Chapter 13

3491 Words
Enjoy Reading:) "BAKIT feel ko may problema ka?" napatingin si Sweetness kay Kaito. Nandito kasi silang dalawa sa rooftop ng building kung nasaan ang condominium nila ni Kaito. Gusto niya kasing makalasap ng sariwang hangin. Gusto niya rin makapag-isip nang maayos. Pursigido rin si Kaito na ligawan siya. Iniisip niya rin ang nangyari kanina sa mansyon ng tito niya. Bakit biglaan naman siyang gustong kunin ng asawa ng ama niya? Ano ang binabalak ng mga ito sa kanya? "Wala naman," mahinang sabi niya. "Wala pero ganyan ka." Kunot noo naman siyang napatingin kay Kaito. "Bakit? Ano ba'ng napapansin mo sa akin?" kunot noong tanong niya at tinitigan si Kaito na nakatingin din sa kanya. "Hindi ko alam. Nararamdaman ko lang na may problema ka," sabi nito habang titig na titig sa kanya. "Wala akong problema," mahinang sabi niya. "Liar," mahinang sabi nito at umiwas nang tingin sa kanya. Ang gwapo talaga nito. "Ang gwapo mo." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa lumabas sa bibig niyang salita. Nakangisi naman si Kaito na tumingin sa kanya. "Pa-check up ka na," sabi nito habang nakangisi "baka kasi may nararamdaman ka na sa 'kin." Tumawa naman siya at napatingin sa mga daliri niyang namumula dahil sa away nila ni Cassie kanina. Puro na lang ang Nanay niya ang ginagamit para lang insultuhin siya, hindi naman niya kasalanan na binuhay siya nito. Kung alam niya lang na ganito ang pagdadaanan niya ay hindi nalang dapat siya nabuhay. Paano siya magpapasalamat na nabuhay siya kung hindi naman siya naging masaya. "Kaito," tawag niya sa binata na tahimik lang din sa tabi niya. "Hmm?" "Lumaki ka ba sa mapagmahal na pamilya?" mahinang tanong niya dito at tumingin dito, "lumaki ka bang masaya sa mga magulang mo?" Ngumiti naman si Kaito at hinawakan ang kamay niya. "Hindi ko alam, Sweetness," sabi nito at ngumiti sa kanya. Umiwas nang tingin sa kanya si Kaito at ngumiti ng pilit. Alam niyang pilit 'yon lalo't gano'n ang madalas niyang ipakita sa lahat ng tao sa mansyon ng Tito niya. "Parang wala naman silang pakialam sa amin at naka-focus sa trabaho. Bigay lang sila nang bigay ng pera, hindi naman 'yon ang kailangan namin ni Lucian..." sabi nito at ngumiti sa kanya ng pilit. "...buong buhay ko ako ang tumayong ama kay Lucian kaya pakiramdam ko, ako ang may kasalanan kung bakit siya nagrerebelde. Isa pa na bakit paulit-ulit na kailangang piliin ang pangarap? I mean hindi ba pwedeng 'yong mga taong nagmamahal mula sa 'yo ang unahin mo kahit minsan lang?" Hindi ba sila pinili ng mga magulang nila at pilit na mas inuuna ang mga pangarap ng mga ito? "Sino si Lucian?" tanong niya at nakatitig sa kamay ni Kaito na nakahawak sa kanya. "Lucian, batang kapatid kong lalaki." Buti pa ito ay may kapatid na masasabing kahit papaano ay hindi siya nag-iisa. Samantalang siya, mag-isa niya lang at madami pang utang na loob sa mga kumupkop sa kanya. "Maswerte ka pa rin dahil kahit papaano ay may pamilya ka," sabi niya at ngumiti ng pilit. "Samantalang ako, wala kahit na isa." Nakita niyang napatingin sa kanya si Kaito. "Buong buhay ko ay nakatira ako sa puder ng kapatid ng ama ko. Anak kasi ako sa labas at iniwan ako ng nanay ko." Pinunasan niya ang tumulong luha sa mga mata niya, "hindi ko nga kilala kung sino siya, kung ano'ng mukha niya, kung ano'ng pangalan niya, kung ano'ng dahilan niya bakit niya ako iniwan sa kapatid ng ama ko. 'Yong tatay ko namang makasalanan. Ayon, namatay nang hindi man lang nakakabawi sa 'kin." Nakatitig sa kanya si Kaito na puno ng paghanga sa kislap ng mga mata nito. "Bakit?" tanong niya dito dahil nakatitig talaga ito sa kanya. "Ang ganda ng buwan, hindi ba?" Tumawa siya. "Hindi uubra sa 'kin 'yan." "Kahirap mo namang landiin." "Mas mahirap akong mahalin," mahina niyang sabi. Ayaw niyang paasahin ang binata. Lalo't iba rin pala ang pinagdadaanan nito sa magulang. "Kasi may mahal kang iba? Sabihin mo sa 'kin para alam ko kung kanino kita aagawin? Gusto ko na agad humingi ng tawad sa kanya." "Kaito," tumitig siyang mabuti dito dahil sa sinabi nito. "Seryoso ako, maghanda na siya dahil siguradong aagawin kita sa kanya," sabi nito at hinawakan ang kamay niya. "Nang araw na sinabi kong may gusto na ako sa'yo. 'Yon din ang araw na pinangako ko sa sarili kong mapapansin mo ako. Masyado kalang mailap kaya hindi kita malapitan at pormahan ng maayos." "Gusto ko ng magpahinga, Kaito." Hindi kasi niya alam kung paano pakikisamahan si Kaito. Umamin lang ito sa kanya na may gusto ito. Hindi niya alam kung ano'ng dapat na i-react. Ngumiti si Kaito at tumango tango. Nilahad nito ang kamay sa kanya, "halika na, ihahatid na kita sa condo mo." Hinawakan niya ang kamay nito at tumayo pero nang maglalakad na sila ay binitawan niya ang kamay nito. Hindi siya komportable sa hawak ni Kaito. Nakarating na sila sa harapan ng condo niya kaya ngumiti sa kanya si Kaito. "Tatawagan kita mamaya... malapit na ang finals namin kaya kailangan ko rin magreview." Tumango naman siya at nagpaalam na kay Kaito kaso hinawakan nito ang kamay niya kaya humarap siya ulit dito. Nanlaki na lang ang mga niya nang bigla siya nitong halikan sa pisngi. "Next time, I'll make sure I kiss your red lips," yumakap ito sa kanya. "Goodnight, Sweetie." Natigilan siya at hindi nakagalaw sa kinatatayuan niya kaya narinig niya ang mahinang tawa ni Kaito. "H'wag ka munang mahulog, hindi pa ako nagsisimulang akitin ka," sabi nito at hindi niya namamalayan na nakuha na nito ang key card niya at ito na mismo ang nagbukas ng pinto niya. "Pumasok ka na sa lo ---" "Kuya," napatingin silang dalawa ni Kaito sa nagsalita. "Lucian? What are you doing here?" tanong ni Kaito. Ito siguro ang tinutukoy nitong nakakabatang kapatid. "Money." Lumapit ito sa kanila at tumitig sa kanya bago tumingin kay Kaito, "bagong babae na naman." "Lucian." May diing tawag ni Kaito sa pangalan ng kapatid. "Sige, papasok na ako sa loob," sabi nito at ngumiti kay Kaito at sa kapatid nitong malamig ang tingin sa kanya habang nakangisi. Kumamot si Lucian sa kilay nitong may lining, "hindi mo ba ako ipapakilala?" "Lucian, magtigil ka. Sige na Sweetness, aalis na kami. Goodnight," nakangiti nitong sabi sa kanya. "Sige, goodnight," magalang na sabi niya at sinarhan na nang pinto ang nagkapatid. Napabuntong hininga siya. Hindi ko gusto ang presensiya ni Lucian. Para siyang masamang tao. Nagiging judgemental na siya. Nagmamadali siyang pumunta sa kwarto niya dahil iniwan niya do'n ang cellphone niya. Inopen niya 'yon at malalaki ang mga mata dahil ang daming missed calls at texts mula sa iisang tao na iniwasan siya sa loob ng dalawang araw. Nanginginig na inopen niya ang mga text ni Josh sa kanya. From: My Love ? Sweetness... : Napasa mo na ba kay Prof. 'yong plates mo? : Busy ka ba? : I'm sorry. : Sige, hindi na kita guguluhin. Mag-usap tayo bukas. Nanginginig na pinatay niya ang cellphone niya. "Bakit gusto niya akong kausapin?" HINIHINTAY NI JOSH si Sweetness sa kotse niya. Nandito siya sa likod ng University nila dahil madalang lang naman ang estudyante na pumupunta dito. Nakita niyang naglalakad si Sweetness kaya napatitig siya dito. Ang simple lang talaga nito at bigla na lang tumibok ang puso niya ng masinagan ng araw ang mukha nito. Humawak siya sa dibdib niya at huminga ng malalim. Nakita nito ang kotse niya kaya lumapit ito at pumasok. Tumingin siya rito. "B-bakit gusto mo akong kausapin?" tanong nito habang nakayuko. Napahawak siya sa batok niya dahil hindi niya alam ang isasagot dito. Bakit nga ba? Dahil binabaliw siya nito? May mali sa desisyon niya? Na hindi na niya alam ang nararamdaman niya? Na nagpadala lang siya sa ideyang 'matagal' na niyang mahal si Cassie? "Hindi mo ako pinansin nang dalawang araw." Lumingon siya rito at nakatingin na ito sa kanya. "Nakipagsabunutan ka kay Cassie," sabi niya dito habang titig na titig sa mga mata nito. Umiwas ito sa kanya ng tingin, "pagsasabihan mo ako? Tinanong mo ba kung ano'ng dahilan ng away naming dalawa?" Nakikita na niya ang inis at sama ng loob sa mga mata ng dalaga dahil sa sinabi niya. "Ako..." Lumingon ito sa kanya. "Ako ang pinag-awayan niyo." Hindi na nagsalita si Sweetness habang nakatingin sa kanya. "Bakit mo siya sinaktan?" tanong niya. Hindi naman makapaniwala si Sweetness habang nakatingin sa kanya. "Ano ang gusto mo? Hindi ko ipagtanggol ang sarili ko dahil lang si Cassie ang kaaway ko? Sinabi niya rin ba sa 'yo na ininsulto niya ang Nanay ko? Nasaktan din naman ako, Josh, why are you so unfair here?!" tanong nito habang nakatingin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Sweetness, "wala naman akong sinabing mali mo." Nanlaki ang mga mata nito. "Saan ang mga pasa mo?" HALOS HINDI MAKAHINGA si Sweetness dahil sa paghawak ni Josh sa kamay niya. "Saan ang mga pasa mo?" Hindi siya nakasagot kaya nagulat na naman siya nang hawakan nito ang leeg niya at sinuri 'yon. Puno kasi 'yon ng karmot. Matulis kasi ang kuko ni Cassie kaya dehadong-dehado siya. "Hindi mo na sana siya pinatulan," hinawakan nito ang kamay niya at sinuri pati braso niya. "Ang dami mong pasa, mas napuruhan ka pa kaysa kay Cassie." "J-josh." Napahawak siya sa kamay nito dahil humapdi ang sugat niya sa leeg dahil sa paghawak nito. "Sorry." "Kayo na ba ni Cassie?" nagulat ito sa tanong niya kaya humiwalay ito sa kanya. Hindi ito sumagot kaya alam na niya agad. Kaya hindi na siya pinapansin nito. Kailangan siya nitong layuan para mabaling lahat ng atensyon nito kat Cassie. Isa pa nilinaw na ito ni Josh sa kanya na oras na magkaroon ng label ang relasyon nito at ni Cassie ay tapos na ang kung anong namamagitan sa kanila. Siya lang talaga ang mapilit. "Kayo na, hindi ba?" natawa siya nang mahina dahil sobrang sakit ng puso niya. Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Nagmamadali siyang kunin 'yon mula sa bulsa ng uniform niya. Kaito's calling... Tumingin siya kay Josh na nakatingin sa cellphone niyang tumutunog. Sinagot naman niya 'yon pero nagulat siya nang kunin 'yon ni Josh at pinindot ang speaker bottom. "Sweetie! Free ako ngayon! Lunch tayo?! Nasaan ka?" narinig nila ni Josh ang masayang boses ni Kaito sa kabilang linya. "A-ahm, Kaito..." "Papunta na ako sa architecture department. Hintayin mo na lang ako." "Nasaan ka ba?" tanong niya at tumingin kay Josh na masama ang tingin sa kanya. Hindi siguro nito nagustuhan ang sagot niya kay Kaito. Bakit ito galit kung may girlfriend naman na ito? Ito ang dahilang kung bakit nalilito siya sa pinapakita ni Josh. Mixed signals. Na dahilan kung bakit mas nasasaktan pa siya. "Papunta sa parking lot... 'Kaito, lunch!'" May narinig siyang boses ng lalaki at inaaya si Kaito. "'Hindi ako pwede pre, may kasama ako sa lunch.' "Okay lang, Kaito. Makisabay ka na lang sa kanila ng lunch," sabi niya dito. "Ayaw mo akong kasama kumain? Hindi naman kita kakainin, magla-lunch lang naman tayo, promise, lunch lang talaga," sabi nito at malakas na tumawa. Nanlaki naman ang mga mata niya, "Kaito!" "Joke lang! Binibiro lang kita, Sweetie. Hindi ko naman basta-basta gagawin 'yon sa 'yo ng walang pagpayag mula sa 'yo." Pinatayan na ni Josh si Kaito kaya gulat siyang napatingin dito na iba na ang kislap ng mga mata nito. "Two days lang kitang 'di pinansin, may Kaito ka na agad," malamig na sabi nito. Hindi siya nakaimik at kinuha ang cellphone niya para itext si Kaito. To: Kaito Pwede next time na tayo mag-lunch ng sabay? May pupuntahan kasi akong importante, Kaito. Agad naman siyang nakatanggap ng reply sa binata nang sinend niya ito. From: Kaito Oh, okay. Next time. Mag-iingat ka, papakasalan pa kita.? Namula naman siya dahil sa text nito sa kanya bago tumingin kay Josh ng paandarin nito ang sasakyan nito. "S-saan tayo pupunta?" kinakabahan na tanong niya dito. "Kakain," malamig na sabi nito habang nakafocus sa daan. Tahimik na lang si Sweetness sa passenger seat. Napatingin na lang siya sa mga kamay nila ni Josh. Bigla na lang kasi siya nitong hinawalan sa kamay. Tumingin siya kay Josh na focus pa rin sa daan ang tingin. Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakahawak nito pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. "Stop," malamig nitong sabi sa kanya kaya napabuntong hininga siya. "Kayo na ni Cassie, pero ganito ka sa akin? Saan ako lulugar?" mahinang tanong niya habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay. "Saan ka lulugar? Dito sa tabi ko." So selfish. Sarili lang ni Josh ang iniisip nito. Napalunok siya at tumingin dito, "kayo ni Cassie, tapos merong ako? Bakit ayaw mong mag-let go ng isa?" Lakas loob na niyang tanong dahil natatakot na siya sa kung ano ang mangyayari. "Gusto mo bang may i-let go ako? Okay... Lumabas ka na ng kotse ko." Nagulat siya sa sinabi nito. Unti-unting tumigil ang kotse nito kaya natawa siya. Hindi deretsyong sagot pero alam na niya agad ang ibig nitong iparating sa kanya. It's Cassie. Si Cassie talaga ang gusto nito. Agad niyang binuksan ang sasakyan nito at lumabas. Tumalikod siya rito at naglakad papalayo. Nilalamon ng sakit pero sanay na siya. Nag-uunahan na tumulo ang mga luha sa mga mata ni Sweetness habang naglalakad siya papalayo sa kotse ng binata kung nasaan ito. Si Cassie ang pinili nito. Hindi man 'yon mismo lumabas sa bibig ni Josh, ang paalisin siya ng gano'n-gano'n lang ang hindi niya matanggap. Napakagat siya sa ibabang labi habang umiiyak. Napayuko na lang siya dahil hindi niya maramdaman ang puso niya. Nagulat na lang siya nang may yumakap sa likod niya. Mas umiyak siya ng malakas dahil alam niya kung sino 'yon. "Josh." "'Tangina, Sweetness. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Don't leave." "GUSTO KANG MAKILALA ni Daddy." Magkasama silang dalawa ni Cassie. Napatingin si Josh sa phone niya nang nag-vibrate ito. Naka-silent kasi ito. From: Nestor Nakauwi na ako. ☺ Tumingin siya kay Cassie na nag-cecellphone rin naman. Nasa isang Italian Restaurant sila para mag-dinner. Mas maganda naman na nandito sila kaysa sa isang bar. Hindi niya gusto na nasa bar sila. Mabilis siyang nagtipa ng sagot kay Sweetness. Oo, pinalitan niya ang pangalan ni Sweetness na naka-phone book sa kanya dahil kinukuha kasi si Cassie ang phone niya. Nag-dedelete naman siya ng mga text ni Sweetness kapag nabasa na niya ang text nito. Pinalitan niya sa 'Nestor' ang pangalan nito. To: Nestor Tatawagan kita mamaya. ? Magpahinga ka na muna diyan. From: Nestor Sige. Text ka kapag wala ka nang gagawin. "Josh! Nakikinig ka ba sa 'kin?" Mabilis niyang dinelete ang conversation nila ni Sweetness. "Oo, parang ang bilis naman niya akong gustong makilala," sabi niya at kinuha ang baso na puno ng tubig. "I immediately told them that I had a boyfriend." Uminom ito ng wine. "And that's you. Gusto kong malaman nila agad kasi ayaw kong maglihim sa kanila. H'wag mong sabihin na gusto mo akong ilihim sa mga magulang mo," tanong nito habang nakataas ang isang kilay sa kanya. "Of course not, syempre kinakabahan ako kumarap sa Daddy mo." Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil pakiramdam niya ay sobrang laki ng kasalanan niya dito. He's cheating. Buong buhay niya hindi niya naisip na gagawin niya 'to. Of coarse, malaking-malaki talaga. Hindi niya ma-let go si Sweetness kahit sila na ni Cassie. Bakit?! "My parents were not scary," Cassie said while smiling before she hold his arm, "please, gusto ka talagang makilala ni Daddy." Napalunok siya. Ibig sabihin makikita niya rin si Sweetness?! Hindi! May sarili na itong condominium. Imposibleng nando'n din ang dalaga kapag pupunta siya sa mansyon ng mga magulang ni Cassie. Ngumiti siya sa girlfriend niya. "Sure, sabihan mo na lang ako kung kailan ako dadalaw." "This weekends." Sobrang saya nito. "Okay." Ngumiti na lang siya dito. "Ikaw, kailan mo ako balak na ipakilala kila tita?" Noon ay ito talaga ang gustong-gusto niyang makilala ng mga magulang niya at iharap sa altar. Gusto niyang sumabog dahil sobrang sama niya. Dalawang babae ang hinahawakan niya kahit hindi naman dapat. Tangina, magpinsan pa! "Okay sige, titignan ko kung kailan hindi busy sila Dad." Ngumiti siya dito at napabuntong hininga. "Nice!" Kapag ipinakilala ko na ito, ibig sabibin ito na ang ihaharap ko sa altar. NASA HARAPAN ng drafting table si Sweetness at gumagawa ng location plan. Sobrang hirap naman kaya nanggigigil siya. Baka magawa niya itong ng dalawang araw, depende sa oras na ilalaan niya para makatapos ng isang plates. Napatingin siya sa phone niya nang tumunog ito kaya kinuha niya at napangiti. My Love? 's calling Agad niya itong sinagot. "Hindi ka na busy?" nakangiti niyang tanong. Umalis siya sa harapan ng drafting table niya at nahiga sa kama. Niyakap siya nito kanina at sinabing hindi siya nito kayang binatawan. Umasa na naman siya na baka bandang huli ay siya ang piliin nito kasi kung totoong mahal nito si Cassie ay hindi naman ito magpapatukso sa kanya. Baka mamahalin din talaga siya nito. "Hmm, ano'ng ginagawa mo?" Narinig niya ang pabagsak nang isang bagay. "Plates." Tumingin siya sa drafting table niya pero mas gusto naman niyang kakausap si Josh. "Nakakaabala ba ako?" napangiti siya sa tanong nito kaya umiling siya kahit hindi naman nito nakikita. "Hindi naman. Wala ka na rin bang gagawin?" "Kakain na lang," mahina nitong sabi. "Saan kayo pumunta ni Cassie?" Nasaktan siya dahil sa tinanong niya kay Josh. "Italian restaurant. Hindi naman ako nabusog. Para akong kambing dahil panay damo inorder ni Cassie." Halata na hindi talaga nito nagustuhan ang pinuntahan. Gusto niyang matawa dahil sa sinabi nito. "Kumain ka na lang ulit. Nakita mo naman kung gaano kasexy si Cassie." Ayaw niyang pag-usapan si Cassie pero sinasabayan na lang niya si Josh. Sa ngayon si Cassie pa rin kasi ang mahal nito. "Ikaw, kumain ka na ba?" tanong nito sa kanya. "Oo, kanina pa ako kumain. Kumain ka kaya muna bago mo ako tawagan," sabi niya at uminom ng tubig sa mineral bottle malapit sa kama niya. "Sige. Mamaya na lang ulit, Sweetness," sabi nito at pinatayan siya ng tawag. Nakahiga naman siya at napangiti bago binuksan ang twitter niya na wala namang nakakakilala na siya 'yon dahil nakatago identity niya. Dito niya lang kasi nailalabas ang tunay niyang nararamdaman. More on kadramahan ang tweet niya. Minsan naman ay about kay Josh. Meron naman na siya 684 followers. Siguro mada-drama din ang mga buhay ng followers niya dahil gustong gusto ang mga tweet niya. Nag-tweet siya dahil masaya siya ngayon kahit na ba nakikipagsiksikan siya. Si Josh naman ang may gusto. 'Still into him!' Gusto niyang matawa sa sarili dahil sobrang kilig na kilig na siya kahit na hindi naman siya ang binigyan ng commitment. Iniintindi niya si Josh na nahihirapan itong mamili sa kanila ni Cassie. Lahat talaga ng imposibleng bagay, nagagawa mo kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Nakakatakot 'yon. Natatakot siya para sa kanyang sarili. Pero si Josh lang talaga ang gusto niya. Gustong gusto niya si Josh. Napatingin siya ulit sa cellphone niya ng mag-chat si Josh sa kanya. Gumawa ito ng ibang f*******: account dahil mukhang ino-open ni Cassie ang mga account nito sa social media. Uu Mercadez : Gusto kitang makita... ? Napangiti siya dahil sa kilig. Wala siyang pakialam kung kachat nito si Cassie basta kinikilig siya kay Josh. Kahit ba parang namatayan ito sa profile picture nito. Natawa na lang siya at nag-reply dito. Sweetness Villanoza: Ngayon na? Uu Mercadez: Hmm-hmm. Gusto ko ng sex... Nawala ang mga ngiti ni Sweetness. Gusto lang ba siya nitong mag-stay kasi naibibigay niya ang pangangailangan nito? Unti-unti niyang binaba ang cellphone niya ang napahawak sa dibdib niyang sumakit na naman. Ilang sandali lang ay sunod-sundo ang chat sa kanya. Uu Mercadez: Joke lang... : Sweetness...? Nagseseen pala siya, hindi niya namamalayan. : H'wag kang mag-isip ng kung ano ano... : Sorry, Strawberry. : Nakaka-adict ka kasi... : Sorry... Sweetness Villanoza: Ayos lang hahahaha. : Hindi rin ako pwedeng makipag-kita. Gabing-gabi na. : Sorry... : Gustong-gusto mo na ba? Uu Mercadez: Hindi, hindi sa gano'n, Strawberry. : Nagbibiro lang ako. Gusto lang talaga kita makita. : Videocall nalang... ☺ Nagmamadaling tumayo si Sweetness at tumungin sa salamin bago kinuha sa bag niya ang liptint n'ya at polbo para mag-ayos. Ayaw naman niyang nagmukhang Nanay sa harapan ni Josh dahil nakapusod ng pataas ang buhok niya at maputla ang mukha. Tumunog ang phone niya pero hindi niya pinansin hanggang sa namatay 'yon at ilang beses na tumunog na sign na may nagchat sa kanya. Nagmamadali siyang humiga ulit sa kama at tatawagin sana si Josh ng mabasa niya kung sino ang nagchat sa kanya. Kaito Bacherro: Kay Josh pala kita aagawin. Nagmukha akong tanga nang nag-lunch tayong tatlo. ? : Wala pa rin akong balak na isuko ka. : Sinimulan ko na. Hindi ako basta-basta sumusuko kahit kaibigan ko pa ang aagawan ko. Kaito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD