Chapter 19

3122 Words
Enjoy Reading:) NAGISING SI SWEETNESS na dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya at gano'n na lang ang gulat niya nang pagmulat na pagmulat ng mga mata niya ay si Josh ang nakita niya na titig na titig sa kanya. Agad siyang napabalikwas ng gising at nagmamadaling umalis sa kama niya. Pinatulog niya kasi si Josh sa sofa sa sala sa condo niya. Ayaw niyang makasama ito sa kwarto. Alam niyang magagalit lalo si Kaito lalo't hirap na hirap niyang paalisin kagabi ang binata. "Good morning, Strawberry." Sobrang lapag ng ngiti ni Josh sa kanya. "B-bakit nandito ka pa? Umalis ka nga." Kinakabahan siya dahil kay Josh. Baka makarating ito sa Tito Simon niya. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng Tito niya. "Bakit pinapaalis mo ako? Halika na sa baba. Nagluto ako," mahinang sabi nito. "Josh, layuan mo na ako." "Kalasanan mo 'to!" sigaw sa kanya ni Josh. Nakatayo na ito. "Nang dahil sa 'yo! Ito!" sinuntok-suntok nito ang puso, "ikaw na ngayon ang hinahanap. Bakit ayaw mo akong manatili sa 'yo? Bakit ayaw mong magsimula tayong dalawa?" Gusto niyang maiyak dahil sa tanong ni Josh sa kanya. Bakit ngayon pa? "Hindi na nga pwede! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ni Cassie? Maawa ka naman sa akin! Sila lang ang meron ako!" "Nandito ako! Sa 'yo ako!" Napakagat siya sa ibabang labi bago nagmamadaling pumasok sa Cr niya. Hindi niya kayang makipagtalo kay Josh. Nasa kalagitnaan siya sa pagligo nang may kumatok sa pinto. "Bumaba ka na pagkatapos mong maligo at magbihis. Sabay tayong kumain." Nahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Josh. Nandito na naman kasi ito at muling ginugulo. What will she do? She loves Josh. Alam niyang kahinaan niya ang binata. Sumabay pa sa iisipin niya si Kaito. Ayaw din siyang isuko at layuan. Nagmadali na lang siyang maligo at lumabas ng Cr para makapagbihis na agad. Simpleng oversized t-shirt lang ang sinuot niya at cargo short. Mabilis siyang bumaba nang marinig niyang may nag-aaway sa kusina. Doon niya nakita na nagsusuntukan si Kaito at Josh. Kalat-kalat na rin ang mga gamit doon lalo at madaming basag na plato. Nagkalat na rin sa sahig ang pagkain 'ata na sinasabing niluto ni Josh. Natataranta siyang lumapit at hinatak si Kaito papalayo kay Josh. Parehas na silang putok ang magkabilang gilid ng labi. Tumutulo rin ang dugo mula sa ilong ni Kaito. "Ano ba'ng nangyayari?" kinakabahan na tanong niya. Nakita niyang ngumisi si Kaito habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi nito. Talagang hindi na magkasundo ang dalawa. Lalapitan na sana niya si Josh nang hawakan ni Kaito ang kamay niya kaya natigilan siya sa paglapit kay Josh. Nakita niyang naikuyom na naman ni Josh ang kamao niya habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay ni Kaito. "Can you please leave now, Kaito? Let's talk later," mahinang sabi niya kay Kaito. "Why am I leaving?" he demanded. "Kaito please. Nag-aaway lang kayo ni Josh kapag nagsasama." Titig na titig sa kanya si Kaito bago umiling-iling. Siguradong ayaw nito. "Halos araw-araw tayong sabay na kumakain. Dapat nga si Josh ang paalis mo since ako naman ang nobyo mo," nagpipigil na sabi ni Kaito. "Nobyo ka niya? Wake up, Kaito. Until now, you are still dreaming," asar ni Josh kay Kaito. Susugod na sana ulit si Kaito nang yakapin niya ito para pigilan ito dahil nag-aamba na naman ang kamao nito. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang sapilitan akong hatakin ni Josh. "Ouch!" nasaktan kasi siya sa paghatak sa kanya ni Josh. Nagsimula na naman magsuntukan ang dalawa kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng malamig na tubig at binuhos kay Josh at Kaito. "Lumabas na kayo sa condo ko! Labas!" sigaw niya kaya tumigil ang dalawa. Naiinis na siya dahil hindi naman siya pinapakinggan ng dalawa. "Sweetie." "Strawberry." Nagkatinginan si Kaito at Josh dahil sabay silang magsalita at tinawag siya. "Sweetie, siya naman ang nauna," sabi ni Kaito. Hindi pa bumubuka ang bibig niya nang magsalita si Josh. "Bakit ako? Ikaw ang pumasok dito at sinira ang umaga namin ni Strawberry," Josh argued to Kaito. "Ikaw ang nanggugulo! Bakit kasi nandito ka?!" mukhang magsisimula na naman magkainitan ang dalawa dahil sa sigaw ni Kaito. "Lumabas kayong dalawa sa condo ko! Kayo ang ginugulo ng magandang umaga ko!" naiinis na siya lalo at nakita niyang nasayang ang pagkain at mga plato niya. Bibili na naman siya dahil kokonti lang naman ang plato dito dahil na nga mag-isa lang siya. "Sweetie," Kaito said softly. Napahawak na lang siya sa sintido bago niya tinulak ang dalawa papalabas sa kusina. "Umalis na kayo at 'wag niyo na akong guguluhin. Ikaw!" tumingin siya kay Kaito. "Mag-focus ka sa trabaho mo at lubayan mo na ako... Ikaw naman, bumalik ka na kay Cassie." Nakita niyang nakatitig sa kanya si Kaito at Josh kaya napairap na lang siya at tumalikod na para linisan ang nagkalat na bubog sa sahig. "Strawberry ako na. Baka kasi masugat ka," sabi ni Josh at umupo sa tabi niya. "Ako na," bigla namang sabi ni Kaito at umupo sa kabilang gilid niya. Pinaggigitnaan siya nang dalawa habang sila ay nakaupo at hawak ni Josh ang isang kamay niya gano'n din ang isa na hawak naman ni Kaito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. She didn’t think there would be two men messing around in her life. Gusto na lang niyang maglaho lalo't meron pa siyang ibang iniisip — si Cassie at Tito Simon niya. Pakiramdam niya ay mawawalan ng tiwala ang Tito niya sa kanya kapag nalaman na hinahayaan pa rin niya si Josh na guluhin ang buhay niya. Nang makabawi siya dahil sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya at sa bilis nang t***k ng puso niya ay agad siyang bumitaw at tumayo. Iniwan niya ang dalawa sa kusina at umakyat sa taas upang magkulong sa kwarto niya. Gusto na lang niyang matulog hanggang sa paggising niya ay wala na ang dalawang lalaking binabaliw siya. Hindi niya alam kung anong sunod na hakbang niya ngayon na si Josh naman ang nagpupumilit na manatili sa buhay niya. Hindi na rin kasi pwede, sapagkat alam niyang magdadagdag lang ito ng apoy sa sa away nila ni Cassie. Mas sisiklab lang ang galit sa kanya ng pinsan at ang masakit ay ang magiging reaksyon nang nag-iisang nagmamahal sa kanya — ang Tito Simon niya, kapag nalaman na hiyaan niyang mapalapit pa sa kanya si Josh. Hindi na lang namamalayan ni Sweetness ay nakatulog na siya kahit basa pa ang buhok niya. Alam niyang masama matulog kapag basa pa ang buhok dahil sasakit ang ulo paggising pero hindi na lang niya namalayan na nakatulog na siya. Naramdaman na lang ni Sweetness na parang hapon na kaya nagising siya. Nagmamadali siyang tumayo dahil may klase siya ngayong hapon pero mukhang late na siya kaya nagmamadali siyang magbihis na lang since nakaligo na siya kaso may nakita siyang take out na pagkain sa lamesa niya. May sticky note din na nandoon kaya lumapit siya para basahin. Sorry sa nangyari kanina, Strawberry. Huwag ka na pumasok. Ako na bahala. Dederetsyo ako d'yan mamaya para mapag-usapan na rin natin 'yong pinapagawa ni Prof. Kung ano'ng design at paano natin irereport. D'yan ka lang, kainin mo na din 'yong inorder ko. Sorry ulit kanina. Itetext ko na lang sana sa 'yo kaso nakita ko madami kang sticky notes. Sulat palang at tawag sa kanya ay alam na niya kung sino. Automatic na ngumiti ang mga labi niya at napatingin sa pagkain sa mesa niya. Nagmamadali siyang kumain dahil nakaramdam niya ng gutom. Kinuha ang cellphone at binuksan ang Twitter niya. Torn between, pagbibigyan ba siya o iiwasan. Dito niya lang malayang nasasabi lahat ng dinadamdam niya dahil hindi naman kilala kung sino siya. Madami siyang followers dito at walang humuhusga sa kanya siguro kasi hindi naman siya kilala. Napabuntong hininga siya at ngayon lang napansin na may mga message sa kanya si Kaito. From: ? Hindi mo ba talaga paaalisin sa buhay mo si Josh? Nagsisimula na akong mainis at hindi ko nakikilala ang sarili ko kapag nagagalit. : Ba't hirap na hirap kang mahalin ang isang katulad ko? : Nasa opisina ako. Hindi ko alam kung maaga akong makakauwi at makakapunta sa condo mo. Tambak ako ng files at reports na kailangang permahan at basahin. : Don't let Josh touch you. Makakapatay ako Sweetness. Hanggang walang kasiguraduhan na hindi ka niya sasaktan. Hindi ko siya hahayaan na makuha ka. Pinatay niya ang phone niya at napabuntong hininga. Hindi niya nga basta-bastang maitataboy si Kaito siguro ay gano'n din si Josh. Gusto na lang niyang iumpog ang ulo sa pader o kaya maglaho na parang bula. Tangina naman, bakit kasi hindi na lang si Kaito?! NAGMAMADALI si Josh na kunin lahat ng gamit niya para makapunta siya agad sa condo ni Sweetness. Gusto na niyang makita ang dalaga. Kaso may nagtext sa kanya kaya kunot ang noong kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tignan kung sino ang nagtext sa kanya. From: Kuya Harvey May balita ka na ba kay Maika? Nag-aalala na ako. Ngayon ko nalang nakuha ang phone ko since may taping kami sa sulu. Ngayon lang binigay ng manager ko 'yong phone ko. Huwag ka na tumawag. Hihintayin ko update mo. Napabuntong hininga si Josh at agad na nagtext sa kuya ni Maikaela. Wala pa rin kasi talaga siyang balita kung nasaan ito at hindi niya rin ito ma-contact. Inayos na lang niya ang gamit nang hindi na siya nakatanggap ng text mula sa kuya ni Maika. Masyado sigurong busy sa trabaho. Tatayo na sana siya nang may umupo sa tabi niya. Alam na agad niya kung sino. Amoy palang nito ay kabisado na niya. Magkaiba sila ni Sweetness ng amoy. "Wala ka talagang balak na kausapin ako?" tanong ng dalaga sa kanya. Nasasaktan pa rin siya dahil sa nangyari sa kanila ni Cassie pero mas gugustuhin niyang sundin ang tinitibok na ng puso niya kaysa ang guilt. Bahala na kung malaman ng mga magulang ni Cassie. He would never let Sweetness get hurt because of him and Cassie. Even Cassie’s parents prevented his relationship with Sweetness. "Cassie, pakiusap. Alam ko ang pagkukulang ko sa relasyon natin. Maniwala ka sa akin — hindi magiging masaya ang relasyon natin lalo't parehas tayong nalilito sa nararamdaman natin." "Ikaw lang ang nalilito," pabalang na sabi ni Cassie sa kanya bago siya tinitigan. "Sa tingin mo talaga ay hahayaan kitang maging masaya — kung sa pinsan ko lang din naman. Hinding-hindi ko siya uurungan." Napakunot noo siya. Hindi naman niya inaasahan na magiging ganito si Cassandra. Hindi niya alam na may galit si Cassandra na ganito kalala kay Sweetness. "Cassandra. Labas si Sweetness sa naging desisyon ko. Sweetness has nothing to do with it. If you want to get angry, just me. I will accept that," he said softly. Hindi na niya kasi hahayaan may isipin pang iba si Sweetness. Masyado na ngang madaming iisip dito sa klase nila. "Noong hindi ka niya nilandi sigurado kong akin ka pa. Pero dahil inggit na inggit siya sa akin ay inagaw ka niya sa akin." Halatang-halata talaga sa boses ni Cassie ang galit at 'yon ang kinakatakot niya. Hindi niya ginustong maging panggulo sa magpinsan. Gusto niya lang naman magmahal. Gusto niya lang may maalayan ng pagmamahal. "Cassie, matagal na akong mahal ni Sweetness." "Naniwala ka naman sa kanya?! Inaagaw ka niya sa akin kasi galit siya sa akin! Inaagaw ka niya sa akin kasi naiinggit siya! Bakit kasi pati ikaw?!" Magsasalita pa sana siya nang makita niyang nag-uunahang tumulo ang luha sa mga mata ni Cassie. Kahit naman iba na ang mahal niya ay importante pa rin sa kanya si Cassie. Ito ang babaeng matagal niya ding minahal. Hindi niya din gustong nagpapaiyak ng babae dahil pakiramdam niya ay ang mommy niya ang nasasaktan niya. "Tumahan ka na." Buti na lang talaga ay silang dalawa na lang ni Cassie ang nandito sa room nila. Niyakap niya si Cassie para tumahan ito kaso nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Sweetness na pumasok. Nagulat din si Sweetness dahil nagsalubong ang mga paningin nila at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kaya Cassie na nakayakap sa kanya. Hihiwalay na sana siya kay Cassie dahil baka kung anong isipin mo Sweetness nang dahan-dahan na sinara ni Sweetness ang pinto at iniwan silang dalawa ni Cassie. Napapikit na lang siya dahil lalo siyang mahihirapan na suyuin si Sweetness dahil sa nakita nito. "Stop crying, Cassandra. Kahit naman hiwalay na tayo ay importante ka sa akin. Pwede naman tayong maging magkaibigan. Wala namang mawawala e — tayo pa rin naman pero bilang magkai---" "Mawawala ka sa akin kapag isinuko kita. Hindi ko gagawin 'yon. Kung hindi ka rin naman mapupunta sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka mapupunta kay Sweetness." Napailing-iling siya dahil sa sinabi nito. "I'm really not for you Cassandra," mahinahon na sabi niya bago siya humiwalay dito. "But you're not the one who dictate who will own me. If my heart choose Sweetness and she's the one for me the it's Sweetness." "No," umiiling na sabi ni Cassandra kaya tumayo na siya. "Pasensiya ka na, Cassandra. Hindi na ako babalik." Nagmamadali siyang lumabas para mahabol sana si Sweetness nang magsalita na naman si Cassandra kaya napatigil siya sa pagbukas sa pinto. "Sisiguraduhin ko isang araw. Babalik ka sa akin. Sinasabi ko na agad, Josh. Pagsisisihan mong iniwan ako para kay Sweetness." Pinagsawalang bahala na lang niya 'yon. Isa lang ang alam niya. Pro-protektahan niya si Sweetness kahit na anong mangyari. Kahit mga magulang mo Cassandra ang hahadlang sa akin para kay Sweetness ay hindi ko uurungan. NAKATULALA SI Sweetness habang nakaupo sa sofa dito sa sala niya. Gusto niyang kaawaan ang sarili dahil kaninang gumising siya ay kinikilig pa siya dahil sa note at pagkain na inorder ni Josh sa kanya. Alam naman niyang si Josh ang kahinaan niya. Mahal niya si Josh — Si Kaito man ang ipilit niya sa puso niyang papasukin ay masyadong malakas ang pagmamahal niya kay Josh at ayaw tanggapin si Kaito. Isa pa 'yon sa kinakatakot niya na baka dahil sa nararamdaman niya kay Josh ay hindi niya makahanap ng lalaking para sa kanya dahil sinarado niya ang puso at hinayaan na manirahan si Josh. Napatingin na lang siya nang may nagbaba ng take out na pagkain mula sa kilalang restaurant sa tabi nitong building kung nasaan ang condo niya. "Ayos ka lang ba?" Speaking of Josh. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Naka-jacket ito at naka-uniform pa rin sa pangloob. Nasaktan na naman ang puso niya dahil naalala niya ang nasaksihan kanina sa loob ng classroom nila. Magkayakap si Josh at Cassie. Binalikan na siguro ni Josh si Cassie. Tama lang na pumunta siya sa school para kunin ang librong naiwan niya sa ilalim ng lamesa kung saan na siya nakapwesto sa klase nila. "What are you doing here?" matamlay na tanong niya dahil masakit na ang ulo niya kakaisip ng kung ano-ano. Nagsisimula siyang lamunin ng depression at anxiety. Nag-ooverthink na siya lagi, sumabay pa ang puso niyang nasasaktan na. "What do you mean by that? I'm here for my girlfriend," nakangisi nitong sabi. Kumabog ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. "Your girlfriend? Who? Me?" gulat na tanong niya. Umupo naman sa tabi niya si Josh at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Walang ibig sabihin ang nakita mo kanina. Wala na kaming relasyon ni Cassandra at hindi na magkakaroon since pag-aari mo na ako." Hindi siya makahinga dahil sa sinasabi ni Josh sa kanya ngayon. Walang pumapasok sa utak niya. Tinitigan niya lang mabuti si Josh dahil nalilito siya sa sinasabi nito. "Ayaw mo ba sa ideya na girlfriend kita?" "Si Kaito, girlfriend ako ni Kaito." Hindi niya alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig niyang salita. Hindi niya alam kung bakit kapag si Kaito ang kausap niya ay pinagpipilitan niyang hindi siya nito nobya pero madali lang niya sabihin na nobya siya ni Kaito kay Josh. Siguro kasi ito lang ang naiisip niyang paraan para tuluyan na maitaboy si Josh. "Oh, Shut the f**k up, Strawberry. You're mine." Natigilan siya dahil nakikita niya ang inis sa mga mata ni Josh. Inis saan? Naiinis siya dahil sinabi niyang girlfriend siya ni Kaito o naiinis siya dahil sa kanya. "I'm not yours." "Ulit-ulitin mong sabihin 'yan. Hindi pa rin mababago na mahal mo ako at mahal din kita." Doon namanhid at nanghina si Sweetness. Mahal siya nito?! Mahal na siya nito! Ito ang matagal na niyang pinagdarasal! Ang mahalin din siya nito! Gulat na gulat lang siyang nakatingin kay Josh. Wala siyang masabi dahil sa sinabi nito. Umamin ba ito sa kanya na siya na ang mahal nito? Kaya ba ito nakipaghiwalay kay Cassie? Akala niya kasi ay nalilito lang ito at bumabalik lang ito dahil nga naibibigay niya ang init ng katawan na gusto nito. "J-Josh," utal na tawag niya sa pangalan ng binata. Hinawakan siya ni Josh sa leeg nang buong pagsuyo. Titig na titig sa kanya si Josh. Tila ba pinag-aaralan nitong mabuti ang mukha niya. "Ayaw mo bang maging girlfriend ko sa ngayon? May pagdududa ka pa rin ba sa nararamdaman ko sa 'yo? Handa naman akong maghintay. Liligawan kita, promise walang Cassie. Walang nang Cassie." Tila ba siguradong-sigurado ito sa sinabi nito sa kanya. "Akin ka na?" mahinang tanong niya kaya narinig niyang natawa si Josh. "Ayaw mo ba? Hindi ka na talo sa akin. 'Di hamak naman na mas gwapo ako kay Kaito mo. Tsk, hindi man lang lumampas sa kalahati, mas gusto mo nang Business Man kaysa Architect? Okay, your lost." Gusto niyang matawa dahil sa sinabi nito pero nang makita niyang papalapit ang gwapong mukha ni Josh habang nakatitig sa labi niya ay sinalubong niya ito hanggang sa maglapat ang mga labi nilang dalawa. LINGID sa kaalaman ni Josh at Sweetness ay ang lalaking lubos na nasasaktan dahil sa narinig at nasasaksihan. Wala siyang ibang nagawa kundi tumalikod para iwan ang dalawang taong importante sa kanya. Kaito "Hindi ko akalain na magpaparaya na naman ako. Putangina talagang kupido. Lagi na lang ako pinupuntirya sa maling tao." Lumabas si Kaito habang may luhang tumutulo sa mga mata niya kaso nakita niya ang kauna-unahang babaeng sinaktan siya at mukhang papunta sa condo niya. Naging importante sa kanya si Sweetness at pagmamahal ang nakita niya sa dalaga. Peace. "Kaito." "Tigilan mo ako. Huwag kang dumagdag sa sama ng loob ko." "Kai, please. Talk to me. Why are you crying?" Nagtanong ito na para bang hindi rin siya pinaiyak. s**t. "Leave me alone!" Sinarado niya mismo ang pinto niya habang nasa labas ang babae. Wala siyang oras na mga taong nanakit sa kanya ngayon. Ang gusto niya lang ay mapag-isa. Kailangan niyang kumalma na mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD