Anak Ng Callboy II Chapter 11 "Seryoso ka ba Gunner?" kunot noo tanong ni Calum. Sinundan ni Calum ang kanyang pinsan na si Gunner papasok sa loob ng condo unit niya. Hindi niya inaasahan na bigla-bigla na lang itong papasok sa loob. Muntikan pa siyang matumba sa bigla nito pagtulak sa kanya. "Raddix! Raddix!" sigaw ni Gunner. Basta-basta na lang pumasok si Gunner sa condo unit ng kanyang pinsan na si Calum. Itinulak niya ito para makadaan siya at tuloy-tuloy siya sa paglalakad. Wala siyang pakialam kung magalit si Calum sa kanya. Ang gusto lang niya ay makita at makausap si Raddix. Napatingin si Gunnet sa paligid at nandito siya ngayon sa sala ng unit ni Calum. Napakunot noo na lang siya ng makitang nagkalat ang mga damit, underwear at pantalon. Napalingon siya sa kanyang likur

