PROLOGUE : The Man Behind RGC
Disclaimer: This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story contains strong language and scenes that could be disturbing to certain readers. Read at your own risk.
· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • •
HINDI lahat ng pagod nakikita sa eyebags. May mga pagod na nakatago sa paraan ng paghinga mo tuwing umaga. Sa pilit mong pagbangon kahit gusto mo na lang manatili sa kama. Sa paulit-ulit mong pagsabi sa sarili mong, “Kaya pa.” At iyon mismo ang klase ng pagod na dala ni Anya Jahzari Garcia.
“Zari, buhay ka pa ba?”
Napakurap siya nang marinig ang boses ni Alysson Marie dela Cruz mula sa kabilang cubicle. Nakasilip ito habang may hawak na tatlong folders at isang malamig na iced coffee na halatang kanina pa binili.
Napabuntong-hininga si Zari habang hindi inaalis ang tingin sa laptop screen.
“Depende. Kapag namatay ako ngayon, pakisabi sa HR na hindi ko na matatapos ‘tong proposal.”
“Bwisit ka talaga,” natatawang sabi ni Lyss bago inilapag ang iced coffee sa desk niya. “O, inom. Mukha ka nang multo.”
Napatingin si Zari sa digital clock sa gilid ng monitor.
9:47 PM.
Tatlong oras na silang overtime. Again.
Tahimik na ang buong 14th floor ng RGC Tower. Karamihan sa mga empleyado ay matagal nang umuwi, pero heto silang dalawa—nakakulong pa rin sa malamig na opisina habang tinatapos ang proposal para sa biggest investors meeting ng kumpanya.
Normal na gabi na lang iyon para sa kanila.
Trabaho. Deadline. Pagod. Uwi. Tulog. Repeat.
Ganito na umiikot ang buhay nila sa nakalipas na apat na taon. Pareho silang hindi nakapagtapos ng college. Parehong nawalan ng direksyon. At parehong natutong mabuhay kahit pakiramdam nila naiwan na sila ng mundo.
“Alam mo,” sabi ni Lyss habang umiikot ang swivel chair niya papunta kay Zari, “kapag yumaman ako, bibili talaga ako ng sarili kong kumpanya para pwede kong murahin ang mga boss.”
Napangiti si Zari nang bahagya. “Akala ko ba magiging may-ari ka ng café?”
“Upgrade na. Luxury businesswoman na ako ngayon.”
Napataas ng kilay si Zari. “Luxury businesswoman?”
Tumango si Lyss na parang proud na proud sa sarili. “AM Luxe Creation.”
“Ha?”
“My future company name.”
Napailing si Zari habang natatawa nang mahina. “Pinag-isipan mo talaga?”
“Syempre.” Sumandal si Lyss sa upuan niya.
“Luxury events. Hotel supplies. High-end packaging. Bongga. Hindi ako habambuhay magpapakamatay sa corporate world.”
May kung anong kumirot sa dibdib ni Zari habang nakatingin sa kaibigan. Kilala niya si Lyss. Kapag may sinasabi ito, seryoso.
“Hindi ka natatakot?” mahina niyang tanong.
“Takot saan?”
“Na mag-fail.”
Sandaling natahimik si Lyss. Pagkatapos ay ngumiti ito.
“Mas nakakatakot yata ‘yung habang-buhay kang stuck sa buhay na hindi mo naman gusto.”
Napababa ng tingin si Zari sa laptop niya. Hindi siya sumagot. Dahil alam niyang tama ito. Minsan, iniisip niya kung anong buhay meron siya ngayon kung hindi nangyari ang lahat noon.
Kung nagtapos siya.
Kung hindi siya nawala.
Kung hindi siya nasira.
Mariin niyang ipinikit ang mata.
No.
Ayaw niyang isipin iyon. Hindi ngayong gabi.
“By the way,” biglang sabi ni Lyss, “alam mo bang darating daw tonight ‘yung owner?”
Napakunot-noo si Zari. “Owner?”
“Girl, saan ka ba nakatira? Under the sea?” Napailing si Lyss.
“May emergency executive meeting mamaya. First time raw magpapakita nung totoong may-ari ng RGC.”
Bahagyang natigilan si Zari. Sa apat na taon niya sa kumpanya, hindi pa niya nakikita kahit minsan ang totoong owner ng RGC. Puro board members lang. Executives. Vice presidents. Pero hindi ang may-ari. Masyadong misteryoso. Masyadong pribado.
“Anong oras?”
“10 PM.”
Napatingin si Zari sa clock. 9:56 PM.
“Wala akong pake,” sabi niya bago muling bumalik sa screen. “Basta matapos ko lang ‘tong proposal.”
“Hay naku. Kapag gwapo ‘yon, magsisisi ka.”
“Lyss.”
“O siya na.”
Lumipas ang ilang minuto habang tahimik silang nagtatrabaho. Tanging tunog lang ng keyboards at air conditioner ang maririnig sa buong floor. Hanggang sa—
TING!
Tumunog ang company-wide notification sa monitors nila.
ALL EXECUTIVES AND PROPOSAL TEAM MEMBERS ARE REQUIRED TO ATTEND THE BOARDROOM MEETING AT 10:15 PM.
Napasinghap si Lyss. “Bwisit. Kasama tayo.”
Napamura naman si Zari sa ilalim ng hininga niya. Pagod na pagod na siya. Wala na siyang energy para sa meeting. Pero wala silang choice.
Corporate slaves nga naman.
EKSAKTONG 10:14 PM nang makarating sila sa executive floor. Tahimik ang hallway. Malamig. Eleganteng-elegante. Parang ibang mundo kumpara sa ordinaryong office floors. Habang naglalakad sila, napansin ni Zari ang tensyon sa paligid.
Lahat seryoso.
Lahat kinakabahan.
Kahit ang senior executives. Parang may hinihintay silang diyos.
“Girl…” bulong ni Lyss. “Parang papasok tayo sa korte.”
“Tumahimik ka nga.”
Pagdating nila sa conference room, halos puno na ito. Mahabang glass table. City lights sa likod. Mahahalagang tao.
At sa pinakadulong bahagi ng mesa… isang bakanteng upuan.
Naupo sina Zari at Lyss sa pinakadulo. “Late tayo,” bulong ni Lyss.
“Two minutes lang.”
“Late pa rin ‘yon.”
Bago pa makasagot si Zari—bumukas ang conference room doors.
At biglang tumayo ang lahat. Napatigil siya. Kasunod noon ay mabibigat na yabag. Mabagal. Sigurado. Authoritative.
Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis t***k ng puso niya. Unti-unti siyang napatingin pataas.
Black suit.
Rolex watch.
Malapad na balikat.
Malamig na aura.
At nang tuluyan niyang makita ang mukha nito— parang tumigil ang mundo. Nanlamig ang buong katawan niya.
Hindi.
Hindi pwede.
Hindi maaari.
Hindi siya pwedeng magkamali.
Pero kahit ilang taon pa ang lumipas… kahit gaano pa ito magbago…
kilala niya pa rin.
Aron Lienzo Rodriguez.
Ali.
Parang nawalan ng hangin ang dibdib niya.
Samantalang si Ali naman ay tuluyang napatigil sa paglalakad nang magtagpo ang mga mata nila.
At sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon… nakita ulit niya ang babaeng hindi niya kailanman nakalimutan.
Tahimik ang buong conference room. Pero para kay Zari, parang sobrang lakas ng t***k ng puso niya.
Hindi siya makahinga.
Hindi siya makagalaw.
Hindi niya alam kung anong mas masakit—
ang makita ulit ito…
o ang maramdamang mahal niya pa rin.
“Good evening,” malamig na saad ni Ali habang nakatingin pa rin sa kanya.
Nanigas si Zari sa kinauupuan.
Samantalang si Lyss naman ay dahan-dahang napalingon sa kanya, halatang naguguluhan. Pero hindi na iyon napansin ni Zari.
Dahil ang lahat ng bagay sa paligid niya ay tila nawalan ng tunog. Ang tanging nakikita niya lang… ay ang lalaking iniwan niya noon.
Ang lalaking pilit niyang kinalimutan.
Ang lalaking dahilan kung bakit hanggang ngayon ay takot pa rin siyang balikan ang nakaraan.
Unti-unting naupo si Ali sa head chair ng mesa.
CEO’s chair. Owner’s chair.
At doon tuluyang nagsink in kay Zari ang katotohanan.
Si Ali… ang lalaking minsan niyang minahal… ang totoong may-ari ng RGC.
“Before we begin,” kalmadong sabi ni Ali habang nakatitig diretso sa kanya, “I’d like to personally meet the proposal specialist responsible for the Han Group acquisition.”
Parang biglang nag-echo ang buong kwarto. At bago pa man makapagreact si Zari— itinuro siya ng senior manager nila.
“That's Anya Jahzari Garcia, sir.”
Muntik nang mawalan ng kulay ang mukha niya. Tahimik lang na nakatingin si Ali sa kanya. Pero sapat na ang mga mata nito para ibalik lahat ng pilit niyang ibinaon sa nakaraan.
College hallways.
Jeepney rides.
Unspoken feelings.
Mga gabing akala niya pwede silang maging sila.
At ang araw na iniwan niya ito.
Tumayo si Zari kahit nanghihina ang tuhod niya. “G-Good evening, sir.”
Napakabagal ng naging pagngiti ni Ali. Pero walang warmth doon. Walang lambing. Mas lalong walang forgiveness.
“Miss Garcia,” mababa nitong saad. At doon niya narealize.
Hindi lang siya nakabalik sa nakaraan. Mukhang hindi pa pala talaga siya nito napapatawad. Pagkatapos ng napakahabang katahimikan, nagsalita muli si Ali. At tuluyan nitong winasak ang natitira niyang katahimikan.
“After all these years…” mahina nitong sabi habang diretso ang tingin sa kanya.
“…bakit ikaw pa rin?”
· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • •