Anak Ng Callboy II Chapter 32 "Nakikiramay ako sa Raddix. Pasensya na kung ngayon lang ako nakapunta," sabi ni Calum. Kararating lang ni Calum sa chapel ng Malawi Compound kung saan nakaburol ang ama ni Raddix. Kasama niyang pumunta rito sila Darwin at Dave sakay ang kotse nito. "Condolence Raddix," seryosong sabi ni Dave. "Raddix, condolence," sabi ni Darwin. "Kayo pala Calum, okay lang naman," pilit na ngiting tugob ni Raddix. Sinabihan ni Raddix na umupo sila Darwin at Dave pati na rin si Calum. Napatingin siya kay Gunner na masama ang tingin nito sa pinsan nitong si Calum na tumabi sa kanya. "Kamusta ka na Raddix? Nakatulog ka ba? Kamusta ang bunsong kapatid mong si Lexus?" pag-aalalang tanong ni Calum. Hindi alintana ni Calum ang masamang tingin sa kanya ng kanyang pi

