gusto mong sabihin sa akin?" usisang tanong ni Hayes.  Kinakalma ni Hayes ang kanyang sarili at pinapakita niyang kalmado lang siya sa harapan ng kanyang ama. Alam naman niya na hindi lang iyon ang gustong sabihin ng kanyang ama sa kanya.  "Parang hindi mo naman ako ama Hayes. Kilala mo ako hindi naman kita papatawag kung walang kuwentang bagay lang ang pag-uusapan natin," ngising tugon ni Hidalgo.  Gusto ni Hidalgo ay madalas niyang makita si Hayes. Kaso nga lang ay ayaw nitong sumama sa kanya. Hindi nito maiwan-iwan ang ina nito. Kaya naman minsan ay pinapasundo na lang niya ito kay Antonio para kamustahin. May mga pagkakataon na pinapatawag niya ito upang pagsabihin dahil ayaw niyang may ginagawa itong hindi niya gusto.  Tulad na lang ngayon pinasundo ni Hidalgo kay Antonio si Hayes sa pinapasukan nitong university sa bayan ng Santiago. Alam niya ang schedule ni Hayes. Kaya naman niyang alam niyang tapos na ang oras ng klase nito. Alam din niyang uuwi na ito bahay nito sa Bruson Compound.  "A-ano ba ang sasabihin mo daddy?" kinakabahan na tanong ni Hayes.  Nakatingin si Hayes sa kanyang ama na nakaupo na sa isang itim na office chair nito. Nakita niyang sumeryoso ang tingin nito sa kanya kaya naman kinabahan siya sa sasabihin ng kanyang ama.  "Gusto kong kamustahin ang iyong especial na kaibigan na si Eduardo Arizabal?" seryosong tanong ni Hidalgo.  Agad na nakita ni Hidalgo ang pagkagulat na reaksyon ng kanyang anak na si Hayes. Hindi na siya nagulat sa reaksyon ng kanyang panganay na anak. Alam niyang magugulat ito sa kanyang sinabi.  Inutusan ni Hidalgo si Antonio na manmanan si Hayes. Dahil minsan na niya itong nakita sa labas ng pinapasukan nitong university na may kausap na isang lalaki. Nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam na parang may mali? Kaya naman intusan na niya si Antonio.  Hindi nagustuhan ni Hidalgo ang ni-report ni Antonio sa kanya tungkol kay Hayes at sa lalaking nakita niyang kasama nito. Kaya pinaimbestiga niya kay Antonio ang lalaking kasama ni Hayes.  "D-daddy… " sabi ni Hayes.  Hindi alam ni Hayes kung paano nakilala ng kanyang ama si Eduardo? Napatanong siya sa kanyang sarili kung paano nito nalaman na may kaibigan siyang nagngangalang Eduardo. Parang lalabas na ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k at kahit malamig ang loob ng opisina ng kanyang ama ay pinagpapawisan siya.  Hindi naisip ni Hayes na si Eduardo pala ang pag-uusapan nilang dalawa ng kanyang ama. Bigla na lang siyang nanalangin sa lahat ng santo dahil hindi niya talaga alam ang kanyang isasagot. Napalunok na lang siya ng laway dahil nakita niyang tumayo sa pagkakaupo ang kanyang ama at seryosong nakatingin sa kanya.  "Parang natameme ka yata Hayes? Tinatanong ko lang naman kung kamusta na ang especial mong kaibigan na si Eduardo?" ngising tanong ni Hidalgo.  Tumalikod si Hidalgo sa kanyang anak na si Hayes at tumingin siya sa window glass ng kanyang opisina. Tanaw niya ang buong bayan ng Santiago sa kanyang kinatatayuan. Sino bang mag-aakala na sa katulad niyang lumaki sa hirap ay nakatayo siya ngayon sa isa sa mataas na gusali sa bayan ng Santiago na pagmamay-ari niya.  'Di madali ang pinagdaanan ni Hidalgo para marating niya ang kanyang kinatatayuan niya ngayon. Kaya ang gusto niya na maayos din ang kalagayan ng kanyang mga anak lalo na ang kanyang panganay na anak niyang si Hayes.  Hindi hahayaan ni Hidalgo na mapariwala ang buhay ni Hayes sa isang callboy na katulad ni Eduardo Arizabal. Sigurado siyang pera lang naman ang gusto ng mga katulad ni Eduardo kay Hayes. Muli siyang tumingin ng seryoso sa kanyang anak na si Hayes.  "Bat 'di ka makapagsalita? Hindi mo pa yata ako kilala ng lubusan Hayes. Lahat ay kaya kong gawin para sa inyong pamilya ko. Ayaw kong malihis ka ng landas," seryosong sabi ni Hidalgo.  "W-wala naman akong ginagawang masama," pangangatwiran ni Hayes.  "Seryoso ka ba sa sinasabi mo sa akin Hayes?   Nangangatwiran ka pa talaga? Ama mo ko Hayes, kaya lahat ng kaya kong gawin para lang maprotektahan ka sa mga taong katulad ni Eduardo," seryosong sabi ni Hidalgo.  "D-daddy alam ko ang ibig sabihin mo. Pero hindi ganun si E-eduardo," tugon ni Hayes.  Alam naman ni Hayes kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ama. Hindi mapansamantalang tao si Eduardo. Alam niyang callboy ito ngunit hindi siya katulad ng mga katulad nitong callboy na mapansamantala. Mabait at marespetong tao si Eduardo. Kahit na ilang araw pa lang sila nagkakakilala nito.  "Pinagtatanggol mo ba iyong callboy mong kaibigan?" seryosong tanong ni Hidalgo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD