Chapter 14

3351 Words
NANGMAMADALI ang lakad ni Sweetness dahil nakita niya si Kaito. Papasok ito sa Architectural Department. Ayaw niyang makausap si Kaito lalo't nalaman nito ang sekreto niya. Natatakot ito sa panghuhusgang sasabihin nito sa kanya kaya minabuti niyang layuan na muna ang binata. Bakit ang aga niyang pumasok? Hindi niya sinagot ang mga tawag at text nito sa kanya kagabi. Lutang nga siya habang nag-vivideo call sila ni Josh. Pawala-wala rin naman si Josh dahil tumatawag dito si Cassie. Mas binilisan niya ang lakad niya kaso humarang si Kaito sa harapan niya at titig na titig sa kanya. "Good morning," walang emosyong bati nito sa kanya. Inasahan na niya ito. "K-kaito," kinakahabang tawag niya dito. Parang ayaw na niyang pumasok ng maaga kung si Kaito lang din ang makikita niya. Alam ba nitong si Josh at Cassie na? Kapag alam nito at nakita siya nito na magkayakap sila ni Josh, magkakagulo na naman sa pagitan nila ni Cassie. "Susunduin kita later," may diing sabi nito. "Huwag kang tatanggi. Kahapon pinagbigyan kita." "Kaito, hindi ako pwede," sabi niya at lalampasan na sana ito nang pigilan siya nito. "Sila ni Cassie, tapos kabit ka? Why do you let Josh treat you like this?" Nasaktan siya dahil sa tanong nito sa kanya. "Wala kang paki-alam," sabi niya at tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Sweetness!" malakas na tawag nito sa kanya kaya malalaki ang matang tumingin siya rito. Namumula ang gwapong mukha nito. "Ginago na niya ako noong nag-lunch tayong tatlo. Magkasama kayo noon sa cubicle. Babae ka, hindi basta babae lang. Bakit kailangan mong bumaba para abutin ka ni Josh? Bakit ikaw ang bumababa?" Nanlamig siya sa tanong niyo, naikuyom niya ang kamao niya dahil sa kaba. "Oo, magkasama kaming dalawa noon sa cubicle. Wala kang pakialam kung ano'ng gawin ko sa buhay ko Kaito." Lumingon na siya dito nang tuluyan. "Ano'ng ginawa namin? Alam kong may idea ka kung ano ang nangyari... Ngayon, bakit ginugulo mo pa ako!?" "Don't you understand?! Because I like you! I want to love you, Sweetness!" sigaw nito habang nakatitig sa kanya. "Hindi mo kailangang ibaba ang sarili mo sa kanya kasi nandito naman ako! Kaya kong mag-stick sa 'yo! Kaya kong makuntento sa 'yo na hindi kaya ni Josh! Bakit kailangan sa walang kwentang tao mo ipagsisiksikan ang sarili mo? I can love you!" Napakagat siya sa ibabang labi. Kelan niya lang ba nakilala si Kaito? Bakit ang bilis nitong guluhin siya?! "Mahal ko si Josh, saan doon ang hindi mo maintindihan? Bakit ba ginugulo mo ako? Layuan mo na lang ako," mahina niyang sabi. "Sana kaya kong gawin 'yan. Ngayon pa na napunta na sa 'yo ang atensyon ko? Hindi kita hahayaan na gano'n-ganonin na lang ni Josh, Sweetness. Tang-ina hindi ako papayag!" "K-kaito..." "Susunduin kita mamaya." Mapilit talaga ang binata. Iniwan siyang mag-isa ni Kaito kaya napasabunot siya sa buhok niya. Bakit ba ginugulo niya ako? HINDI MATAWAGAN ni Josh si Maika. Nag-aalala na siya rito. Pasimple siyang napatingin kay Cassie at nakita niyang nagsusulat ito. Napangiti na lang siya dahil sa ganda nito. Nang makita niyang busy naman ito ay lumingon s'ya kay Sweetness na nakatulala na nakatingin sa bintana. Wala itong katabi. Dati-rati ay kasa-kasama ito nila Cassie. Napabuntong hininga na lang siya at pasimpleng nilabas ang cellphone para i-text si Sweetness pero tila walang narinig dahil sila rinig na rinig nga ang pagtunog ng cellphone nito dahil nga sobrang tahimik. Hindi naman nag-react ang prof. nila at patuloy sa pagle-lecture. Ano'ng iniisip nito? Napatingin na lang siya kay Cassie nang umupo ito sa tabi niya. "Saan tayo later?" nakangiti nitong tanong sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at ibinaba at pinatong nito sa legs nito ang magkahawak nilang kamay. "Saan mo ba gusto?" tanong niya at tumingin sa gawi ni Sweetnessbat nagpasalamat siya dahil sa bintana pa rin ang tingin nito. "Ikaw naman bahala kung saan tayo mamaya," malambing na sabi nito at napatingin sa magkahawak nilang kamay. Mabilis ang t***k ng puso niya habang nakahawak si Cassie sa kamay niya. Ito lang ang pinapangarap niya dati, ngayon ay nararamdaman na niya. "Tapos na plates mo?" tanong nito habang naka-focus sa pag-susulat. Magulo ang sulat nito, siguro ay i-rerewrite nito sa ipad nito. Napailing na lang siya at tinignan ang sariling ipad para tignan ang ine-sketch niya kanina pa. Wala siyang balak na magsulat. Tinatamad siya. Napangiti na lang siya nang tumunog na ang bell na hudyat na tapos na ang klase nila. Mas gusto nilang meron ito kahit napaka-batang pakinggan. Nasitayuan na ang mga kaklase nila kaya bibitaw na sana siya sa pagkakahawak sa kamay ni Cassie nang mas higpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya. "Hindi ako pinayagan ni Daddy na magkaroon ng condo," malungkot na sabi nito kaya humarap siya rito at hinawakan ang pisngi nito. "Hindi mo naman kailangan na magkaroon no'n." "Kailangan ko," malungkot na sabi ulit nito. "Bakit mo naman kailangan?" tanong niya at inipon ang humaharang na buhok sa maganda nitong mukha sa likod ng tenga nito. "Para mabantayan ka." Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Napansin siguro 'yon ni Cassie. "Alam kong hindi titigil si Sweetness hangga't hindi ka nakukuha sa akin, magkaparehas lang sila ng Nanay niya," madiin nitong sabi. Hindi siya nagsalita at binitawan ang kamay nito para mag-ayos na. Pasimple siyang tumingin siya sa gawi ni Sweetness at napakunot ang noo niya nang makitang wala na ang dalaga. "Josh, hindi ka naman lumalapit kay Sweetness, 'di ba?" Mabilis siyang umiling at ngumiti sa girlfriend niya. Napag-usapan na nila ni Sweetness ang bagay na ito. Pumayag naman ang dalaga sa gusto niya. Hindi naman niya kayang iwan si Cassie. Nalilito lang siya, hindi niya mapigilan ang kung anong nararamdaman kay Sweetness. "Siguraduhin mo lang talaga, Joshua," malamig na sabi nito at tumayo. Napabuntong hininga siya at inayos ang mga gamit niya. Nag-text siya kay Sweetness dahil biglaan na lang ito nawala. Tinanong niya lang kung nasaan na ito. Kaso wala siyang na-receive na reply kay Sweetness kaya inopen niya ang application ng Gcash niya at pinasahan ng one hundred load si Sweetness kasi baka wala itong load. Imposible kasing hindi mag-reply sa kanya ang dalaga. "Let's go, Josh." Napatingin siya kay Cassie kaya agad siyang tumayo at kinuha ang mga gamit na dala nito. "Dito na lang malapit sa University tayo kumain. Okay lang ba?" tanong niya dito at muling hinawakan ang kamay nito. Ngumiti naman ito sa kanya at tumango. "Kaya mong maglakad?" tanong niya dito. "Hmm-hmm," hinilig nito ang ulo sa balikan niya kaya mas bumilis ang t***k ng puso niya. Napailing na lang siya at naglakad papunta sa locker area nila sa hallway. Una niyang binuksan ang sa kanya at hinayaan din si Cassie na ito na ang maglagay ng gamit sa locker nito. Tumingin siya sa cellphone niya dahil wala pa ring reply si Sweetness. Sayang one hundred pesos ko. Napa-pout siya habang nakatingin sa cellphone niya at nagulat na lang nang halikan siya ni Cassie sa labi. "Bakit naka-pout ka?" Titig na titig siya sa maganda nitong mukha. Nakangiti ito sa kanya at halatang masayang-masaya. Siguro namula ang pisngi niya dahil sa biglang paghalik nito sa kanya. "Aw, my baby Joshua," malambing na sabi ni Cassie kaya napaiwas siya ng tingin dito. Hindi siya makatingin sa nobya kaya ang ginawa na lang niya ay tumalikod dito. "Halika na," muntik na siyang mautal. "Nag-blu-blush ka, Josh!" tunatawang asar sa kanya ni Cassie at tumakbo palapit sa kanya at humarang na dinaraanan niya at paatras na naglakad. "Stop, Cassie." "Woah! Mahal na mahal mo ako, 'no?" tumatawang asar nito sa kanya kaya napailing na lang siya at humawak sa balikat nito at pilit na pinaharap. "Baka matumba ka," malambing na sabi niya. Malambing niyang tinutulak si Cassie paabante at nakahawak pa rin siya sa balikat nito, samantalang si Cassie naman ay patuloy siyang inaasar kaya natawa na lang siya. "Tumigil ka na." Tumawa lang si Cassie at hinayaan siyang manatili sa likod nito. Hindi niya akalain na may ganitong ugali ang nobya. Unti-unti niyang nakikilala ito at masaya dahil doon. Mukhang mas lalalim ang nararamdaman niya dito kung patuloy nitong pinapadama sa kanya ang ganito kabilis na pintig nang puso niya kapag kasama ito. Ang masakit lang ay niloloko niya ito. Hanggang ngayon ay hindi niya makaisip ng paraan para labanan ang kung ano sa katawan niya na gustong makasama si Sweetness. Nababaliw na siya! TAHIMIK LANG na nakaupo si Sweetness habang kumakain sila ni Kaito. Kadadating lang ng order nila ay kumain agad si Kaito at hindi ito nagsasalita. Tahimik siyang kumain din kaso nahagip ng mga mata niya ang papasok na sila Josh at Cassie sa restaurant kung nasaan sila ni Kaito. Tumingin sa kanya si Kaito at napansin na nakatingin siya sa glass door kaya tumingin din duon si Kaito. Nagulat na lang siya nang tumayo si Kaito at kumaway kila Josh. "Josh!" nakangiti ito na parang walang nangyayari. Tumingin naman sa gawi nila si Cassie at Josh. Nagtama ang paningin nilang dalawa ni Josh at nakita niyang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Kaito. Biglang bumulong si Kaito. "'Tangina, maglalaro tayo." Nanlaki ang mga mata lalo nang lumapit si Kaito kila Josh at kinausap ito. Masama namang nakatingin sa kanya si Cassie. Napabuntong hininga siya at umiwas nang tingin sa mga ito. Kung wala lang talagang alam si Kaito ay maiintindihan niya pa kung bakit bigla nitong kinausap sila Josh, pero alam nito, ano'ng binabalak nito? Napatingin naman si Sweetness kila Josh nang makita niyang umupo ang mga ito sa harapan niya. Habang si Kaito ay inililipat ang mga pagkain nito sa tabi niya. "Mag-order na lang kayong dalawa," mahinang sabi ni Kaito at umupo naman sa tabi niya. Tumitig muna siya kay Cassie bago yumuko ng makita niyang nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Narinig niyang tumawag ng waiter si Cassie at um-order na. Nakayuko lang siya at nilalaro ang pagkain sa harapan niya. "We have practice later, Josh. You must go because our coach is already angry. Hindi ka kasi nakikipractice," malamig na sabi ni Kaito. Kumain lang ito na para bang hindi nakakailang. "Hindi ako pwede mamaya," sabi ni Josh. "You must leave then," maanghang na sabi ni Kaito at tumingin kay Josh. Nagkatitigan 'yong dalawa bago nagsalita si Kaito. "You come in as a volleyball player but you can’t stand it," malamig na sabi nito. Buti na lang ay dumating na ang order nila Cassie kaya kahit papaano ay tumigil si Kaito. Wala na ang laging nakangiting Kaito na nakasama nila ni Josh noon. "Susubukan kong maki-practice mamaya, pero hindi ako nangangako. Kapag hindi ako nakapunta mamaya, sige..." uminom ng tubig si Josh. "... Aalis ako sa grupo." Tumingin sa kanya si Josh kaya napaiwas na naman siya ng tingin dito. "Do you have a relationship with Sweetness?" nagulat siya sa tanong ng pinsan kay Kaito na kalmado lang na kumakain. Uminom ito ng tubig bago binunasan ang bibig ng table napkin. "What if there is?" Nagulat siya sa tanong din ni Kaito kay Cassie. Tahimik lang naman sila ni Josh at naramdaman niyang may bumunggo sa mga paa niya kaya napatingin siya kay Josh na masama ang tingin sa kanya. "Wala naman sigurong masama kung meron man kaming relasyon," sabi nito at ngumiti sa kanya bago kay Cassie. "Single naman kaming dalawa ni Sweetness bago pumasok sa isang relasyon. Wala naman kaming natatapakan na ibang tao." "Alam mo bang nilalandi niya ang boyfriend ko?" malamig na tanong ni Cassie kay Kaito kaya tatlong pares ng mga mata ang nakatingin na kay Cassie. "Cassandra, please," may diing tawag ni Josh dito. Hindi naman natinag si Cassie dahil nakipagtitigan ito kay Kaito na nakatitig din kay Cassie. Narinig na lang siya na tumawa si Kaito at humarap kay Cassie. Nilalaro na ni Kaito ang mga daliri ni Sweetness na tahimik lang. Nakatitig doon si Josh. "Are you flirting with Jeffrey?" tanong ni Kaito sa kanya. Jeffrey? "Who is Jeffrey?" tanong ni Cassie habang masamang nakatingin kay Kaito. "Hindi ba't 'yon ang boyfriend mo? Nakita ko kayo noong isang araw na magkasama," sabi ni Kaito. Napakunot naman siya ng noo at napatingin kay Josh na nakakunot din ang noo habang nakatingin kay Cassie. Tumingin naman si Cassie kay Josh bago kay Kaito. "You're malicious, aren't you? Hindi porke't nakita mo kami ni Jeffrey na magkasama ay siya na ang boyfriend ko. Bobo ka ba? Kapag ba nakita mong magkasama si Josh at Sweetness, iisipan mong may relasyon sila agad-agad?" nakakunot na ang noo ni Cassie. "Kaito, tumigil ka na. Hindi mo kailangang insultuhin si Cassie. Ako ang boyfriend niya," sabi ni Josh. "You two are kissing," sabi ni Kaito at ngumiti kay Cassie. Nakita niyang kumuyom ang kamao ni Josh kaya hinawakan na niya sa balikat si Kaito. "Halika na Kaito. May klase ka pa, hindi ba? Hayaan na natin silang kumain kararating na lang nila pakiusap. Ayaw ko ng gulo," pabulong na lang sa binata ang huling salitang tinuran niya. "Tang-ina dalawang manloloko, nakakahinga pa ba sila?" malamig na bulong din sa kanya ni Kaito. Napabuntong hininga siya. Pilit na niyang pinapatayo si Kaito na nakipagtitigan kay Cassie. Alam niyang magkakagulo kapag magtatagal pa si Kaito. Alam niyang wala sa mood ang binata dahil pakiramdam niya ay galit ito. Gano'n din si Josh. Nakita niyang nagkaroon ng tensyon kay Josh. "Sorry, I thought you had no relationship with Josh. Shouldn't I say what I saw? Because it's really you and Jeffrey, sorry bud. I didn't know," mahinang sabi ni Kaito na nakahawak na sa kamay ni Sweetness. Pero nakita niya ang ngisi sa bibig ni Kaito. Napahawak na si Josh sa panga niya na mukhang nagtitimpi lang. "I told you that Cassie and I had a relationship, three days ago. Why are you insulting her?" malamig na tanong ni Josh kay Kaito. "Sinasabi ko lang ang nakita ko. Mabuti kung kayo na nga, pasensiya na kung nagsasabi lang ako ng totoo. Kami na rin ni Sweetness. Mabuti kung parehas tayong pro-protektahan natin kanya-kanya nating nobya, Josh. Hindi ko gusto ng gulo." Gulat siyang napatingin kay Josh at nakatingin din ito sa kanya kaya agad siya umiling ito para ipaalam dito na hindi naman talaga sila ni Kaito. Hinala na siya papalabas ni Kaito sa restaurant. Masama niya itong tinignan at winaksi ang kamay na nakahawak sa kamay niya. Malakas niyang sinampal si Kaito. Ang kapal ng mukha nito! "Bakit mo ginawa 'yon?! Baliw ka na ba?! Bakit ba gano'n ka?!" Gusto niyang maiyak dahil sa nakita niyang reaksyon ni Josh nang sinabi ni Kaito na may relasyon silang dalawa. Nakakainis! "Bakit ginagawa mo ito sa sarili mo, Sweetness? You were not born just to be a reserve of any man," masinsinan nitong sabi sa kanya. Umiiyak na siya kaya hinatak siya nito papunta sa kotse nito. 'Pinanganak ka pinanganak para maging isang reserba ng kahit na sinong lalaki' Nakahawak sa magkabilang pisngi niya si Kaito. Puno ng paghanga siya nitong tinignan. "Hindi ko gagayahin si Josh, hindi mo deserve ang walang title sa buhay ng isang lalaki," he said softly. Hinalikan siya nito sa noo. "Alam kong ngayon mo lang ako nakilala, pero ipapakita ko sa 'yo ang isang tunay na lalaki na hinding-hindi mo makikita kay Josh, hindi ko alam kung bakit kailangan mong manatili sa tabi niya kahit tinatago ka niya," malambing na naman nitong sabi. Umiyak lang siya ng umiyak. Na kay Josh ang puso niya pero na kay Kaito ang isip niya. Tagos na tagos sa kanya ang sinabi nito. May lalaki nang gagawin siyang mundo. Hindi niya nakailangan makipagsiksikan sa ibang lalaki kasi meron nang lalaking nagbigay sa kanya ng maluwag na space at hindi hahayaan na makipagsiksikan siya para mapansin. Meron nang gustong manatili sa kanya. Pinapahirapan ako ni Kaito. NAGLALAKAD si Josh at si Cassie papasok na sa department nila dahil may klase pa sila. Hindi niya kinakausap si Cassie na tahimik lang naman. Hindi na sila nakakain ng maayos dahil sa nangyari. Ano bang pinagsasabi ni Kaito? Mukhang totoo ang sinasabi nito dahil hindi man lang nakapagsalita si Cassie para ipagtanggol ang sarili nito. Sobra na ang inis niya kay Kaito lalo na't pinipilit nitong may relasyon si Kaito at Sweetness. Kahit pa umiling si Sweetness sa kanya kanina ay hindi siya kumbinsado. Akala niya nagkaliwanagan na sila ni Sweetness. Ang kinaiinisan niya pa ay dapat hindi siya nagagalit sa ideya na may nobyo na si Sweetness! Tang-ina deserve ni Sweetness na piliin. Bakit kailangan niyang magalit kung may lalaki nang nagmamahal dito?! Karapatan naman nitong magkanobyo dahil siya nga ay may nobya na.. Napahawak siya sa batok niya at napatingin kay Cassie nang hawakan nito ang kamay niya at huminto ng malapit na silang makapasok sa building kung saan ang department nila. Buti na lang at mapuno sa University nila dahil nakasilong sila at hindi nasisinagan ng araw. "Josh, about sa sinabi ni Kaito, oo, naghalikan kami ni Jeffrey pero siya ang nanghalik sa 'kin. Lasing ako noon," pagtatanggol ni Cassie sa kanyang sarili at hinawakan siya sa leeg. Hindi siya nagsalita dahil masakit ang dibdib niya. "Josh, seryoso ako sa relasyong meron tayong dalawa. Pinatawad naman kita nang makita ko kayo nang gabing 'yon at pinili pa rin na maging nobyo ka, sana hindi ka rin mag-isip ng kung ano sa akin," sabi nito. Napabuntong hininga siya at niyakap ito. Hindi niya alam ang sasabihin niya. "Mag-usap na lang tayo mamaya. May klase pa tayong dalawa. Dadaan na muna ako sa library, ikaw naman ay pumasok na," sabi niya at ngumiti sa dalaga na nakatitig sa kanya. "Hindi ka naman galit, 'di ba?" "Hindi naman akong mababang lalaki, Cassie. Hindi kita basta-basta iiwan dahil lang sa may nakahalikan ka, lasing ka, hindi ba? Sapat sa saking dahilan 'yon." Sinabi niya 'yon dahil nagkakasala rin naman siya sa dalaga pero hindi niya gusto na may ibang lalaki itong hinahalikan. "Hindi na, Josh. Sapat ka na kaya bakit pa ako hahanap ng iba?" Ibig sabihin ay hindi sapat si Cassie kasi hinahanap hanap pa rin niya si Sweetness? Gusto niyang pasabugin ang sarili dahil sa inis. Pinapatay siya ng mga pumapasok na katanungan sa isip niya na hindi niya masagot sagkt. "Sige na, Cass. Mauna ka na sa room," he said softly. Tumango si Cassie at tumangkayad para halikan siya sa labi. Akala niya ay mabilis lang na halik pero humawak ito sa leeg niya at mas pinalalim ang halikan nila kaya buong puso naman niyang tinugon ang halik nito. Nang naghiwalay ang mga labi nilang dalawa ay parehas silang hinihingal. "Akala ko hindi ka marunong humalik," hinihingal na sabi nito. "Hindi naman ako pinanganak kahapon. Torpe ako, pero alam kong humalik ng maayos." Tumawa si Cassie at niyakap siya bago nagpaalam at nauna nang pumasok sa building kung nasaan ang department nila. Napahawak siya sa leeg niya at naglakad papunta naman sa library dahil may heheramin siyang libro kaso nakita niyang papalabas si Sweetness kaya biglang nangunot ang noo niya at hinatak ang dalaga papasok sa library at hinila sa tagong bahagi ng library. "Josh," malambing na tawag nito sa pangalan niya. Tinitigan niyang mabuti ang dalaga. Kung sila man ni Kaito ay wala na siyang magagawa. Mabuti na rin para alam nila kung saan lulugar ang isa't isa. Meron na siyang Cassie. Napansin niyang namamaga ang mga maya nito at namumula rin 'yon. Umiyak ito? Bakit? Napabuntong hininga siya at tumingin ulit kay Sweetness na nakatingin lang din sa kanya. "About pala doon kay Kaito ka---" "L-let's stop this, Sweetness." Natigilan ang dalaga dahil sa sinabi niya. Matagal itong nakatitig sa kanya. Bakit hinihintay pa niya ang sagot ng dalaga..? Umiwas ang dalaga ng tingin sa kanya. Tapos umango-tango kaya bumilis ang t***k ng puso niya. Mahal siya ni Sweetness. Hindi ito ang inaasahan niyang magiging reaksyon at magiging sagot nito sa kanya. "Sige, kung 'yan ang desisyon mo," sabi nito at ngumiti. Natigilan siya dahil sa bilis nitong pagpayag sa desisyon niya. Kasi may Kaito na 'to..? "Una na ako sa classroom. Itigil na natin." Iniwan siya ni Sweetness na nakatulala. 'Tangina bakit masakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD