Enjoy Reading:)
NAGULAT SI Sweetness nang mahigpit siyang hinawakan ni Kaito sa kamay. Natatawa na naman siya dahil sa kagaguhan ng binata.
Ang tapang-tapang lang nito kanina pa parang walang pakialam sa opinyon ng Tito niya.
"Nangangain ba ng gwapo 'yong tito mo?" tanong nito sa kanya.
Gusto niyang tawanan si Kaito dahil kinakabahan itong pumasok sa bahay ng tito niya.
"Ginusto mo 'to, hindi ba? Panindigan mo. Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na magyabang at mag-email sa tito ko?" kunwari'y masungit na tanong niya.
"Ibig lang sabihin na totoo akong lalake. Ayaw mo ba no'n? Sure na ako sa 'yo."
Natigilan siya sa sinabi ni Kaito sa kanya kaya matagal bago siya makapagsalita.
Napalunok siya ng ilang beses dahil sa sinabi nito. Sure na ang binata sa kanya, samantalang siya ay hindi pa.
"Halika na nga sa loob," sabi na lang niya.
Nauna na siyang naglakad papasok sa bahay ng tito niya. Hindi niya alam kung nandito si Cassie. Baka mag-away lang silang dalawa dahil nga baka isipin nitong siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay dito si Josh.
Kasama naman talaga siya sa dahilan kung bakit umayaw si Josh sa relasyon nila ni Cassie. Nalilito Ito at may kasalanan siya kung bakit.
Hinayaan niyang makapag-isip si Josh ng mabuti. Ayaw niya na mahihirapan silang dalawa.
"Hintayin mo ako! Baka katayin ako ng tito mo!"
Narinig niyang hinahabol siya ni Kaito kaya napailing-iling na lang siya.
Pagpasok na pagpasok niya ay nasa sala ang tito at tita niya.
"Magandang umaga po," magalang na pagbati niya sa mag-asawa.
Ngumiti agad ang tito niya at tumayo. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin.
"Kasama mo ba ang nobyo mo?" tanong nito nang humiwalay na ng yakap sa kanya.
Napatingin siya sa tita niya at nang magtama ang paningin nila ay inirapan siya nito.
"Good morning, Sir." Napatingin siya sa tabi niya dahil nandoon na si Kaito na formal na nakatayo at nakatingin sa tito niya.
Ang seryoso nitong tignan at mas pumo-pogi ito kapag napakaseryoso nito.
Nakatitig lang ang tito niya kay Kaito.
Mukhang sinusuri ang binata.
"Mr. Bacherro," seryoso at formal na tawag nito kay Kaito.
Si Kaito na pala ang nangangasiwa sa kumpanya ng lolo nito habang nagre-review for broad exam.
"Kaito na lang, Sir," magalang na sabi ni Kaito at naglakad ng kamay para makipagkamay sa tito niyang seryoso pa rin ang tingin kay Kaito.
"Tuloy."
Agad naman silang naglakad papunta sa sofa at magkatabing umupo.
Tahimik lang silang apat at natatawa siya dahil sa itsura ni Kaito, para kasi itong batang kinikilatis na nagpapanggap na napakaseryosong tao.
Gusto niyang tumawa pero pinipigilan niya ang sarili niya.
"Kamusta ang lolo mo?" napatingin silang dalawa ni Kaito sa tito niya nang magtanong ito.
"Ayos naman po siya, Sir. Nasa hospital po siya dahil sa highblood, kailangan bantayan ang pagtaas ng dugo niya," magalang na sagot ni Kaito kaya napangiti na lang siya.
"Mas gusto kong pag-usapan ang pag-expand ng kumpanya niyo sa library ko," sabi ng tito niya kaya napatingin siya kay Kaito na napatingin din sa kanya.
"Sige po, Sir."
Hinawakan ni Kaito ang kamay niya bago tumayo at sinundan ang tito niya. Kinabahan naman siya dahil naiwan silang dalawa ng tita niya na kanina pa tahimik.
