Enjoy Reading:)
KINAKABAHAN SI SWEETNESS na pumasok sa mansyon ng Tito Simon niya. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari ngayon.
Wala silang pasok ngayon. Dalawang araw na siyang nilalayuan ni Josh, at masakit 'yon. Kahit na anong tawag niya rito ay hindi siya nito kinakausap. Medyo ayos naman na ang pakiramdam niya.
Nakatulong naman ang pain reliever na inunom niya nitong nakaraang araw.
Hindi na gano'n kasakit ang p********e niya.
Ayos na kung tutuusin.
Ang kinakatakot niya ay pati si Cassie ay hindi man lang siya pinapansin, hindi man lang siya nito sinusugod. Nakita nitong magkasama silang dalawa ni Josh. Gabing-gabi.
Napahawak sa sentido si Sweetness. Kinakabahan siya, paano kung nagsumbong sa Tito niya si Cassie? Ayaw naman niyang kung anong isipin sa kanya ng nag-iisa niyang pamilya.
Baka hindi na siya nito pagkatiwalaan kapag nalaman nitong umuuwi siya sa condominium niya ng gabi at may kasamang lalaki.
Alam din naman niyang galit sa kanya si Cassie.
"Sweetness, nandito ka na." Napatingin siya sa tito niya kaya agad siyang ngumiti kahit na kinakabahan siya.
"Magandang tanghali, tito."
"May hinihintay lang tayo ngayong bisita. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo," sabi nito at ngumiti sa kanya. "Ipapatawag na lang namin kayo ni Cassie kapag kakain na."
Tumango naman siya at nagmamadaling umakyat sa kwarto niya pero nasalubong niya ang tita niya na pababa sa hagdan.
Kung para sa kanya lang ay ayaw na muna niyang umuwi rito. Natatakot siya sa pwedeng mangyari at sa masasakit na salitang matatanggap niya pero hindi naman pwedeng tanggihan ang imbitasyon ng Tito niya.
"Magandang tanghali, tita," mahinang sabi niya.
Hindi siya pinansin nito at deretsyo lang sa pagbaba.
Napabuntong hininga siya. Kahit kailan ay hindi aamo ang tita niya sa kanya.
Papasok na sana siya nang hawakan ni Cassie ang braso niya.
"Sa tingin mo ay tapos na ako sa 'yo?" malamig na tanong ng pinsan sa kanya. "Ang lakas talaga ng loob mong kalabanin ako at magpakita pa sa akin dito."
"Cassie, I do not know what you're saying," sabi niya rito at napabuntong hininga. "Wala namang kayo."
"Sigurado ka ba? Are you sure, Sweetness? Is the words 'we don't have a relationship' a basis for you to be a fool?" Cassie asked, coldly.
Natigilan siya dahil sa tanong ng pinsan kaya muli niya itong tinignan.
"Anong nangyari sa inyo nang gabing 'yon, Sweetness?" mapanghusga nitong tanong sa kanya. "Ang landi-landi mo talaga."
"Bakit hindi mo itanong kay Josh 'yang tinatanong mo sa akin? Sasagutin ka naman siguro niya."
Malakas na tumawa si Cassie dahil sa sinabi niya bago hinatak ang buhok niya kaya halos matumba siya. Napahawak siya sa kamay nitong nakasabunot sa kanya.
Sobrang sakit ng anit niya.
"You have not exhausted my strength as your opponent, Sweetness... Hindi pa ako gumagalaw, talo ka na. Ano bang pinagmamalaki mo?" tanong nito at mas hinigpitan ang pagkakasabunot sa kanya. "Ipinagmamalaki mo 'yang kalandian mong namana mo sa nanay mong bayaran?"
Malakas niyang tinanggal ang pagkakasabunot ni Cassie sa kanya at malakas itong sinampal.
Napapagod na siyang palagi na lang hinahayaan na ganituhin siya ni Cassie.
Nakita niya ang gulat sa mga mata nito dahil malalaki ang matang napatingin ito sa kanya na puno ng galit.
Hindi rin siguro inaasahan ang biglaan niyang pagiging agresibo.
"You have no right to insult me, I'm not insulting you, Cassie," malakas ang loob na sabi niya sa pinsan.
Nagulat na lang siya ng bigla siya nitong sinugod.
"Ang lakas ng loob mong idapo 'yang madumi mong kamay sa pisngi ko! Ang landi-landi mo!" malakas na sigaw nito at hinahatak na nito ang buhok niya.
Gumanti naman siya ng sabunutan dito. Hindi na niya hahayaan na ganituhin siya ng pinsan, kahit na ba malaki ang utang na loob niya sa mga magulang nito.
She was tired of hearing insults from her cousin. Gusto naman niyang ipagtanggol ang sarili mula dito.
Napahiga na silang dalawa dahil sa sabunutan nila. Masakit na ang anit niya at gano'n din ang ilang parte ng katawan niya na mukhang puno na rin ng karmot dahil may kahabaan ang mga kuko ng pinsan.
Nakadagan na sa kanya si Cassie at pinagsasampal siya hanggang sa makarinig sila nang mga yabag papalapit sa kanila.
"What's happening? Why are you two fighting?!"
Agad-agad silang pinaghiwalay ng tito niya.
Bigla na lang dumapo ang kamay ng tita niya sa pisngi niya.
"Where did you get the courage to hurt my daugther right here in our own house?!" galit na galit na sigaw ng tita niya.
"Honey!" sigaw din ng tito niya.
Malamang si Cassie ang kakampihan ng mga ito.
Napayuko na lang si Sweetness at nag-uunahan na tumulo ang mga luha niya.
"Bakit kayo nag-aaway?!" sigaw ng tito niya.
"Kasalanan niya! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Cassie at susugod pa sana ito sa kanya nang hinarangan ito ng tito niya.
Nag-angat siya ng tingin dito.
"Ikaw ang nauna, ininsulto mo ang nanay ko," umiiyak na sabi niya.
"Totoo naman ang sinabi ko! Parehas kayong malandi ng nanay mo!" sigaw nito.
"Cassandra!" bigyang sigaw ng tito niya.
Umiiyak naman siyang pumasok sa kwarto niya at iniwan ang mga ito. Para siyang walang kakampi. Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya.
Nagtalukbong siya ng unan sa ulo at tinakpan ang mga tenga niya dahil naririnig niya pa rin ang sigawan sa labas ng kwarto niya. Hindi na lang sana siya pumunta dito. Nakakahiya na makipagsiksikan pa siya dito.
Iyak lang siya ng iyak. Gusto niyang isisi lahat sa mga magulang niya kung bakit niya nararanasan ang mga ito!
Hindi na lang sana siya binuhay ng mga ito kung wala sa balak nilang alagaan siya. Nandito siya ngayon, dalawang dekada na siyang nagdurusa at nangungulila sa pagmamahal ng isang magulang.
Bakit nagpasarap lang ang mga ilo?! Samantalang siya na wala namang kamuwang-muwang ay binuhay nila para magdusa.
Narinig niya ang pagbukas ng kwarto niya.
Matagal bago siya nakaramdam na may umupo sa kama niya.
"H'wag ka nang umiyak, Sweetness," narinig niya ang boses ng matagal ng katulong dito sa bahay ng tito niya. "Hindi bagay sa nangungusap mong mga mata ang luha."
Umupo siya at tumingin sa Nanay Eve niya. Kalaro niya ito ng mga bata palang sila ni Cassie.
"N-nay..." umiiyak na tawag niya dito. "Bakit ko po ito nararanasan?"
"Hindi ko alam anak, hindi ko alam. Simula nang iwan ka ng nanay mo dito. Naisip kong lalaki kang kulang. Lalo at hindi ka mahal ng tita Carmela mo," sabi nito habang titig na titig sa mga mata niya.
Kilala nito ang nanay niya?! Kilala nito!
"Kilala niyo po ang totoo kong ina? 'Nay, sino po?" kinakabahan na tanong niya pero biglang yumuko ang Nanay Eve niya.
"Shh... Hindi ko alam Sweetness, hindi ko alam."
Nagsisinungaling ito kaya mas umiyak.
"Sinungaling kayo, 'Nay..." napalunok siya ng ilang beses, "... bakit niya ako iniwan dito? Bakit dito?"
Niyakap naman siya ng matandang katulong. Hindi niya alam pero mas naiyak siya dahil sa yakap nito.
"Sa tamang panahon malalaman mo rin ang totoo, anak."
"Hindi ko siya patatawadin, hinding-hindi ko siya mapapatawad."
"Halika na sa baba, anak," sabi nito at humiwalay sa kanya ng yakap. "Nandiyan na ang mga bisita niyo."
Wala namang nagawa si Sweetness kundi mag-ayos at bumaba. Hindi niya gusto pero ayaw naman niyang makarinig na naman mula sa tita Carmela niya. Hindi niya din alam kung galit sa kanya ang tito niya.
Kahit naman anak ang turing sa kanya ng Tito Simon niya ay mas kakampihan at ayaw niyang masaktan ang nag-iisang anak na babae at 'yon ay si Cassie.
Mukhang sila na rin ni Josh kaya nilalayuan na siya ni Josh.
Nang makapasok siya sa dining area ay nakita niya ang asawa ng yumaong ama at mga kapatid.
Katulad ng dati ay masama ang tingin ng mga ito sa kanya lalong-lalo na ang asawa ng ama.
Bakit sa akin sila nagagalit? Hindi ko naman kasalanan ang kalandian ng mga magulang ko...
Umupo siya sa katapat na upuan ni Cassie na masama rin ang tingin sa kanya.
"Bakit mo pala naisipan na bumisita, Helena?" tanong ng tito niya sa asawa ng ama niya.
"Nakapag-usap kasi kami ng mga anak ko at nakausap ko na rin si Carmela. Ako raw ang bahala sabi naman ni Carmela," sabi nito at maarteng uminom ng tubig at pinunasan ang bibig ng table napkin.
"Ano naman 'yon?" tanong ng tito niya habang naghihiwa ng steak.
Tahimik na lang din siyang kumain. Aalis na siya ulit mamaya.
"Iuuwi ko na si Sweetness," sabi nito kaya napatigil siya sa pagsubo ng pagkain.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila. Tumigil din ang ingay na nagmumula sa mga kubyertos.
Kinakabahan siyang napatingin sa tito niya na kalmado lang na binitawan ang tinidor.
"Iuuwi saan?" kalmado na tanong ng tito niya.
Kinakabahan siya na baka pumayag ang tito niya. Tumingin sa kanya ang tito niya at nagtama ang paningin nilang dalawa.
Umiwas naman ng tingin sa kanya ang tito niya kaya mas kinabahan siya.
"Iuuwi sa bahay. She will live in our house, since she really should be there," her tita Helena said.
"Helena was right. Sweetness should live there and not here with us," sabi naman ng tita Carmela niya at tinuloy ang pagkain nito sa steak nito.
Kinakabahan siya at gusto niyang maiyak.
Ayaw niyang tumira sa Asawa ng Ama niya.
"Here is Sweetness' house. We are her family," tumingin ang tito niya sa kanya, "I am her father."
Biglang gumaan ang pakiramdam ni Sweetness dahil sa sinabi ng tito niya.
"Papa Simon. Dapat nasa amin siya. Si Sweetness ay hindi kasali sa pamilya mo," seryosong sabi ng kuya niya.
Tumawa naman ang tito niya at kumain ng steak.
"Nandito siya sa bahay, lumaki siya sa puder ko. Kapatid siya ni Cassie, anak namin siya ng tita Carmela mo. Saan do'n ang hindi mo maintindihan Brandon?" seryosong tanong ng tito niya.
"Simon, anak siya ng asawa ko. Ako dapat ang tatayong ina niya. Ang batang 'yan ang bunga ng kataksilang ginawa niya," galit na sabi ni Helena.
"Hindi aalis sa puder ko si Sweetness," final na sabi ng tito Simon niya kaya masaya siya at napayuko.
Napanatag siya dahil sa desisyon ng tito niya. Hindi niya gusto sa bahay ng asawa ng ama niya. Pakiramdam niya ay sasaktan siya ng mga ito.
"Honey, matagal na ang panahon na nandito si Sweetness," sabi ng tita Carmela niya at hinawakan ang kamay ni Tito Simon. "Sa totoo lang, nakita mo naman ang nangyari sa kanila ni Cassie kanina. Ang daming pasa ni Cassie. Hindi na dapat siya nandito."
"Sang-ayon ako kay Mommy at kay Mama Helena, Dad. Ayaw ko na pong nandito si Sweetness. Noong gabing hindi ako umuwi. Nagpunta ako sa condo ni Sweetness dahil magpapatulong ako sa plates," tumingin sa kanya si Cassie. "Hindi siya pumasok nang araw na 'yon. Hinintay ko siya at gabi siya umuwi kasama ang boyfriend ko."
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Cassie.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ng tita Carmela niya.
"Hindi ba't nagsasabi ako ng totoo? Kasama mo si Josh, gabing-gabi, kaya hindi niyo po ako masisisi kung bakit kinompronta ko kanina si Sweetness," masama ang tingin nito sa kanya.
"So that's the real reason why you ask from my husband to have your own condominium?" galit na tanong ng tita Carmela niya.
Hindi siya mapagsalita.
"Manang-mana ka sa nanay mo," galit na sabi ng asawa ng ama niya.
"Pati si Cassie aagawan mo," nang-iinsultong sabi ng kuya niya.
Naikuyom niya ang kamao niya dahil sa sama ng loob.
"Nagpaalam siya sa akin that night, pinayagan ko siyang lumabas ng gabing 'yon." Napatingin siya sa tito niya. Kasi hindi naman 'yon ang totoo. "About do'n sa boyfriend mo Cassie, tsaka tayo mag-usap kapag tayong dalawa lang. My decision is final. Sweetness will not leave in my house. I'm her father. She belongs here, she will study and graduate. You can't get her."
Tumayo ang Tito niya na parang problemado.
"Dad!"
"Honey!"
Pero bumalik ang tito niya.
"Sweetness," napatingin siya rito. "Halika na."
Tumayo siya at iniwan ang mga tao sa hapagkainan na masama ang tingin sa kanya.
Nakasunod lang siya sa tito niya hanggang sa makapunta sila sa nakaparada nitong kotse sa labas ng bahay nito.
"Ihahatid na kita," sabi nito kaya agad siyang tumango.
"May kukunin lang po ako sa taas," sabi niya at dali-daling umalis at pumasok sa loob ng bahay nito.
Dumeretsyo siya sa kwarto niya at kinuha ang shoulder bag niya at cellphone na iniwan niya dito kanina.
Sana ay hindi na siya bumalik sa bahay na 'to.
Masakit ang anit niya at hindi pa niya nagagamot ang mga sugat na natapo niya. Masakit din ang mga kuko niya.
Lumabas siya at nakitang papadaan si Cassie.
"Magsaya ka lang," mahina nitong sabi bago siya inirapan.
Napabuntong hininga siya at dali-daling pumunta sa labas ng bahay ng tito niya na naghihintay sa kanya.
Sumakay siya sa kotse nito at kinakabahan siya dahil baka pagalitan siya nito. Sobrang nagpapasalamat siya dahil sa ginawa nito kanina para sa kanya. Sobrang swerte niya pa rin kahit na papaano dahil meron ang tito niya para sa kanya.
"Totoo ba ang sinabi ni Cassie?" tanong ng tito niya kaya natigilan siya.
"O-opo..." mahinang sabi niya bago tumingin dito, "Tito hindi po totoong sila ni Josh nang gabing pumunta siya sa condo na binili niyo po para sa akin. Wala po silang relasyon no'n."
"Sino si Josh?"
Hindi siya nakasagot dahil sa tanong ng tito niya.
"Sino siya Sweetness?"
"May gusto po ako sa kanya," bulong niya.
Ayaw niyang magsinungaling sa Tito niya.
"Anong kinalaman niya kay Cassie?"
"Hindi ko po alam tito."
Hindi naman niya alam kung may relasyon na ang dalawa.
Hindi na niya alam ang gagawin kung pati ang tito niya ay talikuran siya.
"Layuan mo ang binatang 'yon," malamig na sabi ng tito niya kaya napayuko siya.
"Tito, ka---"
"Hindi ko gusto na nag-aaway kayong dalawa ni Cassie dahil sa isang lalaki. Layuan mo siya Sweetness, hindi niya ako gugustuhin kung sasaktan ka n'ya."
Kaya niya bang layuan si Josh?
NAPASABUNOT SA buhok si Josh dahil sa inis sa sarili. Napatingin siya sa plates na hindi pa niya tapos at mukhang hindi niya matatapos. Lutang na lutang siya.
Nababaliw na siya!
Hindi niya alam ang gagawin! Dalawang araw na siyang natataranta!
Napatingin siya sa cellphone niya sa ibabaw ng drafting table niya ng tumunog ang phone niya.
My Cassandra calling...
Napabuntong hininga siya. Nobya na niya ang dalaga. Silang dalawa na! Nilayuan niya si Sweetness dahil may nobya na siya. Sila na ni Cassie. Ito ang gustong-gusto niya, una palang! Pero bakit siya nahihirapan kakaisip kung bakit niya hinahanap-hanap si Sweetness?!
Bakit pakiramdam niya ay may kulang?!
Parang may mali sa naging desisyon niya.
"Bakit ang tagal mong sagutin?" malamig ang boses na tanong sa kanya ni Cassie.
"Gumagawa ako ng plates, b-baby," napabuntong hininga siya.
"Gumawa ka na muna. Mag-usap tayo mamaya. Tinatawag ako ni Daddy," malamig na pagkakasabi nito.
Ano na naman ang nangyayari?!
"Take your time, I love you."
Pinatayan na siya ng tawag ni Cassie kaya binagsak niya ang cellphone sa lamesa at napasabunot ulit ng buhok.
Bigla na lang bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa kanila ni Sweetness. Ang ungol ng dalaga na nagpapabalik sa kanya ng lubusan. Ang mabango at malambot na balak nito.
"Putangina..."
Gusto niyang basagin sa ulo niya ang drafting table niya dahil sa inis.
May mali talaga!
Nakita na lang niya ang sarili na tinataas baba ang kaliwang palad sa nakatayo niyang p*********i. Nakaupo siya at nasa drafting table niya lang ang mga plates na kailangan niyang simulan.
"Sweetness..." mahinang ungol niya bago binilisan ang pagtataas baba nang palad niya sa matigas at nakatayo niyang p*********i.
Madiin niyang sinandag ang isang kamay sa lamesa.
"Ah! f**k! Ah!"
Napapikit siya at ang puno ng pagnanasang mukha ni Sweetness habang binabayo niya ito ng gabing 'yon ang nasa isip niya.
"'Tang-ina, Sweetness!"
"Ah! f**k!"
Lumabas na ang malapot na puting katas niya at nakita niyang tumalansik 'yon sa mga papers niya kaya napasabunot na naman siya ng buhok.
Nakalabas pa rin ang ari niya.
"Kailangan ko si Sweetness. Kailangan kong mag-isip ng desisyon."
Binabaliw siya ng dalaga kahit hindi na niya ito pinapansin!
LUMABAS si Sweetness ng condominium niya dahil meron siyang kailangang bilhin dahil bigla na lang siyang dinatnan. Ubos na pala ang stock niya ng napkin. Buti na lang talaga ay napaki-usapan niya ang mga manager ng condominium nila na mag-utos na padalhan siya ng napkin.
Ubos na rin ang stock niya ng mga pagkain. Nagwithdraw ang tito niya kanina at binigyan siya para sa gagastusin niya ng buong buwan sa studies niya at sobrang laki no'n.
Iba pa ang pang-groceries niya sa loob ng isang buwan din.
Nakayuko siya habang naglalakad dahil masakit ang puson niya kaya nagulat na lang siya nang may bumunggo sa kanya.
Nag-angat siya nang tingin at nakita niya si Kaito na mukhang galit dahil nagsibagsakan ang libro nito.
Pero nang nag-angat ito ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila ay biglang nagbago ang aura sa gwapong mukha niyo.
"Sweetness," nakangiti nitong tawag sa kanya. "Wait!"
Nakita niyang pinupulot nito ang mga libro nito kaya tinulungan na lang niya ito pero bigla na lang sumakit puson niya kaya nadiin siyang napahawak do'n at tila maiiyak dahil sa sakit.
"Aray!"
Napatingin sa kanya si Kaito.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango naman siya pero bigla na namang kumirot.
"Sweetness," nag-aalalang tawag nito sa kanya.
"Ang sakit ng puson ko."
Nagtataka naman itong nakatingin sa kanya.
"Kailangan ba kitang dalhin sa hospital?" nag-aalalang tanong nito kaya nakangiti siyang umiling.
"Kailangan ko ng napkin at pain reliever."
Nakakunot pa rin ang noo nito bago unti-unti nitong na-gets ang ibig n'yang sabihin.
Bumaba naman ang tingin nito sa p********e niya kaya bigla siyang namula.
"Hintayin mo ako ah, ibababa ko lang ito sa condo ko at sasamahan kita kung saan ka man pupunta," sabi nito.
Tumango na lang siya at tumayo bago tinignan si Kaito na pumunta sa pinto ng condo nito at nakita niyang isang condominium lang ang pagitan ng condo niya.
Hinintay na lang niya ito dahil sinabi nito.
Lumabas ito at nakasuot na ng pulang jersey jacket.
"Saan ba ang punta mo? Maggagabi na ah," tanong nito.
"Grocery store, diyan lang sa malapit. Paubos na kasi ang stock ko ng pagkain."
"May condo ka pala, yie pinagtagpo na naman tayo. Sorry kung 'di kita nachat at nadalaw sa department niyo. Busy sa finals."
Hindi niya alam kung bakit nagsosorry ito sa kanya. Wala naman itong dapat na ihingi ng tawad.
Sabay silang lumabas ni Kaito sa building kung saan ang condominium nila.
"Kukunin ko lang 'yong kotse ko," sabi nito pero pinigilan niya.
"Maglalakad lang ako," mahinang sabi niya at ngumiti sa binata kaya tumango naman ito at sabay na naglakad dahil walking distance lang naman ang pupuntahan nila.
"Sweetness."
Napatingin siya sa binata dahil sa pagtawag nito sa kanya.
"Huh?"
Hindi naman ito makapagsalita dahil mukhang pinag-iisipan pa kung sasabihin sa kanya.
"Ano ba 'yon, Kaito?" tanong niya dito dahil hindi ito nagsasalita.
"Gusto ko sana manligaw."
Natigilan siya sa paglalakad dahil sa sinabi nito sa kanya. Manligaw?
Pero si Josh ang gusto ko. Si Josh ang gustong kong mapasaakin.
"Okay lang, pag-isipan mong mabuti. Seryoso ako sa 'yo, Sweetness. Napag-isipan ko na ng ilang araw na."
Wala namang problema sa pagiging seryoso nito kasi mukha namang seryoso talaga ito. Ang problema lang talaga ay sa kanya.
Kasi hindi niya pa nagpag-iisipan ay alam na niya ang sagot sa hinihiling nito.
Hindi niya gustong magpaligaw dito kung hindi naman ito si Josh.
"Pag-isipan mo muna, Sweetness. H'wag mo muna akong hindian. Tignan mo muna kung ano ang kaya kong ibigay sa 'yo, Sweetness."
Hindi na lang niya namamalayan na tumango na siya.
Bahala na.