Anak Ng Callboy II Chapter 36 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Umalis na muna si Dyosa sa tabi ni Raddix at umupo muna siya sa sofa kung saan nakaharap si Raddix. Titignan niya kung paano bibinyagan ni Barbie ang kababata at crush nitong si Raddix? "Gaga gurl! Bilisan mo hindi lang ikaw ang titikim kay Raddix." inis na sabi ni Brenda. Hindi na makapaghintay si Brenda na gusto na niyang sunggaban ang makisig na binatang nakaupo sa gitna ng parlor na pinagtratrabahuhan niya. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na gagawin nila Brenda ang ganitong bagay. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang nagpapasok ng iba't-ibang lalaki sa loob ng parlor? Hindi para gupitin ang mga buhok nito kundi para tikman. "Barbie, lapit ka na dito sa akin." ngising sabi

