Chapter 16

3559 Words
"Naipaliwanag ko naman na ito kahapon, right?" tanong sa harapan namin ng prof. nila. Kinuha niya ang isang folder at umupo sa harapan. "Groupings tayo. Bawat isang grupo ay merong dalawang tao. This is your project for my subject. An architectural model is a type of scale model – a physical representation of a structure – built to study aspects of an architectural design or to communicate design ideas. Depending on the purpose, models can be made from a variety of materials, including blocks, paper, and wood, and at a variety of scales." Paliwanag pa ito kaya napahawak si Sweetness sa balikat niya dahil hindi pa nga siya tapos sa HOA. Ang dami niya pang plates na 'di nagagawa. Panibago na namang niyang gagawin ito kung nagkataon. Pinagdadasal niya na kahit papaano ay maayos ang makakagrupo at hindi 'yong walang pakialam dahil baka hindi na talaga niya kayanin. "Naipaskil ko na sa bulletin board ang magkakagrupo, since 36 naman kayo dito sa klase ko sa inyo. Pag-usapan niyo kung paano niyo gagawin at ipre-present next month," tumayo na ito at lumabas na sa klase. Napataas na lang siya nang kilay dahil sa inasta ng prof. nila. Tumayo na siya at hinintay na matapos tumingin ang kaklase niyang nasa harapan na ng bulletin board. Napatingin siya kay Josh na nakaupo lang sa upuan nito at nakikipag-usap kay Cassie. Hindi na kasi pumapasok si Maikaela. Hindi na ito nagpakita sa kanila. Paano ito makakapasa. "s**t, kagrupo ko si Maikaela!" rinig niyang sigaw ng isa sa kaklase niya. Nakita naman niyang napatingin doon si Josh. Mukhang tutulungan ito ni Josh dahil nga hindi naman pumapasok si Maikaela. Kung tutuusin ay mali na ang ginagawa ni Maikaela. Lumapit siya sa nakapaskil dahil wala naman ng estudyante na tumitingin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino ang kasama niya sa paggawa ng scale model. Building scale model... Josh... Paulit-ulit niyang binasa ang pangalan ng kapartner niya at si Josh nga 'yon. Napatingin siya kay Josh nang makita niyang nasa tabi na niya ito. Kung tutuusin parehas maganda ang grades nila kaya bakit sila magkasama? Nagulat din dahil magkagrupo sila. Wala naman na silang magagawa. "I-uupdate na lang kita kung ano'ng plano," malamig na sabi nito sa kanya at bumalik sa upuan niya kung nasaan si Cassie at mukhang mag-usap ang kasama nito sa paggawa ng scale model. Nagmadali na siyang lumabas at nakita niya agad si Kaito na nakangiti sa kanya. Hindi ba ito napapagod na puntahan siya? Para itong batang naghihintay sa kanya sa totoo lang. "Kain na tayo?" nakangiting tanong nito sa kanya. Lagi talaga ito ang kasama niya. Sabado na bukas pero gusto niyang makasama ni Kaito bukas. Gusto niyang lumabas sila. Magpupuyat na naman kasi siya mamaya. "Ayos na ba 'yang ilong mo?" tanong niya rito at naglakad papunta sa locker area sa hallway. "Ayos naman na, gwapo pa rin naman ako," tumatawang sabi nito. Napailing-iling na lang siya at pinasok lahat ng libro niya sa locker niya at ang bag na lang niya ang dala niya na kinuha na ni Kaito. Hindi na talaga siya nagugulat sa mga pinagsasabi ni Kaito. Sanay na sanay na talaga siya. "Lagi kang pumupunta rito, hindi naman kita kailangan." "Ouch!" sigaw ni Kaito at humawak sa dibdib nito at nagpanggap na nasasaktan. Siraulo talaga... Mas matanda ito sa kanya ng tatlong na taon kung tutuusin. Pero parang mas bata pa sa kanya kung umasta. "Sweetie, ang sakit mong magsalita," sabi nito. Magsasalita pa sana siya nang napatingin siya sa locker ni Cassie at nakita niya si Josh na nakatingin sa kanila ni Kaito. "Oh, lantarang pagtataksil," sabi ni Kaito. Natawa naman siya sa sinabi nito at inaya na itong umalis. Parang bobo talaga 'to minsan. Gaano kadalas ang minsan para kay Kaito? Lagi-lagi! "Sweetness!" tumingin siya kay Cassie nang tawagin siya nito. "Sasabihin ko kay prof. na ako na lang ang kagrupo ni Joshua." Napatingin naman siya kay Josh at nagulat ito sa sinabi ni Cassie. Hindi siguro nito inaasahan. Ngumiti na lang siya, "ikaw ang bahala." Tumalikod na siya rito at sumunod naman agad sa kanya si Kaito. Tahimik lang silang dalawa ni Kaito na naglalakad papunta kung saan nito ipinarada ang sasakyan nito. "Sobra naman 'ata kung magbakod si Cassie kay Josh," mahinang sabi ni Kaito habang nakaakbay sa kanya. "Boyfriend naman niya si Josh, karapatan niya 'yon." "E 'di karapatan ko ding bakuran ka?" "Hindi naman tayo," she said coldly. "Double kill. Sinabi ko nga." Natawa siya dahil sa sinabi nito at sumakay sa kotse nito. Nang makasakay na si Kaito ay tumitig lang sa kanya si Kaito kaya masama niya itong tinignan. "What?" Tumingin ito sa kamay niyang nakapatong sa hita niya. Alam niyang may binabalak na naman itong gawin. "Ang ganda ng kamay mo," sabi nito kaya napailing-iling siya. "Bagay sa kamay mo?" nakangisi niyang tanong dito. Umiling-iling ito habang nakatingin sa mga mata niya. Napairap na lang siya. "Bagay sa leeg ko..." kumindat ito sa kanya. "Choke me, Mommy!" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Ganito talaga siya, laging bumabanat sa kanya. Nagulat lang siya dahil sa pagbanat nito ngayon. Ang bastos! Tumatawa lang si Kaito habang pinapausad ang kotse nito. Ang init ang buong mukha niya. Umabot pa yata sa ulo niya ang pagkamanhid sa mga kamay niya. Napalunok si Sweetness at napapikit, doon na unti-unting bumalik sa ala-ala niya ang pagtatalik nila ni Josh. Napakagat siya sa ibabang labi at napahawak sa batok niya dahil nag-init siya. Josh Lagi na lang Josh! NAKATINGIN lang si Josh sa pagkain sa harapan niya. Nawala ang kakulitan na taglay niya sa hapagkainan nila. "Ayos ka lang ba 'nak?" tanong ng Mommy niya. Agad naman siyang ngumiti rito. Kahit papaano napapakalma siya ng mga magulang. Ito ang babaeng irerespeto niya at mahal na mahal niya. Handa nga siyang ilaban ito sa sabog dahil sa katapangan. "Okay lang Nanay," sabi niya. Agad naman siyang binato ng table napkin kasabay ang malakas na tawa ng Daddy niya. "I told you to stop calling me that!" sigaw nito kaya natawa na lang siya. "Arte mo 'nay." Natawa n alang siya nang irapan siya ng ina. Sanay na sanay na siya rito. Buti at hindi nga siya nito tinatakwil. Napatingin siya sa daddy niya nang magtanong ito sa kanya. "How's your studies?" "Ayos naman, Daddy. Ayos lang." Ngumiti siya sa Ama at sumubo ng pagkain. "Don't insist if you can't, son. It's okay with us that you pass, you don't have to take a very high grades. Don't stress yourself," his dad said softly. Napangiti siya dahil ito ang gusto niya sa mga magulang. Alam naman niyang nag-eexpect pa rin ito ng mataas na marka sa grado niya kahit na sinabi ng mga ito na okay lang kahit ano. Gusto niya rin namang bigyan ng mataas na grades ang mga magulang niya. "Oo nga, Josh. Lagi mo na lang kaming pinapakitaan ng mataas na marka... at proud na proud kami sa 'yo anak, pero kapag hindi mo na kaya, okay lang, 'nak, pahinga ka rin." Nagpanggap naman siyang naiiyak. Kunwari niyang pinunasan ang ilalim ng mga mata na para bang may mga luha doon. "Dad, Mom..." tumingin siya sa mga magulang, "...Ako lang po 'to, si Josh, ang anak niyong gwapo." "Gago." "Baliw." Sabay na sabi ng mga magulang niya kaya natawa siya. "Okay lang naman, Dad. Kaya ko pa naman po," sabi niya at ngumiti sa mga magulang. "May girlfriend ka na ba?" tanong ng Daddy niya. "Kayo na ba ni Cassie?" tanong naman ng mommy niya. Natigilan siya sa pagsubo ng pagkain. Naikwe-kwento kasi niya noong highschool ang pagkagusto niya kay Cassie sa Mommy niya. Gano'n sila ka-close. Parang best friend lang nito ang Mama niya. "Sinong Cassie?" tanong ng Daddy niya. Napahawak siya sa batok niya. Naikwento niya sa Ina ang tungkol sa matagal na niyang gustong babae at pinangako sa Ina na ito ang ipapakilala niya kapag meron na siyang ipagmamalaki sa buhay. "Babaeng matagal na niyang gusto," nakangiting sabi ng ina. Ngumiti naman siya ng pilit. Bakit hindi niya masabi na sila na nga ni Cassie? "Bakit hindi mo pa pinormahan?" tanong ng Ama. "Kami na po," mahinang sabi niya. Natigilan maman ang mga magulang niya bago niya narinig ang palakpak na nanggagaling sa Mommy niya. She really like Cassie, huh? Ngumiti ang Ina niya sa kanya. "I'm so proud of you, son." "Naman pala, kailan mo balak na ipakilala sa amin?" tanong ng ama at naka-focus na sa kanya ang atensyon nito. "Kailan po ba kayo, h-hindi busy?" tanong niya at nilaro na lang ang pagkain na nasa harapan niya. "Next weekends," sabi nito kaya tumango siya. "Kakausapin ko po si Cassie." Nagpaalam na siya dahil gusto niyang pumunta sa kwarto niya. May plates pa siyang tatapusin sa HOA at baka kanina pa tumatawag sa kanya si Cassie. Ayaw niya namang mag-stay sa condo niya. Buong magdamagan silang nagkakausap ng nobya dahil gumagawa rin ito ng plates nito. Nang makapasok siya sa kwarto ay agad siyang naupo sa kama niya at binuksan ang cellphone at himalang walang text o tawag sa nobya kaya chi-nat na lamang niya ito. Joshua Mercadez Jr: Busy ka, babe? ☺ Walang reply ang dalaga, delivered lang ang chat niya kaya in-open na lang niya ang f*******: at napakunot ng bumungad sa kanya ang f*******: account ni Kaito. Kaito Bacherro updated his cover photo... Lead the way, Sweetie... ❤ Picture ito ni Sweetness na nakatalikod habang hawak-hawak ang kamay ni Kaito at mukhang hinihila siya ni Sweetness. "Jeje," bulong niya. 1.9k reacts and 398 comments... Wala pa ngang isang oras. Kabobohan. "Hindi pa i-hide ang reacts. Papansin." Hindi na siya nagulat. Artista ang mga magulang ni Kaito. Ano pa bang bago? Si Kaito ang pagkakaalam niya ay dalawang big corporation ang gusto humawak dito para maging artista lang. Ayaw lang talaga ng binata. Napatitig ulit siya sa picture na pinost ni Kaito. Minsan lang magpost si Kaito. Mas maraming sad reacts. "Nag-iisip ba siya? Akala ko ba pro-protektahan niya si Sweetness?" nakakunot noo siya, "sa dami niyang babae, siguradong dudumugin o pagpye-pyestahan si Sweetness, napakabobo, hindi nag-iisip." Nagbasa siya ng mga comments. "Napakabobo ni Kaito talaga. Papansin ang pota." Bubulong-bulong siya dahil totoo naman ang sinasabi niya. Ang tanga ni Kaito. Kinikilig na rito si Sweetness? "Umay, puta." : Sila na talaga? May girlfriend na siya. ? : Namimiss ko na mga haplos niya. : Kaito, sino siya? Ako na lang kasi! :Kai-kai... Pinatay na lang niya ang cellphone niya pero hindi siya mapakali kaya nagmamadali siyang lumabas at sumakay sa kotse niya. Nag-drive siya papunta sa condo ni Sweetness. Hindi na niya mapigilan ang sarili. Naiinis siya bigla-bigla. Nang nasa harapan na siya ng building kung nasaan ang condominium ni Sweetness ay hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi na niya alam kung bakit ba dito siya pinunta ng kotse niya! Tang-ina talaga. Ano'ng ginagawa niya rito?! Gustong-gusto niyang makausap ang dalaga! Naiinis siya bigla-bigla. Aalis na lang ako! NAPAKUNOT ang noo ni Sweetness nang nag-vibrate ang phone niya at alam niyang may tumatawag. Si Kaito na naman ito! Sabihan na nga lang niyang 'wag na munang tatawag dahil may HOA pa siyang tatapusin. Agad niyang sinagot ang phone niya. "Sinabi kong mamaya ka na tumawag Kai, 'di ba? Akala ko ba nagre-review ka? Bakit ginugulo mo ako? Review ka na para hindi ka mahirapan sa finals, 'di ba?" naiinis na tanong niya. Nabwi-bwisit din siya dito dahil ang tigas ng mukha nitong i-post ang picture niya ng walang paalam sa kanya. Hindi naman niya gusto 'yon. Lalo na't ayaw niya ng atensyon ng maraming tao. Mahirap dahil kay Maikaela palang ay nakikita niya ang mga taong naiinis dito. "Kaito? Papatayin ko na, hindi ka naman nagsasalita. Nababaliw ka na naman, uminom ka ng gamot mo," sabi niya at mahinang tumawa kaso nanlamig siya nang marinig niya ang boses sa kabilang linya. "Labas, nasa labas ako ng condo mo." Namatay na ang tawag kaya tinignan niya kung sino ang tumawag sa kanya. My love ? Nanginginig siya tumayo at naglakad papalabas sa condo niya. Nanginginig siyang bumaba at nakita niya nga sa parking lot si Josh. Katulad ng una nitong pagpunta sa condo niya ay nakaupo ito sa hood ng sasakyan nito. "J-josh," tawag niya sa binata. Tumingin sa kanya ang binata. "Uuwi na ako," sabi nito at tumalikod na sa kanya. Napakunot siya ng noo. Baliw ba ito? Pinababa siya para saan? Gago talaga ito... napairap na lang siya. "I-ingat," mahinang sabi niya. Nasa iisang condominium lang sila ni Kaito pero ni minsan naman ay hindi ito nagtangkang pumasok sa condo niya at gano'n din naman siya sa condo nito. Huminto si Josh sa pagpasok sa kotse nito at tinawag siya. "Sakay," malamig na sabi nito kaya nagmamadali siyang sumakay sa kotse nito. Ang rupok na naman niya. "Lumabas ka ng nakaganyan?" tanong ni Josh kaya tumingin siya sa dibdib niya dahil duon nakatingin si Josh. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niyang bakat ang perlas niya sa dalawang bundok. Agad niyang hinarangan 'yon sa pamamagitan ng mga kamay niya. "Tsk, nang-aakit ka," bulong nito kaya nagulat siya. Sobrang nahihiya siya. Kinuha ni Josh ang salamin niya tapos sinuot. "Putangina!" malakas na mukha nito at tumingin sa kanya. "Ang taas naman ng grado ng salamin mo." "Ano bang grado sa 'yo?" "Negative 25 sa kanan, negative 75 sa kaliwa." Titig na titig sa kanya si Josh bago sinuot sa kanya ang salamin niya. Hindi pala nakasalamin si Josh ngayon. "Kaya pala nagustuhan mo si Kaito, malabo naman pala ang paningin mo," bulong nito kaya natigilan siya. Sinasabi niya bang panget si Kaito? Bulag ba 'to? Nagbibiro ba siya? Ang gwapo-gwapo ni Kaito. "Ang panget ng taste mo," sabi pa nito kaya nagulat siya lalo. "E 'di panget ka rin kasi mahal kita?" bigla niyang tanong kaya napunta ang atensyon sa kanya ni Josh na ngayon ay titig na titig na sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Kalma, Sweetness. Putragis! "Panget ba ako?" seryosong tanong nito na gahibla na lang ang layo sa kanya. Hindi siya makapagsalita dahil katulad nang dati ay gano'n pa rin ang epekto ni Josh sa kanya. Gahibla na lang ang layo ng mga labi nilang dalawa. Nararamdaman na niya ang hininga ng binata. "Sabihin mo, panget ba ako?" "H-hindi..." napapikit siya dahil sa kaba. "Hindi ka panget, Josh." Nagmulat siya ng mga mata at halos maduling siya lalo at nakasalamin siya. "Kiss me, Strawberrry." At 'yon ang ginawa niya. NAKAPATONG NA SI Sweetness sa mga hita niya at parehas ng nakahubad ang pang-itaas na damit nilang dalawa. "Hmm," ungol ni Sweetness. Habang marahan niyang minamasahe ang dibdib nito. Naghiwalay ang mga labi nilang dalawa. He didn't think that Sweetness would become his weakness. Mas lumala ang pagpapantasiya niya sa babae. Hindi na niya alam ang ginagawa niya. Gusto ng isip niyang manatili na lang kay Cassie at patatagin ang relasyon nilang dalawa, pero tila may sariling utak ang mga mata niya kaya nandito siya ngayon kay Sweetness. Niyakap niya ito sa manipis nitong bewang. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hinahalik-halikan niya lang ang lantad na balikat nito. Sobrang bango talaga nito. Sobrang bango. "Strawberry," mahinang daing niya nang masagi nito ang nakabukol niyang sandata. Lagi ang kamay niya ang nagpapaligaya sa kanya at laging mukha ni Sweetness ang nakikita niya na siyang dahilan ng pagkahumaling niya sa dalaga. Napakagat siya sa ibabang labi niya bago nagsalita, "strawberry, 'wag mong masyadong upuan. Ang sakit na." Kaya aalis na sana si Sweetness sa ibabaw niya nang pigilan niya ito at hinalikan sa leeg. "H'wag kang mang-iwan ng marka." Natigilan siya sa paghalik dito dahil sa sinabi nito sa kanya. Binuksan na niya ang butones ng maong short na suot bago minasahe gamit ang malayang kamay niya ang isa sa bundok ni Sweetness. Humawak naman sa braso niya si Sweetness. "Stop," mahinang sabi ng dalaga. Natigilan naman siya dahil sa sinabi nito at tila walang lakas na pigilan ito nang umalis ito sa ibabaw niya. Ayaw nito. "Bakit ba pinapahirapan mo ako?" tanong ni Sweetness. Nakasuot na dito ang t-shirt nito. Hindi siya nakasagot sa tanong sa kanya ni Sweetness. Bakit niya nga ba pinapahirapan ang dalaga? "Alam mong ikaw ang kahinaan ko, layuan mo na lang ako katulad ng gusto mo." Lalabas na sana ang dalaga ng pigilan niya ito. "Nang dahil sa 'yo nalilito ako kung sino sa inyo ni Cassie ang gusto kong makasama. Masaya ako kapag kasama ko si Cassie, pero bakit hinahanap-hanap pa rin kita?" Wala na siyang pakialam. Gusto na niyang ilabas ang nararamdaman niya. "May nangyari na ba sa inyo ni Cassie?" tanong nito kaya agad siyang umiling dahil 'yon naman ang totoo. Hindi niya nga maayos na naghahalikan si Cassie dahil sumasagi sa isipan niya si Sweetness. "Subukan mo siyang angkinin, baka hinahanap-hanap mo ako kasi ito ang kailangan mo," mahinang sabi nito. "Ibinigay ko sa 'yo ng walang pagdadalawang isip ang katawan ko. Naging marupok ako sa 'yo ngayon kasi mahal kita. Pero kasi, Josh... may tao nang gusto akong gawing mundo, mahal niya ako. Hanggang hindi ka sigurado sa nararamdaman mo, mananatili akong option sa 'yo. Hindi ko kasalanang iniisip mo ako lagi. Baka tawag lang ng laman ang nararamdaman mo." Napasabunot siya sa buhok dahil sa sakit ng ulo. "Baka pangangailangan lang ng katawan mo kaya ka nandito sa akin." "Kung pangangailangan lang ang kailangan ko, bakit ako nagseselos kay Kaito?! Bakit gusto ko siyang sigawan dahil pakiramdam ko ay inagaw ka niya sa akin!" NASA HARAPAN sila ng hapagkainan. Ang Tito Simon niya at ang Tito Carmela niya. Katabi naman niya ang tita niya samantalang nasa harapan nila si Cassie at Josh. Hindi na lang sana siya nagpunta dito. E 'di sana ay kasama niya si Kaito at hindi siya nasasaktan sa dalawang nasa harapan niya. Ipapakilala naman pala ni Cassie si Josh. "How old are you, Josh?" maarteng tanong ng tita niya. " Twenty-one na this month, Ma'am." magalang na sabi ni Josh. "Impressive," sabi ng tito niya. "Nasa third year na kayo sa kursong architecture ay twenty-one ka palang. Parehas kayo ng isa ko pang anak na matalino." Tumingin sa kanya ang tito niya kaya napayuko na lang siya. Twenty-one na rin siya next-next month. Tumingin siya kay Josh na tahimik lang na kumakain. "Mag-usap tayo ng tayong dalawa lang, Josh." Sabay sila ni Cassie tumingin sa tito niya dahil sa sinabi nito. Kalmado lang naman ito kaya tahimik na lang siya. "May relasyon ba kayo ni Mr. Bacherro?" Napakunot siya dahil sa tanong ng tito niya sa kanya. "Mr. Bachero?" tanong din ng tita niya. "Kaito Bacherro." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pangalan na binanggit ng tito niya. Magsasalita pa sana siya nang maunahan na siya ng pinsan niya. "Boyfriend ni Sweetness na babaero," malamig na sabi nito. Napabuntong hininga naman siya. Bakit kailangang sabihin niyo ang salitang 'babaero' pero kung tutuusin ay nagloloko naman dito ang nobyo nito. Gustong mapairap sa inis si Sweetness. "Now I know, kung bakit gustong-gusto mong umalis sa bahay na ito," malamig na sabi ng tita niya. "Nag-email sa akin si Mr. Bacherro about sa pag-eexpand ng kumpanyang mamanahin niya sa kumpanya ko, gusto niya din na pormal na pumunta sa bahay ko para umakyat ng ligaw kay Sweetness," nakangiting sabi ng tito niya. Natahimik naman silang lahat dahil sa sinabi ng Tito Simon niya. Tumingin siya kay Josh at nakita niyang titig na titig ito sa kanya. "Mas maganda rin na magkita kami ni Kaito," sabi nito at tumingin kay Josh. "Pasunudin mo siya sa library ko Cassandra." Umalis na ang tito niya sa hapagkainan. Sumunod naman si Josh at Cassie na umalis at magkahawak kamay pa ang dalawa. Napatingin siya sa tita niya nang magsalita ito. "Subukan mong saktan sa kahit na anong paraan ang anak ko, magkakapatayan tayong dalawa, Sweetness. Nakikita ko kung paano ka tumingin sa nobyo ng anak ko. Siguraduhin mo lang na hindi ka tutulad sa nanay mo," malamig na sabi nito bago iwan niya. Napabuntong hininga siya at napahawak sa dibdib niya dahil sumakit na naman 'yon. Sobrang rupok niya pagdating kay Josh. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Alam niya na konting lapit lang sa kanya ng binata ay bibigay siya. KINAKABAHAN SI Josh habang nakatingin sa ama ng nobya na kalmado lang na nakaupo sa sofa sa loob ng library nito. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nakaupo lang siya sa harapang single sofa nito. "Gaano na kayo katagal ni Cassie?" tanong nito. "Two weeks, sir," mahinang aniya. "Hindi ako hahadlang sa kung ano ang relasyon ang meron kayo pero 'wag kang gagawa ng ikakasakit ng mga anak ko..." sabi nito at tumitig sa kanya ng seryoso. "...Mga anak ko, Josh. Nabanggit sa akin ni Cassie ang tungkol sa paghatid mo sa anak kong si Sweetness sa condominium niya. Siguraduhin mo lang na hindi mo guguluhin si Sweetness. Magkakasundo tayong dalawa," malamig na sabi nito. Natigilan naman siya at nahiya dahil sa sinabi nito. Gustong-gusto naman talaga niyang layuan si Sweetness. "Si Cassie ang nobya mo, siguraduhin mo lang na siya lang, Josh, dahil kapag nalaman kong may iba kang babae... Hihilingin mong hindi na lang nabuhay sa mundong ito." Anong gagawin niya? Gustong-gusto niyang makasama si Sweetness, pero mahal niya si Cassie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD