Chapter 9

3126 Words
Enjoy Reading:) KATATAPOS KUMAIN ni Sweetness, lahat ng kailangan niyang tapusin at linisin sa condo niya ay tapos na. Binigyan naman siya ng tatlong araw para ayusin ang plates niya at binigyan pa siya ng isa pang gagawin. Hawak niya ngayon ang cellphone at nanonood lang sa netflix kaso biglang may nag-friend request sa kanya. Kaito Bacherro sent you a friend request Agad naman niyang in-accept at nanlaki ang mata niya ng mag-chat sa kanya si Kaito. What? Kaito Bacherro: Hey Sweetie. Napakunot siya ng noo dahil sa chat ni Kaito. Napakagat siya sa ibabang labi niya. Sweetness Villanoza: Hi? Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lang nag-add sa kanya si Kaito. Kaito Bacherro: Nag-dinner ka na? Natawa siya sa tanong nito. Sweetness Villanoza: ? Papatayin na sana niya ang cellphone ng mag-chat na naman sa kanya si Kaito. Kaito Bacherro: Ang hirap mo namang landiin.? Landiin? Bakit naman nito siya lalandiin? Napailing-iling na lang siya at magta-type na sana ng sagot kay Kaito nang may lumabas na notification sa cellphone niya. Joshua Mercadez Jr. accepted your friend request Nanlaki ang mga mata niya at tumibok nang pagkabilis-bilis ang puso niya dahil sa nag-notif. Taon na 'ata ang friend request niya kay Josh at hindi man lang siya nito pinapansin noon. Nagkamali ba ito ng pindot? Napahawak siya sa dibdib niya dahil parang lalabas ang puso niya, sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Bigla niyang nabitawan ang phone niya ng biglang nag-chat sa kanya si Josh! Nagmamadali niyang kunuha dahil sa kama niya lang din naman nabagsak. Joshua Mercadez Jr.: Saan ang condominium mo? Nanlaki ang mata niya dahil sa tanong nito. Nanginginig ang mga daliri niyang nagtipa ng sagot kay Josh. Sweetness Villanoza: Dalgum Hotel and Condominium. Chat niya dito dahil kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit siya hinahanap ni Josh, kung bakit nito tinatanong ang condo niya. Hindi na nag-chat si Josh sa kanya kaya malungkot siyang napabitaw sa phone niya at tumingin ulit dito dahil nakita niyang may chat si Kaito. Hindi na niya naalala na kachat niya rin pala si Kaito dahil sa biglaang chat ni Josh sa kanya. Kaito Bacherro: Seener... : Ang sama mo naman. Matapos mong kunin ang panyo ko, hindi mo ako pinapansin. : Sweetness? : Tulog ka na 'ata. Sige, bukas ulit. Agad-agad naman siyang nagtipa ng chat niya dito. Sweetness Villanoza: Sorry, may ginawa lang. May kailangan ka ba? Lalabahan ko 'yong panyo mo, ibabalik ko. Saang department ka ba? Saang building? Hinintayan niyang mag-reply sa kanya si Kaito at hindi nga siya naghintay ng matagal dahil typing agad ang binata. Kaito Bacherro: Sa 'yo na nga 'yan. Madami akong panyo. Always use my handkerchief, so that, you will always remember me.? : BS in Business Administration, medyo malayo ito sa building niyo. H'wag ka ng mag-abalang pumunta. Ako na lang dadalaw-dalaw sa building niyo. Sweetness Villanoza: Bakit ka namang dadalaw sa building namin? Kaito Bacherro: Lalandiin ka. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa nabasang chat ni Kaito. Bakit napakabiglaan naman? Magkakilala sila ni Josh, sinabi ba ni Josh dito na landiin siya para hindi na niya guluhin si Josh? Pinaglalaruan ba siya ng mga ito? Sweetness Villanoza: ??? Hindi niya kasi alam kung anong irereply sa binata. Ayaw naman niyang magtanong dahil nakakahiya. Kaito Bacherro: Your reply are too cold, your name should be 'Coldness' and not Sweetness.? Natawa siya dahil sa chat nito. Sweetness Villanoza: Dapat hindi 'Kaito' ang pangalan mo. 'Malandi' dapat. Kaito Bacherro: Easy, Sweetie. Hindi pa kita nilalandi. Dapat naka-fix 'yang panty mo starting tomorrow, baka malaglag 'yan kapag nagsimula na ako. Malalaki ang mata napahawak siya sa pajama niya dahil sa chat ni Kaito kaya agad-agad niya itong bli-nock. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya pero kinabahan siya dahil sa chat nito. Biro man o hindi 'yon ay iba pa rin ang pasok sa kanya. Ilalagay na sana niya sa side table ang cellphone niya para makapagpahinga na ng tumunog na naman ang phone niya at nakita niyang si Josh ang nagchat. Joshua Mercadez Jr.: Lumabas ka sa building ng condominium niyo. Nasa parking lot ako. Malalaki ang mga matang binasa niya ng paulit-ulit ang chat ni Josh. Lasing ba ito? Bakit ito nasa parking lot ng building kung nasaan ang condo niya? Napatingin siya sa oras sa cellphone niya. 9:48 pm... Nagmamadali niyang sinuot ang bra niya dahil hindi naman siya nagba-bra kapag natutulog, nakamalaking t-shirt lang siya o pajamas. Masakit kasi sa s**o ang bakal sa bra niya. Nagmamadali siyang lumabas ng condo niya at pumunta sa parking lot. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak-hawak ang cellphone niya at key card. Nakita niyang nakaupo si Josh sa hood ng kotse nito at nakatulala kung saan. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung bakit nandito si Josh. Ano ang kailangan nito sa kanya? "Josh..." mahina niyang tawag dito pero hindi siya nito tinignan. "Josh," mas malakas na tawag niya. Lumingin sa kanya si Josh at titig na titig sa kanya. "Let's talk." NAKATITIG SI JOSH sa kisame ng kwarto niya. Bumabalik sa isip niya ang pinag-usapan nila ni Cassie kanina. Hindi niya maintindihan ang dalaga. Tahimik lang sila ni Cassie sa loob ng kotse niya. Walang gusto magsalita. Hindi niya din naman alam ang sasabihin. Si Cassie ang nag-aya sa kanyang mag-usap sila kahit pa ba may klase sila. Tumingin siya kung nasaan nakaupo si Cassie sa kotse niya. "Why are you torturing me?" Napatingin siya kay Cassie dahil sa tanong nito. "What do you mean by that? Ikaw ang nagpapahirap sa akin Cassie," mahinang sabi niya sa dalaga. Narinig niyang tumawa ito. "Madali lang naman ang hinihiling ko. Layuan mo si Sweetness at Maikaela, para sa akin," Cassie sighs, "mahirap ba 'yon, Josh? Sabi mo mahal mo ako, pero bakit may ibang babae kapang kasama?" tanong nito sa kanya. Napangiti naman siya ng mapait dahil sa tanong nito sa kanya. "Kaibigan ko si Maikaela, Cassie," madiing sabi niya dito. "Friends with benefits..." bulong nito kaya masama siyang tumingin dito. "Cassie, naririnig mo ba 'yang sarili mo? May proof ka ba sa inaakusa mo?" dismayadong tanong niya dito. "Kung gano'n, ano ang relasyon mo kay Maika? Kung kaibigan mo lang siya, bakit ayaw mo siyang layuan, ako ang mahal mo," sigaw nito sa kanya. "Cassie, intindihin mo nga ako! Kaibigan ko si Maika, wala kaming ibang relasyon maliban doon! Bakit hindi ka makaintindi? Si Sweetness, kaya ko siyang l-layuan, kaya..." napapikit siya ng madiin dahil hindi niya matapos tapos ang sasabihin niya kay Cassie. "Kaya ko siyang layuan, Cassie. H'wag si Maika." "Kung gano'n din naman, tigilan mo na ang panliligaw. Pati ikaw dumadagdag sa stress ko. Nakikita mo ba? Iniinis na nga ako ni Sweetness dahil imbis na ako ang magkaroon ng sariling condominium ay siya ang binilhan ni Daddy. Ang kapal ng mukha, tapos sasabay pa ang Maikaela mo," sabi nito at lalabas na sana ng kotse niya ng pigilan niya ito. "Ano bang problema mo? Hindi naman ako ganoong lalaki. Hindi kita ipagpapalit kahit na ba may kaibigan akong babae," mahinang sabi niya kaya natigilan si Cassie. Hindi niya akalain na may ganitong ugali ang dalaga. "Ito ang inaalala ko kaya hindi kita nilalapitan, kasi gusto kong makasigurado muna. Tang ina, hindi pa nga nagiging tayo ay ganito na..." natawa siya, "Mahal kita." "Kung mahal mo ako gagawin mo ang gusto kong mangyari. Mag-isip kang mabuti, hinihintay kita. Madali akong mainip, Josh. Layuan mo si Maika at paasahin si Sweetness. Kapag nakita kong napasaktan mo siya, pag-iisipan ko kung lalayuan mo si Maika," sapbi nito at iniwan siyang tulala dahil sa sinabi ni Cassie. Paasahin si Sweetness?! Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. Alam niyang may condominium na si Sweetness dahil nga sinabi ni Cassie na siyang kinaiinis nito. Hindi niya din alam kung bakit naiinis din siya kay Kaito. Ang tigas talaga ng bungo ng kaibigan. Kung makulit siya ay mas makulit pa 'yon at pinipilit siyang ilakad kay Sweetness. Hinanap niya ang f*******: ni Sweetness at napakunot ang noo ng makitang naka-add na siya dito. Matagal na. Agad niyang inadd si Sweetness at chinat ito. May gusto lang siyang ipamukha sa sarili. Hindi na niya alam ang gagawin. Baka matigil ang agam-agam niya kapag napatunayan niya sa sarili na nagkakamali siya. Mapapatunayan niya 'yon sa sarili, oras na makita si Sweetness mamaya. Bahala na. Para sa ikakatahimik niya. NILALARO NI SWEETNESS ang mga daliri niya habang nakaupo sa passenger seat sa sasakyan ni Josh. Tahimik lang din si Josh at dalawa silang nandito sa sa kotse nito at nasa parking lot pa rin silang dalawa. Walang gustong magsalita kaya mas kinakabahan si Sweetness. "Josh..." "Sweetness..." Nagkatinginan silang dalawa ni Josh dahil sabay rin nilang tinawag ang isa't-isa. Napalunok siya at nakipagtitigan kay Josh. "Kung inaakala mo na mapapatigil mo ako sa paggulo sa 'yo dahil kay Kaito ay nagkakamali ka," napalunok si Sweetness, "hindi mo kailangang mandamay ng ibang tao." "Huh?" nagtatakang tanong sa kanya ni Josh. Nakakunot ang mga noo nito. Nagkakamali ba siya ng akala na nakipagsabwatan si Josh kay Kaito para guluhin siya? "Ano 'ng sinasabi mo?" tanong nito habang nakakunot ang mga noo. "S-si Kaito k-kasi..." napapikit siya. "Lalandiin niya raw ako," mahinang sabi niya at umiwas kay Josh ng tingin. Kaibigan nito kasi si Kaito kaya akala niya ay gagamitin nito si Kaito para mapalayo siya at hindi na maging hadlang sa kanilang dalawa ni Cassie. "Lalandiin ka niya?" tanong ni Josh kaya tumango-tango siya. "Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya." Narinig niyang napabuntong hininga si Josh. "Layuan mo si Kaito... hindi ka niya seseryosohin," bulong ng binata kaya napatingin siya dito. "B-bakit ka nandito?" kinakabahan na tanong niya sa binatang nakatitig na sa kanya. Ang lalaking ito ang minahan niya ng totoo since senior. Tinago niya ang nararamdaman kasi kinakabahan siyang umamin dito, pero natatakot siyang mapunta na naman ito kay Cassie na halos meron na ang lahat lahat ng gusto niyang makamit sa buhay. "May gusto lang akong alamin," sabi nito at nakatitig sa kanya. Napalunok naman siya at hinintay na magsalita si Josh pero mahabang katahimikan na naman ang lumamon sa kanila. "A-alamin ang a-ano?" kinakabahang tanong niya dito. Tumitig sa kanya si Josh. "Josh, ano ang pi---" Nagulat na lang siya nang bigla na lang siyang hatakin ni Josh at hindi niya namamalayan na nakapatong na siya siya dito at mapusok na nakikipaghalikan sa binata. Marahas ang pagkakahalik sa kanya na para bang sabik na sabik ito sa kanya. "Ahh!" malakas na ungol niya at malalaki ang mata dahil hindi niya nakilala ang sariling boses dahil sa naging ungol niya. Dahil sa biglaang gulat niya ay naitulak niya si Josh kaya espertong hinalikan naman at binigyan ng pansin ang leeg niya. Nararamdaman niyang sinisipsip 'yon ni Josh at hindi niya alam kung bakit ang sarap no'n sa pakiramdam. Napapikit siya at pinigilan na umungol dahil nakakahiya. Ang landi niya umungol. Baka maturn-off sa kanya si Josh kapag narinig ang ungol niya. Bumalik na naman ang mga labi ni Josh sa labi niya at muli siyang siniil ng mapusok na halik. Josh's hands hold and caress her body. Naglaki ang mga mata niya ng pumasok ang malikot na kamay ni Josh sa maluwag na t-shirt na suot. Malalaki ang matang tumingin siya sa gwapong mukha ni Josh na pinagpapawisan na. Nakatingin ito sa nakataas niyang t-shirt at hindi niya namamalayan na natanggal na ni Josh ang bra. Nasa harapan kasi ang tanggalan nito kaya nakalantad na dito ang dibdib niya. Namumula ang mga pisngi niya at gusto niyang ibaon ang sarili sa ulo. She felt again the heat that she felt when something was about to happen to them that night. "Take off your clothes," mahinang sabi ni Josh at pumikit. "Huh?" nanlamig siya dahil sa sinabi nito. Nagmulat ng tingin sa kanya si Josh at napabuntong hininga bago hinawakan ang dibdib niya kaya nanlaki ang mga mata niya ng bulta-bolataheng kuryenta ang dumaloy sa katawan niya, dahil sa biglaan paghawak ni Josh sa isang dibdib niya. Nagsimulang masahiin 'yon ni Josh, hindi nakatingin sa kanya si Josh kundi sa dibdib niya. "Hmm..." napakagat siya sa ibabang labi at napapikit dahil sa nararamdaman. Patuloy lang sa pagmasahe si Josh sa isa niyang dibdib at 'di nagtagal ay dalawang dibdib na niya ang pinagkakaabalahan nito. "Hubad na," bulong ni Josh at nagtama ang paningin nilang dalawa. Nanginginig ang mga kamay na hinubad niya ang t-shirt at bra. Nakapajama na lang siya, habang si Josh ay nakasuot pa lahat ng damit nito. Kalahati ng katawan niya ang nakabalandra ay Josh. Tumigil si Josh sa pagmasahe sa dalawang dibdib niya kaya akala niya ay tapos na. Pulang-pula siya. Bigla na lang yumakap ang isang braso ni Josh sa manipis niyang bewang at hinila siya papalapit dito at kapantay ng ulo niya ang mga dibdib niya. Bigla na lang hinalikan ni Josh ang isang dibdib niya kaya napanganga siya. "Josh! Ah!" agad niyang tinakpan ang bibig niya gamit ang isang kamay niya habang ang isa ay nakasabunot na kay Josh ng hindi niya namamalayan. Ganito ba ang naramdaman noon ng babaeng narinig niya sa cubicle sa restroom ng mga babae sa architecture department. Napapikit siya dahil marahan na hinahalik-halikan ni Josh ang magkabila niyang bundok. Hindi niya alam na nakakapag-init pala ito. Hindi niya alam ang gagawin, nagpapadala lang siya sa init na binibigay sa kanya ni Josh. Dapat na ba siyang magbasa basa ng article patungkol sa maiinit na pagtatalik? Gusto niyang makuha ang buong atensyon ni Josh kaya ginagawa niya ang bagay na ito. Napamulagat siya nang bigla na lang nanggigil si Josh at marahas na sinipsip at pinaglaruan ang dibdib niya. "Josh!" malakas na tawag niya sa binata at tinutulak ito, pero hindi ito tumigil. Mas naging mapusok ang pagsipsip at kinakagat-kagat na nito ang maliit na bundok sa dibdib niya. Nakakaramdam na siya ng sakit dahil sa ginagawa nito sa kanya. "Josh!" malakas na niya itong tinulak. Nagulat din siya sa biglaan niyang pagtulak sa binata. Titig na titig ito sa kanya, parehas silang hinihingal na dalawa. God! Nakatitig sa kanya si Josh at sumandag ito sa upuan sa driver seat. Madilim itong nakatitig sa kanya. Napalunok siya ng ilang beses bago kinuha ang t-shirt niya pero pinigilan siya ni Josh. Kinakabahan siya, nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Josh sa dibdib niya. "Josh," mahinang tawag niya dito dahil nakapikit na ito. "Layuan mo si Kaito..." sabi nito at umalis sa pagkakasandag sa driver seat at hinawakan siya sa leeg at pinakatitigan siyang mabuti. "Layuan mo si Kaito, Sweetness," bulong nito at hinalikan siya sa labi. Napapikit naman siya at tinugon ang halik ni Josh. Mahal na ba siya nito? Okay na ba sila? Hindi na ba nito liligawan si Cassie? Tinulak na naman niya ito. "P-paano si Cassie?" mahinang tanong niya dito. Kinakabahan siya sa magiging sagot nito. "Pwede bang hayaan mo akong mamili?" tanong ni Josh at hinila siya para mayakap ng mahigpit. Napapikit naman siya at mahigpit na niyakap si Josh, katulad ng pagkakayakap nito sa kanya. "I'm confused, Sweetness," mahinang sabi nito. Mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya ni Josh kaya sinuklian niya din ang higpit na pagkakayakap nito. Hindi niya alam kung bakit sinabi 'yon ni Josh. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Cassie, mahal ko siya." Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Bigla na naman siyang nasaktan dahil sa sinabi nito. Syempre mahal pa rin nito si Cassie, hindi na siguro mawawala 'yon. Ang gusto niya lang naman ay mapansin ni Josh. At least ginawa niya lahat mapansin lang siya ng binata. "Gamitin mo ako..." mahinang sabi niya, "gamitin mo ako, Josh. Hanggang sa malaman mo kung sino lang gusto mo." Humalik naman si Josh sa lantad niyang balikat. "Walang Kaito, Sweetness...Walang kahit na sino." NATAWA NA LANG SI Josh nang makita niya ang plates ni Sweetness. Nasa drafting table na siya ng kwarto niya. Kanina pa siya umuwi, pero kinuha na muna niya ang plates ni Sweetness at iche-check ang pinapabago ni Professor Matias. Ayaw pa nga nitong ibigay sa kanya ang plates nito. "Bakit dumami ang mali nito? Grabe, nakinig ba siya kay prof?" napabusangot siya at naisipan na siya na lang ang gagawa sa plates nito. Bakante naman kasi siya at wala siyang masyadong gagawin. Mukhang mapupuyat na naman siya, ayos lang naman siguro dahil sanay naman siyang magpuyat. Napatingin siya sa phone niya ng magchat si Kaito. Kaito Bacherro: Hoy gago! Bli-nock ako ni Sweetness. Kanina pa ako 'di makatulog! Napangisi naman siya dahil sa chat nito sa kanya. Nakakainis. Joshua Mercadez Jr.: Problema mo na 'yan. Bakit ka bli-nock? Tanong niya at napabuntong hininga at nilabas niya lahat ng arts materials niyang gagamitin para gumawa ng plates ni Sweetness. Kaito Bacherro: Sabi ko lalandiin ko siya. Natigilan siya sa chat nito. "Asa ka naman, patay na patay sakin 'yon. Bakit naman siya magpapalandi sa 'yo?" napakamot siya sa batok at hindi na siya nagreply kay Kaito. Kailangan niyang natapos ito para naman maipasa na ni Sweetness at wala ng iisipin pa. Nagchat siya kay Sweetness. Josh Mercadez Jr.: Magpahinga ka na. Bukas ko na ibabalik ang plates mo. Goodnight. Napahawak siya sa dibdib niya nang maramdaman niyang mabilis na tumitibok 'yon dahil sa nangyari sa kanila ni Sweetness. They make out. Fuck. Baka kailangan kong manood ng porn para mas gumaling. Parang tanga! NAPANGITI SI SWEETNESS, kanina pa siya malalakas na tumili dito sa kama niya dahil sa ginawa nila ni Josh. Kinikilig din siya dahil sa wakas ay napansin na siya ni Josh. May pag-asa na siyang makuha ang puso nito. Baka may pag-asa pa naman. Lulubusin na niya dahil mukhang wala naman ng pakialam sa kanya si Cassie. Inamin naman nito na mahal pa rin nito si Cassie, pero pagkakataon na niya ito para mapansin siya ni Josh. Napatigil siya ng tumunog 'yong phone niya at ng tinignan niya ito ay nagchat sa kanya si Josh. Josh Mercadez Jr.: Magpahinga ka na. Bukas ko na ibabalik ang plates mo. Goodnight. Malakas siyang tumili at tinago ang mukha sa unan niya dahil sa kilig na nararamdaman. Sa wakas talaga ay napansin na siya ni Josh. Sana lang talaga ay 'wag na silang guluhin ni Cassie. Hayaan na lang siya ng pinsan niya kay Josh. Nanginginig niyang inopen ang safari niya at nagsearch ng article about sa ginawa nila ni Josh. Dapat may alam siya para lang magstay sa kanya si Josh. Nakakailang basa na siya sa mga article about sa kung anong magpapasa sa isang lalaki pero parang kulang pa, hindi pumapasok sa utak niya dahil nakakagulat ang mga nalalaman niya. Muling nagtipa ang mga daliri niya. How to eat your partner? Para naman may magbigay pa siya kay Josh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD