Anak Ng Callboy II Chapter 33 "Maiba ako ng usapan. Nakita mo na ba iyong kasama ni Jamison?" sabi ni Benz. Iniba na lang ni Benz ang usapan nilang dalawa ni Jagger. Medyo nasaktan siya sa sinabi ng kanyang kaibigan niya tungkol kay Rainer. Iniisip pa lang ni Benz na may hahawak na ibang lalaki kay Rainer ay kumukulo na ang kanyang dugo. Sa kanya lang ang guwapong lalaking si Rainer. Kung kailangan niyang itago kay Jagger ang pagmamahalan nila ni Rainer ay gagawin niya. Hindi kaya ni Benz na iwanan na lang basta-basta si Rainer. Ngayong mismong oras na ito ay napatunayan niyang mahal niya ang guwapong lalaking si Rainer. Mababaliw siya kung paghihiwalayin sila ni Jagger. Alam naman ni Benz na kailangan nila si Rainer para makakuha ng mga impormasyon tungkol sa Blue Flynns Gang.

