Chapter 3

3062 Words
NAKATINGIN lang si Sweetness kay Josh at Cassie na masayang nagtatanghalian. Gusto niyang lumapit sa dalawa kasi pakiramdam niya ay nawalan na siya ng pag-asa lalo na't nagkaroon na ng interes ang pinsan sa lalaking gusto niya. Bakit ba napakapanira ni Cassie?! Gusto niya ding sabihin kay Cassie ang nararamdaman niya kay Josh pero nahihiya siya dahil alam niyang hindi matutuwa ang pinsan sa ipagtatapat niya. Si Josh muna ang kakausapin niya para ipaalam ang nararamdaman niya. Hindi niya gusto ang ideya na meron ng namamagitan sa dalawa agad-agad. Alam naman niya kay Cassie may gusto si Josh pero napapagod na siyang magtago na lang. Pinagsisisihan niyang tinago niya ang nararamdaman niya kay Josh dahil kung mas pinaaga niyang lakasan ang loob niya ay baka malaki ang tyansya na napasakanya si Josh. Hindi siya malayo sa dalawa pero hindi naman niya rinig ang pag-uusap ng dalawa. Nakikita niya ang masayang mukha ni Josh na mas sumasaksak sa kanyang puso dahil nakukuha nitong maging masaya sa iba. Napapikit siya ng makitang hawakan ni Josh ang kamay ni Cassie na nasa ibabaw ng mesa at nakita niya din ang pagpisil ng binata dito. Napakagat siya sa ibabang labi at umiwas ng tingin. Ano nang gagawin niya?! MASAYANG-MASAYA na nakikipag-usap si Josh sa babaeng matagal na niyang iniibig. Parang binigyan siya ng magandang pagkakataon ng tadhana dahil si Cassie na mismo ang kumausap sa kanya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito. Tanga na lang siya kung pakakawalan niya pa ito. Bigas na ang lumapit sa manok at tanga na siyang manok kung hindi pa niya ito tutukain. "Bakit hindi mo sinabi na may gusto ka sa akin?" tanong ni Cassie sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin. Hindi niya agad nasagot ang tanong ni Cassie kaya nagsalita ulit ito ng hindi man lang hinihintay ang sagot niya. "Don't be shy Josh. Magpakalalaki ka naman sa harapan ko," sabi ni Cassie kaya parang sampal 'yon sa kanya. Torpe siya 'yon ang totoo ni wala nga siyang naging nobya kahit isa. Wala rin siyang nakalandian. Uso pa naman sa ngayon ang 'no label' sa relasyon. Buti pumapayag ang babae sa gano'ng set up. Malanding ugnayan kung baga. Bilang lalaki naman kung talagang mahal niya ang babae ay hindi rin siya papayag sa gano'n. Hanggang wala kayong panghahawakan, wala kayong karapatan na masaktan. Tanga lang ang mag-eemote sa eksenang pinagpalit ka na kasi nagsasawa na siya sa 'yo. Ang gusto naman niya ay may panghahawakan siya sa kanila ni Cassie. Ngayon pa ba siya nawawalan ng bayag at mahihiya kay Cassie?! "Gusto ko kasi bago ko ipaalam sa 'yo eh 'yong kaya ko nang ipaglaban ang nararamdaman ko sa 'yo. Tsaka takot ako sa rejection Cassie. Hinahanda ko pa lang ang sarili ko sa posibilidad na tanggihan mo ako kasi nga you don't like me as a man. Gusto ko rin naman siguraduhin mahal kita," sabi niya dito at tila nawala ang kabaliwan niya dahil kaharap na niya si Cassie. Ayaw niyang ma-turn off ito dahil sa pagkatao niya. Parang natunaw ang puso niya nang makita niya ang ngiti sa mga labi ni Cassie. Mas lalo itong gumanda sa mga mata niya dahil sa simpleng pagngiti nito sa kanya. "How can you be so sure na ire-reject kita?" tanong nito kaya napanganga siya. Hindi niya inaasahan ang tanong sa kanya ni Cassie. Akala niya ay susungitan siya nito at sasabihin sa kanya ang panget sa kanya kaya hindi siya nito napapansin. Hindi niya talaga inaasahan kaya hindi nanaman siya nakasagot. He has nothing to say. "Paano mo malalaman kung hindi mo sinusubukan? Kung hindi pa kita sinabihan kagabi, kailan ka aamin sa akin?" tanong ni Cassie kaya mas lalo siyang napanganga. Nangangapa siya kung ano ang sasabihin niya kay Cassie dahil talagang ginulat siya nito. "May balak naman talaga akong umamin sa 'yo pero naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon," sabi niya at napakagat sa ibabang labi. Pigil niya ang pagngiti nang makita na naman niya ang magandang ngiti ng babaeng nasa harapan niya ngayon, ang babaeng minahal niya ng sobra-sobra. "Sa tingin mo ngayon na 'yong tamang panahon?" tanong sa kanya ni Cassie. Madiin na napapikit ng mga mata si Josh! Ito na ang matagal niyang hinihintay. This is it Josh! Ito na 'yong matagal kong hinihintay. Kailangan na niyang aminin kay Cassie ang nararamdaman ng harapan at tanungin ito kung pwede ba siyang manligaw. Masaktan man siya o hindi at least nagkaroon siya ng lakas ng loob para ipaglaban ang matagal na niyang nararamdaman sa babaeng nasa harapan niya. "Can I court you?" tanong niya habang nakatitig na sa mga magagandang mata nito. Hindi naman nagulat si Cassie bagkos ay nginitian lang siya at nakangiting napailing-iling. "Of course. Bakit naman kita tatanggihan?" tanong nito sa kanya kaya malawak siyang napangiti at hinawakan ang kamay nito na nasa ibabang ng lamesa. "Magiging mabuti akong boyfriend kung nagkataon," sabi niya habang titig na titig kay Cassie na masaya na nakangiti sa kanya. Kahit ano'ng mangyari ngayong araw ay walang makakasira ng maganda niyang mood lalo na't level up na sila ni Cassie. Nagbunga na rin ang pagsunod-sunod niya dito at pagmasid-masid niya dito. Ginaya niya pa ang schedule nito para lagi niyang nakikita. Nagagalit na nga sa kanya si Maikaela dahil focus na focus siya kay Cassie. Sinusundan niya pa ito kapag nagba-bar ito kasama ang mga kaibigan. "Ako lang ba ang nanliligaw sa 'yo?" Para malaman naman niya kung sino-sino ang kailangan niyang talunin para makuha at mapasakanya ng tuluyan si Cassie. "Gusto mo bang payagan ko pa 'yong ibang ligawan ako? Gusto mong may kaagaw?" nakangiting tanong sa kanya ni Cassie kaya agad siyang umiling. "Ikaw lang pinayagan kong manligaw sa akin." "Thank you," nakangiting sabi niya rito. "'Wag ka munang magpasalamat. Hindi pa kita sinasagot," sabi nito kaya tumango-tango siya. Hanggang sa hindi na nila namamalayan ang oras. Masaya lang silang nag-usap, marami siyang nalaman patungkol sa babae kaya mas minahal niya pa ito lalo. Nalaman niya na may pagkamatigas ang ulo nito dahil laging sinusuway ng mga magulang. Nagsisinungaling pa para lang makapag bar kaya natawa siya sa babaeng minamahal. HANGGANG SA MATAPOS na mag-usap ang dalawang sumugat sa puso ni Sweetness ay nakasunod lang siya sa dalawa. Hanggang sa makita niyang pumasok sa room kung saan ang unang subject nila ngayong hapon. Gusto niyang pigilan ang dalawa at sabihin na may nasasaktan na iba dahil sa pagiging malapit ng mga ito sa isa't-isa. Nagmamadali siyang pumasok sa rest room ng mga babae dahil alam niyang babagsak na ang mga luha sa mga mata niya. Hindi niya matanggap na sa iba na mapupunta si Josh. Alam niyang pinsan niya ang mahal nito pero pwede namang siya na lang, hindi ba? Meron na lahat-lahat kay Cassie ang mga bagay na wala sa kanya. May mga magulang ito samantalang siya para siyang pusang gala na nakikibahay lang sa hindi naman niya tahanan. Wala siyang pamilyang masasabi niya na sa kanya. May mga kaibigan si Cassie. Samantalang siya ay kinaibigan lang ng mga kaibigan ni Cassie dahil pinsan siya ni Cassie. Hindi niya alam kung bakit walang lumalapit sa kanya para makipagkaibigan. Pati ba naman si Josh ay mapupunta pa dito? Paano naman siya. Pumasok siya sa cubicle dahil doon mas mailalabas niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Mamaya pa naman mag-start ang first subject nila ngayong hapon kaya pakampante siya na makakahabol pa siya. Pero ngayong hihintayin na muna niyang ilabas niya ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Maya-maya pa ay tuluyan na nga siyang naiyak. Tinakpan niya lang ang bibig niya para hindi marinig ang mga hikbi niya. Ngayon lang siya nasaktan ng ganito simula ng mahalin niya si Josh. Kuntento lang naman siya sa patingin-tingin at pagsunod-sunod dito noon pero bakit ngayon humihingi siya ng higit? Pagod na ba siyang mag-isa? Napapagod na ba siyang wala siyang masandalan ni isang tao sa buhay niya. Hindi niya lang matanggap na wala siya ng lahat-lahat. Wala naman siyang ugaling hindi maganda. Naging mabuti naman siyang bata habang nakatira sa tito niya. Nagdadasal naman siya lagi. Nilabas niya ang latest na iphone niya at pinanood ang mga videos ng matagal na niyang iniidolong kpop artist. Kahit papaano ay pinapakalma siya nito. Napangiti siya ng mapanood ang mga videos ng BTS. 'Yon na lang kasi ang pinagkakaabalahan niya at libangan niya. Kapag nasasaktan siya kay Josh ay ito ang nagpapagaan ng loob niya. Napatingin siya sa side ng cubicle niya kahit ay harang ay tila alam niya kung ano'ng ginagawa ng nasa kabilang cubicle. Napanganga siya lalo nang mas lumakas na ang mga ungol na nanggagaling doon. "f**k me harder," malanding sabi ng babae kaya halos mamanhid ang buong utak niya. Gusto niyang akitin si Josh para mapasakanya ito pero kailangan niya bang makipagtalik dito para makuha niya ang buong atensyon ng binata? "Hinaan mo ang ungol mo woman. Someone will hear us," baritonong sabi ng lalaki pero alam niya ang boses na 'yon. Hindi niya lang masabi kung sino pero narinig na niya ang boses na 'yon. Hindi siya pwedeng magkami. Ang baritonong boses na 'yon. Nagmamadali siyang lumabas ng cubicle at tinignan ang mukha niya sa salamin dahil pulang-pula siya. Halos mataranta naman siya nang marinig na naman ang ungol ng babae. Nakakahiya naman kung umungol ang babae. Parang ang landi pakinggan. Nang makalabas siya ng rest room ng babae ay nagmamadali na siyang pumasok sa room kung saan ang klase niya. Nakita niya agad si Josh dahil 'yon agad ang hinanap ng isip at mga mata niya. Nakita niyang nakaupo na ito kung saan ito umuupo lagi samantalang si Cassie ay masayang nakikiusap sa mga kaibigan nito. Napatingin siya ulit kay Josh at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Nagulat siya nang kawayan siya nito pero yumuko lang siya at tumaas sa pinaka likod. Ayaw na muna niyang makatabi si Cassie. Gusto niyang mapag-isa at mas magandang nasa likod siya. Mas kita niya si Josh at mas makaka-focus siya ng maayos 'di naririnig ang pagdadaldalan ng mga kaibigan ni Cassie. Wala siyang katabi ngayon kaya talagang makaka-focus siya. 'Wag lang sana na may gawin si Josh na ikakawala ng focus niya. Kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral at makakuha ng mataas na marka. Mas mataas ang pagkakataon na mabayaran niya lahat ng utang niya sa tito at tita niya. "Alam mo na ba na may papalit daw sa prof. nating panot, 'yong sa physics," sabi ng nasa harapan niyang estudyante. May papalit na do'n? Salamat naman! Ang boring no'n magturo at nakakasawa na lang paulit-ulit siya kung manermon. "Pogi raw," sabi no'ng babae pa kaya napailing-iling na lang siya. Kapag pogi ganito sila ka-excited pero kapag average lang naman ay kung ibully nila ay lubos-lubusan. Minsan sobrang sarap din na sabihan ka ng maganda dahil dito sa mundo natin kapag panget ka, talunan ka lagi. Napatingin na lang siya kay Josh at tulad ng dati nakatingin na naman ito kay Cassie at nakikira niya rin ang pagsulyap-sulyap ni Cassie kay Josh. May something na ba ang dalawa? Hindi pa siya nakakaporma pero naunahan na naman siya ni Cassie. HANGGANG sa matapos ang klase nila ngayong hapon ay good mood si Josh. Halos na-perfect nila lahat ng pa-quiz ng mga professor nila. Si Cassie talaga ang dahilan no'n. Nililigawan na niya ito ibig lang sabihin ay madalas na niya itong ichat o kaya tawagan. 'Yon ang hinihiling niya dati pa at ngayon ay natutupad na. Wala siyang pakialam sa paligid nila pero masaya siya na nanliligaw na siya kay Cassie. Nakakataba ng puso ang pagpayag nito. Hindi siya magsasayang ng panahon. Kahit pa bata-bata palang ang tingin sa kanya ni Maikaela ay ayos lang. Kahit mas matanda si Cassie sa kanya ay ayos na ayos lang. Baby face naman si Cassie at parang mas bata pa ang edad nito sa kanya. Inaayos na niya ang gamit niya ng pagtayo niya at hanapin si Cassie ay wala na ito sa kinauupuan nito at nagsi-alisan na din ang mga kaklase niya. Gusto pa naman sana niyang magpaalam muna kay Cassie at ayain itong mag-lunch kasama siya bukas. Ayaw naman niyang sabihin lang gamit ang cellphone niya. Gusto niya ng harapan. Lumabas na lang siya at sakto namang nakita niyang naglalakad si Sweetness papalayo. Mag-isa lang ito pero pinsan ito ni Cassie baka alam nito kung nasaan na nagpunta si Cassie. Maaga pa naman para umuwi. Kukulitin na naman siya ng pinsan niya na sumama humanap ng babae sa bar. Ayaw naman niya ngayon pa na malaki na ang pag-asa niyang maging nobya si Cassie. Hindi siya bobo para pakawalan ang dalaga. "Sweetness!" malakas na tawag niya dito kaya nakita niyang nanigas ito sa kinatatayuan at hindi man lang lumingon sa kanya. Tumakbo siya para makausap ito. Nahuhuli niya ito minsan na nakatingin sa kanya. Hindi naman niya alam kung bakit. Baka nakyu-kyutan lang. Yabang! "Yow Sweetness," feeling close na bati niya dito at namumula na naman ang mga pisngi nito. Hindi niya din mapangalanan ang emosyon na naglalaro sa magaganda nitong mga mata. "B-bakit?" Nangunot naman ang noo niya ng nautal na naman ito. Lagi na lang itong mauutal kapag kausap siya. "Do you know where Cassie went?" tanong niya dito at nginitian ito ng pagkatamis-tamis. Gusto naman niyang makaclose si Sweetness mas magandang magsimula siyang makipagclose sa pinsan nito bago naman sa mga magulang si Cassie. He is very serious about Cassie. Kahit naman bata pa siya sa mata ng ibang tao para sa kanya kaya na niyang makipagseryosohan pagdating sa pakikipagrelasyon lalo na kung si Cassie ang magiging girlfriend niya. Gustong-gusto niya si Cassie. Pagkakataon na niya ito. Naikwekwento pa niya sa mommy niya si Cassie at kung gaano niya kagusto ang dalaga. "H-hindi ko alam kung nasaan siya ng punta," sabi nito at uniwas sa kanya ng tingin. May pagkakahawig si Cassie kay Sweetness. Parehas din silang baby face. Mas bata lang si Sweetness kung pagtatabihin silang dalawa ni Cassie. Sweetness has a beautiful face. Same as Cassie, he likes the angelic face of Sweetness. Hindi nakakasawa ang ganda. May mapupungay at laging nangungusap na mga mata, may matangos at proud na proud na ilong at cute na mga labi. Napailing-iling na lang siya ng may pumasok sa isipan niya na nakakagulat. What's that?! "Can I get Cassie's number? I want to talk to her," sabi niya habang titig na titig kay Sweetness na nakatingala para tignan siya. Hindi niya talaga alam kung anong meron kay Sweetness. Kung makatitig ito sa kanya ay parang may ibig sabihin. "Hey Sweetness, are you okay?" tanong na niya dito baka may nangyari dito na hindi niya alam. Magkaaway par in ba ang dalawa?! Hindi niya kasi ito nakita kanina habang pinagmamasdan niya si Cassie sa paborito nitong upuan. Hindi niya napansin si Sweetness. Nagpalikod din kasi ito kanina. Pero hindi niya alam kung saan banda puwesto ang dalaga "Give me your phone," sabi nito kaya nagmamadali siyang kunin sa bulsa niya ang cellphone at binigay ito kay Sweetness. Hindi na talaga nawala ang ngiti sa mga labi niya dahil malalaman na rin niya sa wakas ang number ng dalaga. "Kamusta pala ang thesis mo? Patapos ka na?" tanong niya para naman humaba pa ang pag-uusap nilang dalawa. "Hindi pa," sabi nito pero alam naman niyang kaya nito at hindi talaga ito mahihirapan sa thesis nito dahil matalino naman ito. "If you need anything, just tell me," sabi niya habang nakangiti. Tumango naman ito at binigay sa kanya ang cellphone niya at nagmamadali itong umalis kaya nangunot ang noo niya. "Anong problema no'n?" tanong niya at napatingin na lang siya sa phone niya at napangiti nang makita ang number ni Cassie. Tatawagan na sana niya ito nang tumawag ang mommy niya sa kanya. "Are going home now my son?" tanong ng mommy niya kaya napailing na lang siya at napangiti. "Namiss mo agad ako Inay?" "I told you not to call me that 'Inay' thing! Hindi bagay sa akin anak!" sigaw ng mommy niya kaya malakas siyang natawa. Marami-rami siyang ikwe-kwento sa Ina. Ito ang babaeng nirerespeto niya kaya gusto niya lahat nang nangyayari sa buhay niya ay alam nito. Gusto niya rin na kilala nito ang babaeng mahal niya kaya siguradong maikwe-kwento niya ang tungkol kay Cassie. Close na close talaga sila ng mommy niya. "Inay 'wag kang sumigaw! Baka ma-highblood ka mawalan ako ng Inay," sabi niya habang umiiling-iling. "I'll really hit you when you get home," mataray na sabi ng mommy niya kaya hindi niya napigilan na mapangiti. Masaya pa siyang nakipag-usap sa Ina niya. Tsaka na lang niya tatawagan si Cassie kapag uwi niya ng bahay nila. Ngayon ay bibigyan na muna niya ng pansin ang Ina dahil hindi na sila madalas na makapag-usap pati sa bahay nila dahil busy siya sa pag-aaral gano'n din naman ang mga magulang na busy din sa paghahanap buhay. Saludo talaga siya sa mga magulang niya. Kahit nag-iisa lang siyang anak ay hindi man lang nagpakampante sa paghahanap ng pera para sa kinabukasan niya. Kung tutuusin ay kaya na nilang mabuhay ng hindi nagtratrabaho dahil sa naipon ng mga magulang. At karamihan sa ipon ng mga magulang ay para sa kanya. Napakaswerte niya kahit na mataas ang expectation ng mga ito sa pag-aaral niya. Mamaya si Cassie naman ang bibigyan niya ng oras. GUSTO NIYANG suntukin ang sarili dahil binigay niya nga ang number ni Cassie at kinuha naman niya ang number ni Josh ng hindi man lang nito napapansin. May isa pa siyang cellphone at medyo bago pa 'yon dahil nga kapapalit niya lang din. Hindi alam ni Cassie ang number niya noon kaya gagamitin niya yun para makausap si Josh. Pero hindi niya alam kung paano imemessage ang binata dahil baka hindi siya nitong replayan dahil nga hindi nakaregister ang number noya sa phone nito. Sana lang talaga ay maging maayos ang plano niya. Gustong gusto niya talaga si Josh at gagawin niya ang best niya para naman may magandang kakalabasan ang pagkahibang niya sa binata. Sana gabayan siya ng guardian angel nila! Minsan lang naman siya humiling at gusto niya ay si Josh ay mapasakanya talaga. Please! Please! Please! Pagpasok niya sa sala ay nakita niya ang pamilyang ayaw na ayaw niyang makita sa tanang buhay niya. Ang asawa ng Daddy niya at mga kapatid niya. Nakatitig na kanya na para bang kasalanan na nabuhay pa siya ng mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD