LUMABAS SI Sweetness sa room nila dahil naghihintay sa labas si Kaito. Nakita niyang may kausap itong babae, hinintay na lang niyang matapos ang pag-uusap ng dalawa pero hindi, ilang minuto na siyang naghihintay sa gilid.
Nang mas mapalapit siya kay Kaito. Tinotoo nito ang sinabi. Ang bait nito, lahat gustong ibigay sa kanya, naiintindihan ang oras niya lalo't hindi naman basta-basta ang schedule nila lalo't natatambakan sila ng gagawin.
Si Kaito nagbibigay ng oras nito kahit na abala rin ito lalo't finals.
Hindi siya nito hinahayaan na mag-isa kaya mas nakilala niya ang binata.
Napabuntong hininga na lang siya at nakita niyang tumingin sa gawi niya si Kaito. Nagbago ang walang emosyon nitong mukha ng makita siya.
"There she is," malakas na sabi ni Kaito.
Sumenyas si Kaito na lumapit siya kaya 'yon ang ginawa niya. Nakita niyang hindi gusto ng babae na nandito siya.
Napakunot ang noo niya.
Kilala niya ang babaeng kaharap!
Halos lumuwa ang mga mata niya nang makilala ang babaeng kausap ni Kaito.
Ang alam niya ay model ito sa sikat na sikat na agency dito sa pilipinas.
Shaina Reyes
'Yon ang alam niyang pangalan ng dalagang kausap ni Kaito.
"Shyne, girlfriend ko nga pala," he said softly.
Nakatingin ito sa kanya, nagmamadali naman siyang nilabas ang notebook niya.
Grabe!
Hindi siya makapaniwala!
"Pwede bang magpa-autograph?" tanong niya dahil matagal na niyang nakikita ang dalaga at sobrang sexy nito.
Hindi siya fan na fan pero isang karangalan na makilala ang dalaga. Mas maganda ito sa personal.
Nasasanay na siya sa pagpapakilala sa kanya ni Kaito na girlfriend siya nito kahit para sa kanya ay hindi naman.
Gusto niya pang mas makilala ang binata. Napakabuti nito. Kung tutuusin wala na siyang maibibigay sa binata.
Pero lagi lang siyang hinahayaan ni Kaito. Importante ang bawat desisyon niya ultimo sa pagkain, sa kakainan nila, sa susuutin nito, at maging sa oras kung kailangan siya hindi abala sa mga activities niya.
Nabalik ang atensyon niya kay Shaina. Nakita niyang napataas ang kilay nito.
"My girlfriend is a fan of yours," nakangiting sabi ni Kaito at inakbayan siya. "Sige na, pagbigyan mo na."
Hindi naman nagsalita si Shaina at pinermahan na lang ang notebook niya at nilagay ang pangalan niyang 'Sweetness'.
Ngumiti siya kay Kaito.
"Akin na 'yang bag mo," sabi ni Kaito.
"Busy ba kayong dalawa? Sige ako na lang kakain ng mag-isa."
"Hindi, nagpunta lang siya rito para sabihin sa akin na gusto akong makita nila Dad," nakangiting sabi ni Kaito sa kanya.
Inaayos nito ang mga nakatabing na buhok sa mukha niya ay pinapalikod sa tenga niya.
"Ngayon na ba?" mahinang tanong niya habang nakatingin kay Kaito.
"Hmm-mmm."
"Okay lang, sumama ka na sa kanya," she said softly.
Umiling si Kaito. "Mas gusto kitang makasama, Sweetie. Marami pa akong chika sa 'yo, mamshie."
Natawa siya dahil sa sinabi nito sa kanya. Nasanay na lang talaga siya kay Kaito.
Mas madaldal pa ito sa kanya sa totoo lang at talagang ang daming binubunyag sa kanyang chismis sa university dahil alam naman daw nito na hindi siya updated.
Napailing na lang siya dito at bumulong.
"Mas magandang makasama ang mga magulang," she whispered.
"Mas maganda kapag nakasama mo 'yong mahal mo," sabi nito at humarap kay Shaina na nakatitig lang sa kanilang dalawa. "Pasabi na lang kila Mommy na next time na lang."
Tumalikod na sila ni Kaito at iniwan si Shaina kaya malakas niya itong sinuntok sa tagiliran.
"Ang kapal ng mukha mo, si Shaina na 'yon tapos gaganunin mo lang? Tsaka hindi ko pa nga nasusulit titigan ang ganda niya," nakabusangot na sabi ni Sweetness sa binata.
"Mas maganda ka sa paningin ko."
Hindi siya makapaniwala sa lalaki.
"Wala naman akong ginawang masama," mahinang sabi pa nito.
"Walang ginawang masama? Napapansin ko, ang panget ng ugali mo," biro niyang sabi sa binata.
Tumawa si Kaito dahil sa sinabi niya.
"Dapat protektahan mo ako laban kay Shyne," bulong nito sa kanya kaya napakunot ang noo niya.
Nakita naman 'yon ni Kaito kaya tumawa ito ng malakas.
"Ex ko siya, Sweetie."
"Weah?!"
Gulat na gulat siya dahil sa sinabi nito sa kanya. Natigilan pa nga ito dahil hindi siya makapaniwala.
"Bakit hindi ka naniniwala? Gwapo ang boyfriend mo e," puno ng kumpyansiyang sabi nito.
"Hindi naman kita boyfriend," bulong na sabi niya.
"Mapanakit ka na," nakakunot na noong sabi ni Kaito.
Nauna na siyang naglakad, humarap siya dito, "hindi talaga ako naniniwala na naging nobya mo 'yon. Tanga ka na kasi ginawa ko siyang ex... Pabigat ka sa lipunan, ang kapal pa ng mukha mong sabihin na naging nobya mo ang model na 'yon. Kadiri."
Natawa siya dahil nakita niyang hindi makapaniwala si Kaito kaya naglalakad siya nang marinig niya ang sigaw nito kaya natawa siya.
"Oo nga! Naging ex ko siya! Bakit hindi ka naniniwala?! Pahalagahan mo naman ako! Ang gwapo ko kaya!"
Tinaas niya ang kanang kamay, sign na pinapatahimik niya si Kaito.
"Totoo nga, Sweetie!" sigaw nito at tumakbo papalapit sa kanya.
"Manahimik ka nga, nakakahiya ka," mahinang sabi niya sa binata.
Hinawakan naman nito ang kamay niya ang ngumiti sa kanya ng sobrang tamis.
"Holding hands while walking, kalambot ng kamay mo, Sweetie. What if ipalo ko 'tong bag mo sa 'yo?" biglang tanong nito at tumawa ng malakas.
Napairap naman siya kaso bigla na lang siyang nahilo at napaupo. Bigla rin nanlabo ang paningin niya.
"Sweetness," narinig niyang tawag ni Kaito sa kanya bago siya nawalan ng malay.
Ang sakit ng mga mata niya at ulo.
HINDI MAPAKALI si Kaito, nasa tabi siya ng kama ni Sweetness dito sa clinic sa University nila.
Bigla na lang kasing nawalan ng malay si Sweetness kanina, hindi pa sila kumakain at may klase pa dapat siya kaso hindi niya maiwan si Sweetness ng mag-isa.
Nag-aalala siya sa dalaga lalo at sobrang putla na nito. Hindi niya lang napansin kanina dahil nakaliptint naman ito at nakaayos.
"Kulang siya sa pahinga," sabi ng nurse. "Wala naman siyang lagnat pero mas mabuti kung malaman ko kung ano ang nararamdaman niya bago siya nahimatay."
Tumango naman siya at napatingin kay Sweetness nang nagmulat na ito ng mga mata.
"Okay na ba ang pakiramdam mo? Mas mabuti kung pumunta tayong hospital para matignan ka ng maayos."
"A-ano bang nangyari?" tanong nito at nakita niyang uupo sana kaya tinulungan niya ito.
"Nagpabigay na ako ng excuse letter sa klase mo ngayong hapon, ikaw kung papasok ka pa sa next subject mo, pero mas maganda kung magpatingin kayo sa hospital dahil mas kompleto ang equipments doon, meron akong pregnancy test kit dito, gusto mong subukan?" tanong ng nurse at binigay sa kanila ang isang pregnancy test.
Napakunot ang noo niya at napatingin din do'n si Sweetness bago tumingin sa nurse.
Bumilis ang pintig ng puso niya at kinabahan sa sinabi ng Nurse kay Sweetness.
Nakita siguro nito ang reaksyon nilang dalawa kaya tumawa ito.
"Subukan mo lang, baka buntis ka. Wala bang nangyayari sa inyo?" nakangiting tanong nito. "Baka kasi buntis ka kaya nahilo at nahimatay ka."
Umiling naman si Sweetness. Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Kaito dahil sa sinabi nang nurse.
Hinawakan niya sa kamay si Sweetness dahil kinakabahan din siya. Kahit naman anong isagot nito ay hindi mababawasan ang tingin niya sa dalaga.
Nang sinabi niya sa sariling muling bubuksan ang puso kay Sweetness ay seryoso siya.
Wala siyang pakialam sa nakaraan nito o kung ano pa ang mga tinatago nitong sekreto. Gusto niyang maramdaman magmahal ulit kahit nakakatakot.
Magkasama ang dalawa noon sa cubicle. Hindi siya pwedeng magkamali dahil nagtanong siya sa babaeng lumabas noon sa restroom ng babae sa restaurant noon sa loob.
Umiling naman lang naman ang babae dahil ang tagal ma niyang naghihintay sa labas ng restroom ng babae dahil gusto niya ngang magpaalam kay Sweetness no'n.
Kaya nagtataka siya at pumasok sa restroom ng lalaki at do' niya narinig ang mga nangyari sa isang cubicle kung nasaan si Josh.
Nagpanggap pa siyang umalis at narinig niyang nagsalita si Josh na mas gusto nito sa kumportable.
Pinagsawalang bahala niya 'yon dahil imposible. Hindi naman niya narinig ang boses noon si Sweetness.
Marami namang nangyayaring gano'n kahit hindi niya kilala ang babae kaya hindi siya nag-isip ng kung ano-ano dahil nirerespeto niya din si Sweetness.
Pero nang napadaan ang kotse niya sa likod ng University at nakita na may humintong sasakyan sa harapan niya at nakita niyang lumabas mula duon si Sweetness at itatabi na sana niya ang sasakyan para tawagin ang dalaga ay nakita niyang lumabas din ng sasakyan si Josh at niyakap si Sweetness.
Syempre masakit dahil unti-unti niyang napagtanto na si Sweetness ang babaeng kasama nito at uminom siya ng gabing 'yon bago naisipang i-chat si Sweetness.
"May menstruation po ako, imposibleng buntis ako."
Nakahinga siya dahil sa sinabi ni Sweetness.
"Kung gano'n ay baka kulang ka lang sa pahinga. Mas maganda kung papatingin sa doctor."
Iniwan na sila ng nurse kaya ngumiti siya kay Sweetness.
Oo, hindi niya alam ang gagawin niya kapag nalaman na buntis si Sweetness. Nasa part palang siya ng pag-intindi sa sitwasyon na meron ang dalaga sa kaibigan niya.
Pero hindi no'n mapipigilan ang kagustuhan na mahalin si Sweetness.
Mas nakilala niya ang dalaga nang magsimula silang mag-open sa isa't-isa.
Kung nakuha na nito si Sweetness ay okay lang. That thing wasn't a big deal to him.
That f*****g peace of s**t doesn't bother him anymore.
It's not a big deal.
Nakailang babae na rin naman siyang nadala sa kama niya at napasukan, bakit magiging unfair siya sa babaeng iibigin?
Para sa kanya ay hindi naman 'yon ang basihan ng pagmamahal.
Kung malalim na nga ang nararamdaman niya kay Sweetness ay ipaglalaban niya ito.
"Kumain na tayo, tapos pupunta tayong hospital."
Tumingin naman sa kanya si Sweetness at tumango. Inalalayan niya itong makababa at magkahawak kamay silang naglakad papalabas sa clinic.
Mukhang nahihilo pa si Sweetness dahil humilig ito sa balikat niya kaya napangiti siya habang naglalakad sila.
Minsan lang ganito sa kanya ang dalaga.
"Wala ka bang pasok?" mahinang tanong nito sa kanya.
"Mas importante ka," he said softly.
Natigilan naman ang dalaga dahil sa sinabi niya. Kung laging siya ang kasama nito ay siguradong mahuhulog ang dalaga sa kanya.
"Thank you, sa unang pagkakataon. May nagbantay sa akin habang mahina ako."
"Mahal kita e," bulong niya. Doon din naman papunta 'yon. Unti-unti na siyang nagbubukas. Worth it naman ang dalaga.
Sumugal siya kaya handa siya.
Natigilan na naman ang dalaga kaya napangiti na lang siya.
"Malabo na ang mga mata ko. Kailangan ko ng magsalamin, Kaito. Baka isa 'yon sa dahilan kung bakit ako nahilo," sabi nito sa kanya.
"Okay sige, magpacheck up ka muna ng mga mata bago tayo pumunta sa hospital."
Umiling-iling si Sweetness, "hindi na kailangang pumunta sa hospital. Kulang lang ako sa pahinga dahil sa sa subject naming HOA. Wala akong pahinga habang gumagawa ng plates. Sobrang dami kong dino-drawing."
Tumango-tango naman siya.
"Ikaw ang masusunod, Sweetie."
Makukuha niya rin ang puso ni Sweetness. Ngayon pa ba na hindi naman hadlang si Josh dahil may Cassie na ito.
Takot na lang ni Josh sa kanya dahil subukan nitong kalabanin siya. Hindi nito magugustuhan ang gagawin niya.
Magulo lang siyang kasama pero mas nakakatakot magalit ang mga katulad niya.
KUMAWAY SIYA kay Kaito dahil maya-maya lang ay start magsisimula na ang practice nila sa volleyball.
Mapilit kasi ito kahit na sakit ang ulo niya dahil nga sa plates nila sa HOA, mababaliw na siya dahil biglaan ang pasok ng mga gagawin nila sa HOA.
Gusto niyang pasabugin ang History of Architecture na 'yan.
Napatingin na lang siya sa harapan niya nang umupo si Cassie doon at nakita niya si Josh na naglalakad at suot na ng jersey nito.
Mercadez Jr.
Napabuntong hininga siya at nilabanan ang sakit na nararamdaman niya. Bigla-bigla na lang siya nitong sinuko dahil nga lang kay Cassie.
Ang nakakagulat pa ay hinayaan niya lang ito.
Pinanood niya na lang hanggang sa naghati sa dalawang grupo sila Josh at nagsimulang maglaro.
Sabi kasi ni Kaito nagpupustahan sila sa paglaro ng volleyball. Para raw hindi boring ang practive. Nanonood lang ang coach nila Josh.
Magkasama si Josh at Kaito.
Ang alam niya ay setter si Josh dahil minsan ay hindi ito pinapasok dahil hindi nakikipag-practice.
Ang alam niya ay kailangang buhatin ng setter ang laro, ibig sabihin ay madiskarte ito kung kanino niya i-se-set ang bola.
Nanood na lang siya hanggang sa nagkakainitan na at halatang naiinis na si Kaito dahil ayaw i-set ni Josh ang bola sa kanya.
Open spiker si Kaito kaya mas focus ito sa gilid at madalang nakakascore kapag nasa gitna ito lalo't hindi nga siya pinapasahan ng bola ni Josh.
Si Josh talaga ay hindi man lang niya nakitang pinasa nito kay Kaito ang bola kaya nakikita niyang naiinis na ang gwapong mukha ni Kaito.
Kanina lang ay nakikita niya pa itong nakikipagbiruan sa mga kasama, ngayon ay inis na inis na ang gwapong mukha nito.
Napailing na lang siya.
Hanggang sa si-net ni Josh 'yong bola kay Kaito. Since akala ni Kaito ay hindi siya papasahan ni Josh ay hindi niya inaasahan ang bola kaya hindi siya naka-bwelo.
Hanggang sa hinabol pa rin ni Kaito ang bola at hindi niya namamalayan na tumama na siya sa poste kung nasaan nakakabit ang net.
Napatayo siya dahil napahawak si Kaito sa ilong nito.
Nagsitakbuhan naman ang mga kasama nila Kaito rito.
Pero si Josh ay lumapit lang sa pwesto ni Cassie at dahil nasa itaas na bahagi siya nito ay napatingin sa kanya si Josh. Nginisian pa siya nito bago tumabi kay Cassie na pinupunasan na ang pawis ni Josh.
Hindi man lang ito nag-sorry o lumapit kay Kaito.
Nagmamadali siyang lumapit kay Kaito na inalalayan nang tumayo.
Nakita kong puno ng dugo ang kamay nito pati na rin ang jersey na suot.
Kulay puti kasi ang jersey nila.
"Ayos ka lang ba?" Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at lumapit kay Kaito na naglalakad naman na palapit sa kanya.
Umupo silang dalawa.
"Tanggalin mo 'yang kamay mo, Kai," mahinang sabi niya kaya ginawa ni Kaito.
Nakita niyang patuloy pa rin sa pagdugo ang ilong nito at pati pala ang loob ng labi nito ay nahiwa dahil sa pagtama sa ngipin nito.
Lumapit ang isang kasama nila Kaito at nagbigay ng towel at tumig.
Dahil nga nakaupo si Kaito at nakatayo siya ay nakahawak ang kamay nitong malinis sa bewang niya at nakatingala sa kanya.
Para rin tumigil sa pagdugo ang ilong nito.
"Are you okay? Pumunta ka na sa clinic!" sigaw ng coach nila.
"Ayos lang, Coach Arman!" sigaw ni Kaito at binuhos ang bottle na puno ng tubig sa katawan niya bago sa towel at pinunasan ang dumudugong labi at ilong.
Nakatitig lang siya sa binata.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya.
Nakita niya ang pagtama nito sa bakal na poste.
Bigla kasing binato ni Josh ang bola kay Kaito, hindi naman naka-ready si Kaito.
"Pumunta na tayo sa clinic," bulong na sabi niya kay Kaito.
Umiling naman si Kaito at tumingin sa gawi nila Josh at nakita niyang nakatingin din sa kanila si Josh.
Napabuntong hininga siya.
"'Tang'nang Josh," bulong ni Kaito at pinunasan na naman ang ilong na tumigil naman sa pagdugo.
"Huwag mo na kasi silang tignan," suway niya sa binata.
Nagkasugat din kasi sa side ng ilong niya at sa loob ng labi niya.
Nasugat dahil sa ngipin nito.
"'Wag ka ngang tumingin sa kanila, aksidente lang naman ang nangyari."
Hindi naman kasi siya sigurado kung sinadya talaga ni Josh 'yon. Dahil nga trabaho naman nitong ipasa ng maayos ang bola sa mga spiker at mga kasama.
"Hindi na ba ako pogi?" nagulat siya nang biglang lumingon si Kaito sa kanya at nagtanong.
Nagbago agad ang emosyon sa mukha ng binata.
Para na naman itong bata.
"H-huh?"
"Siguro naiinggit si Josh, 'no? Mas pogi kasi ako sa kanya kaya gusto niyang sirain ang mukha ko," tumatawang sabi ni Kaito.
Napangiti naman siya at napailing-iling.
Inayos niya ang salamin na suot.
Ang taas din ng grado ng mata niya at hindi na siya nagulat.
"Siraulo ka."
Humawak sa noo si Kaito at umiling-uling. Tumutulo ang tubig sa basa nitong buhok.
Baka mapasma ito dahil nga pawisan tapos pinaligo pa 'yong malamig na tubig.
"Magshower ka na, baka magkasakit ka," mahinang sabi niya rito.
Tumayo naman si Kaito at naglakad papunta sa gamit nito bago bumalik sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
Si Kaito na rin ang nagtaas ng salamin niya kaya nagtaka siya at nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hipan ang mga mata niya.
"Gago ka talaga!"
"Baka napuwing ka. Advance ako mag-isip!"
"Bobo," inis na sabi niya kaya mas lumabas ang taw nito.
Naglakad na lang siyang magkahawak ang kamay.
Madadaanan kasi ang pwesto nila Josh bago makapunta sa shower room dito sa court ng volleyball kaya nanlaki ang mga mata niya nang tumigil si Kaito sa paglalakad..
"Hindi ka magsosorry?" tumigil sila sa harapan nila Josh na tahimik lang na umiinom nang tubig samantalang si Cassie ay pinupunasan ang pawis nito.
"Parang 'di naman na bago sa 'yo 'to, pre. Parte 'to ng laro, tanga mo kasi binubunggo mo 'yung mas matigas sa 'yo," tumatawang sabi ni Josh.
Talagang ganito naman ang ugali ni Josh. Hindi niya rin alam kung nakikipagbiruan ba ito o seryoso.
"Bobo kasi nang pag-serve mo, epekto ng 'di nakikipractice, tae" sabi ni Kaito at humawak ang malayang kamay nito sa ilong nito.
"Sorry man, dapat anytime baka ipasa sa 'yo ang bola, open spiker ka dapat alam mo 'yon," pabalang na sabi ni Josh at tumayo na rin.
Naging alerto naman siya at hinawakan sa braso si Kaito.
"Kai, tara na," bulong niya rito.
Napahawak sa batok si Kaito na halatang nagpipigil ng inis.
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay nito.
"'Tangina, sorry lang hindi pa magawa. Bobo na nga sa laro, panget pa ng ugali."
Nakasunod sila kila Josh na halatang mag-sho-shower na rin.
Buti at hindi narinig ni Josh ang sinabi ni Kaito.
Pinaupo siya ni Kaito sa waiting area sa labas ng shower room.
"Hintayin mo lang ako, bibilisan ko para makakain na tayo sa labas," nakangiti nitong sabi bago pumasok sa loob ng shower room dala-dala ang towel nito.
Napapikit na lang siya at tinanggal ang salamin niya.
Negative 275 sa right eye habang sa left naman ay negative 300.
Nakuha niya rin naman agad, two hours lang silang naghintay at bumalik din sa university para pumasok sa last subject ng tanghali.
Tapos nanood naman siya nang practice ng mga ito.
Napatingin siya sa oras sa phone niya.
6:34 pm
Magdi-dinner sila sa labas ni Kaito.
"Ang lakas mo talagang lumandi, 'no? Makikipagpustahan ako, kapag nagsawa na si Kaito sa 'yo ay iiwan ka rin niya agad-agad," nang-iinsultong sabi ni Cassie sa kanya.
Hindi na lang nito ito pinansin at hinayaan na insultuhin siya.
Nakarinig na lang sila nang bangayan sa loob ng shower room kaya kumunot ang noo niya.
Kahit na naririnig nila ang hagaspas ng tubig sa sahig ay nakakarinig pa rin sila na parang may nag-aaway sa loob.
Tumayo siya at sabay silang kumatok ni Cassie, naririnig din pala ni Cassie
"Kai!"
"Joshua!"
Sabay na tawag nilang dalawa.
Gusto niyang buksan ang pinto dahil hindi naman nakalock pero baka makita niyang hubad-hubad sila Josh.
NAPANGISI SI JOSH nang bigla na lang siyang sinandag sa pader nu Kaito na masama ang tingin sa kanya.
"Bakit?" nakangisi niyang tanong dito. "Totoo naman ang sinabi ko, gagawin mo lang isa sa mga babae mo si Sweetness. Bakit nasasaktan ka?"
Hindi niya kasi alam kung bakit biglaan na lang kung lumapit ito kay Sweetness. Minsan nga lang itong pumunta sa Department nila Josh kung tutuusin.
Hindi na sila nagpapansinan ng dalaga at meron sa loob niya na nagagalit dahil mukhang wala nang pakialam sa kanya ang dalaga kasi meron na agad Kaito na umaaligid-aligid dito.
"'Wag mo akong itulad sa 'yo na gustong maging parausan si Sweetness," madiing sabi nito sa kanya.
Nagulat naman siya dahil sa sinabi nito. Biglang nanlamig ang katawan niya.
Fuck!
"Parausan?"
"Akala mo hindi ko alam? Bobo ka kasi, kaya nawala sa 'yo si Sweetness."
Sinabi ba ni Sweetness dito?! Nagtagis ang bagang ni Josh at malakas na tinulak si Kaito at sinuntok.
Galit na galit siya dahil bakit nalaman ni Kaito na meron kung anong namaginat sa kanila ni Sweetness.
Bigla siyang napahiya lalo't pinagsalitaan pa naman niya si Kaito.
"Alam mo, ginago mo ako noong nag-lunch tayong tatlo nila Sweetness. Doon palang naghinala na ako pero 'di ba si Cassie ang mahal mo kaya hinayaan kita..." sabi nito at ngumisi sa kanya. "... Pero nang makita kong magkayakapan kayo sa gilid ng daan noon. 'Tangina mo, hinding-hindi ko isusuko sa 'yo si Sweetness."
Nakita nito ang pagyakap niya kay Sweetness.
Kaya ba alam nito? Hindi dahil sa sinabi ni Sweetness dito?
"Tapos na ang kung anong meron sa amin ni Sweetness," mahinang sabi niya at tumitig sa mga mata nito.
"Alam ko, kaya nga girlfriend ko na siya, 'di ba? Bobo ka e."
May relasyon na nga ang dalawa kaya bigla-bigla na lang siyang tinalikuran ni Sweetness.
Ngayon may nag-aalaga na rito ng tama. Daoat hayaan na lang niya.
Kung bakit gusto na rin nitong itigil ang kung anong meron silang dalawa kaya dapat ayos na sa kanya.
"Sa 'yo na siya. Isang pagkakamali ang kung anong namagitan sa aming dalawa ni Sweetness. 'Wag mo lang siyang sasaktan."
"Hinding-hindi ko siya sasaktan, 'tangina mo. H'wag mo akong itulad sa kabobohan taglay mo. Let Sweetness be happy with me, you can't take care of her."
Tumalikod ito sa kanya. Natigilan kasi siya sa sinabi nito.
Mabuti na rin talaga ito. Wala nang magiging komplikasyon sa relasyon nila ni Cassie, baka magkaayos pa ang magpinsan. Ayos na siya, ayos na ayos na.
"Alagaan mo si Sweetness, ikaw lang ang masasandalan niya."
"You don't need to command me anymore. I can protect her, especially from someone s**t like you," madiing sabi nito at lumabas na sa shower room at alam niyang magbibihis na ito sa locker area.
Okay na ito, okay na si Sweetness sa pangangalaga ni Kaito. Ayos na siya. Ayos na ayos na siya.
Pwede ko na siyang hindi isipin. Okay na siya kay Kaito.
Okay na rin ako.