Enjoy Reading:)
PILIT NILABANAN ni Sweetness ang kagustuhang lumapit kay Josh, dahil sa nangyari 'nong nakaraang araw. Hindi niya lubos maisip na mas bumaba ang tingin niya sa kanyang sarili.
Naglalakad siya papunta sa office ni Professor Matias. Ipapasa niya ang plates na pinabago nito.
Lutang lang siya at lahat namg sinasabi o pinapaliwanag ni Professor Matias ay kusang lumalabas sa kabilang tenga niya at walang kahit isang pumapasok sa isip niya.
"Sweetness," tawag ni Prof kaya napatingin siya.
"P-prof..." Tinignan niya ang plates na pinasa niya at gano'n na lang ang gulat niya nang nakita niyang halos buong plates niya ay may bilog na pula na may ibig sabihin ay mga babaguhin o mali.
"Nagpatulong ka ba kay Josh? Ngayon ko lang na-check ang plates mo, ngayon ka lang din pumalya sa mga lines and ideas," sabi nito kaya halos mapahiya si Sweetness.
Gustong ibaon ni Sweetness ang sarili dahil nga hindi siya nakapagfocus sa paggawa ng plates para sa project niya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kanya ng kanyang professor.
"Sorry, prof. Babaguhin ko na lang po," sabi niya kaya walang nagawa ang kanyang professor kundi tumango at binigay ang plates niyang mukhang paghihirapan na naman niyang baguhin.
Lumabas siya sa opisina ng professor niya at lutang na naglalakad habang hawak-hawak ang plates niyang na-reject na naman.
Paulit-ulit pumapasok sa utak ni Sweetness ang ginawa ni Josh sa kanya at kung paano siya nag-init ng gabing 'yon. Nababaliw na siya.
Bumaba man ang tingin sa sarili ay hindi niya mapagkakailang nasarapan siya sa ginawa ng binata. Hindi niya alam na kaya palang magpainit ng ganoon ni Josh.
May panibago na naman siyang nalaman sa binata. Alam kaya ni Cassie? Ginawa na ba ni Josh 'yon kay Cassie? Paulit-ulit na tanong niya.
Gusto niyang iumpog ang ulo sa pader para pakalmahin ang sarili dahil hindi niya makalimutan ang gabing pagtataboy sa kanya ni Josh, samantalang binaliw naman siya nito, kakaisip sa nangyari.
Lutang si Sweetness habang naglalakad sa hallway para pumasok sa susunod na klase niya. Makikita na naman niya si Josh at iinit na naman ang mga pisngi niya.
Kaso nakita niya si Josh na papasalubong sa kanya.
Nang nagtama ang paningin ni lang ay parehas silang tumigil sa paglalakad. May 'di kalakihang agwat sa pagitan nilang dalawa.
Unang uniwas ng tingin si Josh sa kanya at tatalikod na sana nang magsalita ito.
"Don't torture me anymore, Sweetness," malamig na sabi nito kaya gusto niyang tumawa.
Pabigat na ba siya masyado sa binata?
Gusto lang naman niyang maramdaman na makuha naman ang gusto niya.
Lagi na lang siya naiiwan na mag-isa. Lahat ng gusto niyang meron siya ay nasa pinsan na niyang si Cassie. Masyadong hindi patas sa kanya ang tadhana.
'How long will I steal time and love from them?'
"Josh..." madamdamin niyang tawag sa binata. "Pwede namang ako na lang. Kaya ko namang maging Cassie."
Josh sighs, then said, "You make yourself even more miserable."
"Mahal kita, bakit hindi mo maintindihan 'yon?" gusto niyang maiyak sa tanong niya dito.
Narinig niya ang nakakainsulto niyang tawa at umiling-iling sa kanya.
"Hindi kita mahal, bakit hindi mo maintindihan 'yon?" balik na tanong nito sa kanya.
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ni Sweetness habang nakatingin kay Josh na ngayon ay nakaharap na sa kanya.
"Wala ba akong dapat gawin, para mahalin mo ako? Pakiusap, Josh..." sabi niya at pinunasan ang mga luha niya, "kaya ko namang maging Cassie. Kaya rin naman kitang alagaan."
"Hindi kita kailangan, Sweetness. Layuan mo na ako," final na sabi nito at tuluyan na nang tumalikod upang iwan siya.
"Sasabihin ko na lang kay Cassie ang nangyari sa atin," mahinang sabi niya dito at tumalikod na rin at malalakad na sana nang may humatak sa kanya.
Nakita niyang galit na galit si Josh habang nakatingin sa kanya.
"Ang tigas ng ulo mo," sabi nito habang masamang masama ang tingin sa kanya.
"Josh..." napapikit siya dahil sa sakit na ginagawa nito. "Masakit," mahinang daing niya.
"Binabalaan na kita, Sweetness."
Tumitig siya sa mga mata nito at lakas loob na hinawakan ito sa batok at tumingkayad ng kaunti para mahalikan ang nakayukong si Josh sa mga labi nito.
Napapikit siya nang maglapat ang mga labi nilang dalawa at kahit hindi siya marunong humalik ay ginalaw niya ang mga labi niya katulad nang paghalik sa kanya ni Josh nang gabing 'yon.
Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang paggalaw ng labi ni Josh at mapusok siyang hinalikan.
Halos matumba siya dahil sa panginginig ng mga tuhod niya. Hindi niya alam kung may mga estudyanteng nakakakita sa kanila, pero wala naman siyang pake-alam.
Nagulat na lang siya ng marahan siyang tinulak ni Josh. Titig na titig siya dito nang makita niya itong tila nagpipigil na sumigaw.
Napasabunot ito sa buhok at tumingin sa kanya.
"Tumigil ka na," malamig na sabi nito sa kanya. "Hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan ang sarili kong saktan ka," sabi nito at nagmamadali siyang iniwan kaya mahina naman siyang natawa.
Walang salitang lumabas sa bibig niya habang nakatitig siya sa papalayong si Josh.
Hanggang kailan kita hahabulin?
Napabuntong hininga siya at naglakad na rin para makapasok sa susunod na klase niya. Gusto niyang bigyan siya ni Josh ng pagkakataon para ipakitang mahal niya talaga ito, kaso lumalayo sa kanya ang binata.
Pero sinagot nito ang halik niya kanina, ibig sabihin ay may epekto rin siya sa binata.
Hinalikan siya nito kanina at alam niyang alam nito na hindi siya si Cassie. Bakit nito tinugon ang halik niya kung wala naman itong nararamdaman sa kanya? Sasabog na ang utak niya.
Mas binibigyan siya ng dahilan ni Josh para ipaglaban niya ito. Maybe Josh's attention would go to her. Konting tiis lang, habang naka-focus si Cassie sa ibang lalake.
Baka pagkakataon na niya ito para mapansin ni Josh.
Sana lang talaga ay hindi na naman umeksena si Cassie.
All she wants is Josh. She hope that destiny will grant her.
Kahit si Josh nalang. Wala na siyang hihiling pang iba.
'Si Josh lang.'
NAPASABUNOT NANG buhok si Josh habang nakatingin sa sarili sa harapan ng salamin sa restroom ng mga lalake.
Basang-basa siya dahil sa tubig galing sa faucet.
Nang halikan siya ni Sweetness kanina ay tila nawala sa isip niya ang kagustuhang layuan ang babae. Inaamin niya na talagang nag-init ang katawan niya nang gabing muntik nang may mangyari sa kanilang dalawa.
Mababaliw na talaga siya.
Tang-ina talaga.
Bakit ang manyakis ng utak ko?!
He wanted to bang his head. Hindi na niya maintindihan ang sarili.
Noon ay na kay Cassie lang umiikot ang mundo niya maliban sa pag-aaral. Ngayon, nang malasahan niya ang masarap na labi ni Sweetness. Iba ang pumasok sa isip niya. Ito na ngayon ang nagre-reyna-reynahan sa isip niya.
He wanted to not think of Sweetness, pero isip na niya mismo ang hindi sumasang-ayon at patuloy padin na iniisip ang dalawa.
Ang maganda at masarap niyang labi.
"Tang ina!" malakas na mura ni Josh at napasabunot sa sariling buhok.
Pinapakalma niya ang sarili kaya napatingala siya at napapikit. Hindi siya makahinga dahil sa sobrang pag-iisip.
Nang medyo kumalma na ay nagmamadali siyang lumabas sa restroom nang mga lalake at pumasok sa klase niya. Makikita na naman niya ang dalaga.
Makikita na naman niya si Cassie.
Makikita na naman niya si Sweetness.
Pumasok siya agad dahil wala pa naman ang prof. nila kaya nagmamadali siyang pumunta sa palagi niyang pwesto sa loob ng klase. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Sweetness na nakalayo na naman kila Cassie.
Ilang araw na rin niyang napapansin ang paglayo ng magpinsan sa isa't-isa. Hindi niya alam ang dahilan at wala siyang balak na alamin.
Mamaya ay isa siya sa dahilan, hindi naman niya 'yon gugustuhin. Gusto niyang makausap si Cassie at magsorry dito.
Masyado na ang hinihiling nito. Pati si Maikaela ay dinamay nito na kailangan niyang layuan.
Si Maikaela lang ang nag-iisang tunay na kaibigan sa kanya. Hindi siya papayag na maramdaman nitong mawawala siya dahil lang mas pinili niya si Cassie.
Napahawak siya sa batok niya dahil ramdam niyang nakatingin pa rin sa kanya si Sweetness.
Gusto din naman niyang intindihin kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ni Sweetness, pero, hindi niya alam kung bakit hindi niya ito naiintindihan.
Babae ito, dapat ay hindi ito ang nagpipilit nang sarili para lang sa isang lalake. Nakakababa 'yon.
Napabuntong hininga siya at nilabas ang cellphone, dahil tumunog ito.
From: Kaito
Mamaya lodi, a! Practice nang volleyball. Busy ka ba?
Mabilis siyang nangtipa ng sagot sa kagrupo.
Kaibigan niya ito kung tutuusin ay isa pa itong gago.
To: Kaito
Pupunta ako. Sino-sino ba kasama? Malayo pa naman ang laban, a. May pustahan na naman ba? Mga gago kayo a! Hindi niyo na 'ko sinasama. Kasasama ng ugali niyo.
Hinintay niya ang reply ni Kaito.
Matagal na pala noong huling pumalo siya ng bola ng volleyball. Namimiss na niyang maglaro.
From: Kaito
Nagtampo ka na naman! Lodi, napakaisip bata mo. Oo, may pustahan. Babae.
Natawa siya at napailing-iling dahil sa text ni Kaito sa kanya. Buti na lang at wala si Maikaela dahil kukulitin na naman siya no'n at iisipin na may babae siya.
To: Kaito
Pass. Baka magkaroon ng butas 'yong condom. Mabulilsayo pa ng 9 months.
Biro niya at napailing-iling dahil mabilis na nagreply sa kanya si Kaito.
Wala sigurong ginagawa ang hayop na kaibigan.
From: Kaito
Tang ina mo! Akala ko virgin ka, bebe boy? Medyo sad boy ka pa nga. Cassie pa more.
Umiling naman siya at pinatay ang cellphone. Hindi na siya nagreply kay Kaito.
Aasarin lang siya no'n
Napatingin siya kay Sweetness at gano'n na lang ang gulat niya nang makita itong nakatitig pa rin sa kanya. Iiwas na sana siya ng tingin nang makita niyang umupo si Cassie sa tabi niya.
"Let's talk," malamig na sabi ni Cassie, "sa labas."
Iniwan siya nito.
Sinundan niya nang tingin si Cassie bago humawak sa dibdib dahil sa bilis ng t***k ng puso niya.
Hindi niya alam kung dahil kay Sweetness o kay Cassie.
Tumitig siya kay Sweetness at nakatitig padin ito sa kanya at may lungkot sa mga mata nito.
Umiling-iling na lang siya at nagmamadaling sinundan si Cassie.
Nakita niyang naghihintay si Cassie sa labas ng classroom.
"Cassie," tawag niya sa dalaga.
Ngumiti sa kanya si Cassie, "sa kotse mo na lang," sabi nito at iniwan na naman siya.
Napakamot siya sa noo dahil sa kabang nararamdaman.
Ano'ng gagawin niya?
TULALA si Sweetness sa buong klase nila. Patingin-tingin siya sa pinto ng classroom nila, nagbabakasakali siya na babalik na si Cassie at Josh.
Pero hanggang sa matapos ang klase nila ay walang Josh at Cassie na bumalik.
Magkasama ang mga ito, hindi mapigilan na mag-isip nang kung ano-ano ni Sweetness. Masama ang loob niya pero wala siyang karapatan.
Si Cassie ang matindi niyang kalaban kay Josh.
Natawa naman siya at napayuko. Doon na nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha sa mga mata niya. Naririnig niya ang malalakas na tawa ng mga kaklase at alam niyang papaalis na ang mga ito.
Pero nandito siya, nakayuko sa lamesa habang umiiyak. Hindi niya alam ang iniiyak niya, pero masakit ang nararamdaman niya. Hindi siya makahinga ng maayos.
Little by little, her heart was breaking again.
Because of Josh.
Dahil iisang dahilan na naman.
Para siyang batang umiiyak. Wala nang taong naiwan sa classroom maliban sa kanya. Malakas siyang umiiyak dahil wala namang nakakarinig sa kanya. Sobra siyang nasasaktan.
"Bumagsak ka sa quiz? Iniwan ng jowa?"
Napatigil si Sweetness ng pag-iyak at napatingin sa taong nagsalita.
Alam niyang para siyang tanga dahil umiiyak siya.
Nakita niyang may kinuha sa bulsa ang lalake sa harapan, hindi ito pamilyar sa kanya. Siguro sa ibang department, ibang course.
"Here, take my handkerchief..." Ngumiti ito at lumabas ang malalim na mga dimples nito. "Mabago 'yan," sabi pa nito at tinuro ang katabi niyang upuan.
Huminga siya nang malalim at kinuha ang panyo nito.
"Pwede ba akong umupo?"
Tumango naman siya at mabilis napinunasan ang mga luha, pero bigla niyang naalala na may panyo din pala siya sa bulsa.
Nagmamadali niyang kinuha 'yon at inabot sa binata. Hindi pa naman kasi niya nagagamit.
"Kunin mo rin itong panyo ko. Pasensiya na, hindi ko naalalang may panyo pala ako. May luha at sipon na ang panyo mo, kaya kunin mo na lang 'tong sa 'kin, hindi ko pa naman nagagamit 'yan," mahinang sabi niya at binigay ang panyo niya sa binatang katabi.
"Hindi ako tatanggi," sabi nito at kinuha ang panyo niya at malakas na tumawa.
Nahiya naman si Sweetness dahil sa tawa ng binata.
"Flowers," sabi pa nito at tinuro ang design ng panyo niya. "I like flowers, thank you," sabi nito at umiling-iling kaya mabilis niyang binawi ang panyo.
"Sorry, ibabalik ko na lang 'tong handkerchief m---"
Bigla nitong inagaw ang panyo niya.
"Sabi mo palit tayo, sa 'kin na 'to..." sabi nito at mabilis na tinago sa bulsa ang panyo niya, "wala nang bawian."
Nagulat siya dahil sa ginawa ng binata. Hindi naman niya ito kilala at hindi niya alam kung saang department ito.
"Why are you crying?"
"W-wala naman," mahinang sabi niya at pikit na ngumiti sa binata.
"Liar," bulong nito at ngumiti na naman sa kanya. "Kapag lalaki ang dahilan nang pag-iyak mo ay napakawalang kwenta niya," sabi nito at umiwas ng tingin sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit gano'n ang sinasabi nito sa kanya.
"Hindi n-naman lalaki e," mahinang sabi niya at umiwas ng tingin dito.
"Liar, ako pa lokoh---"
Hindi nito matapos ang sasabihin nito.
"Kaito?" napatingin silang dalawa ng katabi niyang lalaki ng may tumawag dito na kapapasok lang sa classroom.
"Lodi!" nakangiting sabi nang nagngangalang Kaito at tumayo.
"What are you doing here?" tanong ni Josh bago tumingin sa kanya.
Napatingin siya sa mga gamit ni Josh na naiwan sa lamesa nito. Ang mga gamit kasi ni Cassie ay kinuha na ng mga kaibigan nito kanina ng lumabas bago siya umiyak.
"Gago, kaganda pala ng architectural building, sana lahat, gago," sabi nito at tumatawang lumapit kay Josh. "Pumunta ako dito kasi sinusundo kita. Practice," sabi nito at humarap sa kanya at ngumiti.
Ang ganda ng ngiti nito.
Ngumiti din naman siya at tumayo na para umalis.
"Hindi ka na sana nag-abalangang pumunta pa rito, gago nito. Dami mong arte, pumuta ka lang naman dito para takbuhan mga babae mo," sabi ni Josh at kinuha ang mga gamit niya. "Dami mong alam."
"Gago nito, mahiya ka naman, may kasama tayong magandang babae. H'wag mo akong ipahiya," sabi nito at malakas na tumawa. "H'wag kang maniwala sa kanya, hindi ako babae," ani nito at tumawa na naman.
Napatingin siya kay Josh ng makita niyang nagbago ako timpla ng emosyon sa mukha nito.
"Tara na sa court. Kadami mong sinasabi," malamig na sabi ni Josh at nilampasan na si Kaito dahil nasa bandang likod nito kinuha ang mga gamit nito.
"Hi, I'm Kaiziriel Tomas Bacherro," pagpapakilala nito at naglahad pa ng kamay sa kanya.
Napatingin siya kay Josh na nakatingin din naman sa kanya.
Nakangiti siyang tumingin kay Kaito, dahil mabait naman sa kanya ang binata at nagmalasakit pa sa kanya.
"Sweetness... Sweetness Villanoza," nakangiti niyang sabi at nakipagkamay dito.
Napatingin siya sa kamay niya ng humigpit ang pagkakahawak ni Kaito sa kamay niya.
Magsasalita na sana siya ng maunahan na siya ni Josh.
"Kaito, ang landi mo, dalian mo nga," sabi nito kaya bumitaw sa kanya si Kaito at tumatawang lumingon kay Josh. "Dalian mo," sabi pa ni Josh.
Kaya kinuha niya 'yong bag niya at mga libro sa table niya para umalis na rin.
"Arte mo naman," sabi nito kay Josh at humarap na naman sa kanya. "Sana kasing tamis mo ang pangalan mo," sabi nito at ngumiti at naglakad na papunta kay Josh.
"H-huh?" medyo may lakas na tanong niya kasi hindi niya naintindihan ang sinabi nito.
"Wala! Goodbye, Sweetness! Nice to finally hold you," sabi nito at malakas na tumawa at nauna ng lumabas kaya naiwan sila ni Josh.
Nakakunot ang noo niya at napatingin kay Josh na nakatitig din sa kanya kaya napalunok siya.
Magsasalita na sana siya ng sumigaw si Kaito. "Josh!"
Nakita niyang umiling-iling si Josh at iniwan na rin siya.
Napabuntong hininga siya at napangiti. Kahit papaano ay nakalimot siya sa sakit kanina dahil kay Kaito.
Kaiziriel Tomas Bacherro.
NAKAKUNOT ANG noo ni Josh habang naglalakad sila ni Kaito papunta sa court.
Hindi pa rin maganda ang naging kinalabasan ng pag-uusap nila ni Cassie. Hindi na niya maintindihan ang dalaga.
Naglabas ito ng sama ng loob sa kanya. Hindi niya alam na may gano'n pa lang iniisip si Cassie sa kanya.
"Grabe 'no? Nasa lahi na siguro nila Cassie ang magaganda," sabi ni Kaito at tumawa. "Sweetness, sanaol sweet," tumatawang sabi nito.
Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Kaito kay Sweetness kanina. Hindi niya rin nagustuhan ang biglang naramdaman ng makita niyang magkatabi si Sweetness at Kaito.
Babaero si Kaito kaya dapat na layuan ito ni Sweetness.
"Gago, h'wag si Sweetness. Kilala kita, ungas. Sanaol, sanaol ka pa dyan," sabi niya dito at inirapan ang binata.
Malakas na tumawa si Kaito at sinuntok siya ng mahina sa balikat.
"Gago, iba si Sweetness," sabi ni Kaito kaya masama siyang napatingin dito. "Ayaw mo ba 'yon?" tanong nito kaya napakunot siya ng noo.
"Magpinsan sila ng bebe mo. Naiimagine mo ba? Nasa iibang family dinner tayo, ipapakilala sa magulang nila, tite."
Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kaya hindi nabago ang emosyon sa mukha niya.
"Gago ka," sabi niya at tinalikuran ito.
Mabilis naman siyang sinundan ni Kaito at tumatawa ito.
"Hoy! Matagal na akong mag-crush kay Sweetness, 'no!" sabi nito kaya natigilan siya at napatingin dito.
"May gusto ka kay Sweetness?" tanong niya dito.
Hindi niya alam kung ano ang biglaan niyang naramdaman dahil sa sinabi ni Kaito sa kanya.
"Oo, pero hindi ko naman siya madalas na makita. Isang beses ko lang siyang nakita sa library noon at maganda siya. Kaso mukhang focus sa pag-aaral," sabi nito at ngumuti na naman sa kanya.
Hindi niya alam kung anong ire-react.
Hinawakan siya ni Kaito sa balikat, "lakad mo naman ako kay Sweetness, fafi."
Napatingin siya rito na nagpapa-cute sa kanya.
"May boyfriend siya." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.
Nakita naman niyang natigilan si Kaito at tumango-tango.
"Kaya siguro umiiyak kanina," sabi nito at tatango-tango pa at bubulong-bulong.
Umiyak si Sweetness kanina? Bakit?
Ano'ng nangyari?
"Boyfriend palang naman. Baka Kaito 'to. Basic!" sabi ni Kaito at tumatawang tumakbo papalayo sa kanya. "Tang ina mo! Basta ilakad mo ako! Baka sweet rin siya."
Napakuyom naman siya ng kamao dahil sa sinabi ni Kaito.
Fuck! What's happening to me?