Chapter 4

3406 Words
"MAGANDANG hapon po," magalang na sabi ni Sweetness sa asawa ng Daddy niya. Nakita niya ang talim ng tingin nito sa kanya kaya napabuntong hininga na lang siya. Hindi naman niya kasalanan ang mabuhay sa mundo. Hindi niya rin kasalanan na naging kabit ang Nanay niya. Hinding-hindi siya sasang-ayon. Hindi naman siya masaya. Naging miserable din naman ang buhay niya. Bakit galit ang mga ito sa kanya? Ang kasalanan ba ng Ina niya ay kasalanan niya rin? "Sarap buhay ka talaga rito?! Habang kami naghihirap, ikaw dito, buhay prinsesa? Ang kapal talaga ng pagmumukha mo," sabi nito kaya tahimik lang siya at hinayaan ang galit sa kanya ng ginang. Sasabihan lang siyang walang pinag-aralan at walang modo kapag sinagot niya pa ito. Hahayaan na lang niya ang galit nito sa kanya. Nakita naman niya ang tita niyang kapapasok lang sa sala dala-dala ang meryenda para siguro sa asawa ng Ama niya. "Mauna na po ako sa kwarto ko," nakuha pa rin niyang gumalang kahit na alam niyang galit na galit ang mga ito sa kanya. Kapag nandito lang ang tito niya ay ipagtatanggol siya nito. Tanging ang tito niya lang na Ama ni Cassie ang kakampi niya sa malaking bahay na ito. Ang pahinga lang ng mga tenga niya ay kapag gabi. Pagod na pagod na siya pero kailangan niyang labanan lahat-lahat. May utang na loob pa siyang kailangang bayaran. "Sige na tumaas ka na. Panira ka lang dito," sabi ng kanyang tita kaya dere-deretsyo na siya at walang lingon-lingon kahit na hindi pa rin tapos magsalita na puno ng pang-iinsulto ng asawa ng ama niya. Bagsak ang balikat na tumaas siya. Nakasalubong naman niya ang tito niya at nakangiting binati siya pero ng makitang malungkot siya ay mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Magandang hapon po," pilit ang ngiti ang binigay niya dito. "Are you okay?" puno ng lambing na tanong ng tito nito sa kanya. "Yes po," sabi niya at ngumiti. "Tataas na po muna ako para magpahinga sa kwarto ko. May plates pa po kasi akong tinatapos," magalang na sabi niya pa sa tito niya. Ayaw niyang mag-alala na naman ito sa kanya. Ipagtanggol naman siya na magiging dahilan ng pag-aaway nila. Siya na naman ang magiging dahilan. Nginitian siya ng tito niya bago tumango. Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya at doon niya lang nilabas ang emosyon sa mukha niya. Gusto niyang magsalita at ipagtanggol ang sarili niya tuwing nagkakasalubong ang landas nila ng Asawa ng Daddy niya at ng mga kapatid. Gusto niyang isigaw sa mga ito na wala siyang kasalanan at pati siya ay nagdurusa rin. Ayaw niya lang magsalita pero pagod na pagod na ang mga tenga niyang tumanggap ng masasakit na salita mula sa mga taong hindi siya tanggap. Nilabas niya na lang ang cellphone niya at tinignan ang social media ni Josh. Gusto niyang makita kung gaano ito kasaya na pinayagan na siya ng pinsan niya sa panliligaw dito. Mula sa kama niya ay tumingin siya sa variety mirror sa tapat lang ng kama niya. Minsan gusto niyang agawin ang ganda ng pinsan niya. Agawin ang kung anong meron ang pinsan niya. Napabuntong hininga siya at mapait na tumawa. Nag-iisa lang siya sa tanang buhay niya. Kailan ba niya mararanasan na hindi maging sampid? Tumingin siya sa cellphone niya at napatitig sa profile picture ni Josh. Ang lalaking nag-iisa niyang iniibig. Pinatay niya ang cellphone at tumayo para pumunta sa drafting table niya at marami pa sing plates na tatapusin. Meron pang binigay sa kanya ang pinsan niya na gagawin. Hindi naman siya makahindi kahit tambak siya ng mga gawain sa school. Nang pinupunasan na niya ng tissue ang lahat ng ruler niya ay may kumatok sa kwarto niya at bumukas 'yon kaya napatingin siya duon habang pinupunasan niya ang ruler niya. "Hi," sabi ng tito niya at may dala itong isang supot ng kisses. Natawa na lang siya dahil nakasilip talaga ang ulo ng tito niya sa pinto. "Pasok ka po," nakangiti niyang sabi kaya agad namang pumasok ang tito niya na nagsilbing ama-amahan sa kanya sa mahabang panahon. Nahihiya na siya dito dahil ramdam talaga niya na hindi siya welcome kapag nandyan ang tita niya. "Pasensiya ka na sa asawa ng Ama mo. Alam kong pinagsabihan ka na naman ng masasakit na salita," sabi nito at lumapit sa kanya at binigay ang kisses na hawak-hawak nito. "Sanay na po ako. Hindi naman po bago ang mga pinagsasabi nila," sabi niya at malungkot na ngumiti. Nakita niya ang pagdaan ng awa sa sa mata ng tito niya kaya natawa na lang siya ng mapait. Maging siya rin ay naaawa sa sarili. Ganito ang pakiramdam ng may utang na loob. Sa twenty years niyang mabubuhay may mabigat na nakaatang sa balikat niya dahil bawat sumbat ng tita niya na lahat ng meron siya ay dahil sa kanila ang nagpapabigat ng damdamin niya. "Salamat po dito," sabi niya at pinakita ang isang supot ng kisses kaya ngumiti din ito. Umupo ito sa may paanan ng kama ko at napabuntong hininga. "Pinapahirapan ba namin ikaw?" tanong ng tito niya kaya natigilan siya. "Pasensiya ka na kung hindi kita kayang protektahan." Nagtaka naman siya nang maintindihan ang ibig sabihin ng tito niya ay napangiti siya. Ito lang ang kakampi niya sa loob ng bahay na ito. Tanging nagpapakita sa kanya na kahit papaano ay belong siya sa pamilyang sinasaktan ang puso niya. "Sapat na pong parang anak ang turing niyo sa akin," sabi niya at naupo na rin at humarap sa drafting table niya. "Kapag po nakatapos ako ng pag-aaral. Ibabalik ko po lahat ng binigay niyo sa akin," sabi niya at mapait na ngumiti. Dahil nakatalikod siya sa tito niya ay hindi niya alam kung anong naging reaksyon nito sa sinabi niya. "Wala kang utang na loob sa akin o sa tita mo, Sweetness. Wala kang babayaran sa akin," sabi nito kaya napangiti siya. 'Yong sobrang sayang ngiti. "Salamat po," sabi niya kaya narinig naman niyang tumawa ang tito niya. "'Wag mong stressin ang sarili mo sa pag-aaral. Magpahinga ka paminsan-minsan." Bilin nito bago lumabas pero nang tignan niya ay natigilan sa paglabas amg Tito niya dahil may nakaharang na tao sa labas ng kwarto niya at nang makita niya ang nanlilisik na mga mata ng tita niya ay alam niyang nadagdagan na naman ang galit nito sa kanya. Lagi naman itong galit. JOSH HAS been in love with Cassie for a long time now. He will not waste any more time para mapaibig ng tuluyan sa kanya si Cassie. Ngayon pa bang nililigawan na niya ito at mukhang may pag-asa siya dahil sa nakikita niyang emosyon sa mga mata nito. Napatingin siya sa drafting table niya dahil alam niyang madami pa siyang tatapusin na plates at ilang mga assignment na kailangan ipasa agad-agad. Gagawan pa niya si Maikaela ng mga plates nito dahil alam niyang hindi na naman gagawa ang isang 'yon. Tatayo na sana siya ng biglang may nagtext sa kanya. Unknown number: Pusa e 'di... Meow Baka e 'di... Cow Soup e 'di... Sabaw Bituka e 'di... Isaw Kaning lamig e 'di... Bahaw Sino'ng mahal ko? E 'di IKAW!? Luh Pota! Kunot ang noo ni Josh nang mabasa niya ang text sa kanya ng hindi kilalang number. The hell?! 'Who the f**k is this?' Parang bobo, sinong kikiligin sa joke nito? Parang tanga. Hindi 'yon pinansin ni Josh dahil baka na-wrong send lang ang nakakagagong taong nakaisip ng joke na 'yon. Mas gugustuhin pa niyang pag-isipan kung itetext niya si Cassie o gumawa ng plates at assignment kaysa malaman o replayan ang nag-text sa kanya. Kadiri. Pero napakunot noo na naman siya ng makatanggap na naman siya ng text sa parehong numero. Unknown number: Isang sweg naman dyan papi.? Tang-ina! Sweg my ass! f**k. Agad siyang natipa ng reply dahil nakakagago na talaga ito. To: Unknown number Uminom ka ng gamot tangina mo. Addict! Text niya dito bago niya bli-nock ang number na 'yon dahil wala siyang oras makipaggaguhan at masyadong importante ang number niya dahil naka-access lahat dito lahat ng bank account niya or sa ibang traksaksyon sa kumpanya nila. Tinuturuan na siya ng ama niya sa mga pasikot-sikot sa kumpanya nila kaya kailangan niyang magseryoso kahit na ba talaga siraulo siya minsan. Nasa kalagitnaan siya nang paggawa ng plates ni Maikaela ng biglang may tumawag sa kanya sa messenger kaya padabog niyang binitawan ang t-square at tinignan ang tumatawag. Nanlaki ang mga mata niya at halos manginig ang tuhod niya ng makita ang tumatawag. Napahawak siya sa tuhod niya at mabuti na lang at nakaupo siya. Nanginginig na sinagot niya ito. "C-cassie," kinakabahan na tawag niya dito kaya gusto niyang sapukin ang sarili dahil sa kabang nararamdaman. Be a f*****g man, Josh! "Are you busy?" malambing na tanong sa kanya ni Cassie kaya madiin siyang napapikit at sasagot na sana siya ng magsalita ito. "Open your cam, Josh. I want to see you face," sabi nito kaya nagmamadali siyang pumunta sa salamin malapit sa walk-in closet niya at tinignan ang mukha niya kung ayos lang ba siya bago bumalik sa drafting table niya at pinagpapawisan na hinawakan ang cellphone niya bago niya inopen ang camero niya. "H-hi," naiilang na sabi niya at hindi makatingin dito. What the f**k Josh! I know you love her but you need to be cool! You need to calm down. f**k! I'm f*****g nervous. "What are you doing? Hindi ka busy?" tanong niya at mas pinatatag ang boses at unti-unting tumingin dito. Nakita niyang nakangiti si Cassie kaya unti-unting natunaw ang puso niya. "I just finished making one of my plates. How about you? Busy ka ba?" tanong nito sa kanya at nakikita na lang niya ang noo at kilay nito dahil nakahiga na ito sa kama. Napangiti siya at tumayo para rin pumunta sa kama niya at nahiga. "Nasa kalagitnaan palang ako sa paggawa ng isang plates," sabi niya at padapang nahiga sa kama niya. "Oh so busy ka? Pero gusto kitang makausap." Tila tumalbog naman ang puso niya dahil sa sinabi ng dalaga sa kanya. "Hindi. Mas importante ka naman kaysa sa mga plates na tatapusin ko," sabi niya kaya narinig niyang malakas na tumawa si Cassie. Hindi na nawala ang mga ngiti sa labi niya dahil nakikita niyang masayang nakikipag-usap sa kanya si Cassie. "You're so sweet Josh," sabi nito kaya napangiti siya lalo. Kung kaya lang umabot ng mga ngiti niya sa tenga niya ng literal baka abot tenga na talaga ang ngiti niya. "Syempre baka soon to be girlfriend kita kaya ikaw ang first priority ko," sabi niya dito at hinintay ang sagot ng dalaga sa sinabi niya. "Aw Josh. Hindi ka na torpe," sabi nito kaya napailing-iling siya at maagan ang loob na nakipag-usap kay Cassie. And yes! He would rather talk to Cassie on the phone than do his assignments and plates. He would rather choose his beloved Cassie. Nagmamahal lang ako. MALAPAD SIYANG ngumiti bago kumuba ng kisses at tumayo dahil katatapos ng dalawang plates na malapit na ang deadline para ipac-heck sa prof nila. Isa para sa kanya at isa para kay Cassie. Pinag-isipan niyang mabuti ang plates na ginawa niya dahil ayaw niyang may pabaguhin ang prof niya sa plates niya at gano'n din naman kay Cassie dahil sure siyang magagalit ito sa kanya at baka sabihin na naman nitong ginagawa niya 'yon para mababa ang grades na makuha nito. Syempre hindi naman siya tanga. Hindi siya gago para lang uliting gawan si Cassie. Hindi siya tanga para lang magpagod dahil sa dahilang ayaw niyang magkaroon ng mataas na marka ang ginawa niya para sa grades. Grado lang naman 'yan mas gugustuhin niya pang mataas nalang makuha ni Cassie kahit hindi nito pinaghirapan kaysa sa mag-away sila at siya ang magmukhang may mali. Makakarinig na naman siya ng mga masasakit na salita. Sana talaga wala nang baguhin si Prof. Nakangiti siyang naglakad papalabas ng kwarto niya para pumuntang kusina. Hindi pa siya naggagabihin at nang tignan niya kung anong oras na ay hindi na siya nagulat. Sanay na siyang magpuyat dahil sa mga plates at assignment na wala nang katapusan dahil nga hindi lang sa kanya ang ginagawa niya pati na din ang kay Cassie. Pati notes nga tinatamad nitong gawin buti na lang at magaling ang pinsan niyang magmemorize kahit papaano kahit na madalas ay nangungopya ito sa kanya. Pumasok siya sa kusina at tinignan ang mga pagkain na hinain sa hapunan nila. Ipapainit na lang niya kung may natira at kung wala naman ay magluluto na lang siya ng cup noodles. Tapos magpapahinga na dahil halos alas dos na ng madaling araw. Maaga-aga pa ang klase niya bukas. Makikita na naman niya si Josh at mabubuo na naman agad-agad ang araw niya at masisira rin dahil pakiramdam niya ay magsasama ang pinsan niya at si Josh bukas para ipakita sa kanya ng pinsan niya na ito naman talaga ang tipo ni Josh at hindi magiging siya. Bahala na! Masaya siya dahil nakita niyang meron pang sinigang na hipon kaya masarap ang mauulan niya ngayon. Hinihintay na lang niyang uminit 'yon nang may pumasok sa kusina. "Kakain na ang prinsesa," puno ng galit na sabi ng tita niya sa kanya kaya napabuntong hininga siya. "Ahm... gusto niyo po ba ng tea?" magalang na tanong niya dito. Naalala niya kapag may iniisip na hindi maganda ang tita niya ay hindi talaga ito makakatulog, ang pag-inom ng tea ang lagi nitong pampakalma at pampatulog. "Umamin ka nga sa akin, Sweetness," seryosong-seryosong sabi ng tita niya kaya agad naman siyang tumingin dito kahit na kinakabahan na siya. Alam niya kasing hindi talaga maganda ang timpla ng tita niya. Lagi naman kapag siya ang kaharap nito ay talagang nasa wild mode ang tita niya. Lumapit siya dito dahil baka magalit na naman ito at sabihin hindi siya nakikinig at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang bigla siyang sinampal ng pagkalakas-lakas ng tita niya. Hindi pa siya nakakabawi sa sampal nito sa kanya ay hinatak nito ang mahaba niyang buhok at mas pinalapit dito. "Alam mo habang lumalaki ka, ramdam na ramdam ko na. Ramdam ko na talagang magiging katulad ka ng nanay mong malandi e," sabi ng tita niya at mas hinigpitan ang pagkakasabunot sa kanya kaya mas nasaktan siya at napahawak sa kamay ng tita niyang nakasabunot sa kanya. "M-masakit po tita," mangiyak-ngiyak na sabi niya dito at imbis na bitawan ang buhok niya ay malakas lang nitong hinatak ang buhok niya kaya halos mamanhid ang anit niya at mabuwal dahil sa ginawa ng tita niya at nanatili niyang nakatayo dahil hinahatak talaga nito ang buhok niya para makatayo siya ng maayos. "Talagang masasaktan ka! Napakalandi mo talaga. Hindi ka ba nandidiri? Ha!?" malakas na sigaw ng tita niya. "Hindi ko po kayo maintindihan. Ano po ba ang kasalanan ko?" umiiyak na tanong niya dito. Masakit na masakit na ang anit niya. Binitawan ng tita niya ang buhok niya at pinagsusuntok na siya nito at dahil madaming singsing ang suot-suot ng tita niya at may mga bato pang mamahalin talaga na tumatama sa kanya na nagbibigay ng mas matinding sakit kaya sinalag niya 'yon gamit ang mga braso niyang nakaharang na sa ulo niya. Itinatama talaga ng tita niya sa katawan at sa ulo niya, ang bawat suntok nito ay sinisigaw ng paulit-ulit sa kanya na malandi siya at nagmana siya sa nanay niya. "Pati asawa ko! Even my husband! Wala ba kayong sinasanto ng nanay mo?!" sigaw ng tita niya at hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin. Narinig na lang niya ang boses ng tito niya. "Carmela!" sigaw nito at inilayo ang tita niya sa kanya. Umiiyak naman siya habang nakaupo sa sahig. Masakit ang puso niya dahil sa pinagsasabi ng tita niyang hindi niya maintindihan. Mas masakit ang puso niya kaysa sa katawan niyang binugbog ng tita niya. Kaya naman niyang lumaban pero ano na lang ang mangyayari sa kanya? Ano naman ang sasabihin nito sa kanya? Ano na naman ang masasakit na salitang ibabato sa kanya? "Ano? Huh?! Kakampihan mo na naman 'yang kabet mo? Nakakadiri kang babae ka! You're siding this woman again, Simon? You're on her side again?!" sigaw ng tita niya kaya nanlaki ang mga mata niya at nag-angat ng tingin dahil sa sinabi ng tita niya. Masakit ang ulo niya dahil sa suntok ng tita niya. Nakita niya din ang gulat sa mga mata ng tito niya. Paano siya naging kabet? Sino? "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?!" malakas na sigaw ni Tito. Ngayon niya na lang narinig ang dumadagundong na sigaw nito. Halos buong kusina kasama ang dining area ay nasakot ng malakas na sigaw na 'yon. Bigla siyang kinabahan at natakot. "Bakit huh?! Hindi mo ba ginagawang parausan 'yang bata na 'yan?! Nakakadiri kayo!" sigaw ng tita niya kaya kahit na masakit ang ulo at katawan niya ay tumayo siya. Maling-mali ito ng iniisip sa kanya. "Tita, mali po kayo ng iniisip. H-hindi ko po magagawa 'y-y-yon," umiiyak na sabi niya. Wala siyang pakialam kung may nalalasahan siyang dugo habang nagsasalita siya. Mas gusto niyang maliwanagan ang tita niya dahil mali ito ng iniisip. "Carmela. Unbelievable," mahinang sabi ni tito. Ramdam na ramdam ko ang pagtitimpi sa boses ng Tito niya. "Putang-inang pag-iisip 'yan," sabi nito habang walang emosyong nakatingin sa mga mata ni tita Carmela. Tahimik na lang siyang umiiyak at napayuko. "Tang-ina. Twenty-three f*****g years. We have been married for twenty-three years, Carmela," malamig na sabi ng tito niya at pati siya ay natatakot na rito dahil isang malambing na tao ang pagkakakilala niya sa tito niya. Nakita niyang tumingala ang tito niya at nakita niyang mamasa-masa na ang gilid ng mga mata nito. Nakita niya rin na natahimik na ang tita niya at ang galit nitong mukha kanina ay unti-unting nagbago. Nang marinig niyang tumunog ang pinapainit niyang ulam ay kahit na kinakabahan at nasa isang gulo sila ay nagmamadali siyang pinatay 'yon at nanlalambot ang tuhod na napaupo habang malakas na umiiyak. Sobrang sama ng loob niya dahil sa ikakusa ng Tita niya. Dinala niya ang palad sa mga labi niya para hindi kumawala ang sunod-sunod na hikbi na kanina pa niya pinipigilan. Nanlalabo na ang paningin niya. "Sweetness is like my daughter, Carmela. Mas bata pa siya kay Cassie, na anak natin. Sasabihan mong kabet ko? Nag-iisip ka ba? Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?! Ikaw pa ba ang babaeng minahal ko? Ikaw pa ba ang babaeng pinili ko? Sinakripisyo ko lang lahat para sa pamilyang ito! Sinayang ko ang pagkakataon na hanggang ngayon hinahabol ako hanggang sa bangungot ko! Tapos 'yong babaeng minahal ko at pinili ko. Tang-ina. Hindi ko na alam," rinig niyang sabi ng tito niya pero tahimik lang ang tita niya. Habang siya ay nakaupo at umiiyak. Kung meron lang siyang mga magulang o kahit na isang taong matatakbuhan, hindi siya mananatili sa bahay na ito. "I don't know why you're so mad at her. At kung bakit ang sama-sama ng ugali mo sa kanya. Hindi ka ba naaawa sa bata? Why are you like that to her? Wala siyang pamilyang pro-protekta sa kanya," sabi ng tito niya kaya mas umiyak siya dahil sa sinabi nito. Tama ito! Parang batang nawawala sa kawalan na naghahanap ng magmamahal at mag-aaruga. "Tayo sana ang pamilya niya. Pero dahil masama 'yang ugali mo. Kahit 'wag na lang ikaw. Tao ka pa ba? Wala namang ginagawa sa 'yo, nagkakaganyan ka!" sigaw nito bago siya nakarinig ng mga yapak na papaalis sa kusina. Hindi siya tumayo doon hanggang sa marinig niya din ang pag-alis ng tita niya kaya kahit na masakit ang katawan niya ay nagmamadali siyang umakyat sa kwarto niya at nakalimutan na ang gutom niya. Umiiyak siyang pabagsak na nahiga sa kama at binuhos lahat-lahat ng sama ng loob niya. Wala siyang pakialam sa mga galos niya at wala siyang balak na gamutin. Gusto niyang mamanhid ang puso niya. Gusto niyang ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya. Dahil lahat ng tao dito sa bahay ay tinatawanan siya maliban sa dalawang tao. Ang tito niya at si Nanay Eve ang matandang katulong sa bahay nila. Kasing tanda lang ng Tita at Tito niya. Ang hindi niya alam ay may isang taong nahihirapan sa labas ng kwarto niya at rinig na rinig ang pagluha at paghihirap niya sa mga oras na 'yon. Isang taon nanaisin na yakapin siya at humingi ng tawad sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD