MAAGANG PUMASOK si Sweetness. Hindi na niya hinintay si Cassie o sumabay sa hapagkainan. Hindi na siya kumain at hindi na siya nagpakita sa mga tao sa bahay ng tito at tita niya. Dahil sa nangyari kagabi ay napagdesisyon niyang hindi na muna lalapit sa tito niya o sa tita niya dahil binibigyan ng malisya ng tita niya ang pagiging malapit sa kanya ng asawa nito na tangi niyang kakampi sa bahay nito.
Tahimik lang siyang nakatanaw sa malayo dahil 2 hours pa bago magsimula ang first subject niya ngayong umaga.
Nagugutom na siya kaya tumayo siya at pupunta sa cafeteria dito sa building. Nasa may garden kasi siya at tahimik lang na nagmamasid-masid. Napapatingin sa kanya ang ilang mga estudyante dahil siguro sa pasa niya sa pisngi. Hindi niya alam kung paano ito tatakpan kaya mas minabuti nalang niyang maglugay ng buhok at laging nakayuko para hindi ito mapansin.
Inilabas nila ang foundation na kinuha niya lang sa mga gamit ni Cassie. Hindi kinuha kundi ibinigay na sa kanya. Ito ang foundation na hindi na nito gusto at siya ang ginagawang tapunan ng mga gamit na napagsawaan na nito.
Susubukan niyang takpan sa restroom mamaya. Gusto na muna niyang kumain at 'yon ang gagawin niya ngayong umaga. Nakaupo na siya sa pangdalawahang upuan at mabilis na kinain ang binili niyang agahan sa cafeteria. Walang masyadong estudyante kaya masaya siya dahil kahit papaano ay tahimik ang loob ng cafeteria ng mahagip ng mga mata niya si Josh. Ang aga-aga naman talaga nitong pumasok.
Alam niyang dederetsyo ito sa library para magbasa-basa. Kabisado na niya si Josh dahil nga sa pagsunod-sunod niya dito. Minadali niya ang pagkain niya bago pumunta sa restroom para takpan ang pasa niya sa pisngi at sa gilid ng mga labi. Magkabilaan ang pasa niya sa gilid ng labi samantalang ang pasa niya sa pisngi ay nasa right cheek niya.
Nang sa tingin niyang pantay na ang kulay ng foundation at sa kulay sa mukhaa niya ay ngumiti siya kahit pakiramdam niya ay ang bigat-bigat ng muka niya. Naglagay lang siya ng baby powder at nagpabango bago lumabas ng restroom at pumuntang library para makita si Josh.
Hindi nga siya nagkamali dahil nakita niyang nagbabasa si Josh about sa isang subject nila. Napangiti na lang siya dahil sa kakyutan nito at talagang matalino si Josh. Nakakaproud ang magkaroon ng isang Josh sa buhay mo.
Nalakad siya at kunwaring naghanap ng libro malapit sa gawi niyang nang magtama ang mga mata nila kaya agad siyang umiwas lalo na ng magwala ang puso niya dahil sa pagtama ng mga paningin nila ngayon ngayon lang.
Iba talaga ang epekto nito sa kanya.
"Sweetness!" malakas na tawag nito sa kanya kaya agad na sinuway si Josh sa kaingayan niya kahit wala pa naman halos estudyante sa loob ng library.
Tumingin siya kay Josh at sumenyas ito sa kanya na lumapit siya dito kaya halos magwala ang mga paru-parong nagliliparan sa tyan niya.
"Ang aga natin ngayon ah," medyo may lakas na sabi ni Josh kaya sinuway na naman niya kaya hindi niya napigilan na mapangiti dahil sa pag-pout nito.
"Kasama mo ba si Cassie pumasok? Sabay kayo? Nasaan siya?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Josh kaya nang tuluyan na siyang makaupo sa harapan ng upuan nito ay nawala na ang mga ngiti sa labi niya.
Napabuntong hininga siya ng may sakit na dumaan sa puso niya dahil siya ang nandito pero iba ang hinahanap nito.
"Sorry. Nauna akong pumasok e," sabi niya at nag-angat ng tingin dito at nakita niyang nakatitig nito sa kanya kaya nagulat siya pero hindi niya iniwas ang tingin niya kay Josh.
Nakita niyang tila natatawa ito habang nakatingin sa kanya kaya nagtaka naman siya.
"May pinapagandahan ka ata Mayora ah?" bahagyang nakapikit ang mga mata nito at halatang sinusuri siya nito at halos manlamig siya nang lumapit ang mukha ni Josh at hinawi ang buhok niyang humaharang sa mukha niya.
Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. Tila nag-blurred ang buong paligid at nag-slow motion ang galaw ni Josh. Sobrang gwapo talaga nito sa paningin niya.
"Mamamatay ka na ba?" tumatawang tanong nito kaya kumunot ang noo niya. "Toktok." Sabi nito at kumatok sa lamesa para hindi magkatotoo ang tanong nito kung mamamatay na ba siya.
"B-bakit?" kinakabahan na tanong niya dito.
"Foundation mo pagod na," sabi nito at natatawang lumapit na naman ito sa kanya at tuluyan ng dinikit ang palad nito sa mukha niya at naramdaman niya ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya dahil sa ginawa ni Josh na paghawak sa mukha niya.
Imbis na mahiya ay hindi niya alam kung ano'ng nararamdaman. Lalo na nang magaan ang kamay na inayos nito ang foundation niya dahil siguro hindi pantay ang kulay sa balat niya.
"You don't need make up to look beautiful," sabi ni Josh at seryosong-seryoso ito habang inaayos ang foundation niya at titig na titig lang siya dito. Tanging si Josh lang ang nakikita niya at ang t***k ng puso niya ang naririnig niya.
Pinagdasal niya na sana hindi na tumigil ang nangyayari sa kanila ni Josh ngayon.
"Kapag gusto mo naman mag-ayos para sa sarili mo. Magpatulong ka kay Cassie. Kita mo naman sa kanya. Magaling siya mag-make up," sabi nito at biglang ngumiti. "Kasi 'yong foundation mo talaga, pagod na."
Josh.
MASAMA ANG TINGIN na binigay ni Josh kay Maikaela dahil alam niyang nagbabalak na naman itong mag-cut ng klase.
"Kabobo mo talagang hindot ka! Saan ka na namang pupunta?!"
"Bonak nagugutom ako," sabi naman ni Maika.
"Mukha kang puto, Gago."
"Tanga..."
Dahil sa madami na siyang alam patungkol kay Maika ay naiintindihan niya kung bakit naging ganito si Maika. Masayadong madilim ang nakaraan ni Maika kaya hinahayaan niya ito at ginagawa niya ang lahat para maging mabuting kaibigan para dito.
At least may magpapatunay na 'di lahat ng mag bestfriend ay nagkakatuluyan. Baby daw siya ni Maikaela pero mas madalas naman na parang siya pa ang mas matanda sa kanilang dalawa at napailing nalang siya at nakinig sa prof niya.
Napatingin siya sa gawi nila Cassie at nakita niyang sinipa ni Cassie ang umupan sa harapan niya at nakita niyang si Sweetness ang nakaupo doon. Pinagmasdan niya lang ang dalawa. Hindi niya alam kung nagbibiruan ba ang mga ito o may hindi pagkakaunawaan. Ngumiti siya agad ng magtama ang mga paningin nila ni Sweetness.
Aaminin naman niyang magaan ang pakiramdam niya kay Sweetness. Masaya siyang makasama ito at makausap patungkol kay Cassie. Umiwas ng tingin sa kanya si Sweetness at nag-focus sa pagsusulat.
Nakangiti na lang siyang nakinig sa prof. ni lang nagpapaliwanag sa harapan. Inaantok na siya pero kailangan niyang matuto. Kailangan pumasa siya dahil goal pa naman niyang manguna sa broad exam.
Goal niya rin na mag-stay sa 1 ang grado niya sa lahat ng subjects. Alam niyang mahirap pero kakayanin niya.
NAPABUNTONG HININGA si Sweetness ng hinila siya ni Cassie sa bakanteng classroom nang matapos ang huling klase nila ngayong araw. Alas singko na ng tanghali. Dahil Wednesday ngayon ay talagang late sila makakauwi dahil may naidagdag na dalawang subject kaya 5 or 5:30 ang out nila.
"May kinalaman ka ba sa pag-aaway ni Daddy and mommy?!" mataray at puno ng galit na tanong nito sa kanya kaya napabuntong hininga siya dahil hindi niya alam ang sasabihin niya sa pinsan.
"H-hindi ko alam," pagsisinungaling niya dito dahil baka magkasagutan lang silang dalawa.
"Hindi mo alam? Lagi na lang ikaw ang pinag-aawayan ng mga magulang ko. Hindi kaba nahihiya? Ang kapal na nga lang ng muka mong makisiksik sa pamilya ko. Talagang sisirain mo pa silang dalawa? Mahiya ka nga. Utang mo ang buhay mo sa mga magulang ko. Lahat lahat." Sabi nito kaya tahimik lang siya.
Hindi niya alam kung paano ibabalik ang mga salitang binitawan ng pinsan niya. Totoo naman kasi ang lahat ng lumabas sa bibig ng pinsan.
"'Wag mo akong subukan Sweetness. Hindi porke't naaagaw mo na si Daddy sa akin e. Masisira mo ang relasyon ng mga magulang ko. Mahiya ka. Siguro talagang pinagbabayaran mo ang kasalanan ng mama mo. Magkatulad kayong dalawa. Naninira ng relasyon," sabi nito kaya naikuyom niya ang mga kamao niya dahil sa sinabi ng pinsan.
Nang iwanan siya ng pinsan niya ay duon lang siya nagsalita.
"Pasalamat ka anak ka nila tito," mahina niyang sabi bago sinundan si Cassie.
Hindi siya pwedeng umuwi nang hindi ito kasama dahil baka gulo na naman sa pagitan nilang dalawa. Baka gagala na naman si Cassie kailangan samahan niya ito.
"Gagala ka ba Cassie?" tanong niya sa pinsan niya kaya humarap ito sa kanya.
"Magkasama kami ni Josh. Kung gusto mong sumama, e 'di sumama ka. 'Wag mong i-big-deal ang paghawak niya sa 'yo sa pisngi kanina. Hindi ko man nakita pero alam ko na. Madami akong friends. Napakalandi mo, tumitira ka ng pailalim. Pati ako aagawan mo. Kaya pala ang aga mong umalis sa bahay kanina. Asa ka naman na basta-basta ko isusuko si Josh sa 'yo," mahinang sabi ng pinsan niya kaya napabuntong hininga siya at yumuko.
Sasama ba siya o hindi? Hindi naman niya kayang uminom kung magba-bar ang mga ito. Hindi rin 'ata kayang uminom ni Josh.
"Umuwi ka na lang kung gusto mo. Hindi naman pwede mukhang manang sa bar. Tatanga-tanga ka kasi, alam mong lagi kang sumasama sa akin pero napakapanget talaga ng taste mo sa damit," pang-iinsulto nito sa kanya na hinayaan na lang niya.
Hindi naman laging ito ang iinsulto sa kanya. Hinahayaan niya lang dahil sa utang na loob na meron siya para sa mga magulang nito.
Napabuntong hininga siya. Hindi niya gustong umuwi dahil nga sa nangyari sa kanila ng tita Carmela niya. Hindi pa niya kayang harapin ang babaeng nagpaparatang sa kanya ng kung ano-ano. Hindi niya rin kasi alam kung bakit galit na galit ito sa kanya.
"Ayaw ko pa rin umuwi," mahinang sabi niya kaya napatingin ulit sa kanya ang pinsan niya. Nakataas ang isang kilay nito.
"'Di ba may pinapagawa pa ako sa 'yo?" mataray na sabi nito kaya napabuntong hininga siya. Magsasalita na sana siya nang makita niyang nilampasan sila ni Maikaela. Ito ang bestfriend ni Josh.
Hindi niya ipagkakailang maganda talaga ang dalaga kahit may kaliitan ito.
"Ang landi," sabi ng pinsan niya kaya nalipat ang tingin niya dito at nakita niya kung gaano kasama ang tingin ng pinsan niya kay Maikaela lalo na ng kausap nito si Josh.
Napabuntong hininga siya. Ang dalawang kinaiinggitan niyang babae.
Cassie and Maikaela.
Habang buhay na 'ata siyang maiinggit. Hindi na 'yon mawawala sa puso niya. Dahil ito lang naman siya. Si Sweetness lang naman siya.
"Sa Jumbo Hotdog Club ba kayo pupunta?" tanong niya sa pinsan at ng umiling ito ay tumango-tango siya. Kapag sasama siya ay makakaramdam lang siya ng selos sa pinsan dahil kasama nito si Josh. Kapag uuwi naman siya, pagalit ng tita niya ang mauuwian niya.
"Hindi," sabi ng pinsan at naglakad na papaalis kaya sinundan niya. Nasa likod lang siya.
"Sama ako," mahinang sabi niya.
"Bahala ka sa buhay mo," sabi ng pinsan kaya napakagat na lang siya sa ibabang labi. Naalala niya kailangan niya din atang magpacheck ng mata dahil nitong mga nakaraang linggo ay nakakaramdam siya ng pagkahilo at pakiramdam niya ay malabo na ang mga maya.
Papanget na naman ako.
NATAGPUAN NI JOSH ang sarili sa isang sulok ng club kung saan inaya siya ni Cassie. Imbis na nasa loob siya ng kwarto niya ay nandito siya, imbis na nakaupo siya sa upuan sa drafting table niya ay nakaupo siya sa sofa sa bar, imbis na hawak niya ang mechanical pen niya ay baso ng alak ang dala niya.
Napahawak siya sa batok at nakatingin lang kay Cassie na nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Talagang nilalapit ni Cassie ang mukha sa tenga ng kausap para bumulong dahil sa sobrang lakas ng music sa loob ng Club.
Nakita naman niya si Sweetness na nagpaalam at lalabas na muna. Hindi niya nakitang tumikim 'to ng kahit na anong alak na nasa ibabaw ng mesa nila. Kinalabit niya si Cassie kaya napatingin sa kanya si Cassie na may ngiti sa mga labi.
Lumapit siya dito at bumulong. Kailangan niyang makalanghat ng sariwang hangin. Usok lang ng sigarilyo ang naaamoy niya at matatapang na amoy ng alak. Delikado pa naman sa isang taong makalanghap ng usok na nanggagaling sa sigarilyo.
"Cassie, labas lang ako saglit," bulong niya kaya kahit madilim ay naaninag niya ang magandang mukha ng dalaga.
Ngumiti ito sa kanya at tumango. Pero nanlaki ang mga mata niya ng halikan siya nito sa pisngi.
"Take care. Balik ka ah," sabi nito at balik na naman sa pakikipagusap sa mga kaibigan nito.
Bumuga siya ng marahas na hininga at napahawak sa puso niya dahil sa sobrang bilis ng t***k. Tumayo na lang siya at lumabas na.
Papunta siya sa open area kung saan parking lot. Huminga siya ng malalim at umupo sa hood ng kotse niya. Napakamot siya sa noo dahil madami pa talaga siyang tatapusin pero hindi naman niya hahayaan masayang ang pagkakataon na makasama si Cassie.
"Bakit ka lumabas?" Napatingin siya sa side at nakita niya si Sweetness.
Automatic naman na ngumiti siya dahil nakita ang pinsan ni Cassie.
"Ang usok sa loob," sabi niya kaya tumango naman ito at umupo sa hood ng katabi ng kotse niya. "Hoy! Makita ka ng may-ari niyan. Uupo-upo ka dyan," sabi niya kay Sweetness. Feeling close na niya siya dito at pinapakita na ang makulit niyang side.
Nakatitig naman sa kanya si Sweetness kaya natawa siya ng maalala ang foundation nito kanina. Nagiging bully na siya.
"Sinong pinapagandahan mo sa university?" tanong niya habang nakapikit ng bahagya ang mga mata dahil sinusuri niya ang magiging reaksyon ni Sweetness.
"P-pinapagandahan? W-wala 'no!" sabi nito at umiwas ng tingin sa kanya kaya malakas siyang natawa.
"Legit ba 'yan?" tanong niya at malakas na tumawa dahil hindi niya talaga mapigilan lalo ng makita niyang napakagat sa ibabang labi si Sweetness at nahihiyang umiwas ng tingin. "Buti na lang talaga inayos ko."
"T-thank you," mahinang sabi ni Sweetness kaya napangiti siya kahit na papaano.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa ni Sweetness kaya napakagat siya sa ibabang labi at hindi niya alam kung magtatanong siya patungkol kay Sweetness. Magpinsan ang mga ito at katulad ng sinabi sa kanya ni Cassie ay nakatira na si Sweetness sa kanila mula ng sanggol palang ito.
Ibig sabihin ay kilalang-kilala nito si Cassie. Kahit naman matagal na siyang patay na patay kay Cassie ay hindi padin niya kilala ang dalaga. Basta ang alam niya lang ag dito tumibok ang puso niya.
Kapag may ipagmamalaki na ako. Pipilitin kong siya na ang para sa akin.
"Kamusta namang maging pinsan si Cassie? Ano'ng mga ginagawa niya sa bahay niyo?" tanong niya at napakamot sa batok.
"A-ahm a-ayos naman," mahina at mahinhin nitong sabi. Pero halatang-halata sa boses nitong nauutal ito habang sinasagot ang tanong niya.
Nag-pout naman siya kasi hindi naman siya nakakatakot.
"Hindi naman kita kakainin," sabi niya kay Sweetness kaya napatingin sa kanya si Sweetness. Titig na titig ito sa kanya kaya hindi niya ba alam kung bakit nakipagtitigan din siya dito.
"G-gaano mo na katagal iniibig si Cassie?" tanong nito kaya umiwas naman siya ng tingin dahil nahihiya siya.
"Since highschool," mahinang sabi niya at ng nanahimik si Sweetness ay binalik niya ang tingin dito.
"P-paano m-ahm, paano k-kapag may isang taong katulad mo na matagal ka na ding mahal hindi mo lang nakikita?" tanong nito kaya nakangiti naman siya umiwas ng tingin dito.
Kahit naman hindi siya katulad ng mga lalaking papogi lang at talagang nangongolekta ng babae. Alam niya sa sarili niya na may ibubuga naman siya sa itsura. Kung 'yon lang ang labanan. Siguro kasi masyado lang mataas ang respeto niya sa mga babae dahil nga sa mommy niya.
"Wala naman akong pakialam sa kanila," sabi niya kaya napatingin siya kay Sweetness na napasinghap sa sagot niya kaya nagtataka siyang tumitig dito. "Don't get me wrong ha," sabi niya pa dahil baka hindi nito nagustuhan sa sinagot niya pero nagpakatotoo lang naman siya.
Paano ba niya ipapaliwanag? Dahil alam niyang hindi nagustuhan ni Sweetness ang sagot niya, siguro dahil may respeto din ito sa mga katulad na babae.
"Hindi naman maling magkagusto sa isang tao at ipaglaban ito actually ay 'yon nga ang ginagawa ko sa pinsan mo. If someone out there likes me for a very long time now... Hmm paano ba 'to?" tanong niya bigla at napakamot sa noo dahil hindi niya din kasi alam kung paano pagagandahin ang sinabi niya kanina na 'wala siyang pakialam.'
Nag iisip siya ng isasagot niya na magugustuhan ng dalaga. Siguro kumukuha ito sa kanya ng ideya o payo kasi nararanasan nito.
"Parang tanga naman kasi nito!" sabi niya at malakas na tumawa pero nakatitig lang sa kanya si Sweetness.
Naghihintay pa rin ng sagot mula sa kanya.
"Kapag ba mahal mo ipaglalaban mo?" biglang tanong niya kaya natigilan si Sweetness bago tumango habang nakatitig sa kanya.
"'Yan! 'Yan din ang gagawin ko. Matagal na akong may gusto kay Cassie. Hindi ko hahayaan na masira ang pagkakataon na binigay sa akin ng pinsan mo kaya if ever man na ipaglaban din nang tinutukoy mo if ever na may taong matagal na akong gusto ko. Hindi ko ipagpapalit si Cassie hanggang sa marealize niya na makakahanap siya ng para sa kanya," sabi na lang niya at nakatitig lang sa dalaga.
"Sabi mo ipaglalaban mo ang nararamdaman mo kay Cassie. Ibig sabihin hindi ka titigil hanggang sa mapasaiyo siya?" tanong nito.
"Paulit-ulit ka naman!" sabi niya at tumango at ngumiti dito. "Oo nga. Baka Cassie 'yon," pagbibiro niya.
"Paano kapag hindi marealize ng taong nagkakagusto sa 'yo na meron ka nang Cassie at talagang i-push niya na mapaibig ka sa kanya?" tanong pa nito.
Tumingin siya sa kalangitan bago sinagot ang tanong ni Sweetness.
"I have respect for every feelings a person has. If gusto niya ako nirerespeto ko ang nararamdaman niya. If mangyayari man ang tinatanong mo at ipaglaban niya ako. Nasa akin na 'yon kung sinong pipiliin ko," sabi niya bago binalik ang tingin kay Sweetness. "Pero sinasabi ko sa kanya kahit sino pa siya. Hindi niya mababago ang nararamdaman ko kay Cassie. Masasaktan ko siya pero si Cassie ang pipiliin ko ng paulit-ulit."
Titig na titig sa mga mata ni Sweetness.
Nanahimik naman ang dalaga kaya tumayo siya dahil baka kung ano ng nangyayari kay Cassie sa loob.
Pero nagsalita pa si Sweetness na nagpagulo sa isip niya.
"Since it's already here. Isusugal ko na lahat-lahat ng meron ako. I'm tired of hiding my feelings. Kahit maliit ang tyansiya kong manalo. Baka pwede akong lumaban."
Huh?!
"Josh, Mahal kita."