Chapter 6

3292 Words
HINDI ALAM NI Sweetness kung tama bang umamin siya ng bigla at hindi man lang niya napag-isipan ng mabuti o dahil nga wala na siyang iisipin pang iba pagdating sa nararamdaman niya kay Josh. She's in pain. Nakatingin siya kay Josh habang nagkaklase sila. Wala siyang maintindihan at wala siyang balak intindihin ang lesson ngayong araw. She was exhausted from all her problems. Isang linggo na siyang hindi pinapansin ni Josh. Noon ayos lang sa kanyang hindi siya pansin ni Josh, wala itong pakialam sa kanya. Pero iba na kasi ngayon. Ang bigat-bigat sa looban niya. She wanted to talk to Josh and explain herself. Explain her feeling toward him. Gustong gusto niyang maipaliwanag dito ang nararamdaman. Gusto niyang buksan nito ang isip para intindihin siya. She's a bad cousin because she want Josh to be with her. She just so in love with Josh. Napansin 'ata nito ang titig niya dahil napatingin sa gawi niya si Josh. Pero imbis na mailang siya at umiwas ng tingin ay sinalubong niya ang tingin ni Josh. Ito ang naunang umiwas ng tingin at nakita niyang minasahe nito ang batok. Naramdaman na lang niyang sinipa ang upuan niya mula sa likod. Tumingin siya doon at nakita niya ang nanlilisik na mga mata ni Cassie. Nahuli siguro siya nito. "Stop your flirtation," Cassie said. Napabuntong hininga siya at tumingin sa harapan dahil alam niyang nakamasid sa kanya si Cassie. "Ang landi-landi mo, Sweetness. You are so embarrassing," matalim na sabi ng pinsan sa likod niya. Hindi niya ito pinansin at napakuyom lang ng kamao. She wanted to hurt her cousin because of its painful words insulting her. Gusto niyang ipakita dito na nasasaktan din siya sa mga sinasabi nito sa kanya. Madiin siyang napapikit bago tumingin ulit kay Josh at gano'n na lang ang pagtalon ng puso niya nang mahuli niya itong nakatingin sa kanya. Bigla na lang itong umiwas ng nakatingin na siya. Josh NAKAKUYOM ANG kamao ni Josh dahil hindi niya alam ang iisipin niya. Nawala ang pagiging makulit niya at kung ano-anong pumasok sa isip niya dahil sa sinabi ni Sweetness ng gabing 'yon. Hindi niya alam ang gagawin niya. Cassie is the one who he love for a very long time now, no doubt. Pero pinsan nito si Sweetness ang babaeng nagpabaliw sa kanya mula ng gabing sinabi nito na mahal siya nito. Sweetness can't feel that feelings towards him. What will Cassie think when she finds out? Ayaw niya ng kahit na anong gulo sa pagitan ng magpinsan. Hindi niya alam kung anong gagawin para ipamukha kay Sweetness na hindi niya ito gusto. Ayaw naman niyang maging masama sa mata ni Sweetness. Nirerespeto niya ito hindi dahil sa may nararamdaman siya dito kundi dahil pinsan ito ng babaeng iniibig niya at mabait itong tao. Napabuntong hininga siya. "Hindi ko naman alam na mabibighani siya sa kagwapuhan ko," naka-pout na sabi niya at tumingin sa gawi ni Sweetness at tumingin ulit dito at maya-maya pa ay nagtama ang paningin nila. Hindi na niya nabilang kung ilang beses silang nagtama ng paningin ni Sweetness. Napabuntong hininga na lang siya at nakinig sa professor na nagle-lecture sa harapan, honestly wala naman siyang naiintindihan kahit na pilitin niya ang sarili na maintindihan ang tinuturo nito. Self-study na naman about sa topic na tinuturo palang ngayon sa harapan nila dahil hindi talaga niya maintindihan. Lumilipad ang utak niya sa sinabi ni Sweetness isang linggo na ang nakakalipas. Naging maganda naman actually ang relasyon na meron sila ni Cassie kahit pa may bumabagabag sa kanya about sa pag-amin ni Sweetness. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba kay Cassie o hahayaan na lang hanggang sa humupa ang nararamdaman sa kanya ni Sweetness. Tang-ina ayaw ko ng mawala pa si Cassie sa akin. Ngayon pa na konti na lang ay mapapasakin na siya ng tuluyan. Sweetness kasi parang tanga. Nagsisimula na namang mainis si Josh dahil talagang hindi niya maintindihan si Sweetness at ang nararamdaman nito sa kanya. NAGMAMADALING SINUNDAN ni Sweetness si Josh dahil gusto niya itong makausap tungkol sa pag-amin niya ng gabing 'yon. Nakita niya ito habang kausap si Maikaela at halatang inis si Maikaela. "Magsabi ka nga sa 'kin. Type mo si prof 'no?" tumatawang tanong ni Josh kay Maikaela kaya mabilis naman na sumagot si Maika. "Tsk! Pasalamat talaga siya at gwapo siya," nakabusangot na sabi Maikaela. Hindi alam ni Sweetness pero biglang siyang mas nainis kay Maikaela. Alam naman niyang close na close ang dalawa na to the point na halos gawin ni Josh para makapasa lang si Maikaela. Paanong hindi niya malalaman. Lahat na nga 'ata sa klase nila ay alam na sinasagutan ni Josh ang ibang activities ni Maikaela, lalo na kapag hindi naman nag-checheck ng attendance ang ibang mga prof. "Maikaela! 'Wag mong sabihing magka-cut ka na naman sa klase?" may inis na tanong ni Josh. Narinig niya ang malakas na tawa ni Maikaela. May klase pa kasi sila ngayong tanghali at mukhang hindi na naman papasok si Maikaela. "Nand'yan ka naman. Thank you Joshua! Kiss na lang kita," sabi ni Maikaela at nakita niyang hinalikan ni Maika si Josh sa pisngi. "Tang ina kadiri ka talaga," sabi ni Josh kaya sinampal siya ni Maika. "Kaarte ah!" sabi ni Maikaela bago iniwan si Josh. "'Wag kang masyado sumunod kay Cassie! Napaghahalataan ka!" sigaw pa ni Maikaela bago umalis ng tuluyan. Nakakaselos talaga si Maikaela. Kaya minsan gusto niyang magpalit sila ng role ni Maikaela kahit na isang araw niya para maranasan niyang maging importante para kay Josh. Nakita niyang aalis na rin sana si Josh nang harangan niya ito. Umamin na siya dito, wala ng saysay kung mahihiya pa siya. Ang tanga na niya kung ganoon. "J-Josh pwede ba tayong mag-usap?" nauutal niyang tanong. Nakita niyang natigilan si Josh dahil sa biglaang pagsulpot niya at sa tanong niya. Itotodo na niya ang kalandian niya kay Josh. Inalis at hindi na niya pinapansin ang paulit-ulit na tanong sa utak niya. Paano si Cassie? Sa ngayon ay ang sarili na muna niya ang iisipin. Kung hindi niya kasi susubukan ay siguradong pagsisisihan niya sa huli ang hindi niya pagsubok na makuha ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. Bahala na ang kung sinong makakabangga at matatapakan ko. Ako muna ngayon. Ako naman. "Sweetness," tawag ni Josh sa kanya kaya napabuntong hininga siya. "Pakinggan mo naman ako. Gusto lang kitang makausap," mahinang saad niya kaya nang tumango si Josh ay nasiyahan ang puso niya dahil sa wakas ay makakausap niya si Josh ng silang dalawa lang at para ipaliwanag ang nararamdaman para sa binata. Baka ngayon magbago ang desisyon ni Josh at makita siya at magustuhan bilang isang babae. Nakita na lang ni Sweetness na nandito sila sa pinakasulok at tagong bahagi ng library. Napansin niyang hindi makatingin ng deretsyo sa kanya si Josh. Siya rin naman ay nahihiya pero wala siyang pakialam sa nararamdamang hiya-hiya. Gusto niyang makausap si Josh about sa pinagtapat niya. Alam niya rin naman na hindi basta-basta ang mahal ni Josh pero baka tuluyang mawalan siya ng pag-asa sa binata kaya hanggang sa wala pa namang namamagitan sa kanila ng pinsan niya ay magbabakasakali na siya. "J-Josh a-about d-doon s---" Hindi nito pinatapos ang sasabihin niya. "Kalimutan na lang natin 'yon Sweetness," biglang pagputol ni Josh sa sasabihin niya. Kahit na nasasaktan ay nakuha pa rin niyang umiling. "Pero hindi ko kayang kalimutan 'yon. Alam kong gusto mo ang pinsan ko. Pero pwede bang bigyan mo ako ng chance na ipakita at iparamdam ko sa 'yo na mahal kita?" walang hiya niyang sabi niya kay Josh kaya malalaki ang mga matang nakatitig lang sa kanya si Josh. "Can you hear yourself?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Alam naman niyang desperada na siya pero ito na lang ang kaya niyang gawin para mapasakanya si Josh. "Mahal ko ang pinsan mo," ani nito habang nakatingin sa mga mata niya. "At mahal kita," puno ng pagmamahal na sabi niya dito. Tumahimik dahil sa sinabi niya kaya napasabunot sa buhok si Josh at umiwas ng tingin sa kanya. "Hindi mo ako pwedeng mahalin, Sweetness," nahihirapang sabi ni Josh. "Ano na lang ang masasabi ni Cassie? Ano lang ang mangyayari sa inyo? Alam mo namang mahal na mahal ko ang pinsan mo. Ibaling mo na lang sa iba ang nararamdaman mo," sabi nito kaya doble ang sakit na bumalatay sa puso niya. Madiin siyang napapikit dahil sa sinabi sa kanya ni Josh. Masyado na niyang sinasaktan ang puso niya pero baka worth it naman ang sakit na nararanasan niya ngayon. Baka soon labis-labis na kasiyahan ang mararamdaman niya. "Josh baka naman payagan mo akong manligaw," sabi niya mismo sa harapan nito. Walang hiya. Hindi na niya inisip na babae siya at nasa pilipinas sila kung saan importante na ang lalaki ang manliligaw sa babae. "Humihithit ka ba ng rugby?" malalaki ang matang tanong sa kanya ni Josh. Imbis na masaktan sa tanong nito sa kanya ay napayuko na lang siya. Alam niyang ganito talaga ang lumalabas sa bibig ni Josh. "Bawal ba kasi babae ako?" nakayuko niyang tanong. "Alam mo Sweetness, nakakabaliw ang mga sinasabi mo. I love your cousin. Hindi ikaw at kahit kailan hindi magiging ikaw," sabi nito kaya biglang nangilid ang mga luha sa mga mata niya dahil sa masakit na salitang binitawan nito sa kanya. Magsasalita na sana siya nang bigla niyang narinig ang boses ni Cassie. "Joshua," tawag ni Cassie kay Josh kaya nakita niyang malalaki ang matang tumingin si Josh kay Cassie. "H-hey," tumayo na si Josh at nang lumingon siya para silipin ang pinsan niya at inaasahan na niya ang galit sa mukha ng pinsan. "Kanina pa kita hinahanap. Sabi mo kasi sabay tayong mag-lunch. Hindi ko naman alam na may pinag-uusapan kayo ni Sweetness," sabi ni Cassie at nawala ang galit na tingin nito sa kanya at napangiti ng tumingin na siya kay Josh. "H-hindi. Patapos na rin kaming mag-usap," sabi ni Josh at nakangiting tumingin sa kanya pero halatang pilit. "'Di ba Sweetness?! Salamat pala sa pagturo sa 'kin about sa thesis," sabi nito at nakita niyang hinawakan nito ang kamay ng pinsan niya. "Tara?" tanong ni Cassie at agad naman ngumiti si Josh at tumango. Kitang-kita sa mga mata ni Josh na sobrang saya kasama si Cassie. Ano'ng gagawin ko? Gustong mapasabunot sa buhok si Sweetness at gano'n na lang ang paghikbi niya dahil lumabas na ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Ano nang gagawin ko? NASA SINEHAN SILA NI Cassie ngayon. Napatingin siya sa relo at napabuntong hininga. Ang dami pa niyang gagawin pero mas importante naman si Cassie. Napatingin siya dito ng marinig niya ang mahinhin na tawa nito dahil sa pinapanood nila. Napangiti na lang siya at halos tumalon sa kilig ang puso niya ng humilig ito sa balikat niya. "Joshua," tawag nito sa kanya. Ito lang ang tumatawag sa kanya ng 'Joshua' at gustong-gusto niya 'yon. Gustong-gusto. Sobra. "Hmm..." "I like you," sabi nito kaya malalaki ang matang tumingin ito sa dalaga. Biglang tumingil ang paghinga niya lalo nang halikan siya nito sa labi ng mabilis bago nakangiting binalik ang atensyon sa panonood. "C-Cassie," mahinang tawag niya dito pero hindi lumingon sa kanya si Cassie. "Sinasagot mo na ba ako?" lakas loob na tanong niya dito kaya narinig naman niyang natawa si Cassie. Kaya gusto niyang batukan ang sarili. "Hmm. Pag-iisipan ko," sabi nito kaya nag-pout naman siya dahil sa sinabi nito. Pero at least may nararamdaman na sa kanya si Cassie higit sa pagkakaibigan. "Joshua," tawag nito sa kanya kaya umangat ang tingin niya dito. "Hmm?" Buti hindi nito tinanong kung sinong first kiss niya. Baka magalit 'to kung si Maikaela ang isasagot niya. "Kapag gusto mo akong maging girlfriend ibig sabihin no'n hindi ka na lalapit sa kahit na sinong babaeng ayaw kong lapitan mo," sabi nito kaya natigilan naman siya. "I mean, hindi ako mapagbigay Josh. Ang akin ay akin. Kapag gusto mong maging boyfriend ko ibig sabihin binibigyan mo ako ng right para ipagdamot ka sa iba," ani nito kaya tumango naman siya. "Naiintindihan ko," sabi niya dito at nginitian ang dalaga. "Ayaw ko rin na close ka kay Sweetness," biglang sabi nito kaya napakunot noon siya. Alam ba niyang gusto ako ni Sweetness?! f**k! "Kasi alam kong kaya ka rin niyang kunin," malungkot na sabi nito kaya napangunot noo siya dahil sa sinabi nito. What? "Nakatira nga sa bahay si Sweetness at sinasabi ko sa 'yo masama siyang tao. Siya ang dahilan kung bakit pakiramdam ko maghihiwalay si Dad at Mom," sabi nito kaya natigilan siya. Hindi naman niya nararanasan ang sinasabi ng dalaga. Mahal na mahal ng mga magulang niya ang isa't-isa kaya sigurado siyang walang makakapagpahiwalay sa mga magulang niya. "Inaagaw ni Sweetness ang pagmamahal ni Dad na para sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagpapanggap niyang maging mabait. Like! What the f**k! Kikita ba siya sa panloloko niya?" naiinis na tanong nito at napabuntong hininga. "Alam kong aagawin ka din niya sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na may balak siyang mapalapit sayo." Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin sa dalaga at nagsisimula na siyang pagdudahan ang nararamdaman sa kanya ni Sweetness dahil sa sinasabi nito sa kanya. "Nagsimula lang naman siyang pansinin ka at mas mapalapit sa 'yo nang pinayagan kitang manligaw," sabi ni Cassie kaya naikuyom niya ang kamao. Pinaglalaruan ba siya ni Sweetness? Ginagawa ba ni Sweetness ito para inisin si Cassie? May galit ba ito sa babaeng mahal niya? "Kaya sabihin mo nga sa akin. Ano ang mga pinag-uusapan niyo?" tanong pa nito sa kanya. "Wala." Hindi niya alam kung bakit hindi niya pinagtapat kay Cassie ang pag-amin sa kanya ni Sweetness. Siguro kasi ayaw niyang mag-away pa ang dalawa. Nasa akin na 'yon ngayon kung pagbibigyan ko si Sweetness sa balak niya. "Wala na talaga?" tanong pa rin ni Cassie. "Wala naman siyang sinabing iba maliban doon sa t-thesis at sa pagiging malapit niya nga lately sa akin. Actually gusto ko rin mapalapit sa kanya because of you... of course... because I love you," he said softly as he looked into Cassie's eyes. Nakita niya ang ngiti ni Cassie kaya gumaan ang loob niya dahil sa mala-anghel na mukha ng dalaga. "Thank you, Joshua," madamdaming sabi ni Cassie. "Kung mas magiging komportable ka. Sasabihin ko lahat ng pag-uusapan namin ni Sweetness. Hindi rin ako lalapit sa kanya kung hindi naman tungkol sa mga lesson," sabi niya at puno ng pangangako ang boses niya habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. "May isa pa sana Josh bago ko ibigay ang hinihiling mo," sabi ni Cassie kaya napangiti na lang siya. "Kahit ano gagawin ko. Sabihin mo lang!" malakas ang loob na sabi niya dahil sobrang saya niya dahil pakiramdam niya ay malapit na malapit na niyang makuha ang matamis na 'oo' mula sa babaeng iniibig. "Layuan mo na din si Maikaela. Kapag nagawa mo 'yon. Tayo na." TAKOT NA umuwi si Sweetness. Hindi niya kasama si Cassie sa pag-uwi. Gusto man niyang tumakas katulad ng mga nakaraang araw na nilalayuan at kung sakali ay hindi magtagpo ang landas nila ng tita niya ay gagawin niya. Kaso nasa sala ang tita niya habang nagbabasa ng magazine. Napatingin sa kanya ang tita niya kaya napabuntong hininga siya. "Magandang hapon po tita," magalang na sabi at nagmamadaling tumaas pero tinawag siya ng tita niya kaya madiin siyang napapikit bago lumapit sa tita niyang nakaupo sa pang isahang sofa sa sala. Tahimik lang siya dahil kinakabahan siya. Sa isang linggong lumipas hindi man lang niya nakitang nag-usap ang Tita at Tito niya. Kasalanan na naman niya. Minsan na lang din siya kausapin ng Tito niya pero hindi naman ito nag kulang sa kanya sa allowance niya. "Umalis ka na," malamig na sabi ng tita niya kaya natigilan siya at napatingin dito. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang kaibigan na mauuwian at kukupkop sa kanya. Hindi siya sumagot. Nakayuko lang siya. "Hindi kita kayang makita. 'Wag kang mag-alala. Bibigyan pa rin kita ng allowance at hahayaan ang asawa kong pag-aralin ka at maging ama sa 'yo pero hindi ko kayang magpaka-Ina sa 'yo. Maghanap ka na ng apartment mo o condo... ako na ang bahalang magbayad. Lumayo ka na sa pamilya ko," sabi ni tita kaya napakagat siya sa ibabang labi at pinigilan ang umiyak. Patuloy lang sa pag-agos ang luha sa mga mata niya. Hindi niya mapigilan. Masakit na masakit ang puso niya at wala siyang mapaglabasan. "S-sige po tita. Bukas na bukas po maghahanap po ako. Thank you po. Sige po taas na po ako," sabi ko at iniwan siya habang patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata niya. Papataas siya sa hagdan at nakayuko siya. Natigilan lang siya ng may yumakap sa kanya. "It's okay," mahinang sabi ng Tito niyang nakayakap sa kanya. Hindi niya alam pero sa yakap ng Tito niya ay pakiramdam niya ay ligtas siya. "I'm sorry, Sweetness. I'm so sorry," madamdamin ng paghingi nito ng tawad sa kanya. Humagulgol lang siya at hinayaan na maging mahina. Walang kahit na anong lumalabas sa bibig niya. Hinayaan niya lang na umiyak siya sa dibdib ng Tito niya na para sa kanya ay ama na niya. Sana ikaw na lang ang Tatay ko. Sana hindi ako nangungulila sa mga magulang ko. "Shh magiging maayos din ang lahat, anak," mahinang sabi ng Tito niya. "Ilalayo kita sa sakit. Ilalayo kita sa sakit na pinaglagyan ko sa 'yo. Pakiusap Sweetness, tumahan ka na," malambing na sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang umiiyak sa dibdib ng Tito niya. Ang alam niya lang mabigat na mabigat na ang dinadala niya. Tahimik siyang humiwalay sa Tito niya. "Thank you po," mahinang sabi niya habang nakayuko pa rin at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. "'Wag ka nang mag-alala sa titirhan mo, ako na ang bahala. Ang isipin mo ang pag-aaral mo. 'Wag mo kaming isipin ng tita mo," sabi nito kaya tumango-tango siya kahit na nakayuko siya. "Okay po," mahinang sabi niya. "Anak kita, Sweetness. Anak kita at hindi kita pababayaan," sabi ng Tito niya. Simpleng mga salita pero naiyak siya ng sobra-sobra. "Sige po mauna na po ako sa kwarto ko," sabi niya at iniwan ang Tito niya. Nang maisara niya ang pinto niya ay doon niya nilabas ang mas malalakas na hikbi sa labi niya. Walang manghuhusga dito sa kwarto niya. Walang manghuhusga sa kanya dito. Mamimiss niya agad ang kwarto niya na naging saksi sa paglaki niya. Naging saksi sa pangungulila sa mga taong dapat ay prinoprotektahan siya. At the age of twenty... hindi niya man lang naranasan na mahalin ng ina o ama niya. Sa iisang tao niya lang naranasan at hindi pa ito ang tunay niyang ama. Bakit kasi napaka-unfair ng mundo? Bakit kung sino pa 'yong mabubuting tao, sila pa ang napagkakaitan ng pagkakataon. Gusto niyang ihampas ang ulo sa pader dahil sa sakit na nararamdaman. Gusto niyang mamanhid man lang dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi siya gusto sa pamilyang ito. Halatang-halata naman 'yon, simula pagkabata palang. Lagi siyang namamalimos sa mga tao dito sa bahay na ito. Palagi na lang siyang humihingi ng pagmamahal sa tita niya kahit papaano. Kailangan ko rin naman ng ina. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya kapag nakita niya pa ang ina niya. Marami siyang tanong na nanghihingi ng kasagutan. Nasaan baka Mama? Wala ka bang balak na bumawi sa akin? Lahat na lang kasi ng gusto niyang makuha at maranasan ay pilit na pinagdadamot sa kanya. Sweetness ang pangalan niya pero puro pait naman ang natatamasa niya. Kahit isa sa mga gusto niya ay gusto naman niyang makuha kung meron namang chance. Josh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD