Anak Ng Callboy II Chapter 74 "Bakit ayaw mo pang sumunod sa akin kanina?" seryosong tanong ni Nixon. Nandito na si Nixon sa loob mg kuwarto kung saan kasama niya si Carlos na natutulog dito. Nagpapasalamat talaga siya kay Hayes dahil binigyan siya ng kuwarto na silang dalawa lang ni Carlos. "H-hindi naman sa ayaw. Iniisip ko lang sila Hayes at Amir, gusto pa kasi nila makipagkuwentuhan," pilit na ngiting tugon ni Carlos. Sinimulan na ni Carlos na hubarin ang suot niyang damit at pantalon. Pagkatapos niyang hubarin ang kanyang suot at natira na lang ay ang suot niyang puting boxer brief. At kumuha siya ng isang puting sando at sa isang malaking itim na bag na nakalagay sa side table ng kama. Isusuot na sana ni Carlos ng bigla niyang maramdaman ang yakap sa kanya ni Nixon. At niy

