Anak Ng Callboy II Chapter 34 "Ay! Anong meron bat ang daming tao? Ano to? Simbang gabi?" gulat na tanong ni Brenda. Pinag-usapan ni Brenda at ni Barbie na pupunta sila ngayon sa lamay ni Mang Eduardo. Sobrang masakit at malungkot para sa kanila ang nangyari. Sabi nga niya na mas ok na naabo ang mga bahay nila wag may mamatay sa sunog. Sobrang nanlumo si Brenda pati na rin sila Barbie lalo na si Madam Dyosa ng malaman nilang namatay sa sunog ang ama ni Raddix na si Mang Eduardo. Hindi na rin naman kasi iba ang pamilya nila Raddix sa kanila. Wala silang nagawa kundi umiyak kagabi. Sobrang nagpapasalamat si Brenda na kinupkop pa rin sila ni Madam Dyosa sa isa nitong bahay dito rin sa Malawi Compound. Kanina lang ay kinausap nila si Madam Dyosa at sinabing makikipaglamay sila ni Barbi

