Anak Ng Callboy II Chapter 16 "Suportado kita sa desisyon mo na kunin sila Lexus at Raddix," ngiting sabi ni Dr. Boris. Hindi na nagulat si Dr. Boris na sabihin ni Jamison sa kanya na kukupkupin nito ang dalawa niyang kinakakapatid na sila Raddix at Lexus. Sinabihan din niya si Jamison na tutulong siya sa financial kina Raddix at Lexus. Pauwi na si Dr. Boris sa bahay niya kasama si Jamison. Sinabihan niya ito na wag na muna itong umuwi sa apartment na tinutuluyan nito. Mas okay na may kasama si Jamison ngayon lalo na sa nangyari sa Kuya Eduardo nito. Gustong damayan ni Dr. Boris si Jamison. Hindi niya maiwasan na maawa kina Jamison at Raddix at bunsong kapatid nitong si Lexus. Ulilalng lubos na ang dalawa kaya kailangan nito ng magkakalinga sa mga ito. Napakunot nga si Dr. Boris

