NAKATINGIN lang si Sweetness kay Josh na busy na nagbabasa sa library. Ito ang gusto niya kay Josh mas gusto nitong magbasa ng libro kaysa sa makipaglandian sa mga babaeng may gusto dito.
Naging paborito niya na ring tambayan ang library sa garden malapit sa building ng course nila. Nag-aaway na nga din sila ni Cassie dahil madalang na lang siyang sumama sa mga ito. Tsaka lang naman siya kakausapin nila Cassie kapag kailangan ng mga ito na may pagkokopyahan.
May nakabuklat na libro sa harapan niya pero nakatingin naman siya sa harapan niya sa kabilang mesa kung nasaan nagbabasa si Josh ng tahimik. Para itong maamong bata na hindi kayang manakit ng kapwa pero hindi totoo 'yon dahil nasasaktan siya nito nang hindi ito nalalaman ni Josh.
Kasalanan niya dahil matagal na niyang minamahal ang lalaking kailanman ay hindi man lang siya napansin. Maliban kahapon na talagang nakausap pa niya ito. Pero pagkatapos no'n parang hindi na naman siya nito kilala.
Nakakasama ng loob pero wala naman siyang karapatan dahil ni hindi nga sila magkaibigan ni Josh.
"Hoy! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot!" masungit na sabi ni Cassie sa kanya ngayon na nakaupo na sa tabi niya.
Gusto niyang mapatalon sa takot pero hindi pwedeng mag-ingay sa library dahil baka mapatawag siya sa Dean at maparusahan.
Nakita niya ang pagsulyap ni Josh kay Cassie at nakita niya rin ang ngiti na namutawi sa labi nito kaya may kirot siyang naramdaman.
Kanina ay hindi man lang siya masulyapan ni Josh pero nang dumating si Cassie ay hindi na ito maka-focus sa pagbabasa.
"Bakit ba?" tanong niya kay Cassie kaya napataas ng kilay ang pinsan niya.
"Nasaan na 'yong assignment natin?" tanong nito kaya napabuntong hininga siya dahil talagang hininaan nito ang pagkakasabi.
"Mamaya ko na ibibigay. Pumunta ka na sa mga kaibigan mo," pagtataboy na sabi niya dito dahil ayaw niyang makita pa ito ni Josh.
"Are you dismissing me?" masungit na tanong nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"No," mahinang pagsisinungaling niya dito dahil naman kasi ito na lang lagi ang napapansin ni Josh.
Hanggang hindi pa rin naman nanliligaw si Josh kay Cassie ay may pag-asa pa naman siya.
"Akala mo naman gusto rin kitang makasama," masungit na sabi nito at iniwan na siyang mag-isa.
Napatingin siya kay Josh na sinusundan na ng tingin si Cassie kaya napakagat siya sa ibabang labi niya.
Bakit kasi wala siyang lakas ng loob na sabihin kay Josh na matagal na siyang may gusto sa binata.
Mas pinapahirapan niya lang ang sarili niya dahil sa ginagawa niya. Pero ayaw naman niyang ma-reject nang harap-harapan ni Josh dahil ang pinsan niya ang gusto nito.
"Nag-away ba kayo?"
Nagulat siya ng bigla siya nitong tanungin.
"H-hindi," utal na sabi niya kay Josh dahil sa gulat sa biglang pagtatanong nito sa kanya.
"You're lying. What happened?" tanong na naman nito sa kanya kaya napayuko siya. Hindi naman talaga sila nag-away ni Cassie. "Apologize to her. I don't want to see her sad because of you."
Tumayo na si Josh kaya nataranta siya. Napatayo naman siya at nilapitan si Josh dahil baka galit ito sa kanya.
"Hindi talaga kami nag-away. May hindi lang pagkakaintindihan pero hindi kami nag-away," paliwanag niya dito dahil baka galit ito sa kanya.
Kunot noo namang napatingin sa kanya si Josh at napatingin sa braso nitong hawak-hawak niya.
Nagkatitigan silang dalawa na parang may naka-lock ang mga mata nila sa isa't isa. Nakita niya ang paglunok ng ilang beses ni Josh bago umiwas ng tingin sa kanya.
Nasaktan siya ng hinawakan nito ang kamay niya at tinanggal ang pagkakahawak niya dito.
"Well then," sabi nito at iniwan na siyang mag-isa.
Kung alam lang nito kung gaano kalalim ang pagmamahal niya dito. Bente anyos palang siya pero nasasabi niya na sa sarili niyang mahal na niya si Josh.
TAHIMIK LANG si Josh habang nakikinig sa nagle-lecture about Physics. Wala si Maikaela dahil kung meron ito ay ginugulo na siya pero nag-cut na naman ito ng klase kaya naiinis na naman siya dito dahil hindi niya talaga alam kung paano aayusin ang kaibigan.
Kinaiinisan niya na pa kaya niya nga iniwasan ang Engineering ay dahil sa mathematics. Tang-ina! Bumibira rin ang Mathematics ng Architecture.
Napatingin siya sa gawi nila Cassie at nang makita niyang nakangiti ang matagal na niyang ginugustong babae ay napangiti na lang din siya.
Kahit papaano ay dahilan siya para ganahang makinig sa Instructor nila.
Ang cute nito kanina nang makita niya ang galit na mukha nito habang kinakausap nito ang pinsan. Napatingin siya kay Sweetness; ang pinsan ni Cassie.
Nasa lahi siguro talaga nila ang unique na ganda dahil ang ganda rin ng pinsan nito. Simpleng ganda lang pero mas type naman niya si Cassie.
Walang makakatibag sa nararamdaman niya para kay Cassie. Hindi niya hahayaan na mawala na lang ng basta-basta ang nararamdaman kay Cassie.
Masyado ng malalim ang nalalangoy niya sa nararamdaman niya kay Cassie hindi niya hahayaan na umahon dahil lang sa kailangan na niyang huminga.
Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon para ipaalam kay Cassie ang nararadaman niya.
Napatingin siya sa phone niya dahil kanina pa siya naghihintay ng reply ni Maika sa text niya dahil talagang kukutusan niya ito kapag nahuli siyang sinasagutan ang mga quizzes na wala naman ito.
Ang boring-boring naman kasing magturo ng panot na prof. nila sa Physics. Kaya laging ginagago ni Maikaela eh.
"Pare tapos mo na ba thesis mo?" Napatingin siya sa nagtanong sa kanya at nginitian ito.
"Hindi pa e, ikaw ba?" tanong niya tito pero umiling lang ito.
Napailing na lang siya at nagfocus sa pakikinig sa prof. nila.
Napatingin siya sa list of subject to study. Kailangan kasi niyang matapos ang course niya para mapatakbo niya ng maayos ang kumpanya ng mga magulang niya.
Siya lang naman kasi ang nag-iisang anak at walang ibang magmamana no'n kundi siya lang.
Kung siya lang ang papipiliin ay ayaw niya sana kaso wala naman na siyang magagawa.
Architecture Design
Building Construction
Theory of Structures
Building Science and Services
Building Management
History of Architecture
Architectural Drawing
Computer and Software Lab
Workshop Practice
Architectural Appreciative
Theory of Settlement Planning
Design Applications
Training
Thesis Project
General Proficiency
Napabuntong hininga siya dahil kailangan maganda ang makuha niyang grado dahil mataas ang expectation ng mga magulang niya sa kanya. Ayaw niyang tibagin 'yon at gusto niya ng magandang record sa University nila.
Kailangan niya lang talagang magsikap. Masyado nang malayo ang hinakbang niya para lang huminto sa pangarap niya.
Kapag may ipagmamalaki na siya tsaka niya popormahan si Cassie para naman makuha niya ang simpatsya ng mga magulang nito.
NAPATINGIN si Sweetness kila Cassie na pasimpleng kumokopya sa kanya kaya napakagat siya sa ibabang labi.
Matalino naman ang pinsan niya ngunit nababarkada lang sa mga tamad na estudyante kaya tamad na rin ito.
She could do nothing but let her cousin do whatever she like.
Mag-aaway lang sila kapag sisitahin niya ito.
Napatingin siya kay Josh na mukhang may ka-text. Tapos na rin siguro itong magsagot. Sinagutan na naman siguro nito sa Maikaela.
She's not shock anymore. Sanay na sanay na siya.
Naiinis din siya sa babaeng 'yon dahil mukhang ginagamit lang si Josh para makapasa. Napairap siya ng ilang beses.
"Cassie magba-bar ba kayo mamaya?" tanong niya sa pinsan niya na tumango lang.
Magpapaalam na naman ito na may gagawing project or activity sa bahay ng kaibigan nito at sinasama siya dahil magkaklase naman kasi sila sa lahat ng subject.
"Gusto kong magpahinga tsaka magreview," sabi niya dito dahil ayaw niyang sumama dahil no'ng huling nag-bar sila ay nabastos siya.
Natatakot na siya.
"Ang arte mo gusto mo lang akong mabuko nila Mom eh," mataray na sabi nito at tuloy pa rin sa pangongopya. "You'll come to us. 'Wag mo akong artehan."
Alam naman niyang gustong magkacondo ni Cassie pero nagpapakitang tao lang sa Mom niya dahil natatakot na pagalitan ng mga ito.
Napakamot na lang siya sa batok niya dahil sa sinabi ni Cassie. Gusto niya talagang mag-aral para naman hindi bumaba ang grades niya. Meron kasi siyang 1.75 na grade gusto niyang maging 1 ngayong sem.
Tumaliwas lang siya noon lalo't nakalimutan niyang maipasa on time ang final requirements nila noon.
Pagkatapos ng klase nila ay naglakad siya papasok sa library para maghiram ulit ng mga librong magbibigay ng aral sa kanya. Napatingin naman siya sa cellphone niya nang may tumawag sa kanya.
Napangiti naman siya ng makita ang tito Simon niya na tumatawag sa kanya.
"Hello tito," nakangiti niyang sabi agad-agad.
"You can move whenever you like, Sweetness. Malapit lang sa University niyo ang apartment na maganda sa 'yo," sabi ng tito niya kaya napanganga siya.
"Tito hindi naman na po kailangan. Baka mo pag-awayan niyo na naman ni tita," malungkot na sabi niya dito dahil ayaw naman niyang may pinag-aawayan ang mga taong tumayong magulang niya.
Alam niyang matapang ang tita niya pero ramdam naman niyang importante siya dito.
"I want to do everything to my other daughter. Kung ano ang gusto mo, 'yon ang masusunod," sabi nito kaya napakagat siya sa ibabang labi para pigilan ang iyak niya.
Lahat talaga ginagawa ng tito niya para sa kanya. Kahit na hindi naman siya nito totoong anak.
"T-thank you," utal na paghingi niya ng pasasalamat dito.
Napakaimportante nito sa kanya.
"'Wag kang umiyak ba ka may makakita sa 'yo. Kakausapin ko ang Tita mo. Konting lambing lang do'n ay bibigay na 'yon," sabi nito at malakas na tumawa. Siguro ay nasa trabaho pa ito. "Basta sabihin mo lang sa akin lahat ng gusto mo. Umuwi kayo ng maaga."
Pinatayan na siya ng tawag nito kaya naman napangiti siya.
Gusto niya talagang magkaroon ng sariling apartment para naman masubukan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Makahinga ng maayos at mahawakan ang kilos niya dahil kapag nasa mansyon siya ng Tito niya ay napupuna lang lahat ng kilos niya.
Para kasing limitado ang mga kailangan niyang gawin sa bahay ng mga tumayong mga magulang niya.
Para siyang pusang gala na hindi alam kung saan pupunta. Bawat gagawin niya para siyang kontrolado ng kung sino na hindi niya mapangalanan. Napakagat siya sa ibabang labi dahil sa sayang nararamdaman kasi kahit papaano ay may kakampi siya.
Pero pamilya?
Wala.
Hindi niya alam pero nag-iisa lang siya ngayon. Pakiramdam niya ang salitang 'unwanted' ay nababagay sa katulad niya.
Napatingin na lang siya sa panyong nakalahad sa harapan niya at napanganga dahil sa taong may-ari no'n.
"You're a cry baby. Stop crying," seryosong sabi nito kaya mabilis niyang tinanggap ang panyo nito at pinunas sa pisngi niya.
Hindi naman niya akalain na iiyak siya.
Pero infairness dahil sa pag-iyak niya ay napansin na naman siya ni Josh. Iiyak na lang siya lagi para naman mapansin siya lagi-lagi ni Josh.
Ang alam niya ay twenty years old pa lang din si Josh. Batang-bata!
"Sa 'yo na 'yang panyo ko. Mauuna na ako," sabi nito at magsasalita pa sana siya nang nagmamadali itong umalis at nakatingin sa relo nito.
Napangiti na lang siya dahil may panibago na naman dadagdag sa koleksyon niya na mga gamit ni Josh. Dalawa ng panyo ang meron siya na pagmamay-ari nito.
"Now I know why you want to leave to my parents house. Malandi ka," napatingin siya sa gilid niya ng magsalita si Cassie kaya mabilis niyang tinago ang panyo ni Josh.
"Cass, mali ka ng iniisip."
Para naman kasing kabute ang pinsan at kung saan-saan sumusulpot.
"Why? Did I say something wrong?" mataray na tanong nito sa kanya kaya tinibayan niya ang loob niya.
"Hindi ako malandi Cassie," seryosong sabi niya kay Cassie. 'Yon ang hindi niya kayang tanggapin na salita.
"Hindi ka malandi? Ano'ng tawag mo sa ginawa mo kanina? Ano 'yong nakita ko? Kaya pala tuwing nakikita kita kung nasan ka ay nando'n si Josh. Do you know that Josh loves me?" tanong ni Cassie sa kanya kaya natigilan siya.
Alam niya ang bagay na 'yon. 'Yon na ang matagal usap-usapan sa University kaya marami ang humahanga kay Cassie dahil maraming nagkakagusto sa pinsan niya. Hindi niya alam kung bakit dahil kung sa ugali ay may hindi kagandahan ang ugali nito.
"Sinabi na ba sa 'yo ni Josh na gusto ka niya harap-harapan? Umamin na ba siya?" tanong niya sa pinsan kaya natigilan si Cassie.
"E ano kung hindi niya aminin sa akin?"
"Ibig sabihin pwedeng magbago 'yon," sabi niya at iniwan ito sa labas ng library. Hindi alam ng pinsan niya na maw gusto siya kay Josh.
Wala ni isa na nakakaalam na may gusto siya kay Josh. Wala nga siyang kaibigan na mapagsasabihan. Wala man lang siyang malabasan ng mga problema niya sa buhay.
Tapos nabuko pa siya ni Cassie!
PABAGSAK na nahiga sa kama niya si Josh. Katatapos niyang mag-design. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang desenyo na ng bahay ang na-drawing niya.
Masakit na ang kamay, braso, at likod niya.
Maaga talaga siyang tatanda dahil sa kurso niya.
Meron pa nga siyang drawing nang gusto niyang maging bahay nila ni Cassie kapag nagpakasal na sila.
Inaamin niya na torpe siya at nahihiya siyang ligawan si Cassie dahil madami itong manliligaw at nahihiya siyang hindi pa siya sapat para sa dalaga. Kaya nga nagsisipag din siyang mag-aral para mapansin siya ni Cassie.
Kailangan muna niyang may marating sa buhay.
Hanggang sinosuportahan pa siya ng mga magulang niya ay hindi lalakas ang loob niyang humarap kay Cassie at hingin ang matamis nitong 'Oo'.
Noong unang kita palang niya dito noong highschool sila ay nahulog na ang loob niya rito. Palangiti at parang walang problema na babae. Wala pa itong nagiging kasintahan at mukhang focus din sa pag-aaral.
Sa pagkakaalam niya wala pa itong naging nobyo. Sana lang ay wala pa.
Ayaw naman niyang guluhin ito dahil mukhang focus talaga sa pag-aaral. Napapansin niya rin si Sweetness pero si Cassie talaga ang nakakuha ng buong atensyon niya at hindi niya namamalayan na may gusto na siya dito.
Wala pa siyang nagiging ex at wala pa siyang karanasan sa pagtatalik kaya inaasar siya ni Maikaela. Pero gano'n-gano'n lang si Maikaela pero alam niyang malalim din ang masamang nakaraan ng kaibigan.
Pinilit niya din na gustuhin si Maika at hindi naman siya nabigo. Nagustuhan niya rin naman si Maika at inaakala niya na siya na ang para rito pero nang malaman niya mula dito na kapatid lang ang turing nito sa kanya ay mas binigyan niya ng pansin si Cassie.
Hindi naman siya nagsisi dahil ngayon ay hulog na hulog na siya kay Cassie at hindi niya hahayaan na maka ahon sa pagkakalunod sa babaeng minamahal.
Napangiti na lang siyang kinuha ang cellphone at inopen ang wifi. Pinapatay niya kapag nagdo-drawing siya dahil ayaw niyang maistorbo dahil baka hindi niya matapos ang ginagawa niya.
Binuksan niya ang twitter niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Cassie na nag-dm sa kanya.
CassandraV:
Can I talk to you tomorrow?
Nanlaki ang mga mata niya at paulit-ulit na binasa and DM sa kanya ni Cassie. Napanganga siya dahil sa gulat.
Nanginginig ang kamay na nagreply siya. Malalaki ang matang binasa ang reply niya kay Cassie baka may mali ang maturn-off ito sa kanya.
MercadezJr.:
Sure. What time?
Halos mabitawan niya ang cellphone niya ng tumunog ito.
CassandraV.:
Lunch?
MercadezJr.:
Just the two of us?
Kinakabahan siya na natatae hindi niya alam dahil halo-halo ang nararamdaman niya. Masyado siyang baliw na baliw kay Cassie na lahat nagiging blangko sa kanya.
Nanginginig din ang mga kamay niya dahil naghihintay siya sa magiging sagot sa kanya ni Cassie.
CassandraV.:
Of course. Why? Would you include someone else?
MercadezJr.:
Of course not. Okay tomorrow lunch lets talk.
CassandraV.:
Okay, thank you and have a goodnight.
Napangiti na lang siya at nilagay sa dibdib ang cellphone niya. Ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya dahil kay Cassie.
Baka ito na ang hinihintay niyang sign. Matagal na rin siyang nagtitimpi na 'wag lapitan si Cassie. Mas matanda ito sa kanya pero wala naman siyang pakialam. Edad lang 'yon at hindi no'n kayang pigilan ang nararamdaman ng tao.
Hindi niya alam pero nag-type siya at sinend 'yon kay Maika habang nakangiti.
To: HeartBernardo
Mag-uusap kami ni Cassie bukas!?
Excited na chat niya kay Maika pero wala siyang nakuhang reply dito kaya napabusangot siya at napairap sa hangin.
Excited na talaga siya para bukas.
Mukhang hindi ako makakatulog dahil sa kilig.
Shem! Pota!
MAAGANG pumasok si Sweetness dahil hindi natuloy ang pagba-bar nila kagabi ng pinsan niya at masayang-masaya siya dahil do'n. Mukhang badtrip kasi ang pinsan niya at buong gabing nagkulong sa kwarto nito.
Magkatabi lang ang kwarto nilang dalawa kaya madali niya lang itong puntahan at gisingin pero mahilig mag-lock ng pinto ang pinsan niya.
Ito na ang last subject nila ngayon tapos lunch na pero mukhang sa library ang tapon niya dahil may libro pa siyang kailangan na ibalik. Dahil baka may iba pang mas nangangailangan, 'yong mga hindi kayang bumuli. Meron naman siya pero hindi na niya dinadala dahil hindi na kasiya sa locker niya.
Madalang lang naman niya kung gamitin. Tapos humihiram siya para kahit papaano may dagdag sa record sa library. Lagi-lagi kasi siyang tumatambay do'n dahil kay Josh.
"Hindi ako sa inyo sasabay mag-lunch. Kita na lang tayo later," sabi ni Cassie at inaayos na ang gamit at hindi niya alam kung bakit nakayuko ito ng maglagay ng liptint.
"Bakit may pupuntahan ka bang iba?" tanong ng kaibigan ni Cassie na si Venus.
"Magkikita kami ni Josh," sabi nito kaya napatingin siya dito at natigilan sa pagsusulat. Pati ang tatlong mga katabi nilang kaibigan ni Cassie ay natigilan din.
Bigla naman siyang kinabahan dahil sa sinabi ng pinsan niya. Bakit biglaan naman yata! Kahapon lang ay nagkasagutan pa sila dahil kay Josh.
Tsaka bakit ngayon lang nito pinansin si Josh? Nakakapagtaka 'yon!
"Sinagot mo na siya?!" tanong ni Venus kaya napalunok siya ng ilang beses at naghihintay sa sagot ni Cassie.
"Hindi naman siya nagliligaw pero aamin na rin akong gusto ko siya," mahinang sabi ni Cassie at napatingin sa kanya at ngumisi. "Kasi baka maagaw pa ng kung sinong malandi sa tabi tabi."
Nakatitig ito sa kanya na para bang para sa kanya ang mga salitang binitawan nito.
Hindi siya umiwas dahil sa sama ng dating nito sa kanya. Siya ang pinapatamaan nito kahit hindi naman talaga siya malandi!
"Kala ko ba hindi ka magkakagusto sa kanya?" tanong ni Joyce. Nakakapagtaka talaga dahil sinabi nito noon na hinding-hindi ito papatol kay Josh dahil hindi ito ang tipo nito.
Tsaka iisang tao lang ang gusto ni Cassie. Matagal na itong may gusto doon kaya bakit biglang si Josh?
"Nagising na lang ako isang araw na siya na ang gusto ko. Bakit masama ba? Josh loves me. Isang dahilan na 'yon para naman bigyan ko siya ng chance," sabi nito at nginitian siya.
Napalunok naman siya ng ilang beses at napatingin sa gawi ni Josh na mukhang inaasar si Maikaela. Himalang pumasok si Maika ngayon at matapos ang isang subject dito.
"Tsaka ipapaalam ko naman sa inyo kapag kami na pero syempre pahihirapan ko muna siya," sabi ni Cassie at maarteng tumawa kaya napapikit ako ng madiin.
Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng galit sa pinsan niya kahit hindi naman dapat.
"Don't try me Sweetness. Hindi mo ako magugustuhan kalabanin," sabi ni Cassie sa kanya pero silang dalawa lang ang nakarinig.
Tila nawala ang pag-asa sa puso niya dahil sa biglang pag-eksena ni Cassie. Pinangako pa naman niya na bago manligaw si Josh kay Cassie ay ipapalam niya ang matagal ng pagsinta dito.
Napatayo siya at kinuha ang bag niya bago nagmamadaling lumabas habang nagsusulat ng kung anong formula ang prof. nila. Hindi na niya kayang makasama pa ang pinsan dahil pakiramdam niya ay lumiliit ang oxygen sa loob ng room kanina.
Hindi siya makahinga. Nang makapasok siya sa cr ay doon na niya nilabas ang mga luha sa mga mata niya dahil wala naman makakakita sa kanya at pagtatawanan siya.
Anong gagawin niya? Mukhang mawawala sa kanya ng tuluyan si Josh. Mukhang mawawala na ang pag-asang nabubuhay sa puso niya!
Hindi naman pwede 'yon! Hindi siya papayag na basta na lang siya susuko.
Wala na siyang ibang pagpipilian! Ayaw naman niyang mabaliwala na lang ang nararamdaman niya at manatili nalang tago. Ngayon pa na gusto na niyang mapasakanya si Josh.
Hindi siya pwedeng sumuko.
Kung akitin ko na lang kaya siya?
Tama, aakitin ko na lang siya.