Anak Ng Callboy II Chapter 75 "Masaya ako na nalalapit ako kay Lexus," ngiting sabi ni Hayes. Masaya si Hayes dahil na rin sa isang gabi ay napalapit siya kay Lexus. Pero sa kabila ng kasiyahab niya ay nakakaramdam siya ng lungkot dahil ramdam na ramdam niya na uhaw na uhaw si Lexus sa pagmamahal ng isang ama. Hindi alam ni Hayes kung bakit ganun na lang ang pagka-uhaw ni Lexus sa isang ama. Noong tinabihan niya ito sa pagkahiga kanina ay nagulat siya dahil niyakap siya nito at hindi nagtagal ay nakatulog ito. Nalaman pa ni Hayes kay Perzues na iyon ang unang beses na mabilis ang tulog ni Lexus. Kung noon daw ay sobrang nakatulala lang ito tas makakatulog na lang ito sa labis ng pagkain. "Bakla wag kang magalit sa sasabihin ko sa'yo. Hmm… Masaya naman ako sa'yo na nalalapit sa'y

