Chapter 17

3312 Words
Enjoy Reading:) Nagising si Sweetness dahil sa ingay na nanggagaling sa cellphone niya. Ang sakit-sakit talaga ng ulo niya dahil ilang araw na silang walang tulog dahil sa mga tambak na gawain nila. ? calling "K-kai?" mahinang tawag niya sa pangalan ng lalaki bago nahiga ulit. Mamayang hapon pa ang klase nila ngayon kaya kahit papaano ay makakabawi siya ng tulog ngayong umaga. "Ayaw mo mag-umagahan na kasama ako?" malambing na sabi ni Kaito sa kanya. "Ikaw na lang ang mag-agahan, Kai. Kailangan kong makabawi ng tulog dahil ilang araw akong walang tulog. Gustuhin ko pang sumama dahil libre mo, masakit talaga ang ulo ko." Akala niya ay binabaan na siya ng tawag ni Kaito kaya hindi na siya nagsalita at hinayaan ang cellphone niya na nasa tenga niya. "Ano'ng emergency code mo?" Hindi niya alam kung sinabi niya ba o hindi maya-maya lang ay may kumuha ng cellphone niya sa kanya at niyakap siya sa higaan. Para siyang walang pakialam dahil antok na antok na siya. Hindi na siya nag-react at nanatiling nakapikit dahil talagang antok na antok siya. Naalimpungatan na lang siya nang tumunog na naman ang cellphone niya. Naiinis na siya. Kinapa niya ang cellphone niya sa side table at nakita ang tumatawag kaya nanlaki ang mga mata niya. Josh... Agad niyang sinagot at tumingin sa katabi niyang higaan at napanganga na lang siya nang mahimbing na natutulog si Kaito sa higaan niya. Ang kalmado ng mukha nito. "Hello, Strawberry. Kita tayo sa library. Papasok ka na ba?" hindi niya nasagot si Josh dahil titig na titig siya sa maamong mukha ni Kaito na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Hindi siya nagsasalita dahil ang bilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya rin naman gustong makausap pa si Josh. Ayaw niya ng gulo. Kilala na ito ng Tito niya. "K-kaito," mahinang banggit niya sa pangalan ng binatang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Ang gwapo-gwapo nito. "Sweetness," malamig na sabi ni Josh sa kabilang linya kaya nanlaki ang mga mata niya at dali-daling lumabas ng kwarto niya. "Magkita na lang tayo sa library mamaya. Gagayak pa ako, Josh," sabi niya at papatayan na sana ito nang magsalita pa ito sa kabilang linya. Baka pag-uusapan nila ang project nilang dalawa. Kailangan na nila 'yon matapos at pag-usapan kung paano nila ipre-present ng maayos. "Makikipaghiwalay ako kay Cassie. Please, layuan mo na rin si Kaito." Napahawak siya sa dibdib niya nang maramdaman niyang tumigil 'yon sa pagtibok at napatingin sa nakasaradong pinto ng kwarto niya kung nasaan si Kaito na mahimbing na natutulog sa kama niya. What the f**k? Ano'ng sinasabi nito? Sweetness whispered, "anong gagawin ko?" KANINA PA NIYA hinahantay si Cassie sa labas ng University nila dahil sabi nito ay hintayin niya ito sa labas ng University at 'yon ang ginawa niya. Buong araw niya kahapon pinag-isipan ang magiging desisyon. Ayaw niya naman na niloloko si Cassie dahil alam niya sa sarili niya na may iba. Hindi niya na alam kung ano ang sinisigaw ng puso niya. Ngayon, ayaw niyang mandamay dahil lang sa hindi siya sigurado sa nararamdaman. Halos mapatalon siya sa gulat nang may humalik sa pisngi niya. "Hey baby," malambing nitong sabi sa kanya. Aaminin naman niyang bumibilis ang t***k nang puso niya kapag malapit sa kanya si Cassie. Alam na alam niya ang ibig sabibin no'n. Pero iba rin ang pagbilis nang t***k ng puso niya kapag si Sweetness naman ang kasama niya. "Halika na sa loob — oh wait, baby." Napatingin siya rito at nagulat na lang siya nang may nilabas ito sa bulsa ng palda nito. "Ta-daaaa!" Titig na titig siya sa hawak nito. Personalize pen. Hinawakan nito ang kamay niya at binigay ang pen sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin. "Mi amor." Narinig niya ang lambing sa boses ni Cassie habang binabasa ang nakalagay sa personalize pen na regalo nito. "T-thank you," mahina niyang sabi habang titig na titig sa pen na hawak niya. "I love you," she said lovingly to him. "I-i love you too... I love you too, Cassie." Hindi niya kayang iwan si Cassie. Hindi niya kaya, ang babaeng nasa harapan niya ay ang babaeng pinapangarap niya. Madaming magkakandarapa para lang makuha ang atensyon ni Cassie. "Tara na sa loob?" malambing na aya nito sa kanya. Ngumiti siya at mahigpit na hinawakan ang kamay nito kaso nasalubong nila si Sweetness. Natigilan siya sa paglalakad gano'n din si Sweetness na nalipat pa ang tingin sa magkahawak na kamay nila ni Cassie. Sinabi niya dito na makikipaghiwalay siya kay Cassie pero ito siya ngayon at magkahawak kamay silang dalawa ni Cassie. Pinaasa na naman niya ang dalaga. "Ang aga mo rin palang pumasok," sabi ni Cassie kay Sweetness. Tumango naman si Sweetness at nagpaalam na aalis na. Napabuntong hininga naman siya at hinatid si Cassie sa classroom nila bago niya kinuha ang cellphone para tawagan si Sweetness. Kailangan niyang makausap ang dalaga dahil ayaw niyang may gulo sa pagitan nilang dalawa. Tinanggap na niya sa sarili na may gusto rin siya kay Sweetness. Hindi naman siya bibigay sa dalaga kung wala siyang nararamdaman dito. Nakahinga siya nang maluwag dahil sinagot ni Sweetness ang tawag niya. "Where are you?" mabilis niyang tanong sa dalaga. Gusto niyang magpaliwanag dito kahit nagiging unfair na siya sa dalawa. "Bakit ka tumawag?" mahina ang boses nito kaya napapikit siya. Ang sarap talagang pakinggan ang boses ni Sweetness. "Nasaan ka? Pwede ba tayong mag-usap?" "Busy kasi ako, Josh. Mamaya na lang tayo mag-usap," napabuntong hininga siya dahil sa sinabi ni Sweetness. "Makikipaghiwalay naman ako sa kanya. Pwede bang bigyan mo lang ako ng konting panahon? Hindi ko na alam ang gagawin ko." "It's okay, Josh. Hindi mo kailangang ipilit ang lahat. Baka si Cassie pa rin ang mahal mo, ayos lang ako. Hindi ko naman na kayo guguluhin. Huwag mo na rin akong guluhin. Hindi mo kaya ang sinasabi mong hihiwalayan si Cassie. Don't insist just because you want to have s*x with me. Hindi ko rin naman sineryoso ang sinabi mong hihiwalayan mo si Cassie. Hindi mo kaya. Tama na." Nanlamig siya dahil sa sinabi ni Sweetness. 's*x'? 'Yon lang ba ang iniisip nitong dahilan niya kaya gusto niyang makasama si Sweetness? Pinatayan na siya nang tawag ni Sweetness kaya napabuntong hininga siya at naglakad na lang pabalik sa classroom nila kahit ilang oras pa bago ang klase nila. Masakit ang damdamin niya dahil sa sinabi nito. Sex? Gano'n kababa ang tingin nito sa kanya? Gusto niya talagang makausap si Sweetness. Paano kung talagang si Kaito na nga ang gusto nito kaya wala na itong pakialam sa kanya? Napailing na lang siya at hindi na nag-isip ng kung ano-ano. GUSTONG MATULOG ni Sweetness. Walang pumapasok sa utak niya. Umaasa naman talaga siyang iiwan ni Josh si Cassie para sa kanya, pero mukhang mahal na mahal talaga ni Josh si Cassie. Tama lang ang sinabi niya rito. Hindi niya kailangan ma-guilty. Nalilito lang ito sa nararamdaman nito dahil may binigay na siya na hindi pa naibibigay ni Cassie kay Josh. Baka 'yon lang talaga ang habol ni Josh sa kanya. She wants to love Josh. Pero mukhang ang pagmamahal na meron siya sa binata ay tuluyan na ngang mababale-wala. Napatingin siya sa text ni Kaito. From: ? Susunduin ba kita later? Nasa opisina ako ngayon. I slept well earlier because I was next to you. Bigla siyang napailing iling dahil sa text sa kanya ni Kaito na busy na ngayon dahil nailipat na sa pangalan niya ang kumpanya ng Lolo nito. Business Man na ang mokong na 'yon! To: ? Hindi mo na ako kailangang sunduin, Kaito. Kaya ko naman na ang sarili ko. Kaya ko ring umuwi. From: ? Mas ligtas pa rin kapag kasama mo ako. Josh might bother you again. I still don't want you to be ruined because of him. Hindi na lang siya nag-reply dito. Hindi na niya alam ang gagawin para lumayo na sa kanya si Kaito. Ayaw din naman niyang maging unfair sa binata lalo at pursigido itong ligawan siya. Ang alam nang lahat ay may namamagitan na sa kanila pero hindi naman talaga 'yun totoo. Wala siyang relasyon na dalawa. She also won't use Kaito to forget Josh. Hindi siya gano'ng klase ng babae. Nakita niyang magkatabi na naman si Josh at Cassie. Hindi na niya nakikitang pumapasok si Maikaela. Hindi naman talaga ito pumapasok ng madalas pero kasi ngayon iba na, talagang hindi na ito nag-aaral dahil ni anino nito sa university ay wala. Tumingin sa gawi niya si Josh kaya umiwas siya nang tingin. nag-focus na lang sa binabasa niyang libro habang nag-lelecture ang prof. nila sa harapan. Napangiti na lang siya ng tapos na ang klase nila. Lalabas na sana siya nang harangan siya ni Josh. "Mag-usap tayo. Hintayin mo ako sa parking lot." Mabilis siyang iniwan ni Josh kaya napabuntong hininga siya at nagmamadaling iayos ang mga gamit niya. Lumabas siya sa room nila at naglakad papunta sa locker area para iwan ang mga gamit niya na hindi naman niya kakailanganin na gamitin kapag nakauwi na siya sa condo niya. Nagmamadali siyang pumunta sa parking lot at hinintay si Josh. Hindi niya rin alam kung mag-partner pa sila ni Josh about doon sa pinapagawa ng professor nila. Pero mas mabuti makapag-usap na sila ni Josh para alam niya kung sino ang kagrupo talaga niya. I-pre-present din nila iyon. Nakita niyang nagmamadali si Josh at nang makita siya ay agad siyang hinawakan sa kamay at pinapasok sa kotse nito. Malamang nagmamadali ito dahil baka makita sila ni Cassie. "Are you alright, Strawberry? Ang putla-putla mo kasi," nag-aalalang tanong nito sa kanya. Ngumiti siya dito bago magsalita. "Ayos lang ako. Bakit mo ako gustong kausapin? Tungkol sa project? Ano'ng plano para alam ko ang gagawin ko." "Sorry, I can't leave Cassie now, Sweetness." Tinitigan niya si Josh dahil mukhang kinakabahan ito. 'Yon ang gusto nitong pag-usapan? "Hindi mo naman siya kailangan na iwan para sa akin. Ayos lang ako Josh. Mag-focus ka na lang muna kay Cassie, ayaw ko rin ng gulo. Mag-usap tayo tungkol sa project," mahinang sabi niya. Natatakot din siya sa pwedeng gawin ng Tita Carmela niya kapag nalaman na niloloko ni Josh si Cassie dahil sa kanya. Ayaw naman niyang madamay din si Josh lalo at baka magalit sa kanya ang tito niya. "Because you already have Kaito?" Nagulat siya dahil sa tanong ni Josh. "Because you already have Cassie," may diing sabi niya. Natigilan si Josh dahil sa sinabi niya. Tama naman siya. Meron na itong Cassie, bakit ginugulo pa siya nito? Bakit ang unfair nito? "Hindi ka ba makapaghintay? Hayaan mo naman akong mag-isip." Napatingin si Josh sa kanya. So f*****g selfish. "Pwede kang mag-isip nang wala ako at si Cassie sa tabi mo. Hindi ka ba nakapag-isip nang walang kasama? Hinihila mo ako sa gulo mo. Ang selfish mo naman. Gusto mo ikaw lang masaya. Dati gustong-gusto kong mapasaakin ka —Na mahalin mo ako dahil mahal mahal kita. Pero iba kasi ngayong Josh, iba na -" "Paanong iba?" hindi siya nito hinintay na matapos. "Paanong iba? Dati-rati ay ayos lang naman sa 'yo. Mahal na mahal mo ako. Willing ka pa nga na wala tayong relasyon basta nasa tabi mo ako, pero ngayon, meron lang Kaito ay ayaw mo na." "Ikaw ang may gusto nito una palang. Selfish ka kasi! Gusto mong naghihintay ako sa 'yo pero hindi mo naman ako babalik. Hindi mo ako pipiliin!" "Pwes ngayon ay binabawi ko na. Binabawi na kita! Pipiliin na kita," malakas na sabi nito sa kanya kaya napailing-iling siya. Natawa siya dahil sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Josh ngayon. Ganito ba ito ka-selfish na tao? Lalabas na sana siya nang paandarin ni Josh ang kotse nito kaya napabuntong hininga siya. "Pinakilala ka na ni Cassie sa mga magulang niya... dapat respetuhin mo sila tito," she murmured. Alam niyang natigilan si Josh dahil sa sinabi niya. "Huwag kang gumawa ng ikakapahamak nating pareho, Josh." Totoo naman kasi. Nakapag-isip na siya. Napapagod na siyang maging marupok pagdating kay Josh. Alam niya kapag nagpumilit ang lalaking ito ay mawawala siya sa tamang pag-iisip at baka tuluyan na siyang maging masamang babae. Wala na siyang pakialam sa tito niya na siyang kumupkop sa kanya simula sanggol pa lamang siya. "Saan mo ako dadalhin?" mahinang tanong niya. "Kung saan maipapakita kong sa 'yo ako." "Josh." "Sa tingin mo hindi ako nahihirapan, Sweetness?" he murmured. "Nahihirapan din naman ako, alam kong mali ako dahil dalawa kayo ni Cassie ang gusto ko. Hayaan mo naman akong mamili kung sino sa in---" "Kung gano'n, hayaan mo rin akong mamili kung sino sa inyo ni Kaito ang gusto ko. Be fair." Natigilan si Josh dahil sa sinabi niya. "Ang hirap sa 'yo, gusto mo ikaw lang ang binibigyan ng pagkakataon para malaman kung sino ang gusto mo. Paano naman ako? Paano kung si Cassie ang piliin mo, paano ako? Nag-iisip ka ba?" Hindi na sumagot sa kanya si Josh kaya napabuntong hininga siya at tumingin na lang sa bintana. Masakit pa naman ang ulo niya dahil ilang araw na siyang puyat dahil sa plates na kailangan niyang tapusin. Tapos ginugulo pa siya ni Josh at Kaito. TUMITIG SI JOSH sa magandang mukha ni Sweetness na mahimbing na natutulog. Nandito sila ngayon sa safe place kung saan nakakapag-isip siya ng tama. Baka kapag pumunta siya rito ay malalaman niya kung sino ang tinitibok ng puso niya. Hindi rin naman niya gustong iparamdam kay Sweetness na gusto niya itong gamitin. Binaliw lang talaga siya ni Sweetness sa pamamaraan nito, ngayon hindi na siya makaalis dito. Hinaplos niya ang malambot nitong pisngi at dahan-dahan na tinanggal ang salamin nito. "I'm sorry, Strawberry. Matagal kong iniibig si Cassie at hindi ko alam ang nararamdaman sa 'yo dahil iba itong pagbilis nang t***k ng puso ko kapag kasama kita. Bago lang sa akin ito, Sweetness." Napatingin siya sa cellphone niya nang mag-vibrate ito kaya agad niyang kinuha para sagutin dahil si Cassie ang tumatawag sa kanya. "Hello, Cassandra." Hinawakan niya ang malambot na kamay ni Sweetness at hinalikan ito. "Nakauwi ka na?" napakalambing nito. "O-oo, ikaw?" "Nasa club ako, Joshua. Kapag gusto mo akong puntahan. Nandito lang ako sa Jumbo Hotdog Club," malambing na sabi nito sa kanya. "Hindi ka ba uuwi? 'Di ba marami ka pang tatapusin na plates?" napabuntong hininga siya at nilaro ang malambot na kamay ni Sweetness. "Uuwi rin agad ako. Tawagan mo ako mamaya, okay? Pag-uusapan natin kung ano'ng magandang gift para kila tita." Tinutukoy nito ang Mommy niya. Gustong-gusto talaga nito na ipakilala na niya ito. Napatingin siya kay Sweetness na mahimbing na natutulog. Halata talaga sa mukha ng dalaga na kulang ito sa tulog. "Okay. Ingat ka d'yan. Tawagan mo ako kapag may problema," he said softly. Pinatayan na niya nang tawag si Cassie. Gigisingin na sana niya si Sweetness nang tumunog ang cellphone nito kaya dahan-dahan niyang kinuha mula sa bulsa nito at tinignan kung sino ang tumatawag. ? Calling "Who the hell is this?" Hinintay niyang matapos ang tawag nito bago niya kinuha ang kamay ni Sweetness para sa fingerprint sa cellphone nito. Sunod-sunod naman na tumunog ang cellphone nito. From: ? Sa condo mo na lang ako dederetsyo later. I just finish my work. Busy na ako, Sweetie. Minsan agawin mo ako sa work ko ah. Papaagad agad ako, promise. Kaito? Napatingin na naman siya sa cellphone ni Sweetness. From: ? Pagod ka ba? Baka tulog ka na naman. D'yan ulit ako matulog mamaya? Yes? Yes! Kumabog ng mabilis ang puso ni Josh dahil sa nabasa. Nagsasama na ba sila ni Kaito? Alam ng tito ni Sweetness na may relasyon si Kaito at Sweetness. Malamang okay lang dito na pumupunta-punta si Kaito doon. Is that's the reason why Sweetness doesn't want him anymore? Natawa na lang siya at muling binasa ang mga text ni Kaito. From: ? Balik na ako sa trabaho, ikaw naman babalikan ko mamaya. I love you... marami ka nang utang na kiss sa akin. Natawa siya at binaba ang cellphone ni Sweetness. Nanlamig siya dahil sa mga nabasa niya lalo nang malaman niyang natutulog si Kaito sa condo ni Sweetness. May nangyayari na ba sa kanila? Okay lang ba kay Kaito na hindi ito ang nakauna kay Sweetness?! Malamang ayos lang! Mahal ni Kaito si Sweetness. Fuck! NAGISING SI SWEETNESS na masakit ang likod. Nagulat siya nang magawi ang paningin niya kay Josh na titig na titig sa kanya. Agad naman siyang umiwas at tumingin sa bintana ng kotse at madilim ang paligid. "Nasaan tayo Josh?" mahinang tanong niya at tumingin sa binata na titig na titig pa rin sa kanya pero malabo ang binata. Kaya mabilis niyang hinanap ang salamin niya at agad naman na binigay sa kanya ni Josh. "Thank you," mahinang sabi niya at nilibot ulit ang paningin at gabi na nga. Naiilang na siya sa titig ni Josh. "Bakit ganyan ka makatingin?" Nakita niyang ngumiti ng pilit si Josh bago magsalita. "Pinapanood kita," he murmured. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Sweetness dahil sa sinabi ni Josh. Halatang malalim ang iniisip ni Josh. "I watching you, Sweetness." Tinitigan siya nito sa mga mata bago magsalita ulit, "slowly unloving me." Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Gusto niyang sabihin dito na ito lang ang Mahal niya, pero naalala niya ang tito at tita niya. Kapag napasaktan niya si Cassie, alam niyang may mangyayaring hindi maganda kapag nalaman ng mga ito na gustong-gusto niya si Josh. Malaki ang utang na loob niya sa pamilyang kumupkop sa kanya. "Ihatid mo na ako. Madami pa kasi akong tatapusin, Josh." "Masaya ka ba kay Kaito?" mahinang tanong nito sa kanya. Nagsinungaling na lang siya at hinayaan na malaman nito na masaya siya kay Kaito. Kapag nalaman niyang iniwan ni Josh si Cassie alam niya agad na susugal siya at ipaglalaban ang nararamdaman kay Josh. Sobrang rupok niya pagdating kay Josh without knowing na nakakasama na 'yon sa kanya. "Dadating ang araw na iiwan ka ni Kaito. Hindi mo pa siya kilala, Sweetness. Kapag nagsawa na siya sa'yo. Iiwan ka niya." "Kaya ba nandito ka at ginugulo ako? Kasi hindi ka pa nagsasawa sa akin at iiwan mo rin ako kasi meron ka namang Cassie. Huwag mong husgahan si Kaito dahil iba ang Kaito na kilala mo sa kinikilala ko ngayon." Talagang diniin niya ang sinabi niya kay Josh. Natigilan ito bago siya tinawanan. "Hindi mo ba ako mahintay?" "Bakit kita hihintayin kung pwede naman akong isama ni Kaito sa buhay niya. Hindi ako maghihintay sa 'yo lalo't wala akong panghahawakan na babalik ka." "Hawak mo ako!" Nagulat siya sa pagsigaw nito. "Nakikita mo ba?! Nababaliw na ako kakaisip kung bakit biglang nalito ako sa nararamdaman ko! Ilang taon kong minamahal si Cassie! Pero ikaw! Bigla-bigla ka na lang dumating at binago kung anong nararamdaman ko!" "Bakit ako ang mali? Kung talagang mahal mo si Cassie, kahit na guluhin kita at landiin ay hindi ka bibigay!" Parehas silang natigilan dahil sa sinabi niya. Napabuntong hininga na lang siya at umiwas dito. "Ihatid mo na ako, Josh. Mag-aaway lang tayong dalawa," nagmamakaawa niyang sabi kay Josh. Hindi nagtagal ay nagulat na lang siya nang kinuha ni Josh ang cellphone nito at may tinawagan. "Maghiwalay na tayong dalawa, Cassandra. Maghiwalay na tayo. Malalaki ang matang tumingin siya kay Josh nang makita niyang binaba nito ang cellphone at napasabunot sa buhok nito bago siya tinignan. "Tawagan mo si Kaito. Sabihin mong pag-aari kita." "Josh," she murmured his name. "Pakiusap Sweetness. Nababaliw na ako!" Napapikit na lang siya at napahawak sa puso niya dahil sa bilis ng pagtibok. Gulat na gulat pa rin siya sa ginawa ni Josh. Nakipaghiwalay ito kay Cassie nang gano'n gano'n lang. Napatingin siya sa kamay niya dahil hinawakan 'yon ni Josh. "Sweetness," mahinang tawag nito sa kanya. "Bumalik ka na sa akin." "Hindi mo naman ako pag-aari, Josh. Hindi ako sa 'yo." Tito's calling...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD