Anak Ng Callboy II Chapter 15 "Kinalulungkot ko ang nangyari sa Kuya Eduardo, mo Jamison," malungkot na sabi ni Boris. Nasa loob ng kotse si Boris kasama nito Jamison. Kanina ng makarating sila sa Malawi Compound ay kitang-kita nila na tinutupok ng malaking apoy ang mga bahay sa unang kanto. Kahit na ayaw nilang isipin na hindi nadamay sa sunog ang bahay nila Eduardo ay paniguradong nadamay iyon. Narinig ni Boris ang mga usap-usapan ng mga tao na nagsimula ang sunog sa bahay ni Eduardo. Kaya naman bumuhos ang luha ni Jamison na inalalayan agad niya ito. Wala siyang masabi kay Jamison para mapagaan nito ang pakiramdam nito. Napag-alaman din ni Boris na nakaligtas si Lexus pero hindi naman makita si Raddix na kapatid nito. Walang makapagsabi sa kanila kung kasama ba sa sunog si Raddix