"Tsk, siguraduhin mong sa kanya ka kukuha ng sustento kapag nabuntis ka dahil sa kalandian mo," malamig na sabi ng tita niya bago tumayo, "baka katulad ng Nanay mo ay ipaako sa amin 'yang magiging anak mo."
Napabuntong hininga siya dahil sa sinabi nito sa kanya.
Kahit kailangan talaga ay hindi na tumigil ang tita niyang sumbatan siya at siraan ang Ina niya. Hindi naman niya kasalanan na gano'ng klaseng babae ang ina niya.
Tumayo na rin siya at pumunta sa kwarto niya. Mas gusto na lang niyang magkulong dito sa kwarto niya at hintayin matapos ang pag-uusap ng tito niya at si Kaito.
Pero nagulat nalang siya nang bumukas ang pinto niya at pumasok do'n si Cassie.
"Are you happy that Josh and I broke up?"
Speaking of Josh napatingin siya sa cellphone niya na kanina pa niya hawak nang tumunog ito at si Josh ang tumawag sa kanya.
Pasimple niya itong pinatayan ng tawag at tumingin kay Cassie.
"I do not know what you're saying," mahinang sabi niya at umiwas nang tingin dito.
Ito ang sa kinakatakot niya.
"Ito ang gusto mo! Tapos pinapakilala mo na lang bigla bigla si Kaito?! Ano!? Gusto mo 'yong hinahabol ka!?"
"Cassie! Sinabi ko na nga na hindi ko alam ang sinasabi mo! Ngayon ko lang nalaman na naghiwalay kayo ni Josh!" naiinis na sigaw niya sa pinsan.
"Hindi ako naniniwala sa 'yo! Ikaw ang may kasalanan!"
"Hindi ko sinabing maniwala ka sa akin!"
"Tandaan mo, Sweetness. Hinding-hindi mo akong gugustuhin na kalaban. Maghintay ka lang! Hihilain kita pababa!" sigaw nito at iniwan siya na mag-isa sa kwarto niya.
Inis na tinignan niya ang phone niya nang tumunog na naman ito.
"Ano ba?! Ang kulit mo! Sinabi ko na ngang hindi na ako intresado!"
"S-sweetness," napakunot ang noo niya dahil sa boses ni Josh.
Halatang nahihirapan itong magsalita.
"Ayos ka lang ba?"
"Nasaan ka ba? K... kanina pa ako nasa l-labas nang condo mo. G... galit ka pa ba?" nahihirapan ito sa pagsasalita.
"Ano'ng ginagawa ko dyan?!" natataranta siya dahil kay Josh.
Naiinis din lalo't nagkasagutan na naman sila ni Cassie. Sinisisi siya nito.
"Gusto kitang makita. P-pwede ba'ng pagbuksan mo ako ng pinto?"
Napabuntong hininga siya at napasabunot sa sariling buhok.
Talagang hindi siya hinahayaan na makapagpahinga. Gustong-gusto ni Josh na nahihirapan siya.
"I don't feel well, Sweetness." Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.
"Kung gano'n, bakit ka nasa labas ng condo ko? Dapat nagpapahinga ka sa inyo. Umuwi ka na, Josh."
Gusto niyang puntahan si Josh pero ayaw naman niyang iwan si Kaito dito sa bahay ng tito niya. Makakahalata ang tito niya kapag nagkataon.
Tsaka kailangan niyang bakuran ang sarili niya.
Sinabi niya ang emergency code niya kay Josh, bago niya p*****n ng tawag. Ang kulit kasi nito.
Nagtext na lang siya kay Josh. Ayaw na talaga niyang lumapit pa sa kanya si Josh dahil nga magkakagulo lang at sobrang rupok niya pagdating sa binata.
To: Josh
Hintayin mo na lang na umuwi ako, kung naiinip ka naman na ay umalis ka na. Hindi kita maaasikaso. Nasa mansyon ako nila Tito at kasalukuyang kasama si Kaito.
Pinalitan na niya ang pangalan ni Josh sa contact niya. Gusto na nga niyang i-delete pero nagdadalawang isip siya.
Agad naman siyang nakatanggap ng reply mula kay Josh.
From: Josh
Kasama mo si Kaito? Why?
Napabuntong hininga siya at hindi na nagreply kay Josh. Nilalayuan niya ito ng tuluyan. Ang tito at tita na lang niya ang pamilya niya, kahit hindi naman maganda ang pakikitungo ng tita niya sa kanya.
Hindi na niya alam ang gagawin at kung saan siya pupulutin kapag nagalit ang tito niya kapag nagkataon na pinagpatuloy pa niya ang nais niyang pag-agaw kay Josh mula kay Cassie.
What's even more painful is that it's Josh who's bothering her now. Ano'ng gagawin niya kung ang rupok naman niya pagdating sa binata?
Napailing na lang siya at lumabas para kumuha ng maiinom. Pinatay na lang niya ang cellphone niya dahil baka tumawag o magtext si Josh sa kanya. Kinakabahan siya dahil masama ang pakiramdam ng binata pero ayaw naman niyang magtaka si Kaito at ang tito niya dahil sa pag-alis niya nang hindi nagpapaalam sa mga ito.
Kaso narinig niya na may kausap si Nanay Eve at hindi niya naman sinasadyang marinig.
"Mherlinda, masaya na ang anak mo dito. Hindi ka naman na niya kailangan pa," mahinang sabi nito pero sapat para marinig niya.
Biglang kumabog ang dibdib niya ng sobrang bilis. Kinabahan siya bigla dahil sa sinabi nito.
"Alam ko naman 'yon. Tatanggapin ba siya ng asawa't mga anak mo? Maawa ka naman kay Sweetness. Guguluhin mo lang ang buhay niya."
"'N-nay..."
Gulat na tumingin sa kanya ang Nanay Eve niya.
Mabilis nitong tinago ang cellphone nito at ngumiti na tumingin sa kanya.
"Nagugutom ka na na? Ang nobyo mo? Nasaan?" halatang-halata sa mukha nito ang pagkabalisa.
Napalunok siya nang ilang beses. Ang tunay na ina ba niya ang kausap nito sa cellphone?
"'N-nay, sino po ang kausap niyo?" kinakabahan na tanong niya.
Ngumiti nang pilit ang Nanay Eve niya, "anak, kababata ko lang. Gusto mo na bang kumain? Sandali at ipaghahanda kita ng makakain."
"Siya ba ang Mama ko?"
Biglang natigilan ang Nanay Eve niya at nginitian siya, pero pilit lang 'yon.
"Sinabi ko na sa 'yo, anak. Wala na akong contact sa totoong nanay mo."
"'Nay, h'wag ka naman pong magsinungaling sa akin. Narinig ko po. Ayaw ko rin naman siyang kausapin. Gusto ko lang pong sabihin niyo sa kanya na sana siya ang sumalo ng ginawa niya."
Natigilan ang Nanay Eve niya dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga siya. Sobrang sama kasi nang loob niya.
"Ayaw ko na po siyang makita. Dahil sa kanya, kinamumuhian ako ng asawa ng ama ko," sabi niya bago umalis.
Doon naman niya nakasalubong si Kaito na pababa sa hagdan kasama ang tito niya.
"Dito na kayo kumain ng lunch."
Natigilan naman siya dahil naghihintay sa kanya si Josh at masama pa ang pakiramdam nito.
Napatingin siya kay Kaito nang hawakan nito ang kamay niya.
"Opo, tito. Dito na po kami kakain," magalang na sabi ni Kaito.
Tumango naman ang tito niya at naunang bumaba samantalang naiwan sila ni Kaito sa gitna ng mahabang hagdan.
"Are you okay? May bumabagabag ba sa 'yo?"
Napatingin siya kay Kaito at ngumiti bago umiling, "ayos lang ako. Kamusta ang pag-uusap niyo ni tito?"
Agad naman na ngumiti si Kaito at niyakap siya nila sa likuran dahil mas mataas lalo si Kaito dahil nakaapak sa taas ang baitang sa hadanan.
"Ako pa ba? Ang gwapo ng boyfriend mo at talagang lahat maiinlove sa akin," mayabang na sabi ni Kaito sa kanya.
"Ang yabang mo!"
Malakas na tumawa si Kaito, "may ipagyayabang naman. Babalik ako dito kasama ang mga magulang ko."
Nagulat siya dahil sa sinabi nito.
"Mag-uusap kayo about business?"
"Hindi."
Kumunot lalo ang noo niya dahil sa sinabi ni Kaito, "para saan? Bakit kasama ang mga magulang mo?"
"Mamamanhikan. 'Di ba? Ayaw mo 'yon? Kilala mo na agad mapapangasawa mo." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.
Hindi na siya nagsalita dahil sa sinabi nito. Umiling-iling siya dahil sa kabaliwan ni Kaito.
Kung magsalita ito ay tila siguradong sigurado na Ito sa kanya.
Talagang siraulo lang talaga si Kaito.
GUSTONG SAKTAN ni Josh ang sarili habang tinitignan ang sketch pad ni Sweetness sa drafting table nito. Hindi mapagkakailang magaling talaga ang dalaga sa realistic drawing.
Nakikita niya rin na sobrang lawak ng imahinasyon nito dahil nakikita niya sa mga plates nitong nakadikit sa malaking white board na nakasabit sa dingding nito sa kwarto nito.
My dream house...
Napangiti siya dahil sa nakitang drawing ng magandang bahay. Ang ganda rin ng rendering kaya sobrang nabibilib siya sa dalaga.
Ang linis talaga nitong gumawa.
Nilabas niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone niya at kinuhanan ito nang letrato para ihalo ang dream house niya.
Kaso sa paglipat nang pahina sa sketch pad nito ay ang realistic portrait ng mukha niya. Biglang kumabog ang puso niya dahil sa nakita.
"Ganito mo ako kamahal?"
Gusto niyang saktan ang sarili dahil alam niyang nasaktan niya si Sweetness.
Sobra ang binigay niyang sakit sa dalaga.
Napatayo na lang siya nang marinig ang ingay na nanggagaling sa ibaba. Umuwi na siguro si Sweetness.
Hindi na kasi niya ito natawagan kaya nangealam na siya sa mga gamit ng dalaga.
Nagmamadali siyang bumaba at nakita naman niya si Sweetness na papasok sana sa kusina.
Alas tres na nang hapon. Kanina pa siya naghihintay. Nakatulog na nga siya. Masama talaga ang pakiramdam niya ay sanay naman na siya dahil kapag sobrang pagod siya at hindi na nakakabawi ng tulog ay sumasama ang pakiramdam niya.
Gulat ang dalaga nang makita siya.
"Bakit hindi ka pa umuwi?"
Nasaktan siya dahil sa tanong ni Sweetness sa kanya na tila ba ayaw siya nitong makita o makasama.
Nakita siguro ni Sweetness ang emosyon sa mga mukha niya kaya natigilan ito at napabuntong hininga.
"Kumain ka na ba?"
Ngumiti naman siya sa dalaga bago magsalita, "hindi pa."
Nanlaki naman ang mga mata nito bago lumapit sa kanya at nilapat ang likod nang papas nito sa noo at leeg niya.
"Sobrang init mo, hindi ka ba nahihilo?" she asked softly.
Umiling naman siya pero ang totoo ay medyo nahihilo na nga siya at gusto niya ulit mahiga.
"Kung gusto mo sala ka na muna dahil hindi masyadong malamig sa sala. Magluluto lang ako ng sopas para pagpawisan ka."
Nagmamadali naman siyang pumunta sa sala dahil gusto na talaga niyang mahiga. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang umakyat para doon sa kwarto ni Sweetness mahiga. Mas malapit kasi ang sala sa daan papuntang kusina.
Nahiga siya doon at pinikit ang mga mata.
Ngayon niya lang naramdaman ang sakit ng ulo. Ganito talaga kapag kulang siya sa tulog at sobrang pagod siya. Pinilit pa niyang pumunta dito at nagulat siya dahil nakita niya si Lucian.
Kapatid ito ni Kaito. Nalaman niya na may condo si Kaito kung saan din ang condo ni Sweetness.
Napamulat na lang siya ng mga mata ng marinig niyang may magdoor bell.
Sino naman kaya ang bibisita kay Sweetness?
Nakita niyang naglalakad si Sweetness papunta sa pinto kaya umupo siya.
"Dito ka na muna. Hindi ko alam kung sino 'yon. Kapag si Cassie o ang mga magulang ni Cassie 'yon ay lagot ako kapag nakita ka."
Kita niya ang kaba sa magandang mukha ni Sweetness.
"S-sige magtatago na lang ako."
Tumango naman si Sweetness at naglakad na papunta sa pinto.
KINAKABAHAN SI SWEETNESS nang tignan niya ang monitor para makita kung sino ang nasa labas ng condo niya at gano'n na lang ang pagkunot ng noo niya nang makita niya si Kaito.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at ngumiti sa binata.
"Ano'ng ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?"
Malamig ang emosyon na nakalarawan sa gwapong muka nito.
"Nandito raw kanina si Josh. Nakita siya ni Lucian na pumasok sa condo mo."
Napalunok naman siya dahil sa sinabi ni Kaito at napapikit. Bakit na ang malas niya ngayon?
"Nandiyan siya?" malamig na tanong nito.
"Kaito, bukas na tayo mag-usap. Gusto ko kasing magpahinga ngayon."
Natatakot siya sa gagawin ni Kaito lalo't kilala na ito nang tito niya. Baka kung anong isipin sa kanya.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko Sweetness. Nandiyan ba si Josh?"
Tatango na sana siya kayo may humawak sa bewang niya mula sa likod niya.
"Hinahanap mo ko? May kailangan ka ba?" malamig na tanong ni Josh kay Kaito.
Kinabahan naman siya at bumalik ang tingin niya kay Kaito nang tumawa ito ng malakas.
Sinubukan niyang lumayo kay Josh pero hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa bewang niya.
"Mukhang nasa ibang babae ka, Josh. Putangina," biglang seryosong sabi nito.
"Kaito, please. Wala naman kaming ginagawang masama ni Josh. Ayaw ko rin ng gulo dahil baka makarating ito kay tito, aalis din si Josh pangako," kinakabahan na sabi niya.
Nagkatitigan lang si Josh at Kaito. Mas lalo siyang kinabahan dahil baka malaman ng tito niya na nandito si Josh.
"Talagang magkakagulo kapag hindi pa siya umalis, Sweetness." Hindi na niya alam kung anong gagawin niya.
"J-Josh ---"
"Bakit ako aalis? Hindi mo naman pag-aari si Sweetness. Hindi ko ba alam na ako ang mahal niya o bobo ka lang talaga. 'Yan na ba ang epekto ng walang nagmamahal ni isa? Nagmamalimos sa pagmamahal ng iba?" malamig na tanong ni Josh.
Nasaktan siya dahil sa sinabi ni Josh kay Kaito!
"Josh ano ba?! Pinapalala mo lang ang sitwasyon! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" sigaw niya at humarap kay Kaito para kausapin ito, "Kaito, may sakit si Josh. Wala kaming ginagawang masama. Ito na ang una't huling makikita mo siya dito. Please, huwag mong sabihin kay tito. Huwag kang mag-isip ng kung ano, wala kaming ibang gagawin. Aalis din si Josh," kinakabahan na sabi niya habang nakatingin kay Kaito na nakita niyang nakakuyom na ang kamao.
"Sa ating dalawa, ikaw ang bobo at hindi marunong makuntento, you're in a relationship with Cassie," Kaito said, seriously.
"Hiwalay na kami," mabilis na sabi ni Josh.
"Kaya ako naman ang inaagawan mo? Sweetness, kung ayaw mong makarating ito kay Tito Simon pala---"
"Sige sabihin mo," sabi ni Josh kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Josh!" sigaw niya.
"Sabihin mo. Sabi mo mahal mo si Sweetness. Gusto mo siyang ipahamak? Sige sabihin mo. Malalaman ni Cassie, mag-aaway sila ni Sweetness." Hindi naman nakasagot si Kaito dahil sa sinabi ni Josh.
Napakagat siya sa ibabang labi niya dahil sa kabang nararamdaman niya. Hindi niya gusto ang nangyayari ngayon.
KANINA PA naiinip si Josh dahil naiwan sa sala si Kaito at Sweetness, samantalang siya ay kumakain ng niluto nitong sopas. Ayaw niyang pasamahin ni Sweetness.
Nagseselos siya, 'yon ang totoo. Ayaw niya ang mga scenario na pumapasok sa isip niya. Alam niyang may lamat na ang pagkakaibigan nila ni Kaito.
Tumayo siya pero biglang nanlabo at umikot ang paningin niya kaya napahawak siya sa lamesa at umupo ulit. Sobrang sakit kasi nang ulo niya at gusto na niyang matulog pero ayaw naman niyang iwan si Kaito kasama si Sweetness.
Tsaka lang siya pwedeng magpahinga kapag umalis na si Kaito.
Pinilit na lang niya ang sarili niya na tumayo at pumuntang sala at narinig niya ang pag-uusap ng dalawa.
"... gusto ko siyang suntukin," rinig niyang sabi ni Kaito.
"Nilalayuan ko na talaga siya alang-ala kay Cassie at Tito Simon, pero hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito," sabi ni Sweetness.
Dahan-dahan naman siyang umupo sa gilid at nakinig sa dalawa. Hindi naman siya kita.
"Mahal mo pa rin siya, hindi ba?" tanong ni Kaito.
Biglang umasa ang puso niya sa magiging sagot ni Sweetness.
Sabihin mo lang na mahal mo ako. Na mahal mo pa rin ako. Ipaglalaban kita.
"Oo naman, hindi basta-basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero ayaw ko na ng gulo, Kaito."
Napangiti siya dahil sa sinabi ni Sweetness sa kanya. Gusto niyang suntukin sa ulo si Kaito para magising ito sa katotohanan na siya ang mahal ni Sweetness at hindi ito.
"Paano ako? Saan ang pwesto ko sa buhay mo?" tanong ni Kaito.
"Kaito, para sa akin wala tayong relasyon. Ikaw ang nagpumilit sa relasyon na ito without asking me if I want this set up. Kaibigan kita, importante ka sa akin sa totoo lang. Naiintindihan mo ako, at alam mo ang pakiramdam nang walang nagmamahal katulad sa akin pero hindi kita pinilit na mahalin ako," mahinang sabi ni Sweetness.
Gusto niyang maawa kay Kaito dahil pakiramdam niya ay para itong si Sweetness noong umamin ito sa kanya ng tunay na nararamdaman pero tinaboy niya lang.
Sweetness boy version.
Pero masaya siya dahil siya padi rin ang mahal ni Sweetness. Malaking dahilan para ipaglaban niya si Sweetness. Alam naman niyang napakakomplikado dahil sa sitwasyon nilang tatlo. Pero alam niyang mas natimbang si Sweetness.
Alam na alam niya. Gusto niyang itama ang pagkakamali na pinili niyang ipaglaban si Cassie.
"Sa tingin mo isusuko kita sa kanya dahil lang sinabi mong mahal mo pa rin siya? Wala ba akong dapat na gawin?" Natigilan siya dahil sa tanong ni Kaito kay Sweetness.
"Kaito, tama na," rinig niya pa rin si Sweetness at nahihirapan na ito. "Hindi ibig sabihin na sinabi kong kaibigan kita ay ipipilit ko ang kung anong meron sa amin ni Josh. Ayaw ko na lang ng gulo, Kaito. Intindihin mo naman ako."
"Hindi ka naman sasaya kay Josh. Siya ang magiging dahilan ng pagbagsak mo, pero 'wag kang mag-alala, dahil sa pagbagsak mo ay nando'n ako. Sasaluhin pa ein kita kahit matinik ka at masasaktan ako. Tangina, mahal kasi kita."
"Kaito," malambing na sabi ni Sweetness. "Salamat."
Napabuntong hininga na lang siya at napangisi.
Bakit ko siya ibabagsak? Hahawakan ko siya ng sobrang higpit para sa kahit anong problemang kakaharapin namin ay malalampasan namin ng magkasama.
Mahal ako ni Sweetness at 'yon ang mahalaga.