Anak Ng Callboy II Chapter 12 "Buti nandito ka na Raddix? Kanina ka pa hinihintay ni Jagger," ngiting sabi ni Benz. Inaya na ni Benz si Raddix na pumasok sa loob ngunit nakita niyang gusto rin pumasok nila Gunner. Kaya naman agad niya ito pinigilan ang mga ito dahil siguradong magagalit sa kanya si Jagger kapag pinapasok niya ang mga ito. Pasimpleng tinignan ni Benz ang kanyang kasintahan na nasa likuran nila Gunner. At muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kina Gunner na nagpupumilit na pumasok. Kilala niya ang dalawa pang kasama nito na sila Pierce at Zenon. Ngunit hindi kilala ni Benz ang lalaking chinitong katabi ni Raddix na nakangiting nakatingin sa kanya. Napakunot noo na lang siyang nakatingin sa chinitong lalaki. "Puwede bang papasukin mo na kaming lahat Benz?" pakius

