Chapter 7

3787 Words
Enjoy Reading :) MASAYANG NGUMITI si Sweetness nang makapasok siya sa condo na binili sa kanya ng Tito niya. Hindi niya alam pero kahit naman gusto niyang umalis sa bahay na kinalakihan niya ay nakakaramdam pa rin siya ng lungkot. "Ayos ka na dito? Mas safe ka dito. Madaming CCTV na nagkalat bawat floor dito sa building. Dadalawin kita kada linggo," sabi nito kaya napalingon siya dito. "Tito baka kung ano pong isipin ni tita," kinakabahan na sabi niya. "Don't worry about my wife. Nakapag-usap na kaming dalawa. Katulad ng sabi ko. Anak kita at hindi magbabago ang bagay na 'yon. Mahal kita katulad ng pagmamahal na meron ako kay Cassie," sabi nito kaya nakaramdam siya ng matinding kasiyahan sa puso niya. Napakaswerte niya dahil meron siyang ama-amahan na katulad ng Tito niya. "Thank you po," madamdaming sabi niya dito. Kapag nakapagtapos siya ng pag-aaral. Susuklian niya lahat ng paghihirap sa kanya ng mga kumupkop sa kanya. "Tawagan mo ako lagi o itext kung kamusta ka at kung may kailangan ka. Agad-agad akong nandito, magsabi ka lang anak," sabi nito kaya tumango siya at napatingin sa mga taong buhat-buhat ang mga gamit niya. Mukha sa ilang mga maleta para sa mga damit niya at mga maliliit na bagay. "Tito nasaan po pala 'yong drafting table ko?" tanong niya rito. "Iniwan ko na sa mansyon. Dadalaw ka pa naman doon, gusto ko may maiwan ka pa din na gamit dahil do'n naman ang bahay mo. Binilhan kita ng bagong drafting table 'yong mas malaki at mas madaling gamitin. Bago din ang mga rulers mo at mga canvas," sabi nito kaya masayang-masaya siya. "Thank you so much, Tito," malambing na aniya at niyakap na naman nito. Napansin niya din na medyo malaki ang condo na binili sa kanya ng ama-amahan. Hinalikan siya nito sa noo at nagpaalam na sa kanya. Napangiti na lang siya dahil at least dito wala ng mga masakit na salitang sasabihin sa kanya. Wala ng dadagdag sa sama ng loob niya. Malaya na siya kahit papaano. NAPASABUNOT SI Josh habang sinusundan ng tingin si Cassie na may kasamang ibang lalake. Nang hindi niya kasi nasunod ang sinabi nito about sa pagkakaibigan nila ni Maikaela ay nagtampo ito sinabing 'wag na siyang magligaw. Tang-ina hindi naman niya akalain na big deal pala kay Cassie ang pagtanggi niya. Siya lang ang kaibigan ni Maikaela. He really don't understand Cassie this time. Hindi niya maintindihan ang rason nito kung bakit pati si Maika. Kaya niya pa kung si Sweetness ang lalayuan niya dahil wala naman talaga siyang business para kay Sweetness. Lumalapit lang siya dito dahil pinsan ito ni Cassie. Napabuntong hininga siya dahil nagseselos siya. Bakit agad-agad meron itong lalaki? Bakit ang bilis naman yata?! Napabuntong hininga siya dahil kahit na anong chat at call niya kay Cassie ay hindi siya pinapansin. Nakablock na rin 'ata ang number niya dito. Naka-ignore na siya sa lahat ng social media account ni Cassie. Pati nga email nito ay pinakialamanan na niya at ginugulo niya doon si Cassie. Napatingin na lang siya sa harapan niya nang may umupo doon. Nakita niya ang nakangiting si Sweetness. "Is there something you need?" malamig na tanong niya sa dalaga. Siguro nga at hindi niya pa kayang layuan si Maikaela dahil iba ang pinagsamahan nilang dalawa pero kaya naman niyang layuan si Sweetness. Kaya niyang tupadin ang pangako niya kay Cassie na hindi niya hahayaan na magtagumpay si Sweetness sa plano nito. "Pinapahanap ka sa 'kin ni Professor Matias. Pina-check ko kasi sa kanya 'yong plates ko at meron siyang pinapabago. Para hindi na daw ako umulit, ipa-check ko sa 'yo kasi maayos at tama ang plates mo," sabi nito habang nakangiti kaya mas nairita siya. Napakamot siya sa batok. Si Professor Matias na ang nagsabi. "Wala akong maitutulong sa 'yo. Leave," may diin na sabi niya habang nakatitig sa mukha nito. Nakita niyang natigilan ang dalaga. May dumaan na sakit sa magandang mga mata nito pero wala siyang pakialam. Pinoproblema pa niya si Cassie. "You're avoiding me." "Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Hindi ko alam sa 'yo. Bakit nga ba?" Hindi niya alam pero natigilan siya sa tanong nito. Nakakainis. "Patingin ng plates," sabi niya dito kaya ngumiti naman si Sweetness agad-agad bago binigay sa kanya ang plates nito at may tatlong binilugan si Prof. na mali ni Sweetness. "Matalino ka naman. Nakalagay naman dito kung ano'ng gagawin at kung ano ang sukat, bakit kailangan mo pa ako?" tanong niya at hindi tumingin dito. "I want to know your opinion about my plates. Sa tingin ko maganda naman at tama kaya hindi ko alam kung bakit kailangan pang baguhin ang ibang parte," sabi nito sa kanya at may tinuro sa plates na gawa nito. "Katulad nito." Binitawan niya ang paper nito at malamig itong tinitigan. "Bakit hindi si Prof. ang tanungin mo?" tanong niya rito. "Aba! Ikaw nga ang sinabi niya sa 'kin para tulungan ako ng strategy dahil parehas daw tayo halos ng plates. Parehas tayo ng idea medyo tumagilid lang ako ng konti," sabi nito kaya napapikit siya. Hindi na ito nahihiya sa kanya? Dati-rati lang ay nauutal pa ito kapag kausap siya. May pinaplato ito sa kanya at tama nga si Cassie. "I really don't like you," pambabara niya dito. Natigilan si Sweetness at napayuko dahil sa sinabi niya. "Josh," tawag niyo sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit big deal pa rin sa 'yo. Kinakausap lang kita kasi kailangan ko ng idea mo." "I know what you are planning. Hindi mo ako maloloko, Sweetness. Binabalaan na kita. Layuan mo ako," aniya at tatayo na sana ng magsalita na naman ito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," sabi nito kaya umupo siya ulit at hinawakan na niya ng mahigpit ang kamay na nasa ibabaw ng lamesa. "'Wag mo akong subukan, Sweetness. Ang bait-bait kong tao. Kung galit ka kay Cassie, 'wag ako ang gawin mong kasangkapan para masaktan siya. Kung sasaktan mo man siya ako ang makakalaban mo," sabi niya at aalis na sana nang hawakan siya ni Sweetness sa pisngi at nilapat nito ang mamula-mula nitong labi sa labi niya. Nagulat siya dahil sa ginawa ng dalaga. Hindi siya naka-react at bago siya humiwalay dito ay inunahan na siya ni Sweetness. "Bakit mo ako hinalikan?" galit na tanong niya dito. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Josh. Hindi pa ba sapat na mahal kita kaya gusto kitang ipaglaban? Wala akong pakialam kay Cassie. Hanggang nakikita kong sinasaktan ka niya. Mas lumalakas ang loob ko na ipaglaban ang nararamdaman ko sa 'yo," sabi nito kaya napabuntong hininga siya at iniwan ito. Fuck! Fuck! Tang-ina! Hindi niya kasi maintindihan ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso niya. Dahil sa halik ni Sweetness sa kanya. Fuck. Kay Cassie niya lang nararamdaman ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Shit! NAPAHAWAK SI Sweetness sa buhok niya dahil biglang may sumabunot do'n. "Ouch!" malakas sigaw ni Sweetness ng hatakin siya kung sino. Nang binitawan siya nito nakita niyang nasa restroom sila ng babae dito sa architecture department. "This is what I don't like at all. Malandi ka talaga!" sigaw nito at susugudin sana siya nang bigla na lang may pumasok na babae kaya pagkakataon na sana niya makalabas. Dahil sure siyang hindi makakasunod si Cassie. Maganda ang image ni Cassie sa University. Masyadong mapagpanggap ang pinsan. Hindi niya alam kung ano'ng pinagsasabi ni Cassie kay Josh. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay siniraan na naman siya ni Cassie kay Josh. Hindi niya maintindihan ang pinsan. Inalalayuan nito si Josh at sumasama kay Vince na matagal na rin siyang gustong pormahan. Ngayon na gusto na niyang mapunta sa kanya ang atensyon ni Josh ay tsaka naman ganito ang pinsan niya. Aalis na sana siya nang batuhin siya ni Cassie ng bag nito. "How many times do I have to say to you that Josh is mine!? He's mine, Sweetness!" may diing sabi ng pinsan at hinawakan siya sa braso para hindi siya makaalis. "Cassie. Bitawan mo ako," matigas na sabi niya. "Hindi ko gagawin 'yon." "Cassie." "Ngayon mo ako subukan. Sobrang landi mo." Nagkatitigan silang dalawa hanggang sa makalabas 'yong babae sa cubicle. Tumitig pa ito sa kanila. "Umalis ka na," malamig na sabi ni Cassie bago tumingin sa babaeng nakikichismis pa sa kanila. Hindi nila kilala ang babae. Hindi pamilyar ang mukha. Hindi umalis sa kinatatayuan ang babae kaya nagulat na lang siya sa pagsigaw ni Cassie. "Sinabi ko nang umalis ka na!" Takot namang lumabas 'yong babae. Hindi niya alam pero gusto niyang labanan ang pinsan. Ngayon hindi na niya makikita ang tita niya. Hindi na siya matatakot dahil meron naman na siyang mauuwian at alam niyang hindi siya pababayaan ng ama-amahan. "Hindi ko alam kung bakit lahat na lang ng para sa akin ay inaangkin mo," malamig na sabi nito. Alam niyang galit na galit sa kanya si Cassie ngayon. Ramdam na ramdam niya. "Una si Dad, pangalawa si Josh, pangatlo itong kalayaan na natatamasa mo ngayon. Really? Condominium?! Bakit?" sigaw nito sa kanya. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," may diin na sabi niya at nagulat na lang siya nang bigla siyang sinampal ni Cassie. "Ito... ito baka magising ka sa katotohana na sobrang kapal ng pagmumukha mo," sabi nito kaya gulat siyang napatingin dito. "Gustong-gusto mong iniinis ako. Paano na ako ngayon? Nasa condominium ka na. Sarap buhay! Habang ako nasa akin na ang mata nila mommy sa bahay! Paano ako makakalabas?! Pinapahirapan mo talaga ako! Gustong-gusto mo akong mapahamak! Ngayon naman eeksena ka sa amin ni Josh?" galit na galit ito dahil pulang-pula ang buong mukha nito. "Hindi ba kayo ni Vince? Bigla mo na lang hindi pinansin si Josh at sumama kay Vince. Totoong may gusto ako kay Josh, matagal na pero hindi ko masabi dahil ikaw ang mahal niya." "Alam mo na palang ako ang mahal niya. Bakit nakikigulo ka pa?" "Kasi gusto kong mapasakin siya," malakas na sigaw niya dito. Nakita niyang napakuyom ang kamao ni Cassie. "Sweetness. Nakakaawa ka," sabi ni Cassie at halatang inaasar siya. "Tignan mo nga 'yang sarili mo. Habang buhay ka na lang bang mag-aangkin ng kung ano'ng akin?" tanong nito kaya natigilan siya at tila nanlamig ang buong katawan niya dahil sa sinabi nito. Bigla siyang walang masabi dahil totoo naman ang sinabi nito. "Bakit mo pinagsisiksikan ang sarili mo sa amin? Hindi ka ba nahihiya sa akin o may hiya ka pa? Alam mo kung saan ka belong? Doon sa nanay mong pokpok," sabi nito at pinulot ang bag na binato nito sa kanya kanina. Tahimik lang siya dahil sa sinabi nito. "Nagsasayang lang ako ng laway sa 'yo. Ipapakita ko na lang. Si Josh? Si Dad? Lahat ng meron ka. Sa akin naman kasi talaga. At the end of the day lahat "yan, ako ang pipiliin. Sige mag-enjoy ka muna since mabait akong tao. Magsaya ka muna. Kasi iiwan ka rin namang luhaan. Kawawa ka naman kasi. Walang gustong nandito ka," sabi nito at iniwan siya. Napatingala siya ng nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Malakas siyang tumawa at napasabunot sa sariling buhok at napahawak sa sink sa restroom. Sobrang naninikip ang dibdib niya dahil sa sama ng loob. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak sa restroom. Hindi na siya nakapasok sa klase niyang ngayong hapon. Hindi niya gustong pumasok. Basta ayaw niyang makita ang pinsan na sinaktan ang puso niya dahil sa matatalim at masasakit na salitang binitawan nito sa kanya. Tang ina buong story bang api ako? HINIHINTAY NI Josh na makalabas si Cassie sa room nila at ng makita niyang kasama nito ang mga kaibigan nito ay napabuntong hininga siya at hinarang ang sarili sa harapan nila Cassie. "Can we talk?" tanong niya dito dahil gusto niyang makausap ang dalaga. Gusto niyang ipaliwanag dito kung bakit nga ba niya tinanggihan ang sinabi nitong layuan si Maikaela. Ipapaliwanag niya na wala naman siyang nararamdaman kay Maikaela at hindi nito kailangan na mangamba sa relasyon niya kay Maikaela. "Wala ako sa mood makipag-usap sa 'yo," monotone na anito. Nilampasan siya ng mga ito at narinig niya ang sinabi ng isa sa mga kaibigan nito. "Tara sa night club. Bagong bukas malapit na club na tinatambayan natin lately. Ano Cassie? Bet? Sama ka?" tanong nito kay Cassie. "Sige. Chat ko lang si Vince," sabi nito kaya napakagat siya sa ibabang labi. Hindi pwedeng hayaan niyang maagaw sa kanya si Cassie ng kahit na sinong lalaki. Kahit na mas deserve nito si Cassie. Ngayon pa na pinaramdam na ni Cassie at inamin na sa kanya na gusto na siya. Kahit naman hindi 'yon kasing lalim ng salitang 'i love you' ay magandang simula na 'yon para sa kanila ni Cassie. Magandang pagkakataon na 'yon para sa kanilang dalawa. Para sa matagal na niyang paghihintay at pag-iipon ng lakas ng loob ng pormahan ito. Pupunta siya sa club na sinasabi nito. Wala siyang pakialam kung tambak siya ng gawain ngayon. Wala siyang pakialam kung may ipapasang plates bukas na hindi pa niya nasisimulan. Alam naman niyang ieextend ito dahil may idinagdag ngayong araw. Nag lakad siya para makauwi muna siya dahil alas kwatro palang naman ng hapon. Alam niya ang oras ng pagpunta ni Cassie sa mga club. Hindi ito ganito kaaga pumunta. Kailangan niyang magbihis. Nasa parking lot na siya ng makasalubong niya si Sweetness. Mugto ang mga mata nito. Nagkatitigan silang dalawa at bumalik na naman sa ala-ala niya ang biglaang paghalik nito sa kanya kanina. Lalampasan na sana niya ito ng humarang pa ito. Napakunot siya ng noo. Mukhang guguluhin na naman siya ng dalaga. Hindi maganda ang timpla niya dahil sa ginawa ni Cassie. "Pwede ba akong sumama sa 'yo?" tanong ni Sweetness kaya malalaki ang matang tumitig siya dito. Napakadesperada nito. Talagang ayaw nitong tigilan siya. Hindi ito pumasok buong klase ng hapon. "Wala ako sa mood, Sweetness," sabi niya at lalampasan na talaga ang dalaga nang mas lumapit ito sa kanya kaya napaatras siya. "'Wag mo akong guluhin ngayon. Pakiusap, wala akong lakas para tabuyin ka." "Hinihintay ko ang paliwanag mo tsaka suggestion mo about sa plates ko," sabi nito kaya napakamot siya sa noo at hinila si Sweetness palapit sa kotse niya at pinasakay ito. "Akin na," malamig na sabi niya. Mabilis naman nitong kinuha sa bag na suot nito ang plates. Mugto talaga ang mga mata nito at nakita niyang may pasa ito sa kanang braso. Inabot nito sa kanya ang paper kaya agad niyang ituro ang dapat gawin. "Katulad ng notes ni Prof. Kailangan mong ilipat ito sa kabila kasi as you can see here. Gumawa ka ng daan dito, pero dahil masyadong maluwang ang area nito at sukat, masyadong masikip na ang daan dito," paliwanag niya at nakikita niyang hindi naman ito makikinig dahil tulala ito. Napakamot siya sa noo dahil sa inis. "Sweetness," tawag niya sa dalaga. "Huh?" mahinhin na lumingon ito sa kanya. "Nakikinig ka ba?" tanong niya dito kaya napakunot ito bago tumango pero hindi siya naniwala. Inabot niya dito ang plates na gawa nito. "Tapos ko ng ipaliwanag," pagsisinungaling niya. Wala pa nga sa kalingkingan ang tinuro niya dito. Wala pang strategies para hindi ma-reject ang plates nito. "A-ah gano'n ba? K-kasi h---" "Hindi ka talaga nakinig," sabi niya at napabuntong hininga. "S-sorry." "Pwede bang sa chat ko na lang ipaliwanag sa 'yo? Picturan mo at i-send mo sa akin, para mapaliwanag ko. Busy ako ngayon. Wala akong oras para dito. May pupuntahan ako e," sabi niya kaya napabuntong hininga ito at lalabas na sana nang pigilan niya ito kaya napatingin sa kanya si Sweetness. "B-bakit?" kinakabahan na tanong nito. "Pwede bang lumayo ka na sa 'kin? Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo? Ayaw kong may babaeng nasasaktan ng dahil sa akin. Naiisip ko palang, nasasaktan na din ako kasi iniisip ko na mararamdaman palang ng mommy ko ay hindi ko na kaya. Masyadong mataas ang respeto ko sa babae, Sweetness. Pakiusap, layuan mo na ako," nakikiusap na sabi niya pero umiling-iling lang si Sweetness. "Sinusubukan ko para sa huli wala akong pagsisihan," matigas na sabi nito. "If ever nga na bigo akong makuha ka at least 'di ba? Pinaglaban kita at ginawa ko ang best ko para makuha ka." Masyadong matigas din ang ulo ng isang 'to. "Bahala ka sa buhay mo." Bullshit! Hindi maganda ang kalalabasan nito. Ramdam ko na agad. Ramdam na ramdam. NAKATITIG si Sweetness kay Josh na nakakailang bote na 'ata. Nandito sila sa bagong bukas na club. Dahil nga sinusundan niya si Josh kaya ito siya, nakatingin mula sa malayo kay Josh. Hindi siya komportable dahil sa mga titig ng ibang mga lalaki sa kanya pero hindi naman siya naglasing. Para alam niya ang mga ginagawa niya. Nakita niyang sinaktan na naman ni Cassie si Josh dahil nga pinapauwi nito kanina si Josh. Pero makulit si Josh kaya sila Cassie ang umalis kasama si Vince kaya itong si Josh naglalasing. Nakikita niyang lasing na lasing na Iio at nasasaktan Ito dahil sa ginawa ng pinsan. Kung ako na lang kasi sana. Hindi na siya nakatiis at nilapitan ang binata. Saktong iinom na naman sana ito nang pigilan niya ito. "Hindi ka na iinom," sabi niya kaya namumungay ang mga mata ni Josh na tumingin sa kanya. Pulang-pula ang mga 'yon. "Hey! You!" sabi ni Josh at malakas na tumawa. "Nandito ka na naman. Where's your plates? Dali na I-ipapaliwanag ko na," lasing na sabi nito kaya napatitig siya sa binata. Nasasaktan siya dahil sa itsura ni Josh ngayon. Sa mata kasi niya ay isang sweet at mabait na bata si Josh. Ito 'yong mga taong dapat iniingatan dahil sa kakulitan nito at ramdam niya din na 'di katulad sa ibang mga lalaki at mababaw ang damdamin ni Josh at madaling masaktan. Too precious. "Uuwi na ikaw," sabi niya at hinawakan ito sa namumulang pisngi. Lasing na ito dahil papikit-pikit na ang binata. "Sa condo please!" Sabi nito at tinaas ang mga kamay at biglang humawak sa magkabilang pisngi niya at inipit ito. "You're beautiful. Sanaol." Tumayo na ito kahit pasuray-suray. Hindi niya alam kung kikiligin o matatawa siya dahil sa sinabi nito. May problema rin naman siya ngayon dahil nga masakit pa rin ang sinabi sa kanya ng pinsan. Nakatatak na naman 'yon sa puso't isip niya dahil totoo naman ang sinabi nito. Napabuntong hininga siya at inalalayan na maglakad si Josh. Nang makasakay na sila sa kotse ni Josh medyo alam pa naman ni Josh ang ginawa niya dahil sinindi pa nito ang makina ng sasakyan pero hindi naman pinaandar. "Nababaliw na ako," sabi bigla nito kaya natigilan siya. "Mahal na mahal ko si Cassie," mahina nitong sabi kaya napangiti na lang siya ng mapait. Hindi nito kailangan na isampal 'yon sa pagmumukha niya. Pinaandar na ni Josh ang kotse nito at nagdarasal siya na sana ay ligtas sila kung saan man siya dalhin nito. May tiwala naman siya kay Josh. Tsaka malaya na siyang lumabas labas dahil sa condo naman na siya tumutuloy. Nakita na lang niya ang sarili sa loob ng condo ni Josh. Hindi niya alam kung dala lang ng kalasingan kaya hindi siya pinatatabuyan ni Josh. Sinundan niya ito sa kwarto nito. Ang alam niya ay hindi madalas pumunta o tumuloy dito si Josh. Kapag gusto niya lang dito. Masyado din kasing malayo ang mansyon nila Josh. Mas kilala pa niya si Josh kaysa sa sarili niya. Nagulat na lang siya nang bigla siyang hatakin ni Josh at pinapasok sa kwarto nito at tinulak sa kama. Nakakuyom na ang mga kamao nito. "Tang ina! Nasaan ba si Cassie," bulong nito at napahawak sa noo. Siguro dahil nahihilo pa ito. "J-Josh magpahinga ka na. Lasing ka. Sa sofa nalang ako sa ibaba matutulog. Gabi na din kasi," sabi niya sa binata kaya napatitig sa kanya si Josh at mas kinabahan ng lumapit ito sa kanya. Balak niya talagang akitin si Josh pero hindi naman niya kaya ngayon. Kinakabahan siya at pakiramdam niya ay mas magagalit Ito sa kanya. Pero at least pananagutan siya nito. Masama na kung masama. Gusto lang naman niyang maging masaya. And Josh is her happiness. Nagulat na lang siya nang halikan na siya nito sa mga labi. Malalaki ang mga mata natigilan siya dahil sa biglaang paghalik sa kanya ni Josh. Hindi niya akalain na 'yon. Epekto na rin siguro ng alak na nainom nito. Ngayong gabi, buong puso niyang iaalay ang katawan kay Josh. Nakadagan na sa kanya si Josh at walang kapaguran pa rin siya nitong hinahalikan. Hindi niya alam humalik basta ang ginagawa niya ay sinusundan na lang niya ang paghalik sa kanya ni Josh. Nadadala na siya at darang na darang na sa nangyayari. This is heaven. Josh's hands starting to move on her legs and she can't stop herself for bitting her lower lip because it's so relaxing. Birhen siya pero ang pinangako niya sa sarili na sa mapapangasawa niya lang ibibigay ang p********e niya sa araw mismo ng kasal nila ay unti unting nabubura sa kaisipan niya. Masyado siyang nilulunod ni Josh sa init na binibigay nito sa mga halik sa kanya. Pero si Josh na matagal na niyang ini-ibig ay sa wakas ay napansin na siya. Matagal na niyang crush ang lalaking ito dahil sa taglay na talino at hindi mapagkakaila na cute naman talaga ang lalaking iniibig. "Ahh! Ohh! Hmm!" she moan slowly when Josh one hand almost reached her thigh. This f*****g man that Sweetness adore so f*****g much is in her side and want to f**k her. Gumalaw ang mga kamay ni Josh para abutin ang p********e niya at bigyan ng atensyon. Twenty years niyang iningatan ang p********e niya. Wala siyang naging boyfriend dahil umaasa siya na sa isang beses lang sa buhay niya ay mapansin siya ng lalaking matagal na niyang minamahal. Nasa likod niya si Josh. Hindi niya akalain na idadala siya nito sa condo mismo nito at ngayon nakahiga siya ng patagilid sa kama habang nasa likod niya ang binata at ngayon ay nilalaro ang p********e niyang basang-basa na. "s**t!" mahinang ungol ni Josh at hinalikan ang leeg ni Sweetness. Hindi niya palalampasin ang gabing ito. Matagal niyang hinintay na mapansin siya ni Josh kahit napakaimposibleng mangyari. "Cassie," ungol nito na nagpamulat mg mga mata niya. Cassie! My cousin. Fucking s**t! Nagulat na lang siya nang biglang tumayo si Josh at tumitig sa kanya. Malalaki ang mata nito. "Leave!" nakaiwas ang tingin na sabi nito kaya napakagat siya sa ibabang labi. "f**k! I said leave! f*****g w***e! Leave me alone!" he shouted. Natataranta naman siyang napatayo. Umiiyak naman siyang tumayo at nagmamadaling iwan ito. I love him so much! Bakit ba hindi na lang ako? Ako na lang please. Nandito naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD