EnjoyReading:)
NAKANGITI si Sweetness habang nasa klase siya. Nakikita niyang nag-iinisan si Josh at Maika.
Himalang pumasok ang dalaga ngayon, pero ayos naman na siya, konting selos, pero at least napunta na kahit papaano ang atensyon sa kanya ng binata.
Magkatext pa sila kaninang umaga at nagpapaalam kung nasa school o anong oras sila papasok, since parehas naman silang maagang pumasok kaya nagkita agad sila sa library para magbasa.
Hindi man sila nakapag-usap kanina ng matagal dahil sa pagbabasa ay masaya siya dahil nga magkalapit silang dalawa.
Kuntento siya sa ganitong eksena nila ni Josh, walang relasyon pero sapat na sa kanya na malapit sa kanya si Josh.
Napailing na lang siya at 'di niya namalayan na bumaling ang tingin niya sa pinsan na masama ang tingin sa kanya. Umiwas naman siya agad ng tingin dito.
Bigla-bigla namang nagpaquiz sa kanila ang prof. nila sa physics, buti na lang talaga ay nakikinig siya. Mainit din 'ata ang dugo ni prof. kay Maika dahil lagi nitong napapansin ang dalaga.
Napabuntong hininga na lang siya at nakinig sa mga question ng prof nila.
Bahala na.
GUSTONG SABUNUTAN ni Josh si Maikaela dahil sa inis. Sumilip siya sa prof. nila na naka-focus sa nakayukong si Maika.
Kapag hindi lang 'to babae ay matagal na niya itong sinapok.
Naglabas siya ng isa pang papel at sinagutan si Maika. Lahat na lang ng santo ay dadasalan niya upang hindi siya mapansin ng prof niya.
Hanggang sa natapos ang klase nila at bad trip si Josh dahil nahalata ng prof. nila na sinagutan niya si Maika, pinatawag pa nga sa opisina si Maikaela.
Tumayo siya agad dahil kinakabahan siya sa kung anong gagawing parusa kay Maika. Tumingin siya kay Sweetness at napangiti siya ng makitang nakatingin din ang dalaga.
Hindi pa pala niya naibibigay ang plates nito.
Nang makalabas na siya sa classroom ay agad siyang nagtipa ng text para kay Sweetness.
To: Strawberry ?
Pst, later kita tayo after ng klase natin sa Visual Technique.
Naglalakad siya pasunod kila Maika pero mabagal lang dahil hinihintay niya si Sweetness na mag-reply.
Nawala na lang siya dahil sa si-nave niya sa contact niyang pangalan ng dalawa.
Well, she smells like strawberries, but she tastes better than strawberries.
From: Strawberry ?
Saan tayo mag-meet?
Napaisip si Josh, gusto niya sa hindi makikita ng iba. Ayaw niyang magkaroon ng issue about sa kanilang dalawa ni Sweetness at nalilito padin siya.
To: Strawberry ?
Punta ka na lang sa Zeau restaurant. Sunduin kita.
From: Strawberry ?
Sige.?
Napatingin siya sa pinto ng office ng prof. niya. Nandiyan sa loob si Maika, bilang paggalang ay naghintay na lang siya dito sa labas.
From: Strawberry ?
Sabay ba tayong maglunch? Last sub natin ngayong umaga ang Visual Technique.
Napangiti siya dahil 'yon din naman ang plano niya.
To: Strawberry ?
Oo, sabay tayong kumain. Kakain lang, a...?
Napailing siya dahil sa reply niya sa dalawa. Napailing-iling na lang siya.
From: Strawberry ?
Kaya nga mag-lulunch 'di ba, para kumain... May iba pa ba tayong gagawin maliban sa pagkain?
Natawa siya ng malakas pero natigilan siya nang lumabas si Maikaela at nakita niyang umiiyak ito kaya agad siyang kinabahan.
Ano naman ang nangyari sa loob ng opisina ni Prof.?
Nagtama ang paningin ni lang dalawa at agad naman siyang niyakap ng kaibigan.
"Shh, what happened?" mahinang tanong niya kay Maikaela na umiiyak pa rin.
Hindi nagsalita ang kaibigan. Hinayaan niya lang itong umiyak, napatingin siya sa pinto ng office ng prof nila at nakita niyang nakatingin ito sa kanila.
"Halika ka na," mahinang sabi niya at inakay na si Maikaela papaalis.
Nandito siya para damayan si Maikaela. Alam niyang may hindi magandang nangyari sa office ng kanilang prof.
Hindi iyakin si Maikaela, ito ang babaeng isa sa pinakahinahangaan niya maliban sa kanyang ina.
He respects Maikaela.
He would not let Maikaela get hurt. Not in front of him.
Ito ang babaeng hinayaan niyang makilala siya at mapalapit sa kanya. Para na niya itong nakakatandang kapatid pero mukang siya pa ang matanda dahil nga ang tigas ng ulo ni Maikaela.
Hinayaan niya lang dahil gusto niyang maramdaman nito na deserve nitong makuha ang buong mundo, deserve nitong makilala at mahalin bilang isang babae.
He would not let anyone hurt Maika, she had gone through so much pain.
PATINGIN-TINGIN si Sweetness sa pinto dahil wala pa rin si Maika at Josh. Si Prof. Matias ang nagle-lecture sa harapan kaya pasimple niyang kinuha ang cellphone niya at nagtext kay Josh.
To: My Love?
Josh, hindi ka papasok?
Kinakabahan na kasi siya dahil akala niya ay papasok pa ito at magkikita't sabay silang kakain ng lunch later.
Nag-vibrate naman ang phone niya kaya agad niyang binasa ang text ni Josh.
From: My Love?
Hindi na ako papasok sa last sub. Kita na lang tayo mamaya.
Napangiti na lang siya at nakinig na sa lecture ng prof niya.
Hindi na siya makapaghintay. Makakasabay niyang mag-lunch si Josh.
Makikita niya at malalaman niya ang gusto nitong orderin mamaya kapag kumain na sila. Mapapalapit siya lalo sa binata.
Sana talaga ay h'wag nang humadlang pa o umeksena si Cassie sa kanilang dalawa. Nakakahinga na siya ng maluwag ngayon, siguro dahil hindi na siya nakakarinig ng kahit na anong masakit na salita sa tita niya at kay Cassie kapag nasa bahay siya ng mga ito.
Kahit papaano ay nakakahinga na siya ng maayos, malayo sa asawa at mga anak ng tunay niyang ama at malayo sa tita niya.
Ang Tito Simon niya na siyang tumayong ama niya at minahal siya ay lubos na pinapasalamat niya, kahit papaano ay pinaalam sa kanya, ang magkaroon at maramdaman ang magka-ama.
Nang matapos na ang Visual Technique nila ay nagmamadali niyang inayos ang mga gamit niya sa lamesa niya at nagmamadaling lumabas sa classroom nila.
Naglalakad na siya ng hallway ng makita niya si Kaito na naghihintay sa labas ng department nila.
Naalala naman niya ang sinabi ni Josh sa kanya kagabi.
"Walang Kaito, Sweetness...Walang kahit na sino."
Of course she would follow Josh. She would not do anything to annoy Josh nor cause him to stay away from her.
Lalampasan na sana niya ang binata ng harangan siya ni Kaito.
"Hi," nakangiti nitong bati sa kanya.
Ayaw naman niyang maging maldita sa lalaki dahil mukha naman talagang mabait ang binata.
"Do you need anything?" nakangiting tanong niya dito at nakita naman niya itong bumusangot.
"Bli-nock mo ako sa f*******: at messenger. Ang sama ng ugali mo," nakabusangot na sabi nito.
Napaiwas naman siya ng tingin dito dahil hindi naman niya alam ang sasabihin dito.
"Bakit mo ko bli-nock?" tanong nito.
"K-kasi h---"
"Hi Cassie!" napatingin siya sa kinawayan ni Kaito.
Nakita niya ang pinsan kasama ang mga kaibigan nito. Nakatingin ito sa kanila ni Kaito bago siya nginisian at inirapan.
"Huh? Umirap ba siya sa 'kin?" nagtatakang tanong ni Kaito ay napahawak sa baba niya na tila nag-iisip.
Nakita niyang umalis na si Cassie kasama ang mga kaibigan nito kaya napabuntong hininga siya.
"Sa 'kin siya umirap," mahinang sabi niya.
"Huh?"
"Wala ka bang kailangan sa akin? Sige, i-unblock kita mamaya," sabi niya at lalampasan na sana niya si Kaito ng harangan na naman ang dadaanan niya.
"Lunch tayo," nakangiting sabi ng binata kaya natigilan siya. "Come on, Sweetie... Pambawi mo sa 'kin, hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung ba't mo ako bli-nock."
Hindi siya makatingin sa binata.
Nagulat na lang siya nang nilapit nito ang mukha nito sa mukha niya.
"K-kaito..." manginginig at malalaki ang matang tawag n'ya dito.
"Nakikita mo ba? Tignan mo ang ilalim ng mga mata ko... Nakita mo? Ang itim-itim! Kasalanan mo ito kaya sasabayan mo akong kumain ng lunch ngayon," sabi nito at lumayo naman sa kanya.
"M-may k---"
"Sabay kaming mag-lulunch ni Sweetness." Napatingin siya sa likod ni Kaito at nakita ang madilim na mukha ni Josh.
Dahan-dahan namang tumingin si Kaito kay Josh.
"Bakit sabay kayo?" tanong ni Kaito kaya natigilan siya.
Hindi niya masagot ang tanong ni Kaito.
NAGMAMADALING pumunta si Josh sa department ng architecture kasi nga ay pupuntahan niya si Sweetness. Alam niya kasing tapos na ang klase baka malabong magkasalubong ang daan nila ni Cassie.
Pinauwi na muna niya si Maikaela. Hindi naman 'yon mapipirmi dito sa university, mas magandang ilayo niya ito sa gulo lalo at madami itong kagalit dito sa university.
Kaso nakita niya si Sweetness na papasalubong sa kanya kasama ang mga kaibigan nito. Napabuntong himinga siya lalo nang bumilis ang tibong ng puso niya.
Hindi padin nagbabago ang epekto sa kanya ng dalaga.
"Mauna na kayo sa labas," rinig niyang sabi ni Cassie sa mga kaibigan nito. "Susunod na lang ako sa inyo mamaya."
Nakita naman niyang umalis na ang mga kaibigan ni Cassie. Lalampasan na sana niya ang dalaga dahil parehas silang tumigil sa paglalakad nang harangan siya nito.
"Cassie," mahinang tawag niya sa dalaga.
Hindi siya makahinga ng maayos kapag kasama niya si Cassie dahil sobrang bilis ng t***k ng puso niya.
"Magbabar kami mamaya," mahinang sabi ni Cassie sa kanya.
"Hindi ako makakasama Cassie. Madami kasi akong tatapusin mamaya," nakaiwas na sabi niya sa dalaga.
"Bakit lumalayo ka sa 'kin?"
Tinitigan niya ang magandang mukha ni Cassie. Pasimple niyang hinawakan ang dibdib dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya.
"Ikaw ang unang lumayo at katulad ng sabi ko, hindi ko kaya ang pinapagawa mo. Si Maikaela, ako na lang ang meron siya," bulong niya na sabi niya.
Hindi naman niya pwedeng banggitin ang pangalan ng kuya ni Maikaela. Artista ito at alam niyang nilalayo ni Kuya Harvey, si Maikaela sa gulo ng showbiz.
Nakita niyang napabuntong hininga si Cassie.
"I wouldn't love someone like you Josh," sabi ni Cassie.
Natigilan siya dahil sa sinabi nito.
"Sabi mo mahal mo ako, nasaan? Nakikita mo ba? Grabe, akala mo hindi ko napapansin ang pagsulyap-sulyap mo kay Sweetness? Bakit? S'ya na ba ang mahal mo?"
"Cassie, nagkakamali ka ng ini---"
"See? Kasama ni Sweetness si Kaito kanina. Kilala mo si Kaito, 'di ba? Kaibigan mo siya, anong nangyayari Josh?" kunot ang noong tanong ni Cassie sa kanya.
Kumunot din ang noo niya dahil kasama ni Sweetness si Kaito?!
Akala niya ay nagkaintindihan na sila ni Sweetness.
"Alam mong galit sa akin si Sweetness! Bakit lahat na lang kinukuha niya sa akin?!" sigaw nito kaya ilang mga estudyang dumadaan ay napapatingin na sa kanila.
"Cass," tawag niya sa dalaga.
"Ano Josh? Ano bang relasyon niyo ni Sweetness? Bakit basta mo na lang akong tinalikuran? Dahil ayaw mong layuan si Maikaela, pumayag ba ang pinsan kong si Sweetness na makipagrelasyon sa 'yo habang malapit ka kay Maikaela? Kaya ba mas pinili mo na lang siya?" mabahang tanong nito.
Agad naman niyang niyakap si Cassie dahil teary eyes na ito. Hindi niya kayang makitang ganoon si Cassie.
Ramdam naman niyang may problema sa pagitan ni Sweetness at Cassie. Hindi niya lang ma-pinpoint.
"Sinabi ko nang mahal kita. Mahal kita Cassie," madiing sabi niya sa dalaga.
"Pero bakit may Sweetness?" inis na tanong nito sa kanya.
"Kailan ba nagkaroon ng Sweetness? Kailan ka napalitan?" nakapikit na tanong niya dito.
Natigilan si Cassie dahil sa tanong niya.
"Ang hindi ko lang gusto ay ang pinapalayo mo ako kay Maikaela. Importante ka sa akin, gano'n din si Maikaela. Mahal ko siya bilang kapatid at mahal kita bilang isang babae, bilang ikaw. Magkaiba ang dalagang 'yon," masinsinan niyang sabi kay Cassie.
Mahigpit siyang niyakap ni Cassie at hindi nagsalita.
"Pag-isipan mong mabuti, Cassie. Mahal kita," bulong niya sa dalaga.
"Layuan mo na si Sweetness, gusto ko na lang siyang mawala sa landas nating dalawa Josh... Pag-iisipan ko ang kay Maikaela."
Humiwalay nang yakap si Cassie sa kaya at tinignan siya sa mga mata.
Mag-iba na naman ang desisyon ni Cassie, dati gusto nitong paasahin niya si Sweetness, ngayon naman ay gusto na lang nitong layuan na nila si Sweetness.
Anong gagawin niya?
Nagulat na lang siya nang bigla siyang hinalikan ni Cassie ng mabilis sa mga labi bago siya iniwan.
Nakatulala siya ng ilang minuto bago maglakad papunta sa department nila at nakita niya ngang mag-usap si Kaito at Sweetness.
Nakatalikod si Kaito sa kanya, mukhang ang lapit pa ni Kaito kay Sweetness kaya natigilan siya at biglang nainis.
Nalilito na kasi siya tapos ganito pa ang makikita niya.
"Lunch tayo," narinig niyang aya ni Kaito kay Sweetness. "Come on, Sweetie... Pambawi mo sa 'kin, hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung ba't mo ako bli-nock."
Sweetie?
Gusto niyang masuka sa inis.
Hindi niya narinig ang sagot ni Sweetness.
Nagulat na lang siya nang mukhang mas nilapit nito ang mukha nito sa mukha ni Sweetness.
"K-kaito..." narinig niya ang nanginginig na boses ni Sweetness.
"Nakikita mo ba? Tignan mo ang ilalim ng mga mata ko... Nakita mo? Ang itim-itim! Kasalanan mo ito kaya sasabayan mo akong kumain ng lunch ngayon," sabi nito kay Sweetness bago umatras ng kaunti.
"M-may k---"
Hindi na niya pinatapos magsalita si Sweetness.
"Sabay kaming mag-lulunch ni Sweetness," walang ganang aniya.
Napatingin si Sweetness sa kanya. Nakita niya ang kaba sa magandang mukha ng dalaga.
Dahan-dahan namang tumingin si Kaito sa kanya.
"Bakit sabay kayo?" tanong ni Kaito kaya natigilan siya.
Napapikit siya at napahawak sa batok niya.
"May plates kaming pag-uusapan. Hindi mo 'yon maiintindihan, bobo ka pa naman," at pekeng ngumito kay Kaito.
Nakita niyang natigilan si Kaito. Parehas sila halos ng personality ni Kaito dahil parehas silang isip bata.
"Tang ina mo a, kaka-offend ka," sabi nito at malakas siyang tumawa para ipakita ditong nagbibiro siya.
Para hindi mag-isip ng kung ano-ano ang kaibigan.
"Sama ako maglunch," sabi nito at napakunot noo siya ng bigla nitong akbayan si Sweetness.
Nakita niyang nagulat si Sweetness dahil sa ginawa ng binata.
"Sweetie, sabay tayo, huh? Libre mo 'ko entrance, libre kita exit," sabi nito at malakas tumawa.
Naiilang naman si Sweetness na tinanggal ang pagkakaakbay ni Kaito bago tumingin sa kanya.
Tumalikod na siya.
Naiinis siya at gusto niyang suntukin si Kaito dahil mukhang seryoso itong landiin si Sweetness.
"Sumunod na kayo." sabi niya at naglakad na.
Naramdaman niya namang sumunod ang dalawa.
"Sa kotse ko sasakay si Sweetness, may alam akong masarap na kakainan," sabi nito kaya naikuyom niya ang kamao niya.
Damn! Kaito!
HINDI ALAM ni Sweetness pero hindi maganda ang aura ni Josh. Si Kaito lang ang nagsasalita sa kanilang tatlo habang kumakain.
Mahaba-haba naman ang lunch break nila ni Josh, hindi niya lang alam kay Kaito.
"Hoy, nasaan na 'ying plates niyo?" tanong ni Kaito at ngumiti na naman sa kanya. "Sweetie, kapag papatayo ako ng bahay natin, design mo."
Nanlaki ang mga mata niya lalo nang binato ni Josh si Kaito ng table napkin.
"Kadiri ka, Kai," diring-diri na sabi ni Josh.
"Bakit? Dapat inaya mo din si Cassie, tang-ina, e 'di tayo ang tirador ng magpinsan. Gago, bestfriend," sabi ni Kaito at malakas na tumawa.
Napahawak siya sa leeg niya dahil sa sinabi ni Kaito.
Kung alam lang nitong komplikado ang meron sa kanilang tayo.
Cassie, Josh, at Ako.
Nakita niyang napahawak si Josh sa noo nito bago may kinuha sa bag nito.
"Ipasa mo na ito kay Prof. mamaya," sabi ni Josh.
Agad naman niyang tinignan at nanlaki ang mga mata dahil ginawan siya ni Josh. Ngumiti siya kay Josh na ngumiti din sa kanya.
"Salamat," sabi niya at kinuha ang plates at tinitigan ng mabuti.
Mula sa side view ng bahay...
Umakbay na naman sa kanya si Kaito dahil silang dalawa ang magkatabi habang si Josh ay kaharap nila.
Malalaki ang matang napatingin siya kay Kaito.
"Sweetie, may gusto ka pang kainin?" tanong nito, agad naman siyang umiling at tinago na ang plates na ginawa ni Josh.
Nakita niyang masama ang tingin ni Josh at tumayo. Nataranta naman siya.
"Restroom lang ako, kalandi mo talaga, gago," sabi nito kaya malakas namang tumawa si Kaito dahil sa sinabi ni Josh.
"Sweetie," tawag ni Kaito sa kanya ng wala na si Josh.
"Huh?"
"May boyfriend ka na?" tanong nito habang nakangiti sa kanya.
Iiling na sana s'ya ng tumunog ang phone niya kaya tinignan niya kung sino nagchat. Naka eye protector kasi dahil masakit sa mata ang brightness. Medyo may problema na rin sa mga mata niya.
Plano niyang magsalamin na.
From: My Love?
Magpaalam kang mag-rerestroom. Ang lapit niyo sa isa't isa.
Agad naman siyang napatayo at napatingin kay Kaito dahil pasimpleng sumisilip sa phone niya.
"Restroom lang ako," sabi niya at iniwan na si Kaito dahil baka galit na si Josh.
Magkatabi lang ang restroom ng lalaki at ng babae kaya agad na sana siyang papasok sa restroom ng babae nang biglang may humila sa kanya deretsyo sa isang cubicle sa restroom ng lalake
"J-josh," mahinang tawag niya dito.
Tinanggal ni Josh ang salamin nito at tumitig sa kanya.
"Tang-ina talagang Kaito," bulong nito at may sinabi pa ito pero hindi niya naintindihan.
"J-josh, hindi ko alam na pupunta siya sa —Hmm..."
Nagulat na lang siya nang bigla siyang hinila ni Josh at hinalikan ng mapusok sa labi.
Nang tutugon na siya ay humiwalay si Josh sa kanya.
"Nagkita kami ni Cassie kanina, kapag naging girlfriend ko siya ay tapos na tayo," sabi nito kaya natigilan siya. "Wala naman palang tayo," sabi nito kaya humiwalay siya sa binata.
Ito ang kinakatakot niya, nandiyan na naman si Cassie.
Nalilito pa rin si Josh, alam naman niya 'yon.
Madiin siyang napakunot at mabilis na tinanggal ang pagkakabutones ng uniform niya pang itaas at tinulak si Josh papaupo sa nakasarang bowl.
Paharap siyang umupo sa ibabaw ni Josh at hinalikan ito.
"Hindi pa naman kayo," bulong niya at marahas na hinalikan si Josh.
Nakapanood siya kagabi dahil aksedente niyang nabuksan ang isang porn site sa internet.
Baka dahil dito ay magstay sa kanya si Josh.
"F-fuck..." mahinang mura ni Josh at humawak sa leeg niya at mabilis mas mapusok siyang hinalikan. "Hmm, You will be the cause of my death. Damn, you're too hot, Sweetness," bulong nito.
Kung saan-saan na humahaplos ang katawan ni Josh sa kanya. Bukas na kasi ang blouse niya at nakalantad na rin ang dibdib niya sa binata. Kalahati na rin ang butones ng uniform ni Josh ay bukas na.
Umupo siya ng maayos sa hita ni Josh at napatingin ang mga mata niya sa kamay nitong nagmamasahe ngayon sa dibdib niya.
"Amoy strawberry ka talaga," bulong ni Josh.
"Hmm," mahinang ungol niya.
Nakakagat siya sa ibabang labi niya para pigilan ang ungol niya.
Lumapit ang mukha ni Josh at hinalikan ang pawisan na niyang buhok.
Napasabunot siya sa buhok ni Josh nang makarinig sila nang mga yapag.
May tao.
"Josh, ang tagal mo!" sabi ni Kaito!
Malalaki ang matang umayos siya ng upo, habang kalmado lang si Josh na umayos din ng upo.
"Nagbabawas ako! Iniwan mo..." napatingin si Josh sa kanya at humawak sa leeg niya. "Iniwan mo si Sweetness do'n?" tanong niya kay Kaito na nasa labas lang ng cubicle.
"Nag-restroom din, katagal nga. Tang ina, iniwan niyo ako doon. Gusto ko sanang pasukin sa restroom ng babae pero gentleman ako, gago ka," sabi nito.
Madiin siyang napapikit, namumula ang mukha niya.
"Bumalik ka na sa table natin, doon ka na maghintay, baka nandoon na si Sweetness," sabi ni Josh at napamulagat siya ng mga mata ng mabagal na minamasahe nito ang lantad niyang dibdib.
"Aalis na ako, klase na namin. Ipaalam mo na lang ako kay Sweetness," sabi ni Kaito.
"Sige," mahinang sabi ni Josh.
Nakahinga naman siya ng maayos nang umalis na si Kaito.
Napatingin siya kay Josh na nakatitig din sa kanya bago ito nagsalita habang nakatitig sa kanya.
"Huwag tayo dito, tang ina, ang daming istorbo. I want to be comfortable."
- - - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT