Anak Ng Callboy II Chapter 35 "Barbie, saan ka pumunta? Ang tagal mo ah? Wag mog sabihin naka-score ka na?" taas kilay na sabi ni Brenda. Nakadalawa ng yosi si Brenda ng bumalik si Barbie galing sa pag-ihi. Nagpaalam ito na iihi lang pero napansin nila ni Madam Dyosa na sobrang tagal bumalik ni Barbie. Ang hula nilang dalawa ay nakakuha ito ng lalaki sa likuran ng chapel kung saan ito pumunta. Lalong tumaas ang kilay ni Brenda ng mapansin na pulang-pula ang labi ni Barbie at medyo magulo ang maikling buhok nito. Nilapitan niya ito at inamoy-amoy niya ito na parang aso. Gusto makasiguro ni Brenda kung talagang nakapuntos si Barbie ngayon. Napangisi siya ng maamoy niya ang panlalaking amoy sa suot na damit ni Barbie. Lumayo si Brenda kay Barbie at pumunta siya sa kinaroroonan ni Ma

